Episode 11

2372 Words
CHAPTER 11 CRYSTAL Nag-hysterical ako ng maisip ko na wala na ang batang nasa sinapupunan ko. "Ang anak ko, ibalik ninyo sa tiyab ko ang aking anak!” umiyak kong sabi. Naupo na ako at nagwawala sa aking kama. “Anak ko bumalik ka sa tiyan ni Mommy,’’ hagulgol ko pa na sabi. Para akong masisiraan ng bait na iniisip na wala na ang bata sa sinapupunan ko. Ang batang iyon na lang ang pag-asa ko sa buhay at mapagkunan ng lakas ng loob sa lahat ng nangyayari sa akin. "Diyos kong bata ka! Kumalma ka nga muna!" saway sa akin ni Tita Marcia na kapapasok lang nito sa aking silid. Agad nitong inilapag sa lamesa ang dala niyang supot at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong braso. “Ano ba ang nangyayari sa'yo? Kumalima ka nga muna," pag-alo ni Tita sa akin.. “Tita ang anak ko. Wala na ang anak ko," hagulgol kong sabi. "Anong wala na ang anak mo? Huminahon ka muna at pakiramdaman ang tiyan mo. Nariyan pa sa tiyan mo ang iyong anak, iha," sabi ni Tita sabay haplos sa akin tiyan. Bigla akong huminto sa pag-iyak sa sinabi niyang iyon. ‘‘H-hindi ako na kunan?” kinakabahan kong tanong sa kaniya. umIling-iling siya at hinawakan ang aking kamay. "Hindi ka nakunan, Iha. Mabuti nga at agad kang dinala rito ng supervisor mo, kaya agad na naagapan ang bata. Muntik ka na talaga sana nakunan. Tumawag sa akin angs upervisor mo, kaya pinuntahan kita agad rito. Mahiga ka nga muna at huwag ka ng mag-aala dahil safe na ang anak mo. Baka mamaya lalo ka pang makunan sa ginagawa mo," wika ni Tita sa akin. Humiga ako ng dahan-dahan. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na safe na ang anak ko. Walang hiya talaga ang Jennifer na iyon makarma sana siya. Kahit nakahiga na ako ay umiyak na naman ako. Ang sakit sa aking loob dahil sa pambabae ni Reynold ay muntik ng mapahamak ang anak ko. “Ano ba ang nangyari bakit muntik ka ng makunan?’’ tanong ni Tita sa akin na nag-alala. "Nag-away po kami ng kabit ng asawa ko, Tita. Pinuntahan niya po ako sa labas ng pabrikahan na tinatrabahuhan ko. Hindi ko na po mapigilan pa ang sarili ko, kaya kinalmot ko na rin ang mukha niya.” sumbong ko kay Tita Marcia sa nangyari. "Bakit mo naman ginawa iyon? Kaya tuloy muntik ka ng makunan. Alam mo naman na buntis ka hindi ka nag-iingat,’’ nag-alala na sabi ni Tita sa akin na may kasamang panenermon. Alam ko naman na nag-aalala siya sa akin. “Ang sama na kasi ng mga sinabi niya, kaya sinapok ko na siya at kinalmot,’’ sabi ko pa kay Tita habang humahaba ang aking nguso. Ngunit hindi ko pinagsisihan ang pagsapok ko sa kaniya at pagkalmot sa mukha niyang iyon na makapal. Kulang pa iyon sa ginawa nilang pagtataksil sa akin ni Reynold. "Umalis na po ba si Ma'am Charmen, Tita?” tanong ko na lang para maiba ang usapan. “Umalis din siya noong dumating ako. Nag-alala nga ang Tito mo noong nalaman niya ang nangyari. Pupunta iyon dito pagkatapos niya sa bukid. Kailangan ipakulong mo ang babaeng iyon. Baka ano pa ang gawin niya sa’yo,’’ suhestiyon naman ni Tita sa akin. "Hayaanl niyo na po, Tita. Ipasa Diyos ko na lang po and ginawa niya,’’ pagod kong sabi kay Tita. Hinimas-himas ko na lang ang aking tiyan. Marahil naalimpungatan lang ako kanina sa aking pag-gising, kaya akala ko lumiit ng husto ang aking tiyan. Lumipas pa ang ilang oras ay may bisita ako na hindi inaasahan. Ang Daddy ni Reynold. “Iha, kumusta ka na?" nag-alala nitong tanong sa akin. Dad ayos lang po ako. Nag-abala pa po kayo na pumunto rito." Nahihiya kong sabi-sa ama ng walang hiya kong asawa. “Tinawagan ako ni Charmen. Sinabi niya sa akin kung ano ang nangyari. Nakausap ko rin ang pinsan ng babaeng may gawa nito sa’yo. Balak ka talagang patayin ng babaeng iyon. Ang pinsan niya mismo ang nagsabi sa amin ni Charmen, kaya sabihin mo kung sino ang babaeng iyon na naging dahilan kong bakit muntik ka ng makunan sa magiging apo ko,’’ tanong ni Daddy sa akin. Galit na galit ang kaniyang mukha at kung nasa tabi lang namin si Jennifer, baka kanina niya pa ito sinapak. “Siya ang kait ni Reynold, Dad. Siya si Jennifer; ang kinhuhumalingan ng anak ninyo,’’ pag-amin ko kay Daddy. Hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili na hindi maiyak. “Walang hiya talaga ang babaeng iyon! Kailangan malamann ni Reynold and tungkol sa nangyari sa’yo, iha at sa ginawa ng babaeng iyon sa’yo. Kailang makulong ang babaeng iyon,’’ galit pa na sabi ni Daddy. “Hindi na kailangan malaman ng anak mo ang tungkol sa nangyari sa akin, Dad. Mag-file na ako ng divorce kay Reynold, Dad,’’ sabi ko habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. “Ayaw ko lumala pa ang ang gulo, Dad," dugtong ko pa na sabi kay Daddy. “Pero, delikado ang buhay mo. Baka mamaya kung ano ang gagawin ng walang hiyang babaeng iyon sa’yo, Crystal. Kung maari huwag ka muna makipag-divorce kay Reynold. Baka may pag-asa pa na magkabalikan kayo. Paano na lang ang mga bata? Ayaw ko na bilugin ng kabit ni Reynold ang isipan niya. Hindi lang talaga kami nakapag-usap ng maayos ni Reynold dahil hindi niya na dinadala ang mga bata sa mansion at lagi rin akong busy. Please, nakikiusap ako sa’yo na huwag ka muna makipag-divorce sa anak ko. Gusto mo ba na maging masaya silang pareho habang ikaw ay naghihirap?” pakiusap ni Daddy sa akin. “Tama si Mr Jonhson. Iha. Huwag ka makipag divorce sa asawa mo. Hayaan mo na manatili kang asawa ng asawa mo, para manatiling kabit ang babaeng iyon ng asawa mo,” sabat naman ni Tita sa usapan namin ni Daddy. Nalilito tuloy ako at naguguluhan subalit may point naman sila. Kapag nakipag-divorce ako kay Reynold, parang hinayaan ko na si Jennifer na maging masaya sa piling ng asawa ko.. "Bakit hindi ka na lang muna pumunta sa abroad, Iha? Kung gusto mo ipapadala kita sa Amerika. Para makasigurado ako na safe ka roon. At makipagsimula ka muli. Tutulungan kita na makabangon sa sarili mong mga paa. Gusto ko panghihinayangan ka ng anak ko kung bakit ka niya ipinagpalit sa babaeng iyon. Hindi ako kunsentidor sa sarili kong anak kung mali na ang kaniyang ginagawa. Gusto ko magsisis siya at bigyan ng leksyon. Safe kayo ng magiging apo ko roon sa Amerika.. At kapag ayos na ang lahat ay kukumbinsihin ko si Reynold na isama namin sa bakasyon ang mga bata sa Amerika!” sabi pa ni Daddy sa akin. Mabuti pa siya nauunawaan niya ako. Pero ang asawa niya na ina ni Reynold ay parang ipinagdadamot niya noon sa akin ang mga anak ko. “Paano naman ang trabaho ko, Dad? Saka ano naman ang gagawin ko sa Amerika?” tanong ko kay Daddy, "Wala kang gagawin doon kundi alagaan ang magiging apo ko. Isusunod ko naman ang mga bata sa'yo. Gusto ko lang bigyan ng leksyon ang asawa mo dahil sa ginawa niya. Paano niya nagawang mababae? Alam ko na may gusto pa sa'yo si Reynold. Hinahanap ka niya Crystal. Nag-hired siya ng taong maghahanap sa’yo. Huwag ka mag-alala dahil hindi ko sinabi sa kaniya kung nasaan ka," sabi pa ni Daddy. Nagtataka ako sa sinabi niyang iyon.. Hinahanap ako ni Reynold? Dahil ba sabihin niya sa akin na mag-divorce na kami? Para maging malaya na sila ni Jennifer? Napakunot ang aking noo sa naisip kong dahilan kung bakit niya ako pinapahanap. "Hayaan mo siyang maghanap sa wala, Dad. Tungkol sa offer mo, pag-iisipan ko pa. Mahalaga sa akin ngayon ang mailuwal ko ng ligtas ang aking anak," tugon ko kay Daddy Rafael. REYNOLD Nasa isang bar kami ni Daniel nag-uusap. Kasama namin si Mr. Anderson na siyang anak ng may-ari ng mabuti tinanggap na nito na maging CEO ng IKS Company. Si Daniel ang dating CEO at ngayon ay pinalitan na siya ni Lorenzo Anderson. “Congratualtion, Bro. Nakuha mo rin kay Katrina ang shares niya. “Nakuha ko na nga, pero iniwan naman ako ng asawa ko,’’ turan naman ni Lorenzo kay Daniel. “Hindi ka nag-iisa dahil iniwan rin kami ng asawa ko. Ang pinagkaiba ay wala kayong anak ng asawa mo, samantalang kami tatlo ang anak namin,’’ saad ko naman kay Lorenzo. “Hindi pa rin ba bumabalik ang asawa mo?’’ tanong ni Daniel sa akin. “Hindi pa at kung gusto niya lang mapag-isa dapat isang linggo lang siya at bumalik din dapat siya sa bahay dahil alam niya na may anak kami. Kaso hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. Nag-alala na nga rin ako minsan baka ano na ang nangyari sa kaniya dahil sa sama ng loob niya sa akin. Hindi man lang kasi niya muna hinintay ang paliwanag ko bago man lang siya umalis,’’ sab ko kay Daniel, saka ininom ko ang alak na nasa baso ko. “Sorry, Bro. Hindi kasi iyon ang inaasahan ko na mangyari. Akala ko malawak ang unawa ng asawa mo. Dapat pala kinausap ko rin ang asawa mo sa plano natin. Huwag ka mag-alala, Bro dahil gamitin ko ang mga conection ko upang mahanap ang asawa mo,’’ wika ni Daniel sabay tapik sa balikat ko. Uminom na lang kaming tatlo hanggang sa napagdisisyonan namin na umuwi na. Habang nasa nagda-drive ako patungo sa bahay ay tumawag naman si Jennifer. Alam ko na bawal mag-drive na nakainom. Subalit hindi pa naman ako gaanong lasing. Huminto muna ako sa isang gilid at sinagot ang tawag ni Jennifer. ‘’Hello?’’ malamig na sagot ko sa kabilang linya. “Babe, nandito ako sa hospital. Puwede mo ba akong puntahan rito?’’ maarte nitong pakiusap sa akin sa kabilang linya. Kanina pa ako nakakaramdam ng kaba subalit si Crystal ang nasa isip ko. Hindi ko nga maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. Marahil nasobrahan lang ako sa kape kaninang umaga. “Anong nangyari sa’yo? Bakit nasa hospital ka?’’ tanong ko sa kaniya. “Paano kasi may nakaaway ako kanina. Puntahan mo na lang ako rito, babe. Wala kasi akong kasama. Alam mo naman na magkaaway kami ng kapatid ko.’’ Bumuntong-hininga ako ng malalim. “Sige, papunt na ako. Saan hospital ka ngayon?’’ tanong ko sa kaniya. “Nandito ako sa Holand Hospital. Thank you, Babe. I Love you.” Pinatay ko na ang cellphone pagkatapos sabihin iyon ni Jennifer. Nagtungo na lang ako sa hospital para puntahan siya. Ilang sandali ang lumipas ay nakarating na ako. Holand Hospital.Ang Holand Hospital ay pagmamay-ari ng tiyuhin ni Raydin Zyn Harris. Pati ang Electrict power supply ng Holand, ngunit ang one fourt na kinikita ng electrict power supply ay napupunta sa gobyerno ng Holand. Bumaba ako sa aking kotse at nagtungo sa room ni Jennifer na sinabi niya sa akin kanina. Pagdating ko roon sa kaniyang silid ay nakita ko siyang nakahiga sa kama at wala nga siyang dextrose sa kamay. “Anong nangyari sa’yo?’’ tanong ko sa kaniya nang pumasok ako. “Babe,’’ sabay bangon niya at naupo sa bed niya. Nang makalapit ako sa kaniya ay yumakap ito sa akin. “Babe, mabuti dumating ka,’’ aniya. Naartihan ako sa kaniya subalit kailangan ko makisama. Kumalas siya ng yakap sa akin. Ang kaniyang mukha ay may benda na nakalagay, Ang kabila niyang pisngi ay namamaga. Para siyang sinuntok sa kaniyang mukha. “Ano ba ang nangyari sa mukha mo?’’ tanong ko muli sa kaniya. “Sinapok ako ng asawa mo at kinalmot niya ang mukha ko,’’ sumbong ni Jennifer sa akin na siyang bumuhay ng aking dugo. “Si Crystal? Nagkita kayo?’’ Hindi ko napigilan ang excitement na aking nararamdaman ng sabihin niya na si Crystal ang may kagagawan sa mukha niya. Sa sobra kong pagkasabik na malaman kung saan ang asawa ko ay hindi ko napigilan na hindi hawakan ang dalawa niyang braso. “Sabihin mo sa akin kung saan mo nakita si Crystal!’’ “Aray Babe, nasasaktan ako.’’ Bigla ko siyang nabitiwan nang marealize ko na sobrang higpit na pala ang pagkahawak ko sa braso niya. “I’m sorry, babe. Excited lang ako kung saan mo nakita si Crystal. Ang totoo gusto ko na makipag-devorce sa kniya para maging malaya na tayo,’’ pagsisinungaling ko kay Jnnifer, upang hindi niya isipin na gusto kong makita ang asawa ko dahil miss na miss ko na ito. Pinagmasdan niya muna ako ng mabuti na para bang binabasa niya kung ano ang nasa isip ko. ‘’Babe, huwag mo na siya hanapin dahil may kinakasama na siyang iba. Nkita ko lang sila kanina sa mall. Tapos magka-holding hand sila ng lalake. Kaya, nilapitan ko sila at sinabi ko sa kaniya na malandi rin pala siya katulad ko. Inamin niya sa akin na mtagal na sila ng lalake. Ang sabi niya kung maari daw huwag kong sabihin sa’yo ang nakita ko dahil hinahayaan naman daw niya ang relasyon natin. Pinilit ko siya na makipagkita sa’yo at para makapag-file na kayo ng diorce sa isa’t isa pero nagalit siya sa akin. Bigla niya na lang ako sinapok at kinalmot sa pisngi. Ang masama pa dahil itinulak din ako ng boyfriend niya.’’ Para akong nabingi sa sinabi ni Jennifer. Biglang nandilim ang paningin ko sa sinabi niyang iyon at bigla ko na naman siyang hinawakan sa kaniyang braso. “Totoo ba ang sinabi mo na may kinakasamang iba ang asawa ko?’’ mariin kong tanong sa kaniya. “Oo, babe. Aray bitiwan mo ako babe nasasaktan ako,’’ protesta niya muli sa akin. Nagtagisan ang mga ngipin ko sa kakaisip, na kaya ba kami iniwan ni Crystal ng ganoon lang para sumama sa lalake niya? Paano naman siya nagkaroon ng lalake? “Babe, hayaan na natin si Crystal dahil may iba na rin naman siya. Ano kaya kung ibibinta ko na lang ang shares ko? Tapos lumayo tayo. Isama natin ang mga anak mo at magsimula ka ng bagong pamilya kasama ko? Gusto ko sa malayong-malayo tayo par walang makakilala sa atin?’’ pangungumbindi ni Jennifer sa akin, subalit hindi roon naka-focus ang atensyon ko kundi doon sa sinabi niya na may lalakeng kasama si Crystal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD