Chapter 1

3079 Words
CHAPTER ONE CRYSTAL May masakit pa ba sa nararamdaman ko ngayon? Parang libo-libong karayom ang tumutusok sa aking puso dahil sa nakikita ko. Nakakubli ako sa isang poste ng building dito sa Holand habang pinapanuod ang pakikipagharutan ng asawa ko sa sinasabi nilang kabit niya. Totoo nga ang naririnig ko na may kinabaliwan daw ang asawa ko. Akala ko ang kinabaliwan niya ang bagong head ng finance department ng mall na dati ako ang may-ari subalit si Reynold na ang nagmamay-ari sa ngayon. Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa na sweet sa isa’t isa parang sinasaksak ng patalim ang puso ko. Nasa restaurant sila at nagsusubuan ng pagkain. Napapatanong ako sa aking sarili kung saan ako nagkamali? Anong pangit sa akin? Anong kulang sa akin upang maghanap pa ng iba ang asawa ko? Hindi ako ang tipong babae na nag-e-iskandalo. Hinayaan ko sila at bumalik ako sa opisina. Tatapusin ko ang trabaho ko at hindi na muling babalik pa. “Ate Agnes, pakibigay nito sa asawa ko mamaya. Tapos ko na ang schedule ng mga meeting niya.’’ Inabot ko ang resignation paper ko sa secretary ni Reynold. Bilang assistant ni Reynold dito sa company inayos ko ang mga schedule niya bago ko iwanan ang lugar na ito. “Ma’am, ayos ka lang po ba?’’ nag-alalang tanong ni Ate Agnes sa akin. Matagal na siya nagta-trabaho sa kompanyang ito. “Ayos lang ako, Ate Agnes,’’ tipid kong sagot sa kaniya at nagligpit na ako ng mga gamit ko. Kinuha lang ni Ate ang resignation paper ko at bumalik ito sa kaniyang puwesto. Halos sasabog ang puso ko habang tinitingnan ang upuan ni Reynold. Noong kasal namin masaya naman kami sa isa’t isa. Subalit nitong mga huli malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Simula nang mawala ang kapatid niya wala na siyang panahon sa akin. Mas gustuhin niya pa na hindi ako kasalo sa tanghalian. May narinig na ako na pasaring na may kinakalokohan ang asawa ko, subalit hindi ako naniniwala hanggang hindi ko mismo mapapatunayan ng aking sarili ang kalokohang ginagawa ni Reynold. At kanina lang nagpaalam siya sa akin na may meeting siyang pupuntahan at hindi na naman siya makasabay sa akin sa pananghalian. Iyon pala ang kasabay niya na mananghalian ang babae niya. Pinalis ko ang mga luhang pumatak sa aking mga mata. Dala ko ang iba kong gamit at bumaba ako ng building. Sumakay ako sa aking kotse na bigay ni Reynold noong nagsimula ako magtrabaho sa kompanya nila. Nag-drive ako patungo sa mansion ng Daddy at Mommy niya dahil naroon ang mga triplets namin na apat na taong gulang na. “Mommy!’’ sigaw ni Rafael nang makita ako na bumaba sa kotse. Nasa playground silang tatlo naglalaro kasama ang mga yaya nila at si Lola Isabela. “Mommy!’’ sigaw rin ng dalawa si Ralph at Raffy. Tumakbo sila patungo sa kinaroroonan ko. "Dahan-dahan kayo mga apo at baka madapa kayo,’’ sigaw ni Lola Isabela habang nakatayo ito na may hawak-hawak ba tungkod. Naupo ako upang salubungin ng yakap ang tatlo naming anak ni Reynold. Matamis na halik ang dumampi sa aking pisngi, ilong, at noo na iginawad sa akin ng triplets. “Kumusta kayo? Hindi ba kayo pasaway?’’ tanong ko sa kanila at isa-isa silang hinagkan sa pisngi. Sabay-sabay silang umiling. Madalas na narito silang tatlo sa mansion dahil iyon ang gusto ni Mommy. Simula nang mawala si Shany itinuon ni Mommy ang pagmamahal niya sa triplets. Halos naagawan niya na nga ako ng karapatan sa mga anak ko, subalit hindi ako nagreklamo dahil naiintindihan ko siya. Isang taon at kalahati na rin sigurong nawawala si Shany sa buhay namin. “Maaga ka yatang umuwi, Iha. Saan ang asawa mo?’’ tanong ni Lola Isabela. Napayakap ako kay Lola Isabela at naiyak. “May babae si Reynold, Lola.” Pinalis ko ang aking mga luha nang kumalas ako ng yakap kay Lola. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. “Iha, imposible naman yata ang binibintang mo sa apo ko? Hindi magagawa ni Reynold iyon. Alam mo naman kung gaano ka kamahal ng apo ko.” Kinalma ko ang aking sarili at naupo kami ni Lola sa bakanting upuan na narito sa labas. “Hinayaan ko lang noong una na narinig ko na may babae ang asawa ko, Lola. Hindi ko iyon pinaniwalaan dahil baka hindi totoo. Pero, kanina sinundan ko siya. Ang sabi niya may meeting siyang mahalaga. Sinundan ko siya at nakita ko na nakikipagsubuan siya sa kasama niyang babae sa restaurant kanina sa Mall.” Ang bigat ng loob ko habang sinusumbong kay Lola ang nakita ko kanina. Hinawakan ni Lola ang mga kamay ko at pinalis niya ang luha sa kabila kong mata. “Hindi ako naniniwala na ipagpalit ka ni Reynold, Iha. Saksi ako noon kung paano siya nasaktan nang iwan mo siya. Hintayin natin ang paliwanag niya. Huwag ka muna magdesisyon na hindi mo naririnig ang side ng asawa mo.” Pinakinggan ko ang payo ni Lola. Kailangan e-komperma ko muna kay Reynold ang nakita ko kanina. “Saan si Mommy, Lola? Ipaalam ko sana sa kaniya ang mga bata na iuwi ko na sa bahay. Halos isang linggo na sila rito,’’ tanong ko kay Lola Isabela. “Naghahanda ng meryenda ng mga bata. Mabuti nga at medyo naka-move on na si Amanda sa pagkawala ni Shany. Salamat sa triplets dahil inaaliw nila ang Mameta nila. Naramdaman ko na buhay pa si Shany; ang apo ko. Sana kung saan man siya ligtas siya at nasa mabuting siyang kalagayan,’’ malungkot na sabi ni Lola Isabela. Naaksidente kasi ang sinasakyan na helicopter ni Shany at hindi na nakita ang kaniyang katawan. Hindi naman sana aalis si Shany kung hindi nila pinilit na magpakasal ito sa hindi naman niya kakilala at nakikita pa. Mahilig kasi sa rito ang pamilya ni Reynold. Minsan gugustuhin ko pa ang simpleng buhay kaysa mayaman ka nga masakit naman ang ulo mo sa pagpapayaman pa. Mayaman sana ang mapapangasawa ni Shany na kaibigan nila Daddy at Mommy. Subalit ang problema sa kanila hindi nila pinapakinggan ang gusto ng mga anak nila. Ilang sandali pa ang nakalipas lumabas si Mommy. May dalawang katulong nakasunod sa kaniya at may bitbit na tray na may lamang meryenda ng mga bata. “Oh, Iha. Bakit ang aga mo? Kasama mo si Reynold?’’ tanong ni Mommy na malawak ang ngiti sa akin. “Hindi po, Mom. Maaga ako dahil gusto ko sana iuwi ang mga bata. Halos isang linggo na kasi sila rito.” Nag-iba ang reaksyon ng mukha ni Mommy sa sinabi ko. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi kong iyon. “Alam ba ng anak ko na iuuwi mo na ang mga bata? Hindi pa naman sabado para iuwi mo sila." May pagtatampo sa himig ng boses niya. Napabuntong hininga ako ng malalim. Ayaw ko rin sumama ang loob niya sa akin subalit paano naman ako? Ina rin ako at kailangan ko rin ang mga anak ko lalo na at may pinagdadaanan ako. “Hindi na ako papasok sa opisina, Mom. Nag-resign na ako upang alagaan ang mga anak ko,’’ seryoso kong sabi kay Mommy. “Inaalagaan naman namin ng mabuti ang mga bata. Saka bakit ka nag-resign? Sino ang magiging assistant ng asawa mo?’’ may katarayan niya ng tanong sa akin. Ayaw kong sabihin sa kaniya ang nalaman ko tungkol sa anak niya dahil ayaw ko makadagdag ng stress sa kaniya. Halos ilang buwan ko rin siyang inalagaan noong na mild stroke siya dahil sa pagkawala ni Honey. Ang mga bata ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob para makayanan ang stress at depression sa pagkawala ng bunso niyang anak. “Amanda, hayaan mo na muna si Crystal na alagaan ang mga anak niya. Iba rin na siya mismo ang mag-aalaga sa mga bata,’’ sang-ayon naman ni Lola sa akin. Si Lola lang talaga ang kakampi ko sa lahat ng oras. “Pero, Mommy naalagaan naman natin ng maayos ang triplets, hindi po ba? Parang pinagdadamot mo na yata sa amin ang mga bata, Crystal.” Napapikit ako sa panunumbat ni Mommy. Alam niya naman na hindi totoo iyon. Katunayan parang siya pa nga itong nagdadamot sa mga anak ko sa akin. “Mommy, simula ng ipinanganak ko ang triplets ni minsan hindi ko sila ipinagdamot sa inyo. Halos ako na nga itong walang karapatan sa mga anak ko dahil ang gusto niyo palagi ang nasusunod. Ito lang naman ang hinihiling ko na gusto ko lang makasama ang mga anak ko,’’ maluha-luha kong paintindi kay Mommy Amanda. Lumambot ang reaksyon ng kaniyang mukha. Hinawakan niya ako sa dalawa kong kamay. “Iha, intindihin mo naman muna ako. Alam mo naman nawalan ako ng anak at ang mga apo ko na lang ang nagbibigay sa akin ng lakas. Nanghihina ako kapag hindi ko sila nakikita. Kailan niyo ba sundan ang triplets?” Kapag ganito na ang pakiusap ni Mommy, nanlalambot na ako. Alam ko ang pinagdaanan niya, subalit sana intindihin niya rin ako. Siya ang nawalan ng anak subalit ang pakiramdam ko ako ang nawalan. Madalas din namin pinagtatalunan ni Reynold ang tungkol sa mga bata. Pumayag kasi siya na weekend lang uuwi ang mga bata sa bahay. May mga yaya naman ang triplets subalit iba raw kapag may pamilya pa na tumitingin sa mga bata. Araw-araw kasi kami nasa opisina ni Reynold. Ako na ang sumuko kay Mommy. Hinayaan ko na lang muna ang bata sa kanila. Umuwi ako sa bahay upang makapagpahinga. Pagod na ang katawan ko pati na rin ang isipan ko. Aakyat na sana ako sa pangalawang palapag nang marinig ko ang sasakyan ni Reynold na huminto sa parking lot sa labas ng bahay. Binuksan ko ang pintuan upang siguraduhin kong siya nga ang dumating, Hindi nga ako nagkamali, bumaba siya sa tented sport car niya at masakit na nakatingin sa akin habang papalapit sa pinto. “Ano ang ibig sabihin nito, Crystal?’’ galit niyang tanong sa akin at hawak-hawak ang resignation paper ko nang makalapit siya. “Nabasa mo naman siguro ang nakasulat riyan at alam mo kung ano iyan,’’ sarkastika kong sagot sa kaniya at tumalikod. Hinablot niya ang braso ko upang makaharap sa kaniya. Namumula ang pisngi niya sa galit at nagtitimpi. “Alam ko resignation paper ito. Ang tinatanong ko kung bakit ka magre-resign sa trabaho?’’ tiim bagang niyang tanong sa akin. “Dahil gusto kong alagaan ang mga anak ko!’’ tipid kong sagot at binawi ang braso ko na mahigpit niyang hawakan. “Sigurado ka na iyan ang dahilan?’’ paninigurado niyang tanong. Gumalaw ang kaniyang kaliwang kilay na para bang binabasa niya kung nagsasabi ako ng totoo. “Oo, wala na akong panahon sa mga bata dahil sa trabaho. Dinaanan ko sila sa mansion, subalit ayaw na sila ibigay sa akin ng Mommy mo. Ako ang lumuwal sa kanila pero pakiramdam ko wala akong karapatan sa mga anak ko.” Tumutubig na ang mga mata ko na sabi kay Reynold. “F**ck, Crystal! Pati ba naman iyan iniisip mo? Narito naman ang mga bata sa bahay tuwing sabado at linggo. Ano ba ang gusto mo mangyari?’’ galit niyang tanong sa akin. “Tinatanong mo ako kung ano ang gusto kong mangyari? Baka hindi mo magustuhan ang sagot ko, Reynold.” Sinusubukan kong patatagin ang boses ko dahil ayaw kong mahina sa harapan niya. Ayaw ko ‘yong dating Crystal na isang sigaw niya natataranta na. “Then tell me, what do you want?’’ hamon niya sa akin. “Gusto kong lumayo kasama ang mga anak ko. Ayaw ko ng buhay na magulo,’’ tiim bagang kong sabi sa kaniya. Hindi muna siya umiimik at sinusuri niya ang mukha ko kung seryoso ako sa sinasabi ko. Ilang saglit pa tumawa siya. “Tapos saan ka pupunta? Saan mo dadalhin ang mga anak ko? Kaya mo ba ibigay sa kanila ang magandang buhay? Ano ang gusto mong mangyari ang bumalik sa San Agustin at magbinta ng bulok na isda? Iyon ang ipapakain mo sa mga anak ko? Bago ka magsalita isipin mo muna kung papayag ako na dalhin mo ang mga anak ko sa lugar na iyon?” Mabigat ang salitang iyon ni Reynold para sa akin. Gumalaw ang panga niya at tinititigan niya ako ng husto. “Kahit magbinta pa ako ng bulok na isda mas gugustuhin ko pa iyon kaysa ganito nga karangya ang buhay ko subalit puno naman ng sama ng loob ang puso ko.” Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa harap ni Reynold dahil sa sobrang inis sa kaniya. “Sigurado ka ba sa pinagsasabi mo? Baka nakalimutan mo na halos lait-laitin mo ako noon at tawaging hampas lupa dahil akala mo mahirap lang ako?’’ tiim bagang niyang pinaalala sa akin ang nakaraan. “Sinabi ko ang bagay na ’yan noon sa’yo dahil akala ko niloloko mo ako. Subalit wala ng mas masakit pa sa nararamdaman ko ngayon, Reynold. Buong akala ko magiging masaya ako sa piling mo. Akala ko magkaroon ako ng perpektong pamilya nang tanggapin ko ang alok mong kasal. Tiniis ko lahat kahit hindi ako nagugustuhan ng Mommy mo noon. Tahimik siguro ang buhay ko ngayon kasama ang triplets kung hindi mo ako dinala sa inyo at pinangakaan na mamahalin. Anong mali ang ginawa ko sa’yo?’’ panunumbat kong tanong. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at gusto kong iparamdam ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayon dahil sa pagtataksil niya sa akin. “So, sinasabi mo na hindi ka masaya sa piling ko, ganoon ba ang gusto mo ipaalam sa akin? Nagsisisi ka na pinakasalan mo ako? Kung hindi mo ako pina-kidnap baka nga tahimik ang buhay mo. Pero sa tingin mo hindi kita guguluhin kapag nalaman ko na may anak ako sa’yo? Tandaan mo kahit natuloy man ang kasal namin ni Honey noon at malaman ko may anak tayo. Hindi ako titigil na hindi makuha sa’yo ang mga anak natin.” Sapat na ang narinig ko kay Reynold upang patunayan sa sarili ko na kaya niya ako pinakasalan dahil sa mga bata. Tuluyan na ba talagang naglaho ang pag-ibig niya sa akin? Kaya ba siya naghanap ng iba dahil wala na siyang nararamdaman na pagmamahal sa akin? Masakit iyon sa part ko bilang asawa. “Bakit mo pa ako pinakasalan kung hindi naman pala ako sapat sa’yo? Hindi mo na sana ako inalok ng kasal kung mambabae ka man lang. Akala mo hindi ko alam na may babae ka? Kaya ka ba nanlalamig sa akin dahil sa babae mo?” Napaawang ng literal ang kaniyang labi ng marinig niya ang sinabi kong iyon. “Huwag mo akong pagbibintangan na nambabae kung wala kang sapat na ebidensya,’’ mariin niyang sabi. Walang reaksyon ang kaniyang mukha. “Hindi na kailangan ang ebidensya, Reynold. Dahil kitang-kita ko mismo kung paano kayo maglandian ng babae mo kanina. Kung paano ka tumawa at kung paano mo siya subuan. Iyon pala ang mahalagang meeting na pinuntahan mo.” Hindi siya nakaimik sa sinabi kong iyon. Halatang guilty siya. “Ilang beses may nangyari sa inyo?’’ tanong ko ng mahinahon sa kaniya. “Anong pinagsasabi mo? Walang nangyari sa amin ni Jeniffer. Magkaibigan lang kami,’’ tanggi niya sa akin. “Talaga bang magkaibigan kayo? Magakaibigan with benefits? Anong ang kulang sa akin para maghanap ka ng iba? Mas magaling ba siya sa kama? Anong posisyon ang hindi ko naibigay sa’yo na naibigay niya? Hindi ba ako masaya kasama? Boring ba ako sa kama? Sabihin mo sa akin kung alin ang wala ako na sa kaniya mo hinahanap? Ginawa ko lahat para punuan ang pangangailangan mo. Naging mabuting asawa ako. Naging mabuti ako sa pamilya mo, pero bakit nagawa mo akong lokohin? Anong kulang ko, Reynold? Sumagot ka?’’ Napaupo ako at napahagulgol. Parang hindi ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ang babaw ng tingin ko sa aking sarili. “Crystal? Let’s me explain,’’ tipid na sabi ni Reynold habang hinahawakan ako sa aking balikat. Iwinaksi ko ang kaniyang kamay. Hindi ko matanggap na lahat ginawa ko subalit bakit kailangan niyang maghanap pa sa iba? Pakiramdam ko hindi ako sapat sa kaniya. “Akala ko mahal mo ako. Akala ko hindi na ako masasaktan pa subalit doble-doble ang sakit na pinaramdam mo sa akin ngayon. Saan ako nagkulang para maghanap ka ng iba? Bakit hindi pa ako sapat sa’yo?” patuloy kong panunumbat sa kaniya. Niyakap niya ako subalit itinulak ko siya. “Huwag mo akong yakapin. Sapat na sa akin ang nakita ko. Una hindi ako naniniwala na may babae ka, pero ang sakit kapag ako mismo ang nakakita sa inyong dalawa. Kailan mo pa ako niloloko, Reynold? Kailan pa?’’ “Crystal, hindi kita niloloko. Wala ‘yon. ‘Yong nakita mo kanina ganoon lang talaga si Jeniffer, malambing. Crystal, I’m sorry. Tahan na huwag ka na umiyak,’’ pag-aalo niya sa akin. Umiling-iling ako at iwinaksi ang kamay niya na nasa likuran ko. “Huwag mo akong hawakan. Tama na ang pananakit mo ng damdamin ko Reynold. Wasak na wasak na ang puso ko simula ng minahal kita. Durog na durog na ako. Lugmok na ako at mahirap nang makabangon pa. Tama na nalaman ko na hindi ako sapat sa’yo. Na hindi ako mahalaga sa’yo. Paulit-ulit na lang ako nasasaktan dahil sa’yo.” Pagkasabi ko ay tumayo ako at dali-daling umakyat sa aming silid. Para akong kandila na unti-unting nauupos. Pagdating ko sa aming silid isinara ko ang pintuan at iniyak ko lahat ng sama ng loob ko. Napagdesisyonan ko na umalis na at baka tuluyan na akong malugmok kapag hindi pa ako umalis sa bahay na ito. Sapat na ‘yong minsan at panandalian na naging masaya kami ni Reynold. Tama na ang pagdurusa ko. Gusto kong ibahin ang takbo ng buhay ko. Gusto kong umalis ‘yong malayong-malayo sa lahat. Niligpit ko ang mahahalagang gamit ko. Bago ko sinara ang zipper ng maleta ko pinagmasdan ko ang larawan naming lima; ang family picture namin. Kinuha ko ang family picture namin saka niyakap ito ng mahigpit. Pagkatapos hinaplos ko ang larawan ng triplets. “Darating ang panahon na babalik ako at kukunin ko kayo. Sana hindi niyo ako makalimutan at maalala niyo pa rin na ako ang Mommy ninyo na nagluwal sa inyo. Babalik ako na may dangal at kaya harapin ang lahat. Kukunin ko kayo at magsasama tayong muli.” Hinagkan ko ang larawan ng mga bata at ibinalik sa lalagyan nito. Isinara ko na ang maleta at inilagay muna sa isang tabi. Ayaw kong umalis na nariyan si Reynold dahil tiyak na pipigilan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD