CHAPTER 7
CRYSTAL
MASAYA ako na kumakain ng tinapay na pinalamanan ko bg alige ng alimango na binili ko sa canteen. Nandito kami sa likod ng pabrikahan ni Jonna dahil break time namin. Nagduduyan kami habang masaya kaming nagku-kuwentuhan.
"Crystal, hindi mo ba nami-miss ang mga anak mo?" tanong ni Jonna akin.
Na e-kuwento ko na rin kasi sa kaniya ang tungkol sa buhay ko. Tatlong linggo na ang nakalipas noong nag-pt ako.
Sobra akong na depress dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin dahil buntis nga ako. Oo, buntis ako sa pang-apat namin ni Reynold.
Mabuti na lang talaga nariyan sina Tita at Tito na palaging nagpapayo sa akin. Dagdagan pa ni Jonna ba palagi rin nagpapalakas ng aking loob, kaya napag-isipan magpa-check up noong nakaraang linggo. Apat na buwan at labing walong araw na akong buntis, kaya minsan para akong naduduwal. Iyon pala ay may laman na ang aking tiyan.
"Sobrang na miss ko na sila Jonna. Walang araw at gabi na hindi ako nananabik sa kanila. Subalit kailangan kong luumayo dahil baka mabaliw na ako kapag nakikita ko si Reynold dahil iniisip ko lang ang kababuyan nila ng kabit niya," wika ko kay Jonna at kinagat ang aking tinapay.
"Sabagay, naiintindihan kita. Pano kapag malaman ng asawa mo na buntis ka?" Maintrigang tanong ni Jonna sa akin.
Sarap na sarap din ito sa pagngunguya ng tinapay. Parang nahawa na nga ito sa akin dahil ginawa niya na ring palaman sa tinapay ang alige ng alimango.
"Hindi niya malalaman dahil hindi ko ipapaalam sa kaniya. Wala siyang karapatan sa anak ko!" mariin na sabi kо kay Jonna. Hindi puwede malaman ni Reynold ang tungkol sa batang ipinagbubuntis ko ngayon. Hinding-hindi niya makukuha sa akin ang anak ko.
Masarap na sana ang kuwentuhan namin nang dumating si Clarita kasama dalawa niyang alalay. "Hey, magnanakaw! Pinapa tawag ka sa opisina!" turan ni Clarita sa akin.
Nakunot ang aking noo dahil sa tawag niya sa akin. Nagtataka rin ako kung bakit ako pinapatawag sa opisina.
"Duh! Akala mo kung sinong Santa eh, magnakaw lang din naman pala," pangungutya na pasaring sa akin ni Michelle.
Sinamaan ko ng tingin si Michelle dahil sa sinabi niyang iyon sa akin. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nagnakaw ng kahit anong bagay.
Sa sobra kong pagkainis sa pagbibintang ni Michelle ay binato ko siya ng tinapay na kinakain ko.
"Hindi ako magnanakaw walang hiya ka! May ninakaw ba ako sa'yo para sabihan mo ako ng ganiyan?" galit na galit kong tanong kay Michelle.
Kulang na lang ay pagsasampalin ko silang tatlo.
Binalik niya rin ng bato sa akin ang tinapay na binato ko sa kaniya. "Gaga ka! Totoo naman na magnanakaw ka dahil ilang bote ng alige ng alimango ang nakita sa locker mo!" sigaw ni Michelle sa akin.
Nagulat ako sa pagbibintang niyang iyon sa akin.
"Anong Pinagsasabi mo?" galit kong tañong sa kanila habang si Jonna naman
ay pinipigilan ako na huwag sugurin ang tatlo.
"Bakit hindi ka pumunta sa opisina para malaman mo ang sinasabi namin? sarkastika na utos naman ni Clarita sa akin.
Sinamaan ko sila ng tingin at tinalikuran. Pumunta ako sa opisina at hindi ko napansin na sumunod din pala sila sa akin.
Kasama ko naman Jonna. Noong nakaraan pa talaga nila ako pinag-iinitan dahil nalaman nila na palagi akong niyayaya ni Sir Gilbert kumain. Minsan ay nakikisali pa sa amin si Sir Gilbert na kumain sa canteen.
Ang balita ko ay matagal ng hiwalay si Clarita at Sir Gilbert dahil sa ugali ni Clarita.
Mismo si Sir Gilbert, din ang nagsabi sa amin ni Jonna na hindi gusto ni Sir ang ugali nito dahil ubod daw ng sinungaling.
Pagpasok ko sa opisina ay agad kong tinanong ang supervisor namin.
"Good afternoon Ma'am Charmen, pinatawag niyo raw po ako?" tanong ko sa supevisor namin.
"Yes, Crystal. Máupo ka," alok nito sa akin.
Naupo naman ako sa harap niya.
"Bakit po ninyo ako po pinatawag Ma'am?" "Pinatawag kita dahil kulang ang items na nanggagaling sa area ninyo, kaya nagsagawa ang head manager ng surprise inspection. Nakita namin sa locker mo ang sampong bote ng alige na malalaki pa. Sabi nitong mga kasamahan madalas raw umuuwi ka ng maraming bote ng alige sa inyo. Napapansin din daw nila na panay ang kain mo ng mga alige at pinapalaman mo pa sa tinapay," mapanghusgang tanong ng Supervisor namin sa akin. Umalsa talaga ang dugo ko sa tanong niyang iyon.
Masakit ang tingin ko sa tatlo na kampon ng kasamaan. Alam ko na sila ang may kagagawan sa paglagay ng mga bote sa locker ko.
"Ma'am, hindi ko po iyon magagawa. Iyong mga kinakain ki binibili ko po iyon sa canteen. Saka wala po akong alam sa ibinibintang ninyo sa akin. Hindi po ako magnanakaw. At hindi ko po magagawa ang ibinibintang ninyo sa akin," pagtatanggol ko ng aking sarili. "Malalaman din iyan kapag dumating ang head of director. Wala kasing kuha ang cctv kung ano ang pinaggagawa ninyo sa locker area. Malalaman din natin kapag dumating ang head of director sa susunod na araw kung inosente ka nga ba?" wika ni Ma'am Charmen sa akin.
"Handa ko po iyon patunayan, Ma'am. Kung totoong may hawak na cctv ang head of director!" walang alinlangan na sabi ko kay Ma'am Charmen.
Nakita ko naman ang mukha ng tatlo na parang hindi mapakali. Tinaasan ko sila ng kilay. May halong babala ang klase ng tingin ko sa kanila.
"Totoo po ang sinabi ni Crystal, Ma,'am. Palagi po kami magkasama at hindi niya po magagawa na magtago ng sampong bote mga alige. At kung sino man ang naninira kay Crystal, tumaas sana ang BP niya at ma-stroke na lang!" pagtatanggol naman ni Jonna sa akin.
Natuwa ako dahil ipinagtanggol ako ni Jonna. Habang ang tatlo naman ay nanahimik lang.
"Okay, malalaman din natin iyan. Pupunta pala rito ang Chairman kasama ang head of director sa susunod na araw. Kapag totoo ang bintang sa'yo Crystal, I'm sorry, pero siguradong ipapatanggal ka ng Chairman. Nakakahiya dahil ang mismong may-ari ng kompanya ang magpapalayas sa'yo sa kompanyang ito. Siya sige na, makalabas na kayo." Utos at babala sa akin ng aming Supervisor.
"Yumuko lang ako tipid na ngumiti sa aming supervisor at lumabas na sa opisina.
"Hindi ako takot, Jonna dahil malinis ang konsensya ko. Kung may dapat man na mapaalis sa kompanya ay walang iba kundi ang tatlong iyon!" Makulimlim ang mga mata ko habang sinasabi ko iyon kay Jonna paglabas namin sa opisina.
Masama ang aking loob dahil sa pagbibintang nila sa akin. Pakiramdam ko ay pinagtatawanan nila ako. Hindi ko alam subalit parang nanliit ako sa aking sarili.
"Naniniwala ako sa'yo, Crys. Hayaan mo lalabas din ang katotohanan. At Sigurado ako na ang tatlong iyon ang naglagay sa
locker mo ng mga alige.Ganiyan din ang ginawa nila kasamahan namin noon," wika ni Jonna sa akin.
Lumipas pa ang ilang araw ay hindi na ako gaanong nakakatulig. Sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay nakakita ko ang mukha ni Jennifer at Reynold. Minsan naiinis na rin ako sa aking sarili dahil gusto ko silang kalimutan, pero hindi ko magawa. Parang sirang plaka iyon na bumabalik sa isipan ko.
Panay naman ang pasaring sa akin ng mga kasamahan ko na isa akong magnanakaw. Kumalat na rin sa buong Pabrikahan ang tungkol sa bagay na iyon. Masama na ang tingin nila sa akin. Lahat ng empleyado parang ang sama-sama ko na sa paningin nila.
Isang araw papasok na ako sa loob ng compound ng Pabrika nang makita ko si Michelle at Clarita. May kausap sika sa loob ng kotse. Madadaanan ko sila.
Umiwas ako ng tingin sa kanila at hindi ko na lang sila papansinin nang tinawag ako ni Clarita sa pangalan na magnanakaw. "Hoy magnanakaw, may gana ka pang pumasok? Hindi ka ba nahihiya na kalat na sa buong Crubs Alige ang ginawa mo?" Mapangutyang nitong tanong sa akin.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"May puwerba ka ba na nagnakaw ako?" Gusto ko na talagang hablutin ang buhok niya.Tumawa siya pati si Michelle.
"Kung ako sa sitwasyon mo hindi na talaga ako papasok. Baka wala na siguro akong mukha na iharap sa mga empleyado," pasaring naman ni Michelle sa akin at malakas silang tumawa.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Michelle,nang makita ko kung sino ang kausap nila na nakasakay sa loob ng kotse. Pati ito ay nagulat nang makita ako.
"C-Crystal?" Hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan ko na halos hindi niya pa mabigkas.
"Magkakilala kayo, Cas?" tanong ni Michelle sa kaniya. Tumango-tango lang siya at suminyas sa dalawa na umalis na.Pagkatapos ay tumingin ito sa akin.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya nang umalis ang dalawa.
Ngumiti ako sa kaniya. Pilit kong tinatago sa kaniya na huwag ipahalata sa kaniya ang panginginig ng kamao ko. Gusto ko siyang sampal-sampalin at ingudungod sa kotse na sinasakyan niya.
Pumasok ako sa loob ng kotse niya. "Ano ang pag-uusapan natin?" tim bagang kong tanong sa kaniya
"Tungkol sa asawa mo, kailan mo balak makipag-divorce kay Reynold?" walang hiyang tanong ni Jennifer sa akin. Tumawa ako ng nakakaloko subalit parang pinipiga ang puso ko.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na wala akong balak makipag-divorce sa kaniya? May magagawa ka ba?" sarkastiko kong sagot sa tanong niya.
"Marami akong magagawa, Crystal. Bakit hindi ka na lang makipag-divorce sa kaniya? Matagal ka na niyang kinalimutan at hindi ka naman talaga niya mahal. Hayaan mo siyang bumuo ng sariling pamilya sa akin!" Ang kapal ng mukha at walang hiya na sabi ni Jennifer sa akin. Sino siya para utusan ako na makipag-divorce sa hudas kong asawa.
Tama nga sabi nila na mas matapang pa ang kabit kay sa original.
"Iyon ba ang gusto ninyong dalawa ang bumuo ng pamilya? Nakakatulog ka pa dahil may pamilya kang nasira? Siya ba ang lumapit sa'yo o ikaw ang lumandi sa kaniya?" Nagtatagisan ang mga ngipin ko na tanong sa kaniya.
Umawang ng bahagya ang labi niya sa tanong ko. "Ang asawa mo unang lumapit sa akin. Matagal na kayong wala sabi niya. Hindi ko naman siya sasagutin kong kayo pa, subalit ang asawa mo ang unang nagpakita ng motibo sa akin. Saka ayusin mo ang pananalita mo dahil baka hindi ko magustuhan at ano ang magawa ko sa'yo! Mag-divorce ka kay Reynold dahil kung hindi, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko Crystal!" banta ng walang hiya sa akin.
Ang kapal ng mukha niya na iutos iyon sa akin.
"Wala kang karapatan na takutin ako, Jeniffer, kabit ka lang ng asawa ko. Habang nabubuhay ako hinding hindi ka magiging masaya dahil sa pagsira mo ng pamilya ko!" asik kong sagot sa kaniya. Pinilit ko na huwag gumaralgal ang boses ko.
"Huwag mo akong nilalang Crystal. Kahit kabit man ang tawag sa akin panalo pa rin ako dahil ako nagmamay-ari na ng puso ni Reynold!" Mariin niyang sagot sa akin.
"Talaga? Iyan ba ang sinabi sa'yo ni Reynold na ikaw na ang nagmamay-ari ng puso niya?" sarkastika konh tanong sa kaniya, subalit nadudurog na ang puso ko.
"Yes, sinabi niya sa akin na hindi ka na niya mahal. Dito kaba nagtatrabaho? Hindi ba alam ni Reynold na nandito ka? Alam mo palagi siyang puyat sa mga anak ninyong dalawa. Kung ako lang ang masusunod gusto ko na lang umuwi sa inyo, para matulungan ko siya sa pag-aalaga ng mga anak ninyo kaso ayaw ni Reynold dahil baka kakasuhan mo Kami."
Ngumiti lang ako ng mapakla sa sinabing iyon ni Jennifer.
Paano nagawa sa akin ni Reynold ang ganito?
"Kung gusto niyo ng katahimikan, Jennifer. Maari sana huwag mong sabihin kay Reynold na nakita mo ako rito, kung ayaw mo na bawiin ko siya sa'yo. lyong-iyo na si Reynold at wala na akong pakialam sa kaniya. Pero, kung gusto mo na ibalita ang tungkol sa pagkikita natin ngayon sa hudas iskariote na iyon, sige sabihin mo sa kaniya na nandito ako!" galit kong babala kay Jennifer.
Mariin niya akong tinitigan. "Hindi mo siya maagaw sa akin Crystal. Noon pa man may gusto na ako kay Reynold. Noong hindi pa kayo ikinasal. Kaso hindi niya ako napapansin noon dahil ikaw pala ang kinababaliwan niya. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka, kapag iniwan ako ni Reynod dahil sa'yo! Hindi iyan pagbabanta Crystal, kundi isa yang babala sa'yo!"
Muling nag tagisan ang mga bagang ko dahil sa sinabi ni Jennifer. Ngumisi ako sa kaniya.
"Hindi ako takot mamatay, Jennifer. Huwag mo lang pakialaman ang mga anak ko dahil hindi mo rin alam ang kaya kong gawin para sa mga anak ko. Napakabobo naman ni Reynold, sa pagpili ng babae na ipapalit sa akin. Pumili na nga siya 'yong hagas na. Kung baga sa isda bilasa na! Magsama kayo hanggang impyerno!" pang-iinsulto ko kay Jennifer bago ako lumabas sa kaniyang sasakyan.
Wala akong lingon-lingon na umalis.
Para ng sasabog ang puso ko subalit hindi ako puwede magpa-apekto dahil baka mapaano naman itong bata na nasa sinapupunan ko. Ang dami ko talagang hanash sa buhay. Ang aga-aga subalit kamalasan naman ang sumalubong sa akin.