Chapter 8
CRYSTAL
Abala ang lahat sa paghihimay ng alige ng alimango at ang mga llaman nito. Kailangan makarami kami dahil agad itong kukunin ng mga exporter.
"Siguradong may mapapalayas na naman dito sa pabrika. Mababawasan na naman ang makakati ang kamay," nakairap na pasaring ni Michelle.
Ako lang naman ang pinaparinggan nila palagi. Apat na araw na ang nakalipas nang magkita kami ni Jennifer sa labas ng pabrikahan. Ang masama pa ay pinsan pa ni Michelle, ang kabit ng asawa ko.
"Grabe naman kayo! Hindi pa nga napapatunayan na kung si Crystal talaga ang may kagagawan ng mga nawawalang bote ng mga allige. Malay natin at may naglagay lang sa locker ni Crystal," pagtatanggol naman ni Ate Rose sa akin. Siya ang pinakamatanda dito sa area namin.
"Kaya nga, po! Baka naman kayo ang naglagay ng mga iyon sa locker ni Crystal!" sang-ayon naman ni Jonna sa sinabi ni Ate Rose kay Michelle at sa dalawa niyang kasama na mga bruha
"Ano bang ingay iyan? Abot hanggang labas ang ingay ninyo!" tanong ng Supervisor namin na si Ma'am Charmer. Bigla na lang itong pumasok sa area namin.
"Good morning po, Ma'am!" sabay na bati namun kay Ma'am Charmen.
"Nagkakatuwaan lang po kami, Ma'am," balimbing na sabi ni Michelle, na sinang-ayunan naman ng dalawa niyang kasama.
"Opo, Ma'am. Nagkakatuwaan lang kami," sang-ayon ng isa pang bruha na si Clarita.
"Ayusin ninyo ang mga gawa ninyo. Kailangan malinis sa area ninyo dahil darating ang chairman at ang head of director," sabi naman ni Ma'am Charmen sa amin.
"Malinis naman po rito sa area namin, Ma'am. Maliban lang sa hinaluan kami ng isa riyan na makati ang kamay," pasaring ni Clarita, sabay nitong tingin sa akin ng pairap.
Bumaling naman si Ma'am Charmen sa kanila. "Kayong tatlo, kailangan ninyong patunayan ang ibinibintang ninyo kay Crystal, tutal kayo naman ang nagturo sa amin kung nasaan ang mga boye ng mga alige. At siguraduhin ninyo na tama ang sasabihin ninyo sa harap ng head director at Chairman. Kahit paano nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil sa sinabi ni Ma'am Charmen sa tatlo.
Sigurado ako no may kinalaman sila se mga bote na iyon sa locker ko. Hindi nakatmik ang tatlo sa sinabi sa kanila ng aming supervisor.
Halata talaga na guilty sila sa mga ibinibintang nila sa akin.
"Kailangan niya ng malakasang pagdadrama kapag napatunayan mamaya na kayong tatlo ang may kagagawan sa bote ng alige na iyon sa locker ni Crystal. Siguraduhin niyo rin na hindi babalik sa inyo ang ibinibintang ninyo sa kaniya," tapatan na sabi ni Jonna sa kanila.
"Well, let see. kung sino ang mapapahiya? Baka hindi ninyo akalain na boyfriend ko ang head of director? Ano man ang sasabihin niya sa chairman, tiyak na siya ang paniniwalaan. Kung tutuusin nga mababang uri lang tayong empleyado rito. At kapag mag-resign na ang secretary niya ako na ang papalit, kaya good luck sa'yo, Crystal. Baka kung saan ka pipulitin," mataray na sabi ni Michelle sa akin.
Parang asal kalye sila kung pagmamasdan mo sila
Nagbulong-bulungan ang mga kasamahan namin na nakarinig sa ipinahayag ni Michelle.
"Boy friend niya ang head of director? Kaya pala ang lakas ng loob niya na Siraan ka," bulong naman ni Jonna sa akin.
Wala akong pakialam kung boyfriend mo man ang head of director ng kompanyang ito, Michelle. Kahit kabit mo man ang chairman, wala akong pakialam dahil naniniwala ako na lilitaw pa rin ang katutuhanan!" galit na sagot ko kay Michelle. Kung akala nila mabo-bully nila ako, puwes nagkakamali sila.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Pinagdiinan ko pa kasi ang salitang kabit. "Ayusin mo ang pananalita mo sa akin, Crystal. Magiging asawa ako ng head of director, kaya respetuhin mo ako at igalang!
Tumawq talaga ako sa sinabi ng ambisyosa na si Michelle. Magpinsan nga talaga sila ni Jennifer na mataas ang ambisyon sa sarili.
"Talaga ba, Michelle? karespe-respeto ka ba? Jagalang-galang ka ba? Dapat ang sarili mo muna ang una mong pagsabihan niyan, hindi ang ibang tao. Kung gusto mo respetuhin at igalang ka, puwes gawin mo muna sa sarili mo! Kung gusto respetuhin ka ng kapwa mo, matututo ka rumespeto sa kapwa mo!" mariin kong sabi sa kaniya. Totoo naman ang sinabi ko dahil wala nga siyang respeto sa kapwa niya. Namula ang kaniyang mukha sa sinabi kong lyon. Syempre, napahiya siya at wala akong pakialam kung napahiya man siya!
"Humanda ka lang mamaya Crystal dahil hindi ka na maaabutan rito ng bukas!" pagbabanta pa ng ambisyoang si Michelle sa akin.
"Hoy, tama na iyan. Baka saan na mapunta ang iringan ninyong dalawa." Saway naman ni Ate Rose sa aming dalawa ni Michelle.
"Nagtataka lang ako, Ate Rose. Bakit mainit ang dugo sa akin ng mga iyan! Wala naman akong ginagawa sa kanila!" wika ko kay Ate Rose.
"Dahil nakakainit ka naman talaga ng ulo!" sabat naman ni Clarita sa akin.
Nakita ko na siniko pa siya ni Janice na ibig sabihin ay tumigi na rin siya. Sa kanilang tatlo si Janice lang ang tahimik. Mabait naman sana siya naimpluwensyahan lang ng dalawang impakta
"Tama na 'yan, huwag mo na dagdagan o gatungan pa Clarita," saway naman nu Ate Rose kay Clarita.
"Tumigil na kayo. Nariyan na ang head of directir," saway naman ng isa naming kasamahan.
Wala ng nagsalita na sa amin. Parehong tikom na ang bibig ng bawat isa.
"llang sandali pa ang lumipas ay pumasok na nga sa area namin ang head of director. Kasama nito ang chairman at si Ma'am Charmen pati si Sir Gilbert.
Lahat abala sa paghimay ng alimango.
"Good morning, Chairman. Good morning Mr. Director," Bati ng mga kasamahan ko sa chairman ng kompanya at sa director.
Subalit nakatikom lang ang aking mga labi ng makita ko ang sinasabi nilang Chairman.
"Magbabanyo lang muna ako," paalam ko kay Jonna, para makaiwas sa Chairman at director habang hindi pa nila ako napapansin. Nasa likod lang namin ang daanan patungo sa banyo.
Tatalikod na sana ako ng magtama ang mga mata namin ng chairman, subalit tumalikod na rin ako. Inaakala ko na hindi niya ako makilala subalit tinawag niya na ang pangalan ko hindi pa nga ako nakahakbang ng aking mga paa.
"Crysta!" Dumagandong sa aking tainga ang boses ng Chairman.
Para akong naistatwa sa kinakatayuan ko. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Unti-unti naman siyang lumapit sa konaroroonan ko.
"Crystal, iha? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng ama ni Reynold na si Daddy Rafael.
Parang mga babuyog ang mga tauhan na nakarinig sa tanong ni Daddy.
Hindi ako nakasagot ng umiksena ang bruhang si Michelle. "Chairman siya po ang magnanakaw sa kompanya ninyo. Siya po ang kumuha ng mga alige na nakalagay na sa bote."
Gusto talaga magpasipsip ng hayop na Michelle na ito. Kulang siguro sa aruha ng magulang ang gaga na ito.
"Michelle itikom mo ang bibig mo!" saway ng head of director sa kaniya na si Joshua Sandoval.
Kilala ko siya dahil palagi siyang pumupunta sa opisina ni Reynold.
Hindi pinansin ni Dadday ang sinabi nii Michelle. Naka-focus si Daddy sa akin. Ano ba naman itong kamalasan ko? Sa dinami-dami ng kompanyang puwede kong mapasukan, pero dito pa talaga sa pagmamay-ari ing gather inlaw ko?
Hindi ako makatingin ng diretso kay Daddy. Nakayuko lang ako at hindi umumik.
"Crystal, Anak, follow me," maawturidad na utos ni Daddy sa akin. Hindi ko inaasahan na tawagin niya akong anak sa harap ng mga empleyado.
Sila man ay nagulat sa tawag na iyon ni Daddy sa akin. Lalong lumakas ang bulung-bulungan ng mga trabahador. Pati si Sir Gilbert at Ma'am Charmen ay halatang nagulat rin. Pati ang tatlong bruha. Lalo na si Jonna at Ate Rose.
"Anak ka ng chairman?" gulat na tanong ni Jonna sa akin.
Hindi na ako umimik nang lumabas si Daddy. Hinubad ko ang suot kong gloves at sumunod sa kaniya
Narinig ko po ang tanong ni Michelle kay Joshua.
"Babe, anak siya ng Chairman?" Dismayado niyang tanong kay Joshua. "Hind niyo ba siya kilala? Siya si Mrs. Jonhson. The Secret Billionaire wife na anak ng Chairman." Narinig ko pang sagot ni Joshua kay Michelle
"What?" Hindi makapaniwalang bigkas nilang tatlo.
Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil lumabas na ako so area namin.
Sumunod naman si Ma'am Charmen at Joshua sa akin pati si Sir Gilbert na kanina pa tahimik.
Abot langit ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Bakit ang Daddy ni Reynold pa ang may-ari ng pabrika na ito? Eh, ang layo na nga ito sa Holand. Kung sabagay mayroon din silang ari-arian sa San Agustin. At sa iba pang lugar sa Bansang ito ng Maharlika. Kinakabahan ako nang nasa harap na ako ng opisina ni Daddy. Bukas ang pintuan ng opisina niya. Ako lang ang pinapasok niya at si Ma'am Charmen.
"Maupo ka rito, iha," utos ni Daddy sa akin.
Naupo naman ako sa harap niya. Panay ang buntong-hininga niya bago siya muling nagsalita.
"Bakit iniwain mo ang pamilya mo at nagtrabaho ka nito sa malayo?" lyon agad ang naging bungad na tanong sa akin ni Daddy.
Si Ma'am charmen naman ay nakaupo so Sofa sa likuran kong bahagi, kaya naririnig niya kung ano man ang pag-uusapan namin ni Daddy Rafael.
"I'm sorry, Dad!" garalgal na ang boses ko na sagot sa ama ng aking asawa
"Hindi mo iiwan ang pamilya mo kung walang sapat na dahilan, Iha. Sabihin mo sa akin kung bakit mo sila iniwan. Huwag ka mag-alala kay Miss Charmen dahil mapagkatiwalaan siya," pangungumbinsi ni Daddy sa akin.
Wala na rin akong magawa dahil na corner niya na ako, kaya sinabi ko na lang sa kaniya kung ano talaga ang dahilan.
"May babae si Reynold, Dad. Iyon ang unang dahilan kung bakit ginusto ko na lang lumayo. Mababaliw ako kapag ipinagpatuloy ko ang pagsasama naming dalawa. Isa pa ilang araw na rin na napapansin ko na nanlalamig na siya sa akin." Tumulo na ang mga luha ko sa sumbong kong iyon kay Daddy.
Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang mga panga pati ang pag kuyom ng kaniyang mga kamao. "Tarantadong batang iyon. Nagawa niya mambabae eh halos mabaliw na nga siya noon naghiwalay kayo!" galit na sabi ni Daddy at napabuga pa ito ng hangin sa ere.
"Sorry, Dad. Gusto ko man sana dalhin ang mga anak ko, subalit ayaw ko rin naman na mahirapan sila. Hindi ko ein maibigay ng sapat ang pangangailangan nila. Titiisin ko na lang pangungulila sa kanila kaysa maghirap sila sa tabi ko. Miss ko na rin po sila," tumutulo ang mga luha ko na sabi kay daddy.
Naghahalo na nga ang sipon at mga luha ko sa gilid ng aking labi.
Hinawakan ni Daddy ang mga kamay ko at sinuri niya itong mabuti.
Tumingin siya sa mga mata ko na para bang naaawa siya sa akin.
"Anong nangyari sa kamay mo? Hindi ko lubos maisip na maranasan mo ito, Iha. Humihing! ako ng paumanhin sa ginawa ng anak ko, sa'yol. Hindi ko talaga lubos maisip kung paano pa niyang nagawa na mambabae! Sabihin mo sa akin, Iha. Ano ang maitutulong ko sa'yo para mabawasan ko man lang ang kasalanan ng anak ko sa'yo," nag-aalala na tanong ni Daddy ni na lalo pang humigpit ang pagkuyom niya sa kaniya kamao.
Panay sulyap niya sa mga kamay ko na puno ng sugat. Bahagya pa siyang napapailing.
"Gusto ko lang ng katahimikan, Dadd. Kung puwede sana huwag mo na ipaalam kay Reynold kung saan ako. Gusto ko magsimula na mag-isa," sagot ko sa tanong ni Daddy.
"Wala ka na bang balak na ayusin na lang ang pamilya ninyo? Paano ang mga apo ko? Alam ko na sobrang na miss ka na rin nila. Bakit hindi ka na lang umuwi, Iha?" mahinahon na tanong ni Daddy sa akin.
"Hindi rin kami maging masaya kapag bumalik pa ako, Dad. Ang masama pa dahil parang wala na rin akong karapatan sa mga anak ko. Nakikiusap ako sayo, dad. Wala ka sanang pagsabihan kung nasaan ako. Kailangan ko ng katahimikan. Huwag mo sana ako tanggalin sa trabaho ko rito, Dad. Kailangan ko pa ngayon ang trabaho dahil buntis ako sa pang-apat namin na anak ni Reynold. Hayaan mo lang muna ako makapag-ipon para makapagsimulang muli," pakiusap ko kay Daddy.
Hindi na natigil ang aking mga luha sa pag-agos. Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Daddynang marinig niya ang sinabi ko na buntis ako.
"Talaga, iha? Magkakaroon na ulit ako ng apo?! Masayang tanong sa akin ni Daddy.
Tango lang ang sagot ko sa kaniya .
"Nagutuwa ako, Iha dahil buntis ka na naman sa magiging apo ko. Pagpasensyahan mo sana ang mommy mo. Hindi naman siguro lingid sa'yo ang pinagdaanan niya dahil sa pagkawala noon ni Shany. Subalit may maganda akong balita sa'yo," nakangiting pahayag sa akin ni Daddy.
"Anong magandang balita iyon. Dad?" nasasabik kong tanong sa kaniya.
"Buhay si Shany. Buhay ang anak namin. Bumalik siya atin, Crystal. Hinahanap ka nga niya," masayang pagbabalita ni Daddy tungkol sa kapatid ni Reynold na si Shany.
Tuwang-tuwa ako sa sinabi niyang iyon sa akin. "Talaga, Dad? Bumalik na si Shany? Sabi ko na nga ba na babalik siya."
Kahit natuwa ako sa pagbabalik ni Shany, nalulungkot naman ako para sa saril ko
Malumungkot naman ang mga mata ni Daddy na nakatingin sa akin.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Puwede ka sumama sa akin sa pagbalik ko sa Holand. Matutuwa si Shany kapag umuwi ka," pangungumbinsi naman ni Daddy sa akin.
Subalit buo na talaga ang loob ko na hindi na babalik pa sa piling ni Reynold.
"Sorry, Dad, Buo na po ang desisyon ko. AIyaw ko na pong bumalik sa anak ninyo. Lalo lang ako masasaktan kapag ginawa ko iyon, Dad. Kung maaari sana kahit kay Shany, huwag mong sabihin kung nasaan ako. Hayaan mo lang muna na mag-isa ako, Dad. Para mabuo ko rin ang sarili at maibalik ko sa dati ang buhay ko."
Bumuntong-hininga siya ng malalim. "Igagalang ko ang desisyon mong iyan, iha. Subalit huwag mo ipagkait sa amin o kahit sa akin na lang ang bata. Hayaan mong tulungan kitang makabangon. Nahihiya ako sa ginawa ng anak ko sa'yo. Gusto ko sana huwag ka na magtrabaho sa area na iyon dahil hindi ko nagustuhan na puri sugat na ang kamay mo. Hindi ako makakapayag na mahirapan ka lalo na at diadala mo ang pang-apat kong apo. Galit talaga ako sa ginawa sa iyo ni Reynold. Hindi ba siya inuusig ng konsensya niya? Makakatikim talaga sa akin ang batang iyon!" galit na sabi ni Daddy para kay Reynold
"Salamat, Dad. Aasahan po na walang ibang makakaalam kung saan ako. Hayaan niyo muna ako na mapag-isa para mahahap ko muna ang sarili ko," muli kong pakisap kay Daddy.
"Huwag ka mag-alala dahil kakampi mo ako.
Natuwa ako sa naging tugon ni Daddy sa akin. Tumingin naman siya kay Ma'am Charmen.
"Charmen, ilagay mo sa office si Crystal. Kailangan magaan lang ang trabaho niya. Gusto ko bukas sa opisina na siya magta-trabalh.
"Yes, Mr. Chairman. Tingnan ko po kung ano ang trabaho na magaan para kay Ma'am Crystal," tugon naman ni Ma'am Charmen kay Daddy. Nahiya tuloy ako kay Ma'am Charmen dahil Ma'am ang tinawag niya sa akin. Naabala ko pa tuloy siya. Pabor sa akin na sa opisina magtrabaho para hindi ko na masilayan ang mga impakta sa area namin.