Episode 5

2540 Words
CHAPTER 5 REYNOLD Ilang buwan na ang nakalipas nang umalis si Crystal sa bahay. Hind man lang siya nagdalawang isip na iwanan kami ng mga anak namin. Kumuha rin ako ng private inbistigador para mahanap siya. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Makasarili na ba talaga siya para ganon-ganon na lang niya kami iwanan ng mga anak namin? Kahit ang mga anak na lang sana namin ang inisip niya. Hindi ba niya naisip na baka hanapin siya ng mga anak namin? Kailangan siya naming ng mga anak niya? Galit at inis ang nararamdaman ko kay Crystal ngayon dahil sa pag-iwan niya sa amin ng mga bata. "Babe, ang lalim na naman ng iniisip mo. Huwag mo sabihin na iniisip mo pa rin ang nanay ng mga anak mo? Hindi ba dapat masaya ka para maging malaya na tayo,’’ Nag tatampo na talaga ako sa'yo. Minsan na nga lang tayo magkita, pero pakiramdam ko wala sa Akin ang atensyon mo. Huwag mong sabihin na hanggang ngayon mahal mo pa rin si Crystal?" tanong ni Jennifer sa akin. Nakatingin akoa sa labaa ng restaurant. Umaaso ako na baka dumaan si Crystal. O baka mahagip man lang siya ng aking mga mata. "Pasensiya na, babe. Medyo puyat kasi ako ngayon dahil wala akong tulog kagab. Sa akin kasi tumabi ng tulog ang mga bata," pag-iwas ko sa tanong ni Jennifer tungkol sa nararamdaman ko para sa asawa ko. Alam niya ang pag-iwan ni Crystal sa amin ng mga anak ko. "Bakit hindi mo na lang kasi ako iuwi sa bahay mo? Hanggang kailan ba natin itatago itong relasyon natin? Babe, naiinip na ako na maghintay at patago-tago na lang tayo nagkikita. Ayaw mo ba na may katuwang ka sa mga anak mo? Para naman masanay na rin ang mga bata na makasama ako. Ituturing ko naman silang mga anak ko,’’ malambing na sabi ni Jennifer na siyang kinaiinisan ko. Ayaw ko kasi sa lahat ang pinapangunahan niya ako sa desisyon sa putik na relasyon naming ito. Binitiwan ko ang kubyertos at masakit ko siyang tiningnan. "Kung mahal mo ako hindi mo dapat pinapangunahan ang desisyon ko para sa relasyon nating dalawa. Alam mo naman na hindi pa kami divorce ni Crystal. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ko? Lalo na ang sasabihi ng mga tao tungkol sa’yo? Lalo na anon a lang ang sasabihin ng mga kaibigan natin kapag sa bahay ka tumira? Alam mo naman na bawal ang relasyon nating ito, hindi ba? Gusto mo ba magkaroon ng pagkakataon ang asawa ko para ipakulong tayo?" pagdadahilan ko kay Jennifer. "Okay, sorry dahil uminit na naman ang ulo mo sa sinabi ko. Gusto ko na kasi talaga na makasama ka. Siya nga pala tungkol sa shares ko sa kompanya gusto ko na palakihin pa iyon. Para may pag-asa naman ako na mag-karoon ng posisyon sa kompanya,” Lihim akong nagbunyi dahil sa ipinahayag ni Jennifer sa akin. Magkakaroon ako ng pagkakataon na mabili sa kaniya angng shares sa IKS Comapany. lyon na lang ang assets na mayroon ang pamilya nila. Gusto ko talaga madurog ang Mario Morales na iyon; ang ama ni Jennifer dahil sa kawalang hiyaan na ginawa niyang pagpapasabog sa bus liner na pagmamay-ari ni Daniel. Malaki ang shares ko sa bus liner na sumabog ilang taon na ang lumipas. Ito ang nangyari kung paano ako na trap sa piking relasyon namin ni Jinnefer. Ang totoo hindi ko ginusto na magkaroon ng ugnayan kay Jennifer. Subalit kailangan ko makipagrelasyon sa kaniya para makuha ang shares niya. Madaling araw ako noon umalis ng bahay para lang pumunta sa opisina ni Daniel. Naghihintay siya sa akin ng mga panahon na iyon. Mahalaga ang pag-uusapan namin ng oras na iyon. Pagdating ko sa opisina niya ay naroon na saya naghihintay sa akin. "Ano ba ang mahalaga natin pag-uusapan, Bro?" tanong ko kay Daniel, nang pumasok ako sa opisina niya. Nakaupo siya sa kaniyang mini bar counter na nasa loob ng kaniyang opisina. "Gusto mo ng alak?" tanong nito sa akin. "No thanks, ang aga pa para uminom ng alak. Daretsuhin mo na kung ano ang gusto mong sabihin sa alkin," seryoso kong utos sa kaniya. "Okay, tatapatin na kita, bro. Gusto ko sana makipag-relasyon ka kay Jennifer Morales. Anak siya ni Mario Morales; ang nagpasabog ng Dc bus liner na ilang taon na ang lumipas.” Nakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Daniel. "Sira ulo ka ba? Alam mo naman na may asawa at anak ako, hindi ba? Ano ang gusto mong gawin ko? Ang sirain ang pamilya na itinayo at pinahirapan ko? Hindi pa naman nasisira ang ulo ko para sundin ang gusto mo ipagawa sa akin. Ipagawa mon ang iba sa akin huwag lang yan!" tanggi ko kay Daniel. Malalim siyang bamuntorg hininga. "Hindi ko naman sinabi na tutuhanin mo ang relasyon ninyong dalawa. Ikaw ang crush niya, eh! Ang gusto ko lang naman kunin sa kaniya ang shares niya sa IKS. Kapag wala na silang shares na magkapatid at makulong na si Mario, tiyak na wala na silang magamit na pera para sa pangpyansa ni Mario. Gusto kong mabubulok siya sa kulungan." determinadong wika ni Daniel sa akin. "Bakit hindi na lang kasi ikaw ang makipagrelasyon sa anak ni Mario? Bakit kailangan ako pa? Sira ulo ka naman hindi ba? Bakit hindi mo na lang ipapatay si Mario?" tanong ko kay Daniel habang nilalaruan nito ang ball pen sa kamay niya. Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Sira ulo nga ako pero hindi naman ako mafia na mamatay tao. Kung sa akin lang may gusto ang anak ni Mario, bakit naman hindi? Isa pa hindi ako puwede magkaroon ng relasyon sa iba dahil nagpapakitang gilas pa ako sa asawa ko. At least ikaw mahal na mahal ka ng asawa mo at siguro mauunawaan ka naman ng asawa mo kapag nagpaliwanag, ka sa kaniya," pangungumbinsi pa ni Daniel sa akin. “I’m sorry, bro. Hindi ko talaga matatanggap ang gusto mong ipagawa sa akin. Masisira ang pamilya ko kapag ginawa ko ang bagay na iyan." Buo ang loob ko na tanggi kay Daniel. "Bro, isipin mo na lang ang mga nosenteng mga tao ang namatay dahil sa kagagawn ni Mario. Makakaya ba ng konsensya mo na pabayaan na lang ang pagsabog ng bus? Tapos ang taong gumawa noon ay malaya na ginagawa ang gusto niya? Kapag nakuha natin ang shares sa mga anak ni Mario, puwede natin ibigay sa mga pamilya ng namatayan dahil sa pagsabog ng bus. Tayo lang inaasahan ng pamilya ng namatayan para makamit nila ang hustisya sa mga mahal nila sa buhay. Tulungan mo sana ako makamit ang hustisya na gusto makamit ng mga namatayan.’’ Bumuntong hininga ako ng malalim sa sinabing iyon ni Daniel. “Pag-iisipan ko, bro. Pag-usapan na lang natin ito sa susunod.” Tumayo na ako at tinapik ang balikat niya. Umuwi lang ako ng bahay ng oras na iyon na pinag-iisipan ang hinihinging tulong ni Daniel sa akin. Hanggang sa napagdesisyonan ko na tulungan na lang siya sa mission niyang iyon, para sa mga taong namatayan at sa namatay sa pagsabog ng bus na iyon. Nagkaroon ng meeting sa kompanya na pagmamay-ari ni Mrs. Anderson. Ang lahat ng may shares sa kompanyang iyon ay kailangon dumalo. Sa kompanyang iyon naroon ang shares ni Jennifer at ang kaniyang kapatid na si Miss Katrina Morales, kaya dumalo rin sila. Ši Daniel ang Ceo ng kompanya dahil ayaw daw hawakan ng anak ni Mrs. Anderson ang kompanya. Pagkatapos ng meeting ay doon nagsimula ang plano namin ni Daniel. Niyaya namin si Jennifer na mag-lunch habang ang asawa ko ay naghihintay sa akin sa opisina. Masyado na akong stress nang araw na iyon dahil sa nawawala kong kapatid na si Shany. Simula noon palagi na kami nagkikita ni Jennifer sa restaurant at sabay na kami palagi kumakain. Samantalang napabayaan ko na ang asawa ko. Dahil sa sobra kong pagmamadali na matapos ang mission namin ni Daniel ay lalo pang tumagal. "Babe, Paano kaya kung pagsamahin natin ang shares natin? Paano kung bilhin ko ang share mo sa nararapat na halaga?" tanong ko kay Jennifer habang magkaharap kami sa lamesa. Kumunot ang noo niya na parang pinag-iisipan ang sinabi ko. "P’wede rin babe, pero saka na kapag divorce na kayo ng asawa mo. Alam mo naman na iyan na lang ang natira sa amin. Ang pera kasi mabilis lang maubos. Gusto ko siguraduhin na mapapalago ko pa ang namana ko kay Daddy," sagot niya sa akin. Mahirap utuin si Jennifer. Mautak siya at matalino, kaya hindi ko puwede madaliin ang pagkuha ng shares niya dahil baka makahalata niya ako. "Well. it's up to you, kung gusto mo pa palaguin ang shares mo. Puwede ka naman magpatayo ng sarili mong negosyo gamit ang pinagbilhan mo ng shares," turan ko pa sa kaniya at baka sakaling magbago ang isip niya. “Pag-isipan ko ng mabuti ang sinabi mo, babe. Gusto ko kasi talaga magpatayo ng shops ng mga bags and sandals,’’ nakangiti na sabi niya sa akin. Tumango-tango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. "Siya nga pala, pagkatapos natin kumain saan tayo pupunta?" tanong niya sa akin na matamis ang ngiti nito sa labi. Pagak ako na tumawa. Ano ang ini-expect niya ang mamasyal pa kami? “Pagkatapos natin kumain pupunta ako sa opisina dahil marami pa akong naiwan na trabaho roon. Wala ka bang gagawin sa ngayon?" Malamig na tanong ko sa kaniya. "Magsa-shoping lang ako. Pagkatapos magchi-chick in ako sa hotel. Gusto mo ba puntahan ako sa hotel mamaya pagkatapos ng trabaho mo sa opisina?" pang-aakit na tanong ni Jennifer sa akin. Gusto ko matawa sa tanong niyang iyon. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Sa ilang buwan namin magkarelasyon ay hindi ko talaga tinangka na angkinin siya. Kahit ilang beses na nagkaroon ng pagkakataon na may mangyari sa aming dalawa. Hangang halik lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Mahal ko ang asawa ko at hindi ko kayang magtaksil sa asawa ko. Si Crystal lang ang nag-mamay-ari ng puso at katawan kong ito. "Sige, babe. Ibigay mo na lang ang number ng room mo sa hotel mamaya. Tawagan mo lang ako," wika ko kay Jennifer. Gusto ko lang naman siyang paasahin. Matamis ang mga ngjit niya sa akin dahil sa tugon kong iyon. Pagkatapos namin kumain ni Jennifer ay hinintay ko pa na sunduin siya ng kaniyang driver. “Bye, babe. See you later," paalam ni Jennifer, sabay halik sa aking labi. Ngumiti lang ako at sekretong pinunasan ang labi ko. Iniisip ko na lang na si Crystal ang humalik sa akin. Kailanman ay hindi mapapalitan ng sino mang babae si Crystal sa puso ko. Oo, galit ako sa kaniya dahil sa pag-iwan niya sa amin ng mga bata. Alam ko na ito ang dahilan kung bakit niya kami iniwan, pero sana naman hinintay niya na makapag paliwanag ako sa kaniya. Paano niya nagawang iwanan kami ng mga anak namin? Tumuloy na muna ako sa opisina upang lagdaan ang dapat kong lagdaan. Pagkatapos kong lagdaan ang mga papeles ay tumayo n ako. "Sir, aalis ka po ulit?" tanong ng secretary ko sa akin. Sunod-sunod kasi na half day lang ako. "Mayroon pa ba akong dapat lagdaan?" tanong ko sa kaniya. "Wala naman po, Sir. Pero, bukas po may meeting po kayo kay Mr. Gabriel Moore," paalala ng secretary ko sa akin. “Hindi pa puwede e-cancel?” "Tatlong beses na po na cancel ang meeting mo kay Mr. Moore, Sir. Pang-apat na ito kapag ipina-cancel mo pa," sagot naman nito sa akin. Bahagya muna ako nag-isip saka tumango-tango. "Sige, sabihin mo sa secretary niya na tuloy na ang meeting namin bukas. "Copy, Sir!" tugon naman ng secretary ko sa akin. Ilang beses ko na pina-cancel ang meeting namin Gabriel dahil alam ko na sesermonan niya talaga ako tungkol sa nangyari sa amin ni Crystal. Isa pa na iniiwasan ko ang maldita niyang asawa na si Allysa. Baka mamaya isasama niya pa iyon. Kapag narito ako sa opisina nakikita ko ang mukha ni Crystal na pagod at ang malungkot niyang mga mata. Sana hindi na lang ako pumayag na magtrabaho siya para sa ganoon nasa piling niya palagi ang mga ana namin. Baka sakaling hindi pa siya umalis. Umuwi ako sa mansion ni Mommy at Daddy, upang daanan ang mga bata. Tanghali na ako nang dumating sa mansion. Sakto naman na nakahanda na ang pagkain so lamesa. Nakaupo na sina Daddy, Mommy at Lola sa harap ng lamsa na puno ng mga pagkain. Ang mga bata naman ay nasa kani-kanilang puwesto. "Maupo ka, Iho!” seryosong utos ni Daddy. "Thanks Dad, pero busog pa ako. Hintayin ko na lang ang mga bata so theater room," wika ko kay Daddy. Humalik lang ako so pisngi ni Lola, samantalang si Mommy hindi ko pinapansin dahil masama pa rin ang loob ko sa kaniya. Kung hindi lang sana niya pinigilan na dalhin ni Crystal ang mga siguro hindi pa si Crystal umalis. Hindi pa sana kami nagtalo ng gabing iyon." "Kasama mo si Crazy? Ang tagal ni Crazy na hindi pumupunta rito," tanong sa akin ni Lola. Sa tuwing hinahatid ko ang mga bats rito ay palaging tinatanong ni Lola kung kasama ko ba si Crystal. "Busy pa siya sa trabaho, La," pagsisinungaling ko na naman kay Lola. Tumargo-tango lang siya subalit malungkot ang kanyang mga mrata. Tumayo siya at nagtungo sa banyo. “Son, pinakilos ko na ang mga tauhan ko para mahanap si Crystal. Pati ang Daddy mo tumutulong na rin para mahanap ang asawa mo,” wika ni Mommy sa akin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “Thanks, Dad,’’ baling ko kay Daddy at hindi ko tinapunan ng tingin si Mommy. Tumalikod na ako at nagtungo sa theater room. Binuksan ko ang malaking telebisyon. Walang gabi at araw na hindi ko maisip si Crystal. Miss na miss ko na ang yakap at pagmamahal niya sa akin. Ilang sandali ang lumipas ay pumasok si Mommy. "Dear son, puwede ba tayo mag-usap?" malungkot na tanong ni Mommy. “Yes, Mom? May dapat nga tayong pag-usapan, kaya maupo ka," seryoso kong utos sa aking ina. Naupo siya sa tabi ko. "Galit ka pa rin ba sa akin? Hindi ko naman sinasadya o kasalan kung bakit umalis ang asawa mo. Gusto ko lang naman maalagaan ang mga apo ko dahil sa pagkawala ng kapatid mo.” Tudo paliwanag ni Mommy sa akin. "I'm sorry, Mom. Subalit kung hindi mo pinigilan si Crystal na dalhin ang mga bata sa bahay ay hindi sana saya umalis. Totoo naman talaga ang sinabi ng asawa ko sa akin na inagawan mon a siya ng karapatan sa mga anak namin. Hindi ko maipapangako na dadalhin ko pa rito ako mga bata.” Pagkasabi ko ay tumayo na ako saka pinatay ang tv. Natulala si Mommy sa sinabi kong iyon. Hindi ko man lang naisip na may high blood pala siya. "Tapos na siguro kumain ang mga bata, kaya aalis na po kami!" Tumalikod na ako kay Mommy. Lumabas na ako sa theater room. Alam ko sa aking sarili na walang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Iyon ang isang bagay na hindi ko matnggapa, kaya naghahanap lang talaga ako ng masisisi kung bakit ako iniwan ng aking asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD