Episode 9

2058 Words
Chapter 9 3rd POV “Ma’am Crystal, nangangailangan po ang kompanya ng encoder. Marunong po ba kayo? Mag-encode lang po kayo ng mga items na lumalabas,’’ naiilang na sabi ni Miss Charmen kay Crystal. Hindi niya inaasahan na asawa pala si Crystal ng anak ng chairman. Hindi man nito nakita ang anak ng chairman, ngunit popular ito sa Holand na isang secret billionaire dahil sa mga ari-arian nito. “Ma’am, Crystal na lang po ang itawag ninyo sa akin. Isa pa kayo pa rin ang supervisor ng company at hindi ko alam na secretary ka pa ni Daddy. Paano niyo po napag-sabay iyon? Tungkol sa trabaho bilang encoder marunong po ako,’’ mahinhin na sagot ni Crystal kay Miss Charmen. Natuwa naman si Miss Charmen nang malaman na marunong si Crystal sa encoder. At least hindi na siya mahirapan na turuan si Crystal. “Pasensya na, Ma’am. Pero, hindi ko po masusunod na Crystal lang ang itawag ko sa inyo. Daughter in law po kayo ng Chairman. Gusto ko rin po sana humingi ng paumanhin sa panghuhusga ko sa’yo noong nakaraan. Malinaw na po na ang tatlo ang naglagay ng mga bote ng alige sa locker mo. Ang galing po kasi nila gumawa ng kuwento. Ano po ang desisyon ninyo sa kanila, ma’am?’’ tanong nito kay Crystal at taos puso ito na humingi ng paumanhin sa panghuhusga nito kay Crystal. Sadyang napakalaki ng puso ni Crystal dahil bibigyan niya pa ng pagkakataon ang tatlo. Hiyang-hiya si Mr. Director kanina nang tingnan nila ang cctv. Kahit na girlfriend nito si Michelle, pero hindi nito kukunsintihin ang ginawa ni Michelle. Humingi ng paumanhin si Joshua sa ginawa ng kaniyang nobya. Subalit ipinaubaya naman ni Mr. Rafael Johnson kay Crystal ang desisyon kung ano ang gagawing parusa sa tatlo dahil sa ginawa nito sa kaniya. Pagkatapos nilang makita ang cctv ay umalis na si Mr. Rafael kasama si Mr. Sandoval. Mag-iikot pa kasi sila sa ibang lugar na pag-aari ng mga Johnson. Kaya, nang umalis ang dalawa ay itinuro naman ni Miss Charmen ang magiging opisina ni Crystal. “Pag-iisipan ko pa kung ano ang parusa ang ipapataw ko sa kanila. Puwede ko sila sampahan ng kaso o hindi kaya paalisin sila dito sa pabrikahan. Kaso, hindi ko naman iyon magagawa dahil baka may pamilya rin na umaasa sa kanila,’’ mabait pa rin na sagot ni Crystal kay Miss Charmen. Lalo pa tuloy nakokonsensya si Miss Charmen sa kabaitan ni Crystal. Dapat nga maging mayabang si Crystal dahil asawa siya ng isang bilyonaryo rito sa bansang maharlika, subalit puno ng kababaang loob ang puso niya. “Napaka-suwerte naman po sa inyo ng anak ng chairman. Bukod sa maganda ka, maganda rin ang kalooban mo sa iyong kapwa,’’ tipid na ngiti na sabi ni Miss Charmen kay Crystal. Nakalimutan niya yata kanina ang narinig nito na nambabae ang asawa ni Crystal. “Sana, masuwerte siya, pero malas naman ako sa kaniya. Sa dami ng mga pinagdaanan ko sa kaniya, tinanggap ko pa rin siya alang-alang sa mga anak namin. Tahimik siguro ang buhay ko kung hindi niya ako nakita sa San Agustin. Marahil masaya ako na inaalagaan ang triplets namin. Kaso napakamalas ko dahil Lola niya pala ang pinagta-trabahuhan ko noon,’’ kuwento naman ni Crystal sa nakaraan niya kay Miss Charmen. Agad niya itong magaanan ng loob, isa pa sabi ng Daddy ni Reynold ay mapagkatiwalaan si Miss Charmen. Kay Miss Charmen nga siya ibinilin ni Mr. Rafael. “Sorry, Ma’am, ha? Hindi ko na dapat binanggit sa’yo ang anak ng chairman. Naalala mo tuloy ang mapait mong nakaraan sa kaniya.’’ Nahihiya na paghingi ng paumanhin ni Miss Charmen kay Crystal. Minsan kasi hindi rin maiwasan ang ugali niya na utsisira. “Wala iyon, Ma’am Charmen. Nakalipas na iyon at iyon din ang naging dahilan kung bakit naging matatag ako. Buong akala ko buo ang pag-ibig niya sa akin, pero hindi pala ako sapat sa kaniya.” Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Crystal. Sumisikip na naman ang dibdib niya sa tuwing naiisip niya na hindi siya sapat para kay Reynold. Sobrang bumaba ang tingin niya sa kaniyang sarili bilang isang asawa ng bilyoner. Inalo-alo naman siya ni Miss Charmen. “Nauunawaan kita, Ma’am Crystal. May mga lalake talaga na hindi kuntento. Hindi mo po iyon kasalanan dahil kahit nagkulang ka pa hindi rason para mambabae.’’ Ngumiti naman si Crystal sa sinabing iyon ni Miss Charmen. Alam niya na pinapalakas nito ang loob niya. “Ganoon talaga ang buhay siguro Charmen. Kapag nagmahal tayo nagiging bulag tayo. Hindi natin naisip ang sarili natin. Umasa ako na magiging masaya ako sa piling niya dahil sa mga pangako niya. Dahil nga sa pag-ibig nagmahal ako ng lubos. Dahil sa pag-ibig, nagbubulag-bulagan ako. At dahil din sa pag-ibig nasaktan ako ng husto subalit pinagsisisihan ko na minahal ko pa siya. Hinding-hindi na ako babalik sa kaniya kahit kailan. Aayusin ko ang buhay ko at alam ko na darating ang panahon na magkikita kaming muli dahil sa mga anak namin, subalit gusto ko kapag dumating ang araw na iyon ay hindi na ako katulad noon na marupok. Kukunin ko sa kaniya ang mga anak namin at kahit magsama pa sila ng kabit sisiguraduhin ko na hinding-hindi na niya masasaktan ang kalooban ko,’’ determinadong sabi ni Crystal kay miss Charmen. Buo na ang kaniyang loob na hindi na babalik sa kaniyang asawa. Pagkatapos tingnan ni Crystal ang kaniyang opisina bukas ay nagtungo sila ni Miss Charmen sa sa gilid ng pabrikahan. Naroon kasi sina Michelle, Janice at Clarita. Gusto silang kausapin ni Crystal tungkol sa paglagay nila ng mga bote ng alige sa locker niya. Siya na mismo ang lumapit sa mga ito. Hindi makatingin sa kanila ang tatlo nang malaman ng mga ito na asawa pala ito ng anak ng chairman, parang sinampal sila ng katotohanan na hindi pala basta-bastang tao si Crystal. “Kayong tatlo kung may ano man ang galit ninyo sa akin sabihin niyo sa akin. Hindi iyong sisiraan niyo ako sa mga pareho nating trabahador dito,’’ sabi ni Crystal sa tatlo nang makaharap niya ang mga ito. Hindi sila nakaimik at makatingin ng diretso kay Crystal. Talagang napahiya sila dahil sa mga pinaggagawa nila. “Sorry, Ma’am Crystal. Binalaan ko na rin ang dalawa pero hindi naman sila nakinig sa akin,’’ mahinang sabi ni Janice. Masama naman ang tingin ng dalawa kay Janice dahil sa sinabi nito. Nasa likod naman ni Crystal si Jonna at Miss Charmen. “Alam niyo ba na nakakahiya sa chairman? Puwede kayong makasuhan sa ginawa ninyo at ipatanggal dito sa pabrikahan. Pasalamat lang kayo dahil hindi na kayo sasampahan ng kaso ni Ma’am Crystal. Humingi kayo sa kaniya ng sorry. At bukas ay sa opisina na siya naka-assign, kaya ayusin ninyong tatlo ang ginagawa ninyo dahil binigyan pa kayo ng pagkakataon!’’ sermon naman ni Miss Charmen sa tatlo. Labag naman sa puso ng dalawa ang ibinalitang iyon ni Miss Charmen sa kanila. “Ayan kasi mga bida-bida! Ano kayo ngayon, ha?’’ taas kilay naman na sabi ni Jonna sa tatlo. Kinalabit naman siya ni Crystal na ibig sabihin ay manahimik ito. Lumapit naman si Clarita kay crystal at yumuko. “Sorry, Ma’am Crystal. Hindi namin alam na asawa ka pala ng anak ng chairman,’’ hingi ng paumanhin ni Clarita. “Sorry,’’ singaw naman sa ilong ang paghingi ni Michelle ng paumanhin kay Crystal. Hindi nito matanggap na napahiya siya. “So, kung hindi kop ala father in law ang chairman balak niyo pa rin pala akong siraan? At dahil diyan sa ginawa niyo sa akin hindi ko kayo sasampahan ng kaso, pero linisin ninyo ang lahat ng banyo at pagkatapos kakalimutan ko ang atraso ninyo sa akin,’’ walang alinlangan na utos ni Crystal sa mga ito. Umawang naman ang labi ng tatlo. Hindi sila makapaniwala na iuutos iyon ni Crystal sa kanila. “Ano pa ang hinihintay ninyo? Linisin na ninyo ang lahat ng banyo,’’ utos naman ni Miss Charmen na sinag-ayunan naman nito ang inutos ni Crystal sa mga ito. Padabog na tumalikod si Michell at Clarita, sumunod naman sa kanila si Janice. “Bleeeh! Buti nga sa inyo,’’ habol pa na pang-asar ni Jonna sa mga ito. “Puwede ka umuwi, Ma’am Crystal. Bukas ka na lang pumasok. Iyon ang bilin ni Chairman kanina na huwag ka na magtrabaho sa area 1,’’ nakangiti naman na bilin ni Miss Charmen kay Crystal. “Salamat ulit, Ma’am Charmen. Puwede na po kayo bumalik sa office ninyo,’’ nakangiti naman na sabi ni Crystal sa supervisor nila. Nang umalis na si Miss Charmen at inangkla naman ni Jonna ang braso niya kay Crystal. “Ma’am Crystal, totoo ba na sa opisina ka na bukas papasok? Wala na akong kasama sa area one,’’ nakasimangot na sabi ni Jonna kay Crystal. “Anong Ma’am Crystal ka riyan? Gusto ko Crystal pa rin ang itawag mo sa akin dahil kaibigan kita. Saka ayos lng iyan kahit sa opisina ako dahil nariyan naman si Ate Rose. At kapag may hindi magandang ginawa ang tatlo sa’yo sabihin mo lang sa akin dahil paparusahan ko talaga sila,’’ sabi ni Crystal kay Jonna. Masayang-masaya si Jonna dahil hindi niya inaasahan na ang anak pala ng chairman ang asawa ng kaniyang kaibigan. Lumipas pa ang mga araw ay hindi tanggap ni Michelle ang ginawa sa kanila ni Crystal. Day off niya, kaya nagkataon naman na umuwi si Jennifer sa San Isidro, kaya nagkita na naman sila ni Michelle. “Bakit ba kanina ka pa nakasimangot?’’ tanong ni Jennifer kay Michelle. Nasa restaurant sila kumakain. “Wala, gusto ko na lumipat ng trabaho. Ipasok mo naman ako sa kompanya na pinapasukan mo,’’ saad ni Michelle kay Jennifer. “Ang ganda na ng trabaho mo riyan lilipat ka pa. Hindi ka naman bagay sa opisina dahil hindi ka naman naka-graduate ng college. Isa pa huwag mo nga dagdagan ang problema ko. Alam mo naman na may hearing pa ako na kinakaharap sa kaso ni Daddy. Mauubos na ang bayad ko sa attorney wala naman nangyayari sa kaso ni Daddy!’’ sabi naman ni Jennifer kay Michelle. “Bwesit kasi ang Crystal na iyon, eh! Pahamak! Alam mo ba nakipag-break sa akin si Joshua kahapon dahil mas kinakampihan niya pa ang Crystal na iyon!’’ sumbong naman ni Michelle kay Jennifer. Nagulat si Jennifer nang bigkasin ni Michelle ang pangalan ni Crystal, subalit hindi kang siya nagpahalata dahil hindi naman alam ng pinsan niya na isa siyang kabit ng asawa ni Crystal. “Ano ba ang ginawa ng babaeng iyon sa’yo?’’ maang na tanong ni Jennifer kay Michelle. “Paano kasi gusto namin siya pag-trip-an, iyon pala kami ang napag-trip-an niya dahil asawa niya pala ang anak ng chairman. Tapos noong nakaraang araw ay pinalinis niya kami ng banyo. Sobrang naiinis talaga ako sa kaniya, lalo na at siya ang dahilan kung bakit nakipag-break si Joshua sa akin,’’ nakasimangot na sumbong ni Michelle kay Jennifer. Dahil sa sinabing iyon ni Michelle ay mukhang may maitim na naman na binabalak si Jennifer kay Crystal. “Gusto mo, ipaghiganti kita?’’ makahulugang tanong ni Jennifer kay Michelle. Ngumisi pa ito na parang impakta. “Alam ko na kung ano ang nasa isip mo, Pinsan. Sige ba, para naman makaganti ako sa Crystal na iyon,’’ sang-ayon naman ni Michelle kay Jennifer. “Bukas ano oras siya umuuwi sa gabi?’’ tanong naman ni Jennifer kay Michelle. Bahagya pang kumibot ang labi ni Michelle sa tanong na iyon ni Jennifer. “Ang pasok niya alas-otso ng umaga tapos minsan nag-a-out siya ng alas-sais ng gabi.’’ Tumango-tango lang si Jennifer sa sagot ni Michelle sa kaniya. Ngumiti siya at malalim ang iniisip, habang sinisimsim ang juice na nasa kaniyang baso. “Huwag mo na siyang alalahanin, Pinsan. May paglalagyan siya sa akin kahit anak asawa man siya ng anak ng chairman,’’ nakakalokong pagngisi ni Jennifer na may maitim na balak kay Crystal. Para sa kaniya ay ayaw niyang may karibal siya sa puso ni Reynold. Gusto niya siya lang ang mahalin ni Reynold. Napapansin niya rin na parang may pagtingin pa si Reynold sa asawa nito dahil lagi itong nakatulala, At hindi nga siya sinipot ni Reynold sa Hotel na sinabi niya noon dahil ang dahilan ni Reynold ay nakalimutan ito ni Reynold dahil sa sobrang busy nito sa trabaho. At gusto niya mawala ang ano mang maaring dahilan na iwan siya ni Reynold. Kaya, uumpisahan niya kay Crystal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD