Episode 12

2065 Words
Chapter 12 REYNOLD Mapait ang alak na gumuhit sa aking lalamunan. Narito ako ngayon sa balcony ng aming bahay habang nag-iisa na umiinom. Pagkatapos kong bisitahin si Jennifer sa hospital ay umuwi na ako. Ayaw ko na marinig pa ang sasabihin niya sa asawa ko. Sino ang lalake ng asawa ko? Dahilan niya lang ba na nambabae ako para iwanan niya ako para sa lalake niya? Ngunit napaka-imposible. Magkasama kami palagi ni Crystal at bahay opisina lang naman ang pinupuntahan niya palahi. Wala rin naman siyang kausap palagi sa cellphone? Maliban na lang kung may ginagawa siya na hindi ko alam? Napakuyom ang kamao ko sa tuwing iniisip na may ibang lalake ang asawa ko kaya mas pinili niya na iwanan kami ng mga anak niya kaysa manatili siya sa tabi namin. Muli akong sumalin ng alak sa aking baso at ininom iyon. "Daddy, What are you drinking?" tanong ng isa sa triplets namin na si Ralph. Lumingon ako sa may pintuan. Naroon siya at nakatayo. Kinawayan ko siya na lumapit sa akin. Humakbang naman ang maiksi niyang mga paa na lumapit sa akin. Kinandong ko siya nang makalapit na siya. "Bakit gising ka pa, ha?" malambing kong tanong sa kaniya. "Daddy, kailan uwi Mommy? I dreamed of her. Daddy, Mommy, was drowning and then the woman pulled her hair. The woman wants to kill her, Daddy," sabi ng aking anak na nalulungkot dahil sa masama niyang panaginip. Hinaplos ko ang buhok ni Ralph. "Panaginip lang iyon anak. Babalik din ang Mommy niyo. Babalikan niya rin tayo dahil mahal niya tayo. Nagbabakasyon lang ang Mommy ninyo. Kailangan niya lang makapag-isip." Iyon na lang ang palagi kong sagot kapag tinatanong nila ang tungkol sa Mommy nila. "I miss her so much, Dad. Does Mommy miss us too?" Ginulo ko ang buhok ni Ralph. "Yes, Son. Alam ko na sobrang na miss na rin kayo ng Mommy ninyo. Huwag kayo mag-alala dahil pagkatapos ng bakasyon ng Mommy ninyo uuwi na siya sa atin." Tumango-tango lang si Ralph at humilig ito sa aking dibdib. Humikab ito. Naudlot ang tulog niya dahil sa panaginip niyang iyon. Hinaplos-haplos ko na lang ang kaniyang buhok. Walang gabi at araw na hindi nila tinatanong sa akin kung kailan uuwi ang Mommy nila. "Sir, nariyan pala si Ralph. Sorry hindi ko po napansin ang paglabas niya," si Yaya Mona. Ang Yaya ni Ralph. “Hayaan mo na lang muna siya rito, Yaya. Dadalhin ko na lang siya mamaya sa silid ninyo,’’ tugon ko kay Yaya Mona, saka uminom ulit ako ng alak. “Eh, Sir. Baka po mamaya madapa kayo. Marami na po kasi kayong nainom,’’ nag-aalala naman sabi ni Yaya sa akin. “Sige, buhatin mo siya at dalhin sa silid ninyo,’’ pahayag ko na lang dahil baka mapaano pa ang bata kapag binuhat ko ito mamaya. Medyo nakaramdam na rin kasi ako ng pagkahilo. Kinuha naman ni Yaya si Ralph sa kandungan ko. Binuhat niya ito. “Sir, simula po ng umalis si Ma’am Crystal, lagi na po kayo umiinom. Baka po magiging alcoholic po kayo at magkasakit kayo. Paano na lang po ang mga anak ninyo?’’ paalala ni Yaya sa akin. Alam ko na concern lang siya, subalit sininyasan ko lang siya na umalis na at hayaan na ako rito. Umalis na siya at dinala na niya si Ralph sa loob. Simula nga noong umalis si Crystal panay na ang pag-inom ko. Wala naman akong ibang masisi kundi ang sarili ko. Walang gabi at araw na hindi ko ma-miss si Crystal. Kahit anong pang-aakit na ginagawa ni Jennifer sa akin ay hindi ko iyon pinapatulan. Kahit na alam ko minsan na naiinip na si Jennifer sa relasyon naming walang kuwenta. Kung hindi dahil lang kay Daniel at sa mga biktima ng ama ni Jennifer ay hindi ko papasukin ang ganitong gulo. Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa akin ang sinabi ni Jennifer na nakita niya si Crystal may kasamang ibang lalake. Hindi kaya si Franco ang kasama niya? Pero, napaka-imposible naman dahil nasa Amerika ngayon si Franco kasama ni Honey. Imposible naman na si Frany dahil hinahanap nga rin siya ng kaniyang kapatid. Gusto ko magwala dahil sa selos na nararamdaman sa kasama ni Crystal na sinasabi ni Jennifer. Inubos ko na lang ang laman ng bote ng alak, saka natulog ako sa silid namin ni Crystal. Sa bawat sulok ng aming silid ay nakikita ko ang mukha niya. “Crystal, bumalik ka na?’’ paulit-ulit kong sinasabi iyon sa tuwing matutulog ako o humiga sa aming kama. Lumipas pa ang mga araw linggo at maraming buwan ay itinuon ko ang sarili ko sa trabaho. Narito ako ngayon sa opisina ko at pinapangaralan ang mga kinuha kong imbistigador na maghahanap sa asawa ko. “Wala kayong silbi! Mahigit isang taon na ang pinapahanap ko sa inyo, pero hindi niyo pa rin nakikita!’’ pambubulyaw ko sa mga ito. “Sir, Pasensya na pero lahat naman ginawa namin para mahanap ang pinapahanap mo. Maganda siguro, Sir ilapit na natin sa medya ang paghahanap mo sa asawa mo.’’ Gumalaw ang panga ko sa suhestiyon na iyon ng isang imbistigador na hina-hired ko. “Inutil ka ba? At ano ang gusto mo ang pag-fiesta-han ng mga medya ang buhay ko? Umalis na kayo sa tabi ko!’’ galit kong pagtataboy sa kanilang tatlo. Umalis na ang mga ito. Padabog kong inilapag sa table ko ang mga document na dapat kong gawin. Ilang sandali pa ang lumipas ay tinawagan ako ng secretary ni Lorenzo. Agad ko naman sinagot nag tawag niyang iyon. “Yes? Ano ang maipaglilingkod ko sa’yo?’’ tanong ko sa secretary nito. “Sir, puwede po ba raw mag-report ka rito sa office ni Sir Anderson? Narito po si Miss Jennifer Morales,’’ wika ng secretary ni Lorenzo. “Sige, I will go now.’’ pagkasabi ko ay binaba ko na ang land line. Tumayo na ako at isinuot ang tuxedo ko. Lumabas ako ng opisina at nagtungo sa elevator. Paglabas ko sa elevator ay lumabas na ako sa building. Agad akong nagtungo sa parking lot at sumakay. Habang nagmamaneho na ako ng aking kotse patungo sa opisina ni Lorenzo na siyang asawa pala ng kapatid ko na si Shany ay nagtataka ako kung bakit naroon si Jennifer at hindi man lang ito tumawag sa akin na pupunta siya sa opisina ni Lorenzo sa IKS company. Pagdating ko roon ay agad na akong dumiretso sa opisina ni Lorenzo. Pagpasok ko ay naabutan ko na nag-uusap silang dalawa. May hawak na document si Jennifer. “Babe, bakit hindi ka man lang tumawag sa akin na pupunta ka pala rito?’’ tanong ko kay Jennifer. Tumayo siya upang salubungin ako ng halik. Iniwas ko ang labi ko sa kaniya, kaya sa gilid ng aking labi lang siya nakahalik. Wala siyang pakialam kung may nakatingin man sa amin o wala. “Gusto kitang surpresahin, Babe. And guest what?’’ nakangiti pa nitong tanong sa akin. Naupo kami pareho sa harap ng table ni Lorenzo, habang kampante lang si Lorenzo na nakatingin sa amin dalawa. Alam naman ni Lorenzo kung ano talaga ang tunay na pakay namin sa magkapatid. At least siya wala ng problema kay Katrina dahil kusang ibinigay ni Katrina ang shares nito kay Lorenzo. Parang bigay na ang tawag doon dahil binili lang ito ni Lorenzo sa mababang halaga. ‘’Hulaan mo kung bakit nandito si Jennifer, Bro?’’ nakangiti na tanong ni Lorenzo sa akin. Kunot ang noo ko na palipat-lipat ng tingin sa kanila. “Bkit anong mayroon?’’ nagtataka kong tanong sa kaniya. “Heto ang document, Babe. Naglalaman iyan ng shares ko. Permado na iyan ng abogado ko at permado ko na rin. Sa’yo ko ibinibinta ang shares ko sa halang 100 thousand dollars,’’ wika ni Jennifer sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumayag na ako sa presyo na gusto niya. Ang pera mabilis lang maubos at ang shares niya ay madodoble pa iyon. Ang ilang porsyento sa kita ng shares niyang iyon ay mapupunta roon sa mga biktima ng buss na pinasabog ng kaniyang ama. “Sige, babe. Tawagan ko lang ang treasurer ko na ipadala sa bank account mo ang pera,’’ turan ko sa kaniya. Kumindat ng sekreto si Lorenzo sa akin na ibig sabihin ay tagumpay ang mission namin. Tagumpay nga ang mission namin pero sira naman ang pamilya ko. Buwesit talagang buhay na ito. “No problem, Babe. Kaysa naman sa iba ko pa ibibinta ang shares ko, kaya sa’yo ko na lang ibibinta. Kailangan ko kasing piyansahan si Daddy,’’ sabi pa ni Jennifer sa akin. Nakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon dahil ang pagkaalam ko na habang buhay sa kulungan ang kaniyang ama. “Hindi ba walang piyansa ang kaso ng ama mo?’’ kunot noo ko na tanong sa kaniya. “Ano ka ba, babe? Naghanap ako ng magaling na abugado. Babayaran ko lang siya at siya na ang bahala sa kaso ni Daddy,’’ sagot ni Jennifer sa akin na matamis ang mga ngiti nito sa kaniyang labi. Naisip ko na si Daniel na naman ang may pakana sa abugado na iyon dahil gusto niya talaga na maghirap si Mario Morales. Minsan may pagkabobo rin pala itong si Jennifer. Hindi niya alam na sisimutin lang ni Daniel ang mga kayamanan nila na hindi nila nalalaman. Ganoon katuso si Daniel Carter. Kapag may ginusto siyang tao na pababagsakin ay hindi siya magdadalawang isip na gagawin iyon. Sa asawa niya lang talaga hindi uubra ang ang pagka-business tycoon niya. Ang kagandahan nga lang ay masyadong active ang sperm cells niya dahil isang putok anim agad ang lumabas. “Well, congratulations, Bro dahil madadagdagan ang shares mo sa kompanya,’’ nakangising nakakaloko na bati ni Lorenzo sa akin. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Sa wakas ay makakalabas na rin ako sa pakunwaring relasyon na ito. “Babe, baka naman gusto mo na ako isama sa bahay ninyo para ma meet ko na ang mga bata?’’ malanding lambing ni Jennifer sa akin. Kahit minsan ay hindi ko siya dinala sa bahay. Mahirap na magtiwala sa isang katulad niya, kung tuso siya mas tuso rin ako dahil hindi ko ilalagay sa alanganin ang mga anak ko. “Bakit hindi na lang muna kayo mamasyal ni Jennifer, bro? Mag-date kayo dahil sobrang subsob ka na rin sa trabaho,’’ sabi naman ni Lorenzo sa akin. “Iyon na nga ang balak ko. Pero hindi tayo puwede sa bahay, babe,’’ baling ko naman kay Jennifer. “Isa pa nasa mansion ang mga bata, kaya hindi naman puwede na dalhin kita sa mansion dahil tiyak na itatakwil ako ng mga magulang ko lalo na ni Lola kapag dinala kita roon. Baka babawiin pa sa akin ang shares ko ni Lola sa kompanya,’’ pagdadahilan ko naman kay Jennifer. Ano kung manuod na lang tayo ng sine?’’ tanong ko sa kaniya. Humahaba ang nguso niya na pinag-iisipan ang isasagot sa akin. “Sige, Babe. Mamasyal na lang tayo kung ayaw mo ako dalhin sa inyo,’’ tugon niya. Tumayo na ako at nagpaalam na kami ni kay Lorenzo. Hindi na ako makapaghintay pa na sabihin kay Jennifer na hindi ko siya gusto at walang kuwenta ang relasyon namin dahil hanggang ngayon si Crystal lang ang mahal ko. Nagtungo kami ni Jennifer sa isang resort at doon na kami kumain.Habang kumakain kami ay bigla na lang ako nito tinanong. “Mahal mo ba talaga ako Reynold? Kanina ko pa napapansin na parang umiiwas ka kapag hinahalikan kita. Tumigil ako sa pagkain at seryosong tumingin sa kaniya. “Ikaw, gaano mo ba ako kamahal Jennifer?’’ Mapupungay ang mata niya na nakatingin sa akin. “Mahal na mahal kita, Reynold. Lahat gagawin ko para lang mapasaya ka. Nakita mo naman na hindi ako nagdalawang isip na ibinta sa’yo ang shares ko dahil alam ko na mahawakan mo iyon ng maayos. Eh, Ikaw? Mahal mo ba ako?’’ Tumingin ako sa mga mata niya na naghihintay sa isasagot ko. “Oo, mahal kita bilang isang kaibigan Jennifer. Mas mahal ko ang pamilya ko. I’m sorry kung pinaasa kita. Patuloy lang kita lolokohin kapag patuloy kitang pinaasa. Mahal ko ang asawa at mga anak ko at hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na iyon sa’yo. Dalaga ka at maganda. Marami pa ang magmamahal sa’yo ng higit pa sa akin,’’ pag-amin ko ng lakas loob kay Jennifer. Ayaw ko man saktan ang damdamin niya subalit maigi na tapusin ko na ang tungkol sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD