CHAPTER 4
ACRYSTAL
Mabigat ang aking mga paa na bumaba sa tren. Nakarating ako ng Holand alas-nuebe ng umaga. Tamang-tama dahil wala si Reynold ng ganitong oras sa bahay, kaya malaya kong mapupuntahan ang aking mga anak. Sobra ko na talaga sila name-miss.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa tapat ng bahay namin ni Reynold. Naka talukbong ang ulo ko ng balabal at nagsuot ako ng brown na salamin upang hindi ako madali makilala kung Isakaling may makakita man sa akin.
"Kuya, puwede po bang pakihintay mo na lang ako? Dadagdagan ko na lang po ang bayad ko," pakiusap ko sa Kuyang driver.
Ngumiti ako ng tumango-tango siya. Mahirap kasi mag-abaing ng sasakyan dito dahil halos lahat ng mga nakatira sa lugar na ito ay may mga sariling sasakyan. May taxi nga na pumapasok rito, pero kailangan mo pang itawag sa security guard kapag gusto mo magpasundo ng taxi rito.
"Sige, Iha. Doon na lang ako mag parking sa gilid." tugon ng taxi driver sa akin.
Tumango-tango lang ako habang ang mga mata ko ay nasa bahay namin ni Reynold. Umaasa ako na sana lumabas man lang sana ang isa sa mga Yaya ng mga bata.
Ilang sandali pa ako nanatili sa isang puno na kinukoblihan ko nang makita ko na lumabas si Reynold. Buhat-buhat niya si Ralph, habang ang isa niyang kamay ay nakahawa kay Raffy. Habang si Rafael naman ay nakahawak sa kabilang gilid ng laylayan ng damit ni Reynold. Parang tinutusok na naman ang puso ko ng libo-libong karayom nang makita ko si Reynold. Galit ang nararamdaman ko sa kaniya dahil sa panloloko na ginawa niya sa akin. Sana hindi na lang niya ako pinakasalan kung hindi naman pala niya matupad ang pangako niya sa akin.
Ang mga Yaya naman ng mga bata ay nakasunod sa likuran ni Reynold, habang dala ng mga ito ilang gamit ng mga bata.. Gusto kong lumapit sa kanila, subalit wala akong lakas ng loob na humarap kay Reynold. Pakiramdam ko katawa-tawa ako sa paningin niya kapag sakaling nagpakita ako sa kaniya.
Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nagawa niya akong lokohin? Hindi ko na naman mapigilan na hindi pumatak ang aking mga luha.. Nakita ko na pumasok sila sa sasakyan, kaya dalidali ako nagtungo sa taxi na sinakyan ko kanina. Agad kong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob.
"Kuya, p’wede bang sundan natin ang sasakyan na lalabas sa gate na iyan?’’ turo ko kay Kuyang Driver sa gate ng bahay. Sa harapan na ako naupo sa tabi ng driver para madali ko makita kung saan pupunta ang sasakyan ni Reynold.
"Okay. Ma’am," tipid na tugon ng taxi driver sa akin.
Bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ko na lumabas na ang sasakyan ni Reynold. Saan niya kaya dadalhin ang mga bata?” Tatlong buwan pa lang ako nawalay sa kanila subalit pakiramdam ko taon na ang lumipas.
"Itong Sasaakyan po ba, Ma'am na lumabas ang sususndan natin?” turo ng driver ng nguso niya sa sasakyan ni Reynold na lumabas.
Tango lang ang sagot ko sa driver, habang ang mga mata ko ay nasa tinted na sasakyan ni Reynold. Nang lumampas na sa amin ang sasakyan ni Reynold ay binuhay naman ng driver ang makina at sinundan niya na ang sasakyan ni Reynold.
“Ma’am, puwede magtanong?’’ Lumingon ako sa driver at tumango-tango. Naghihintay nang itatanong niya sa akin.
“Ano niyo po ang may-ari ng sasakyan?”
Muli akong tumingin sa unahan sa sasakyan ni Reynold. Marahil nagtataka si Kuya kung bakit pinapasundan ko sa kaniya ang sasakyan ni Reynold.
"Asawa ko po, Kuya. Nasa loob po ng sasakyan na iyan ang mga anak namin,’’ mahina na sagot ko kay Kuyang Driver.
Pinipigilan ko kasi ang aking boses na huwag gumaralgal. Naunawaan naman siguro ni Kuyang driver ang nararamdaman ko kaya tumango-tango na lang siya. Hindi na ito muling nangusisa pa.
Ilang sandal pai ang lumipas ay pumasok ang sasakyan ni Reynold sa daan patungo sa mansion ng mga magulang niya.
“Kuya, itabi mo na lang riyan ang sasakyan. Hindi na tayo puwede pumasok riyan dahil exclussive na ang lugar na iyan.” Hintayin na lang natin ang sasakyan ng asawa ko na lumabas.’’
Huminto naman siya sa gilid ng kalsada. Marahili dadalhin ni Reynold ang mga bata sa Mommy niya. Hanggang nagyon hindi pa rin siguro nila nakita si Shany.
"Ma'am, hindi naman po sa nangingialam ako, pero gusto ko lang malaman kung bakit hindi niyo po nilalapitan ang asawa at anak ninyo? Bakit sinusundan mo lang sila?"
Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil sa tanong na iyon ni Kuyaang Driver sa akin.
"Hiwalay na po kasi kami ng asawa ko, Kuya. Naiwan po sa kaniya ang mga anak namin. Gusto ko man lapitan ang mga anak ko subalit ayaw kong makita ako ng asawa ko. Galit ako sa kaniya dahil bakit nagawa niyang mambaba, gayong lahat naman ibinigay ko sa kaniya? Hindi ko alam kung bakit hindi ako sapat para sa kaniya," maluha-luha at garalgal na boses kong sagot sa driver.
“Pasensya na sa pangungusisa ko Ma’am, ha? Minsan kasi kaming mga lalake may mga kahinaan din. Lalo na kapag nabuyo kami sa isang babae, subalit hindi ibiig sabihin noon eh, liwan na namin ang asawa namin. Kahit anong pambabae ang gagawin ng isang lalaki, ang asawa pa rin ang pipiliin naming mga lalake. Pero, depende na po iyon sa sitwasyon. May mga hinahanap rin kasi kaming mga lalake na hindi namin mahanap sa asawa namin. Naa-atrack kami sa mga babae na akala namin mapupunuan ang mga pangangailangan namin bilang isang lalake. Lalo na kapag magaling sa performance ang isang babae. Mayroon kasing nga babae na asawa na pagod sa trabaho sa bahay, kaya ang satifaction ng asawang lalake ay hindi sapat dahil wala ng excitement ang pagniniig nila. Kaya, maghahanap talaga ang asawang lalake ng iba."
Napismid ako sa sinabing ni Kuya. Iyon na ba ang basehan para maghanap sila ng iba? Para lokohin nila ang mga asawa nila na maghapon na nagbabantay ng anak nila at maghapon na inaasikaso ang loob ng bahay? Sapat na ba ang dahilan nila para mambabae? Kami ni Reynold, halos buong araw na magkasama sa opisina, pero nagawa pa akong lokohin. Araw-araw din naman ako nagpapaganda at pagdating sa kama hindi naman ako nagkulang, pero bakit hindi pa rin ako sapat para sa kaniya?.
Hindi talaga ako sang-ayon sa katwiran na iyon ni Kuya. "Hindi tukso ang tawag doon, Kuya kundi kalibugan na. Mas mabuti na iniwan niyo na lang kami na mga asawa ninyo, kaysa araw-araw namin maramdaman ang sakit na dinadulot ninyo sa amin. Iyong araw-araw na lang mararamdaman na lang namin ng panlalamig ninyo sa amin na walang sapat na dahilan. Kung kuntinto kayo sa inyong mgs asawa hindi na sana kayo naghanap ng iba pa. May mga ilan na mas pinili ang kabit kaysa legal na asawa at mga anak dahil siguro hindi na mahal ni lalake si babae. Kaya maraming pamilya at mgar anak nawalan ng mga magulang dahil sa isang ama na hindi kuntento soa asawa niya!" mariin na sabi ko kay Kuya. Nakasimangot ako na nakatingin sa lugar na pinasukan ng sasakyan ng asawa ko.
"Ma'am, sasakyan na yata ng asawa mo ang palabas sa lugar na iyan. Susundan pa ba natin?’’ tanong ni Kuyang Driver sa akin.
Napatingin ako sa sasakyan ni Reynold. ‘’Sige Kuya, sundan natin,’’ tugon ko sa driver.
Hindi ko alam kung bakit gusto ko pa rin sundan ang sasakyan ni Reynold? Malakas ang kutob ko na baka magkikita sila ng kabit niya.
Hindi naman nag-alinlangan na sinundan ni Kuya ang sasakyan ni Reynold. Lumipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan ni Reynold sa isang kilalang restaurant din dito sa Holand.
"Kuya. mag-uturn tayo para hindi tayo mahalata." Sinunonod naman ni Kuya ang iniutos ko sa kaniya. Nag-u-turn kami at huminto kami sa tawid.
"Magkano na pala ang babayaran ko, Kuya?" tanong ko sa driver habang ang mga mata ko ay nakatingin kay Reynold. Nakasandal siya sa kaniyang sasakyan habang abala sa kapipindot ng cellphone. Parang hindi nga siya apiktado sa pag-alis ko. Parang masaya pa nga siya n umalis ako sa buhay niya.
“Huwag niyo na po bayaran, Ma'am. Tulong ko na lang po ito sa inyo.’’
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kuya dahil nakita ko ang pagbaba ni Jennifer sa sarili nitong sasakyan. Nakita ko ang matamis na ngiti nila nang makita nila abg isa’t isa. Pero ang mas masakit ay makita na hinalikan ni Jennifer ang labi ni Reynold. Walang kasing sakit ang nakita kong iyon. Kung dati ako lang ang humahalik sa labi niya, pero ngayon may iba pa na humahalik sa labi niya. Iyon pa nga lang ang nakita ko, pero parang nasusuka na ako. Hindi pa sila kuntinto sa halikan nila ay may yakapan pa.
Parang paulit-ulit na sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa nakita ko. Talaga yatang noon pa man wala na akong puwang sa puso niya.
Hindi ko namalayan na sunod-sunod na palang pumapatak ang aking mga luha. Mas masakit pa pala ang nakita ko ngayon kaysa nakita ko noon na nagsusubuan sila ng pagkain.
“Kuya, pakihatid mo na lang ako sa station ng tren,’’ umiiyak na utos ko kay Kuya.
“Mabuti pa nga umalis na lang tayo sa lugar na ito, Ma’am. Naiintindihan ko na ang sakit na nararamdaman ng asawa ko noong mga panahon na nagluko ako. Kung maibalik ko lang ang mga panahon itinuon ko na lang sana ang panahon ko sa kaniya bago siya nalagutan ng hininga.”
Suminghot ako at pinunasan ang aking mga luha. Tumingin ako kay Kuya dahil sa sinabi niya. Pumasok na rin si Reynold at Jinnefer sa loob ng restaurat na magkahawak kamay. Umalis na rin kami sa lugar na iyon.
"Patay na ang asawa mo?" garalgal na boses ko na tanong kay Kuya.
“Tatlong taon na ang lumipas. May Ovarian Cancer siya. Hindi kami nagkaroon ng anak, kaya iyon ang ginawa kong dahilan para mambababae. Ang hindi ko alam na may malubha na palang sakit ang asawa ko. Lumala pa ang sakit niya nang malaman niya na mayroon akong babae. Sa totoo lang malaki ang pagsisisi ko dahil sa huling sandali ng kanyang buhay ay nasa piling ako ng babae ko. Nabalitaan ko na lang na patay na siya ng tumawag ang kaibigan niya sa akin. Kaya kung ako sa’yo Ma’am kalimutan mo na lang ang asawa mo. Maganda ka at bata pa kaya marami ka pang lalake na makita na higit sa kaniya. Huwag kang magmukmok dahil lang sa nakita mo. Ipagpatuloy mo lang ang buhay mo. Mag-ipon ka at kunin mo sa kaniya ang mga anak mo. Ipakita mo na kaya mo mabuhay na wala siya. Pasensya na Ma’am, pero iyan lang ang maipapayo ko sa’yo.”
Muli na naman pumatak ang mga luha ko sa mga sinabi ni Kuya. Nalungkot rin ako sa nangyari sa asawa niya.
Parang pinupunit ang puso ko nang maisip ko kung gaano kalambing si Reynold sa haliparot na lalaking iyon. Parang pinagsisihan ko talaga na pinakasalan ko siya. Parang pinagsisihan ko ang kabaliwan ko noon na nagawa ko pang kidnapin siya at ikulong sa bahay ni Gabriel. Sising sisi ako sa lahat ng mga naging desisyon ko sa aking buhay.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa station ng tren. Huminto si Kuya sa tapat ng tren. Hindi ko na kaya na hindi ilabas ang sama ng loob ko para kay Reynold. Umiyak ako nang umiyak sa loob ng sasakyan ni Kuya Driver. Hinayaan niya muna ako matapos ang pag-iyak ko.
Pagkatapos kong umiyak ay nagpasalamat ako kay Kuya at lumabas na sa taxi niya. Kumuha na ako ng ticket papunta sa San Isidro. Tulala ako habang nasa tren ako. Wala na din akong mailuha dahil naubos ko na iyon kanina. Isa pa para akong napagod.
Hindi ko na nga namalayan na nakarating na pala ang tren sa station ng San Isidro.
"Miss, San Isidro po kayo, hindi ba? San Isidro na po ito," kalabit sa akin ng kasabay kong pasahero kanina.
"Opp, Ate. Salamat." Parang wala pa rin ako sa aking sarili nang bumaba ako sa tren.
Akala ko kapag iniyak ko ng tudo ay mawawala ang sakit na nararamdaman ng puso ko, pero hindi pala ganoon kadali mawala iyon.