Chapter 2
Crystal
“Saan ka naman pupunta? Baka puwede niyo pa pag-usapan ang problema niyo, Crystal.” Si Allysa. Narito kami ngayon sa isang Hotel. Tinawagan niya ako pagkatapos kung maglayas.
Dalawang araw na ako rito sa hotel. Tumawag sa kaniya si Reynold at hinahanap ako. Kay Allysa ko lang sinabi ang kinaroroonan ko. Pagkatapos ng pag-uusap naming ito aalis na ako sa Holand.
“Ano pa ba ang pag-uusapan namin, Allysa? Naging bingibingihan ako sa mga narinig ko na may kinababaliwan ang asawa ko. Akala ko nga ang kinababaliwan niya ang staff sa HR department. ‘Yon pala ang kaibigan mong haliparot ang kalandian niya!”
Muli na naman pumatak ang mga luha ko nang maalala ko kung paano naging malambing si Reynold kay Jeniffer.
“Ano ba ang pagkukulang ko, Allysa? Bakit kailangan akong palitan ng asawa ko? Hindi ba siya kontinto sa akin? Pangit na ba ako? Hindi naman ako pabaya sa sarili ko, pero bakit naman ganoon? Akala ko magiging masaya na kami kapag nagpakasal ako sa kaniya. Subalit nagkakamali ako dahil mas higit pa pala ang sakit na mararamdaman ko ngayon.”
Niyakap ako ni Allysa at hinimas-himas ang aking likuran. “Kahit ako, Best. Hindi ko lubos maisip na papatulan ni Reynold si Jeniffer. Ang landi talaga ng babaeng iyon! Mabuti si Liam hindi niya naakit noon. At subukan niya lang na landiin ang asawa ko at ingungudngod ko talaga siya sa putikan.”
Mabuti na lang narito si Allysa na masasandalan ko. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Kung walang mali sa akin dapat kontinto na si Reynold sa akin, pero hindi, eh! Tingin ko may kulang pa rin sa akin.
“Best, wala sa’yo ang mali. Na kay Reynold ang mali. Almost perfect ka na nga, eh! Totoo nga ang kasabihan. Daig ng malandi ang maganda. Makikita talaga ng babaeng iyon kapag nakita ko siya!” galit na saad ni Allysa.
“Iiwan ko pansamantala ang mga bata. Tingnan-tingnan mo na lang sila para sa akin, Best. Kailangan ko muna makahanap ng permanenteng trabaho, saka ko kukunin ang mga bata sa kanila.’’ Pinalis ko ang mga luha ko at kumalas sa yakap ni Allysa.
“Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo. Tanggapin mo itong kaunting tulong ko.” Inabot ni Allysa sa akin ang isang sobre. Alam ko na pera ang laman ng sobre.
“Itago mo ‘yan, Allysa. Marami na kayong naitulong sa akin ni Gabriel. Hindi ko na alam kung paano kayo pasasalamatan.” Tinanggihan ko ang ibinigay sa akin ni Allysa. Nahihiya na rin kasi ako sa kaibigan ko. Naabala ko na rin siya sa problema namin ni Reynold.
“Best, makakatulong ito sa paghahanap mo ng trabaho. Sige na tanggapin mo na ito. Magtatampo ako kapag hindi mo ito tinanggap,” pagpupumilit niya sa akin.
Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang bigay niya sa akin. Sabi nga nila bawal tanggihan ang blessings.
“Salamat, Best. May naipon naman ako sa sahod ko sa kompanya. Dagdag na rin ito sa pangangailangan ko. Saka bayad ko rito sa Hotel. Salamat, Allysa.” Muli akong napayakap kay Allysa ng mahigpit.
Napaka-suwerte ko dahil may kaibigan ako na katulad niya.
Kinabukasan maaga akong umalis sa Hotel. Sakay ng taxi nagtungo ako sa terminal ng bus patungo sa San Isidro. Sa pinakamalayong probensya ng Maharlika. Kapag sa San Agustin ako pumunta tiyak na masusundan ako ni Reynold doon.
Naroon ang isang kamag-anak ni Daddy na dating driver namin na si Tito Mitoy. Mabuti na lang noong mga nakaraan nangamusta siya sa akin. Kaya, kagabi tinawagan ko siya at sinabi ko na pupunta ako sa kanila.
Tahimik lang ako habang nakasakay sa bus, subalit hindi mawala-wala sa isip ko ang mga bata. Kumusta na kaya sila? Alam ko naman na hindi nila ako hahanapin dahil sanay sila na kasama ang Lola nila at mga yaya nila.
Nakakalungkot na ako nagsilang sa kanila subalit iba nag nag-aalaga sa kanila. Kung hindi lang siguro ako kinuha ni Reynold o nakita masaya siguro kami ngayon ng mga bata na naninirahan sa San Agustin.
Alas-siete ng gabi ako nakarating sa terminal ng buss sa San Isidro. Pagbaba ko nariyan si Tito Mitoy. Malawak ang mga ngiti nito sa labi na sinalubong ako.
