Episode 10

2041 Words
Chapter 10 CRYSTAL Kailan ka babalik sa ob-gyne mo, Crystal?’’ tanong ni Tita sa akin, habang hinahanda ko na ang babaunin kong kanin sa opisina. “Baka sa day-off ko na, Tita. Na promote po kasi ako sa trabaho ko, kaya ayaw ko naman samantalahin ang binigay na pagkakataon sa akin ng, chairman,’’ sagot ko sa tanong ni Tita. “Talaga na promote ka? Ano na ngayon ang trabaho mo sa pabrica? Sa packaging ka ba na assign?” natutuwang tanong naman ni Tito sa akin, habang humihigop ito ng kaniyang kape. Ngayon ko lang nasabi sa kanila na promote ako sa trabaho. Limang araw na yata ang lumipas dahil sa sobrang busy ay hindi na kami nakapag-kuwentuhan nila Tito at Tita. Madalas kasi ang aga nila umalis papuntang bukid at madalas din alas-sais na ng umaga ako nagigising. Bunga siguro ng aking pagbubuntis, kaya parang napakasarap matulog. “Hindi po ako sa packaging area na asign Tito. Iba po ‘yong na-assign sa na promote. Sa opisina na po ako nagta-trabaho bilang encoder,’’ kuwento ko naman sa kanila na siyang ikinagulat nila. “Talaga. Crystal? Nako, ang suwerte talaga ng ipinagbubuntis mo dahil na promote ka kaagad,’’ natutuwang sabi ni Tita. “Ang ganda siguro ng performance mo, Iha. Kaya, nakita siguro ng chairman, kaya prenomote ka at sa opisina ka inilagay,’’ nakangiti naman na sabi ni Tito. Hindi ko sinabi sa kanila na ama ng asawa ko ang may ari ng pabrikahan na pinagta-trabahuhan ko. Kapag nakapag-ipon na ako aalis din ako sa trabaho ko at maghanap ako ng puwede kong pang-negosyo. Hindi ako makakatagal sa opisina dahil bawat tao na naghahanap sa akin ay kinakabahan ako. Paano na lang kung sabihin ni Daddy kay Reynold na sa pabrikahan ako ng mga alimango nagta-trabaho? Kahit na ang totoo wala naman pakialam sa akin si Reynold. At kahit malaman niya man siguro ay hindi niya naman siguro ako pupuntahan rito, para ano? Para makiusap siya na umuwi ako sa amin? Na magtrabaho ako bilang assistant niya? Para unti-unti akong mamatay kapag naiisip ang ginagawa nila ni Jennifer? Tama na siguro ang kagagahan ko noon. Pakiramdam ko tuloy nae-scam ako ni Reynold. Paano hindi ko maisip na nae-scam niya ako dahil una pa lang namin pagtatagpo ay sinamantala niya ang kahinaan ko. Lumalabas na ibininta ko ang sarili ko sa kaniya para madugtungan ang buhay ni Tita. Subalit hindi nga napakinabangan ni Tita ang perang iyon. Kumusta na kaya ang mga anak ko? Hindi kaya nila ako hinahanap? Okay lang ba sa kanila na wala ako? Sobrang nangulila na ako sa kanila, ngunit kailangan kong mag-isa para sa akin sarili. Kapag nakabanga na ako muli akong babalik at kukunin ko sila. Magsama-sama rin kami kasama ang kapatid nila na nasa aking sinapupunan ngayon. Pagkatapos kong ilagay ang kanin sa baunan ko ay ipinasok ko na iyon sa aking bag, pagkatapos ay nagpaalam na ako kina Tito at Tita. Umalis na ako sa bahay at nagtungo sa highway upang mag-abang ng masakyan papunta sa pabrika. Pumara ako ng taxi at sumakay BUMABA ako sa isang bakery na malapit sa pabrikahan. Bibili muna ako ng tinapay bago pumasok sa opisina. Palagi kasi akong gutom. Gusto ko palaging may kinakain habang nakaharap sa computer. “Ate pabili po ng tinapay. Ito po,’’ sabay turo ko sa hopia. “Ilang piraso, Ma’am?" tanong nito sa akin. "Pabili ako ng 5 tsaka limang piraso din dito sa munay na tinapay." Kumuha ang tindera ng tinapay na itinuro ko sa kanya. Ang monay ipapalaman ko sa alige ng alimango. Sarap na sarap ang kain ko kapag ang alige ng alimango ang ipalaman ko sa tinapay. Inabot na sa akin ng tindera ang supot ng mga tinapay binayaran ko na iyon saka naglakad na lang ako papunta sa pabrikahan. Sa opisina ko na ito kakainin. Malapit na ako sa gate ng pabrikahan nang may humintong sasakyan. Ang lakas ng busina nito sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Jennifer na mala demonyo ang tingin sa akin at ngiti. "Good morning, Crystal. Papasok ka na"? maarte nito ng tanonh sa akin at bumaba siya sa kanyang kotse. "Anong ginagawa mo rito bakit ang aga-aga mo?" galit kong tanong sa kanya. "Dahil na-miss kita. May nais akong ipagawa sa'yo. Gusto ko sundin mo ang sasabihin ko!" Mariin na sabi niya sa akin. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng babaeng ito. Siya pa talaga ang may gana na sumugod sa akin at may nais pa raw siyang ipagawa sa akin? "Hindi ka talaga tinubuan ng hiya kahit minsan ano? Ang kapal din naman ng mukha mo. Kung ano man ang iutos mo sa akin wala akong pakialam dahil hindi kita susundin!" nagtatagisan ang mga ngipin ko nasagot sa kanya. "Kahit na sabihin ko sa'yo na malapit na kami ikasal ni Reynold? At kapag ikinasal na kami ay may karapatan na ako sa mga anak niya? Si Reynold mismo ang makipag-divorce sayo, Crystal!" Parang sinaksak ang dibdib ko sa sinabing iyon ni Jennifer. Ngumisi ako sa kanya ngunit nanginginig ang aking kamao. Gusto ko siyang sapakin. "Magpakasal kayo kahit saan ninyo gusto. Basta huwag mo lang pakialaman ang mga anak ko dahil magkakamatayan tayo, Jennifer. Sinusumpa kita! Mamamatay ka na hindi ka magiging masaya tandaan mo iyan!" tiim bagang na sabi ko sa kaniya. Sinira niya ang pamilya ko na iyon na lang ang mayroon ako. Tumawa sya ng malakas na parang bruha. "Ahahahha… Hndi ako tinatalaban ng sumpa mo, Crystal. Ang gusto ko lang naman na gawin mo ay umalis ka sa bansang ito at huwag ng magpakita pa. O gusto mo ako mismo ang magtatago sa'yo na hindi ka na makikita kailanman ng mga anak mo?" Sabi pa nito sa akin na may kasama ng pagbabanta. "Ano pa ba ang kailangan mo, ha? Ako ang asawa at ikaw ang kabit, pero ikaw pa itong may ganang magsabi sa akin ng ganyan? Hinayaan ko kayo ni Reynold sa mga kalandian ninyo, kaya huwag mo na akong guluhin pa dahil gusto ko ng tahimik na buhay. Wala akong pakialam sa inyo ni Reynold, kahit ano man ang gawin ninyo sa buhay ninyo!" tiim-bagang na sabi ko kay Jennifer. "Kung gusto mo ng katahimikan dalawa lang ang pagpipilian mo, Crystal. Isa sa simenteryo o ang pangalawa ay umalis ka sa bansang ito at putulin mo na ang lahat ng ugnayan mo sa malalapit kay Reynold." Tumayo ang balahibo ko sa sinabi niyang iyon. Kaunting-kaunnti na lang ang pasensya ko at masasapak ko na talaga siya. "Ano ka Diyos. Bakit hindi ka ba sigurado sa nararamdaman ni Reynold para sa'yo? Ako ba ang iniisip niya sa tuwing nagtatalik kayo? Mabango ba 'yang ari mo na pinapakain mo sa kaniya? Gaano ka kagaling sa kama, para maakit sa'yo ang asawa ko? Ako ba ang binabanggit niya sa tuwing nilalabasan siya? Natatakot ka ba na kunin ko siya sa'yo? Alam mo Jennifer, ikaw ang pinakamababang tao na nakilala ko. Mababa ka pa sa isang pulubi! Gaano ba kasarap ang puki mo para ipagpalit ako ng asawa ko sa'yo?" Puro ka insultuhan ang mga katanungan ko kay Jennifer. Nakita ko ang pagpula ng kanyang pisngi. "Kasing sarap ng mani na binabalik-balikan niyang kainin, Crystal. I do all the positions just to satisfy him. Every time we have s*x, he mentions my name so don't be ambitious. He will not replace you with me if you are good in bed. None of your qualities are what he is looking for. Marami ang kulang sa'yo, Crystal. Maganda ka lang sa paningin niya, pero hindi mo kayang punuan ang pangangailangan niya bilang isang lalake. At ako ang mahpupuno sa hindi mo kayang punuan!" Gustong sumabog ang puso ko sa ipinamukhang iyon ni Jennifer sa akin. Hindi na ako nakapagtimpi pa, kaya isang malakas na sapok ang iginawad ko sa panga niya. Tumabingi ang ulo niya at parang nahilo pa siya sa ginawa kong iyon sa kaniya. Hindi ko pinagsisihan kung bakit ko siya nasapok. Kulang pa iyon sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hawak niya ang kabila niyang pisngi na bumaling sa akin. Masakit ang mga tingin niya sa akin. "Walang hiya ka papatayin kita!" Sigaw nya at susugurin niya na ako. Mabilis niyang hinablot ang aking buhok sinabunutan niya ako habang nagtitili siya sa sobrang galit. "Papatayin kita hayop ka!" sigaw niya habang nakikipagsabunutan na rin ako sa kaniya "Papatayin din kita! Ang isang katulad mo ay walang puwang sa mundo!" sabi ko na hindi rin nagpapatalo sa kaniya. Inawat na kami ng guard. Sa sobrang inis ko sa kaniya ay kinalmot ko ang kaniyang pisngi. Ngumiti ako ng makita ko na dumugo ang kaniyang pisngi sa pagkalmot ko sa kaniya. Lumakas ang sigaw niya dahil sinira ko ang mukha niya. "What did you do to my face, Crystal?" Sigaw nya na halos hindi makapaniwala nasira ang kanyang mukha. "Iyan lang ang bagay sa katulad mo na Isang kabit! Bagay na pumangit ang mukha mo dahil pangit din naman ang ugali mo!" Galit na galit kong sabi sa kanya. Muli niya ako sinugod at hinampas niya ng kanyang bag ang aking tiyan. Inawat naman siya ng security guard. "Tama na 'yan!" Pahagis pa siyang binitiwan ng security guard. Napangiwi naman ako dahil sa biglang pagsakit ng aking tiyan. Napansin ko na nakatingin pala sa amin ang ibang empleyado na pumapasok sa oras na iyon. "Ma'am Crystal, dinudugo ka!" Natatarantang sabi ni Ma'am Charman na lumapit sa akin. "Ang baby ko?" Kabado kong bulas. Hawak ko ang aking puson. Nakita ko ang dugo na umaagos sa binti ko. Dali-dali naman na pumasok si Jennifer sa kanyang kotse nang makita niya na dinugo ako at kumaripas na pinatakbo ang kotse niya. "Kunin niyo ang plate number ng sasakyan niya!" sigaw naman ni Ma'am Charmen sa mga trabahador na papasok na rin sa trabaho. Umiyak na ako dahil sa maaring mangyari sa anak ko. Hindi ko mapapatawad si Jennifer at Reynold sa oras na makunan ako. Pumara ng taxi ang security guard. "Buhatin mo siya, dalhin ko siya sa hospital!" utos ni Ma'am Charmen sa security guard. Binuhat ako ng Kuyang guard at ipinasok sa kotse. Agad din pumasok si Ma'am Charmen. "Ma'am ang baby ko. Ayaw ko mawala ang baby ko," imiiyak ko na wika kay Ma'am Charmen. Mabilis na pinatakbo ng driver ang taxi. "Ikalma mo muna ang sarili mo, Ma'am Crystal. Maliligtas ang anak mo magtiwala ka lang," pag-aalo pa ni Ma:am Charmen sa akin. Ilang sandali pa ay nakarating kani sa bayan ng San Isidro. Agad naman ako inasikaso ng doktor. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang munting anghel sa sinapupunan ko. Grabe namang hirap ang ginawa ni Reynold sa amin ng anak niya. Kumuha siya ng kabit ba papatay sa anak namin. Dinala ako sa emergency room at pagod na tinurukan. Nilagyan din nila ako ng swero sa aking kamay. Hanggang sa unti-unti akong nakatulog. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Isang pangit ba panaginip naman ang napanaginipan ko. Isang sanggol daw ang hawak ko habang hinihili ko ito. Hindi ko alam kung babae siya o lalake. Bigla na lang daw siya kinuha sa akin ni Jennifer at malakas itong tumawa. Itininapon niya sa dagat ang aking anak. Tumalon daw ako sa dagat upang sagipin ang aking anak. Ang lalim daw ng sinisid ko bago ko nakuha ang anak namin ni Reynold. Isang bangka ang dumating at si Reynold ang sakay niyon. "Pakiusap, tulungan mo ako ng anak natin," pakiusap ko raw kay Reynold. "Hindi mo anak iyan, Reynold. Jayaan mo silang mamatay!" sigaw naman ni Jennifer na siyang dahilan na nalito si Reynold. Ang kanina niya g maamong mukha ay napalitan ng pagkamuhi. Hindi man siya nagsalita subalit nakikita ko sa mga mata niya ang galit sa akin. "Tulungan mo ako, anak natin siya," pangungumbinsi ko sa kaniya. Subalit hindi siya naniwala sa akin at kay Jennifer siya naniwala. Tinalikuran niya lang kami ng sanggol na hawak ko. Subalit isang kamay ang humawak sa aking balikat. Isang matipunong lalake ang sumagip sa amin ng aking anak, ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha. Naputol ang panaginip ko ng bigla na lang akong nagising. Agad kong kinapa ang aking tiyan. Maliit na ito at parang wala nang batang laman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD