CHAPTER 6
CRYSTAL
MADALING araw pa lang ay nagising na ako dahil papasok ako ngayon sa aking trabaho. Nakapagsaing na ako at nakaligo. Nakaluto na rin ako ng hotdog at itlog na para sa almusal namin. May mga alige ako ng alimango na binili ko pa noong isang araw sa kompanya na pinapasukan ko. Ang sarap-sarap iyon kainin. Nag-init na rin ako ng tubig para pang kape namin. Tiningnan ko sa aking relo ang oras. Mag-alasingko na ng umaga. Alas-tres pa lang kanina ay gising na ako.
"Ang aga mo naman nagising, iha?" tanong ni Tito Mitoy, nang lumabas siya sa silid nila ni Tita.
"Hindi na po kasi ako makatulog, Tito. Nagsaing na po ako. Pupunta po ba kayo sa bukid mamaya?" tanong ko kay Tito, habang nilalagyan ko ng kanin ang tupperware na babaunin ko mamaya sa aking trabaho.
Hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil nakikita ko ang mukha ni Reynold at Jennifer kahapon. Lalo lang sumasakit ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko silang dalawa.
"Oo, dahil marami pang mga damo ang tumubo sa palay. Kumusta naman ang trabaho mo sa pabrikahan?" tanong ni Tito sa akin. Kumuha siya ng tasa upang magtimpla ng kape.
"Mabuti naman po, Tito. Heto, nga pala ang natira kong sahod. Ibili niyo po iyan ng Abono para matanggal ang mga damo sa palay," wika ko sabay abot sa kaniya ng pera na natira sa sahod ko.
Bumili na rin ako ng mga pangangailangan namin kahapon.
Nakabili na rin ako ng bigas at groceries. "Nako, itabi mo ito, Iha. Oras na kailangan mo ng pera may madudukot ka. May pera pa naman ako para sa palayan," tanggi ni Tito sa pera na inabot nito. "Sigurado po kayo, Tito?" O naman, Iha! Idagdag mo iyan sa ipon mo. Huwag mo alalahanin ang palayan dahil may budget kami ng Tita mo para riyan," sagot ni Tito sa akin. Ibinalik ko na lang sa wallet ko ang pera.
Nagsasandok na ako ng kanin nang magising si Tita.
"Parang ang aga mo yata gumising Crystal. Maaga ba ang pasok mo?" tanong ni Tita sa akin at dumiretso na ito sa banyo para umihi.
"Ganoon pa rin po ang oras ng pasok ko Tita. Nagising na kasi ako ng alas-tres, kaya hindi na ako nakatulog. May minarenate po pala akong manok. Piprituhin ko na lang bago ako umalis para may babaunin kayo sa bukid," sabi ko kay Tita.
"Hayaan mo na, iha. Doon na lang namin piprituhin sa bukid!" sagot ni Tita habang nasa banyo siya.
Pagkatapos ko ilagay sa lamesa ang ulam at kanin ay nagtimpla naman ako ng gatas. Nagtimpla na rin ako ng kape ni Tita na may creamer.
Si Tito naman ay nasa likod ng bahay para pakainin ang mga alaga niyang manok. "Mag-almusal na po tayo, Tita," aya ko kay Tita.
Pinipilit ko na ikubli ang lungkot na nararamdaman ko. Nakayuko lang ako para hindi mahalata ni Tita ang pamamaga ng aking mga mata.
"Sige, tawagin mo na riyan sa bintana ang Tito mo," utos niya sa akin saka umupo na siya sa upuan niya.
Nagtungo naman ako sa bintana upang tawagin si Tito.
"Tito, mag-almusal na po tayo!" tawag ko kay Tito na abala sa pagpapatuka ng manok.
"Sige, tapusin ko lang itong ginagawa ko," sagot ni Tito sa akin.
Bumalik ako sa lamesa upang maupo at kumain. Habang kumukuha ako ng kanin ay naaamoy ko naman ang pinirito kong itlog na ene-scrumble ko. Parang ang bango niya at nakakatakam sa panlasa, kaya kumuha na ako at Inilagay sa aking plato.
Kumaha lang ako ng kalahati at agad kong kinain, ngunit ganoon na lang ang pangiwi ko nang malasahan ko ang lasa ng itlog. Parang nakakadiri iyon sa aking panlasa, kaya agad ko rin iyon iniluwa.
"Oh, Bakit? Maalat ba ang niluto mo?" Pagpuna sa akin ni Tita ng mapansin niya na iniluwa ko ang itlog.
"Ang pangit po ng lasa, Tita. Baka sira na po ang itlog na niluto ko?" Kunot ang noo ko na sabi kay Tita.
Kunot rin ang noo niya na kumuha ng itlog na niluto ko saka tinikman ito.
"Ayos naman ang lasa, ah! Ang sarap nga, eh!" sabi ni Tita at kumuha ulit siya at nilagay niya sa kaniyang plato.
Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Parang hindi na rin normal ang panlasa ko sa ibang pagkain na kinakain ko nitong mga nakaraang lingo. Pati sa pabango ay parang ang sakit sa ilong ang amoy. Hindi kaya buntis ako? Ngayon ko lang din naalala na parang walang bawas ang napkin na nabili ko noong mga nakaraang buwan.
"Oh, bakit parang natulala ka riyan. Ang lalim yata ng iniisip mo," pansin naman ni Tita sa akin.
"Tita, para yatang buntis ako?" Hindi ko siguradong tanong sa kaniya.
"Ano? Sigurado ka ba? Hindi ka ba dinatnan ng regla mo?" gulat na tanong ni Tita sa akin na naging dahilan pa na paglaki ng kaniyang mga mata.
Lalo pa bumilis ang t***k ng puso ko nang maalala ko na simula ng dumating ako rito ay parang hindi pa ako nadatnan.
"Parang hindli pa Tita, pero baka po delay lang ang regla ko?" kinakabahan na sabi ko kay Tita. Hindi naman sana magkatotoo ang hinala ko dahil hindi koo na talaga alam pa ang gagawin ko kapag talagang buntis ako.
"Nakong bata ka. Bumili ka mamaya ng PT at mag-PT ka. Baka mamaya may laman na iyang tiyan mo. Para maiwasan mo rin ang magpagod kapag sakali nga na buntis ka."
Tumango-tango lang ako sa payo ni Tita sa akin. ako Ituri ko na lang na malaking biyaya ito kapag sakaling buntis nga ako.
"Ano iyong narinig ko na buntis ka, Iha?" tanong ni Tito Mitoy, nang pumasok ito sa kusina.
"Maupo ka rito, mahal. Heto, damihan mo kumain dahil madadagdagan na ang miyembro ng pamilya natin," masayang balita ni Tita kay Tito. Nilagyan niya pa ng maraming kanin ang plato ni Tito Mitoy.
Naupo si Tito sa tabi ni Tita habang malawak ang mga ngiti nito.
"Aba, magandang balita iyan, ah! Blessing iyan sa atin. Mag kakaroon na rin sa wakas ng munting anghel sa bahay natin," tuwang tuwa naman na pahayag ni Tito. Excited sila na magkaroon ako muli ng anak. Masaya rin ako dahil magkakaroon na ang triplets ng bago nilang kapatid, ngunit natatakot ako dahil baka hindi ko siya kayang buhayin mag-isa. Baka hindi ko malbigay ang material niyang pangangailangan.
"Bakit parang malungkot ka, Crystal? Dapat masaya ka dahil malaking biyaya ang batang iyan sa sinapupunan mo!" payo ni Tito sa akin.
Ngumiti ako saglit sa kanila dahil hindi ko pa siguradi na bubtis ako pero napakasuportado na nila sa akin.
"Tama ang Tito mo, iha. Biyaya ang batang iyan, kaya dapat maging masaya ka, hindi 'yong mukhang pasan-pasan mo ang lupa," tugon naman ni Tita sa sinabi ni Tito.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi upang pigilan ang mga luha na gusto ng pumatak sa aking mga mata.
"Natatakot po kasi ako na baka hindi ko maibigay ang material na pangangailangan ng bata. Wala akong sapat na pera para maibigay ang material niyang pangangailangan." Pinilit ko na huwag manginig ang boses ko subalit hindi ko talaga maiwasan.
Huminto ng pagkain si Tita pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko. "Crystal, ano ang kinakatakutan mo? Wala ka mang material na bagay na maibigay sa anak mo, bakit hindi mo siya punuin ng pag-mamahal? Huwag mo siya sanayin sa material na bagay, bagkos sanayin mo siya sa pagmamahal na walang katumbas at hindi mababayaran ng limpak-limpak na pera."
Naluha ako sa sinabi ni Tita. Tama naman siya, wala man akong maibigay na material na bagay sa mga anak ko, pero ang pagmamahal ko para sa kanila ay walang katumbas na halaga.
"Iha, Hawag kang matakot dahil narito kami ng Tita mo. Kami ang pamilya mo, kaya hindi ka namin pababayaan. Kapag nahanap natin ang kapatid mo, sigurado madagdagan pa ang pamilya na mayroon ka," wika naman ni Tito.
Lalo pang tumulo ang luha ko sa pahayag niyang iyon. Ngayon alam ko na may pamilya ako na nagmamahal sa akin ay lalo pa ako magpakatatag.
Si Franny; ang kapatid ko ay hindi ko tinawagan kung saan ako dahil ayaw ko na maging pabigat sa kaniya.
Magkakaroon na rin siya ng sarili niyang pamilya.. Alam ko na hinihintay lang ni Frany ang tawag ko subalit hindi pa ako handa na humarap sa kanila.
Nahihiya ako dahil ang buong akala nila masaya ako sa piling ni Reynold. Na ako lang ang mahal ng asawa ko. Ang hindi nila alam na kabaliktaran ang lahat na inaasahan nila.
"Salamat, Tito, Tita, sa pagtanggap ninyo sa akin." Iyon lang ang masabi ko sa kanilang dalawa.
"Hay nako, wala iyon, Crystal. Ang aga-aga napakadrama natin. Tahan na sa pag-iyak dahil pati ako na luluha na rin. Basta Mamaya bumili ka ng PT para malaman natin kung buntis ka. Basya palagi mo lang tandaan na narito lang kami ng Tito mo para sa'yo, "sabi ni Tita sa akin na pinapalakas ang loob ko.
Piinunasan niya ang kanyang mga mata na kumukulimlim kanina.
Pinunasan ko rin ang mga luha na dumaloy sa aking pisngi. Hindi ko na sinabi sa kanila ang tungkol sa pagpunta ko sa Holand at kung ano ang nakita ko.
Pagsapit ng alas-siete emedya ay pumasok na ako. Sakto naman sa pagdating ko ay bumukas na ang sa area namin na naghihimay ng mga alimango. Mamaya na lang ako bibili ng PT.
Pagpasok ko sa area ay tatlong masasakit na mga mata ang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa kanila at bakit mainit ang dugo nila sa akin. Si Michelle, Clarisa, at Janice, ang top 3 fans ko dito sa pabrika ng mga alige ng alimango. Palagi na lang masakit ang tingin nila sa akin. Hindi ko sila pinansin bagkos ay tumuloy ako sa puwesto ko.
"Akala mo naman kung sino, eh kabago-bago pa lang dito hindi marunong makisama!" parinig in Clarita sa akin.
Dedma lang ako sa parinig niyang iyon.
Si Jonna naman abala na sa paghimay ng mga alimango. Pumuwesto na rin ako sa puwesto ko. Gust ko naman itong ginagawa ko. lyon nga lang nagkasugat-sugat na ang kamay ko. Minsan kasi tumatagos sa gloves ko ang kagat ng alimango, kaya hindi maiwasan na hindi ako masugatan, lalo na at baguhan pa lang ako.
"Huwag mo na lang pansinin ang mga iyan. Nagmamaldita lang ang mga iyan dahil ikaw ang maganda rito sa pabrikahan, kaya agaw atensyon ka ng mga empleyado," bulong na sabi ni Jonna sa akin.
"Wala ako sa mood na patulan sila, kaya huwag kang mag-alala," nakangiti kong sabi kay Jonna subalit pabulong lang din dahil baka marinig kami ng tatlo.
Sumapit ang tanghali at kailangan na namin mag-lunch break. Pagkapos namin mag check-out ni Jonna ay niyaya ko siya. "Pwede mo ba ako samahan sa botika? May bibilhin lang ako," aya ko sa kaniya.
"Sige, dahil bibili din ako ng Vitamins."
Nagtungo na kaming dalawa sa botika. "Pabili po ng Pregnancy test, tatlo po," sabi ko so tindera ng botika. Siniko naman ako ni Jonna na para bang nakapagpagulat sa kanya ang pagbili ko ng pregnancy test.
"Buntis ka ba?" Nanlaki pa ang mga mata niya na tanong sa akin.
"Kaya nga ako bumili para malaman ko," nakairap na sagot ko sa kaniya.
Nagkibit balikat lang siya sa sagot ko sa kaniya.
Binigay naman sa akin ng tindera ang binili kong Pregnancy test. Ibinigay ko na rin ang pera na hawak ko da tindera ko.
"Bakit tatlo talaga ang binili mo?" usisa ni Jonna sa akin habang naghihintay kami ng sukli ko.
"Para makasigurado ako. Malay mo may depekto ang isa, kaya may dalawa pa na matira," sagot ko sa tanong ni Jonna.
Umalis na kami ng ibigay ng tindera ang sukli ko. Habang naglalakad kami ni Jonna ay nakasalubong namin ang Manager ng kompanya na pinagtatrabahuhan namin.
"Good afternoony, Sir." Sabay pa namin na bati ni Jonna kay Sir Gilbert.
Ito ang sinasabing boyfriend ni Clarita.
"Magandang tanghali rin sa inyong dalawa. Saan kayo galing?"
tanong nito sa amin.
"May binili lang po, Sir. Sige Sir, alis na po kami," sagot ni Jonna sabay paalam nito.
"Teka, ikaw ang bago sa company? Ano ang pangalan mo?" Interesadong tanong ni Sir Girlbert sa akin.
"Crysta, Heminez po," tipiid na sagot ko sa kanya. Tumango-tange siya at ngumiti sa akin.
"Kumain na ba kayo? Kung hindi pa samahan ninyo ako, libre ko kayong dalawa," aya pa nito sa amin ni Jonna.
"Kumain na po kami, Sir. Salamat na lang po," agad naman na tangi ni Jonna kay Sir Gilbert.
Hinila pa ni Jonna ang kamay ko para umalis na.
"Pasensiya na po, Sir. Sa susunod na lang po kapag may pagkakataon," hingi ko ng despensa kay Sir dahil sa pagtanggi ni Jonna.
Ngumiti lang si Sir at tumango-tango. Bumalik na kami ni Jonna sa kompanya.
"Hindi pa naman tayo kumain, Pero bakit sinabi mo kay Sir na kumain na tayo?" nagtataka kong tanong kay Jonna.
"Dahil baka makita tayo ni Clarita, mahirap na at baka mapaaway pa tayo dahil kay Sir Gilbert," sagot ni Jonna sa akin. Parang takot na takot talaga siya sa mga babaeng iyon.
Nagtungo na lang kami sa canteen para kumain. Subalit tumuloy na muna ako sa banyo para mag-PT. Knakabahan ako sa magiging resulta ng PT ko.
Kapag buntis nga ako wala na akong magagawa pa kundi alagaan na lang ang aking magiging anak.