“Kumusta ka na, Iha? Ako na ang magdadala sa dala mo.” Nakangiti ito na kinuha sa akin ang bitbit kong maleta.
“Ayos lang po ako, Tito. Kumusta naman po kayo?’’ Pasensya na sa abala, ha?’’ nahihiya kong paumanhin sa kaniya.
“Sus, ikaw namang bata ka. Huwag kang mahiya dahil pamangkin naman kita. Pangalawang pinsan ko ang Daddy mo at closed naman kami. Hali ka at excited na si Tita mo Marcia na makita ka.”
Sumakay kami sa angkar-angkar na dala ni Tito. Ilang minuto ang nakalipas nakarating kami sa bahay nila. Iyon nga lang naglakad pa kami ng ilang dipa dahil hindi pa abot sa bahay nila ang kalsada. Papasok pa ang bahay nila na para bang wala silang kapit bahay.
“Pagpasensyahan mo na rito sa amin, Iha. Hindi pa kasi develop ang lugar na ito,’’ hingi ng paumanhin ni Tito nang makita niya na medyo nahihirapan ako sa paglakad sa isang putikan na daan.
Ilang sandali pa tanaw ko ang isang maliit na bahay. Yari ito sa kalahating semento at kalahating hardieplex.
“Narito na tayo. Inaabangan na tayo ng Tita Marcia mo,’’ sabi ni Tito Mitoy.
Tanaw ko ang isang babae na nakaabang sa may pinto.
“Ikaw na ba si Crystal?’’ nakangiting bati ni Tita Marcia sa akin.
“Opo, kumusta po kayo?’’ tugon ko at humalik sa kaniyang pisngi.
“Parang kailan lang. Bata ka pa lang noong binabantayan kita. Ako ang nag-aalaga sa’yo noon simula noong isinilang ka. Kaso noong limang taon ka na umuwi na ako rito. Pumasok na kayo, Iha. May native na manok akong tinola na niluto para sa hapunan natin.”
Natutuwa ako at si Tita Marcia pala ang nag-alaga sa akin noong bata pa ako. Pumasok kami sa loob ng bahay. Simple lang ang pamumuhay ng mag-asawa. Kahit ganoon pa man halata na masaya sila. Aanhin mo nga ang limpak-limpak na salapi kung hindi ka naman masaya?
Nagtungo kami sa kusina at naupo sa mahabang lamesa.
“Dalawa lang po kayo ni Tito Marcia sa bahay na ito, Tita?’’ tanong ko.
“Oo, Iha. Hindi naman kami nagkaanak ng Tito mo,” saad nito sa akin.
Ngumiti lang ako kay Tita Marcia, at nagsimula na kami kumain.
“Ikaw, Iha. Hindi ka ba nakapag-asawa?’’ muli nitong tanong sa akin.
Matagal na rin kasi na wala silang balita sa akin simula nang umalis sila sa mansion namin noon. Hindi rin nila alam na nakapag-asawa ako dahil kailan lang kami nagkaroon ng communication ni Tito Mitoy nang minsan mapunta siya sa San Agustin at nakita si Jasper na bakla kong kaibigan.
Tipid akong ngumiti sa kanila. “May asawa nap o ako, Tit, Tita. Triplets po ang anak namin-“ Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagtutubig na naman ang mga luha ko.
“Siya, siya, mamaya na natin pag-usapan iyan. Kumain na tayo, Iha. Alam kong pagod ka pa sa haba ng byahe mo.” Mabuti naintindihan ni Manang Marcia ang nararamdaman ko.
Salo-salo kaming kumain. Kaunti lang ang kinain ko dahil pagod nga ako sa byahe. Mahigit ba naman sampong oras ang byahe ko mula sa Holand hanggang dito sa San Isidro.
Pagkatapos namin kumain nasa sala kami nakaupo. “Kumusta naman ang buhay mo, Iha?” malungkot na tanong ni Tita Marcia.
“Simula nang mamatay si Daddy at Tita, bagsak na ang kompanya. Hindi ko alam kung paano bumangon. ‘Yong mga ari-arian namin hawak na ng mga Johnson. At isa rin sa mga Johnson ang napangasawa ko.” Napakagat ako ng aking ibabang labi pagkatapos kong sabihin iyon sa mag-asawa. Naalala ko na naman ang pagtataksil ni Reynold sa akin. Sa dami kasi ng babae bakit kay Jennefer pa?
“Sinong Johnson ang napangasawa mo, Iha?’’ seryosong tanong ni Tito sa akin.
“Si Reynold Johnson, po, Tito. Anak nila Mr Rafael at Mrs Amanda Johnson.” Tumango-tango si Tito nang sabihin ko ang pangalan ni Reynold at ng mga magulang nito.
“Si Reynold Johnson na isang secret Billionaire dito sa Maharlika.” Napaawang ang labi ko nang banggitin iyon ni Tito.
Kunot ang aking noo na tumingin ako sa kaniya. “Kilala niyo po si Reynold Tito?’’
Malalim na nagbuntong-hininga si Tito Mitoy sa tanong kong iyon. “Nakilala ko siya nang minsan na naging mangingisda siya. Magkasama kami noon sa bangka habang nangingisda kami sa laot. Mabait naman ang batang iyon at palaging nagmamadali dahil susunduin niya pa raw ang kasintahan niya. Hindi ko naman inusisa kung sino ang kasintahan niya. Marahil nakapasa siya sa pagsubok ng Daddy at Lola niya sa kaniya, kaya hindi ko na siya nakita muli.”
Hindi ako nakaimik sa sinabing iyon ni Tito. Ilang segundo pa bago bumuka ang aking mga labi.
“Ibig sabihin matagal na kayo sa San Agustin, Tito?’’ Muli kong tanong.
“Pabalik-balik ako sa San Agustin at sa HoLand, Iha. Ang totoo, bago namatay ang Daddy mo nakadalaw pa ako sa kaniya sa hospital. Ipingako ko sa kaniya na hanapin ko ang mga anak niya. Nang mahanap ko si Frany ang Tita mo ang sinabihan ko na siya na lang ang magpaliwanag sa’yo tungkol kay Frany. Subalit nabalitaan ko na nga na patay na ang Daddy mo at nasa Holand ako ng mga panahon na iyon. Crystal, hindi lang kayong dalawa ang magkapatid ni Frany. May isa pa kayong kapatid sa ama na hindi ko pa nahahanap hanggang ngayon.”
Natulala ako nang sabihin ni Tito ang huli niyang sinabi. Nakaawang ang mga labi ko literally. Sino ba naman hindi magulat na may kapatid pa ako sa labas maliban kay Frany?
“Tito, ano ang ibig ninyong sabihin? Maliban kay Frany may kapatid pa ako?’’ hindi ko makapaniwalang tanong kay Tito.
“May anak pa ang Daddy mo sa iba, Crystal. Nang malaman iyon ng Mommy mo sobrang stress ang pinagdaanan ng Mommy mo. Hanggang isinilang ka nga sa mundong ito at nalaman namin na buntis ang anak ni Don Miguel Esmundo na si Anna Esmundo. Kaisa-isang anak ni Don Esmundo si Anna. Lingid sa kaalaman nila nauna pa lang magkasintahan ang Daddy mo at si Anna bago ikinasal ang mga magulang mo. Habang kasal ang Mommy at Daddy mo nakikipagrelasyon pa rin ang Daddy mo sa dati niyang kasintahan hanggang nabuntis niya ito. Kami lang ang nakakaalam na ang Daddy mo ang ama ng dinadala ni Anna. Dahil sa galit ni Don Miguel kay Anna. Ikinulong niya ito at pilit na pinapalaglag ang bata na nasa sinapupunan niya. Isa ako sa tumulong upang makatakas si Anna sa kamay ng ama niya. Dinala ng Daddy mo si Anna sa malayong lugar. Subalit maraming mga tauhan si Don Miguel. Gustong ipapatay ni Don Miguel ang sanggol sa sinapupunan ni Anna dahil kahihiyan iyon ng pamilya nila na magdadalang tao si Anna na walang kinikilalang ama. Subalit nang manganak si Anna, pinuntahan namin siya ng Daddy mo at nalaman nga namin na nanganak si Anna. Subalit wala na ang sanggol at si Anna sa pinag-iwanan ng Daddy mo. Nabalitaan namin na hawak na ni Don Miguel si Anna. Subalit hindi niya dala ang sanggol. Namatay si Anna dahil nagkasakit at nabinat. Subalit may sulat siyang naiwan sa Daddy mo. Buhay raw ang anak nila ng Daddy mo at gusto ni Anna na kilalanin ng Daddy mo ang anak nila.”
Halos hindi ako makahinga sa isinalaysay sa akin ni Tito Mitoy. Bukod pala kay Mommy may iba rin gusto si Daddy. Kaya, ba ako ang sumasalo ngayon ng mga ginawa ni Daddy noon? Marahil sa sobrang sakit na nararamdaman ni Mommy na may iba ang asawa niya hindi niya siguro kinaya at isinilang niya na lang ako sa mundong ito at iniwan. Ayaw ko sana maranasan ng mga anak ko na lumaki na walang ina sa tabi nila dahil masakit iyon sa isang anak. Subalit alam ko na hindi naman nila pababayaan ang mga bata.
“Kung ganoon matanda lang ako ng isang taon sa kapatid ko? At saan siya ngayon? Maganda kaya ang naging buhay niya?’’ sunod-sunod kong mga katanungan kay Tito.
“Matagal ko na hinahanap ang kapatid mong iyon, Iha, ngunit hindi ko talaga siya mahanap. Hindi ako nawawalan ng pag-asa at mahahanap ko rin siya.” Halong lungkot at tuwa ang nadarama ko dahil may kapatid pa pala ako maliban kay Frany. Subalitlungkot naman ang nararamdaman ko ng maisip ko, paano kung hindi niya kami tanggap ni Frany?