NAPAHIGPIT ang kapit ko sa laylayan ng polo nito na halos higupin na nito ang mga labi ko sa lalim niyang humalik! Napapahaplos na rin ito sa katawan ko na napipisil ako sa baywang.
"N-Noel. . . uhmm. H-hwag dito," naghahabol hiningang anas ko na maramdaman itong pinunit ang panty ko!
Napangisi naman itong binitawan ang mga labi ko na sininghot pa talaga ang panty kong winarak nito!
Gumapang ang init sa mukha ko na nakurot itong napahalakhak na sinamyo samyo pa ang panty ko bago ibinulsa iyon.
"Lumabas ka na nga," ingos ko ditong napangisi.
"We're not done yet, wife." Pilyong bulong nito na kinabig akong muli sa batok na siniil ako sa mga labi!
Para akong maiihi na napapatili at pilit itong tinutulak. Pero sa lakas niya at laki niyang tao ay para lang akong nagtutulak sa pader!
"N-Noel. . . uhmm. Tama na, kainis 'to." Sikmat ko na buong lakas itong itinulak.
Namumula ang pisngi nito na nagpipigil mapangiting napataas baba pa ng kilay. Hindi ko tuloy mapigilang mag-init ang mukha sa nakikitang pagnanasa sa mga mata nitong pasulyap-sulyap sa dibdib at p********e ko.
"Labas na."
"Ayoko."
"Haist."
Inirapan ko ito na dumampot sa mga damit na pinili nito at mabilisang nagbihis. Napahalukipkip naman itong napasandal sa salamin sa likuran ko na nakamata sa akin. Naiilang tuloy akong magsukat ng mga damit na pinapanood ako nito. Kinuha pa naman niya ang panty ko na sinira pa nito.
"It suits you, Sheena. Subukan mo rin ang iba," komento nito na sinisipat ko sa salamin ang kabuoan ko.
Lihim akong napangiti na pumili ito ng maisusuot ko. Kahit simpleng compliment lang ang sinabi niya ay para akong hinahaplos sa puso ko. Nakikita ko na kasi ang Noel na nakilala ko sa isla. Bukod sa bolero ay makulit at malambing ding kausap.
"Here, try this." Bulong nito na hindi ko napansing nasa likuran ko na pala.
"Lumabas ka na muna. Naiilang akong naghuhubad sa harapan mo," wika ko na ikinanguso naman nito.
"I've already got you pregnant, Sheena. Hindi ka pa ba sanay na naghuhubad sa harapan ko." Saad nito na nagkakandahaba ang nguso.
"Hindi mo naman kasi ako naaalala."
"Nararamdaman kita. Tingin mo ba mage-effort akong pakisamahan ka kung wala akong nararamdamang connection sa'yo?"
Napalapat ako ng labing namuo ang luha sa mga mata kong napatitig sa repleksyon nitong kaharap ko. Pumihit ako paharap dito na napalunok na magtama ang mga mata namin.
Napayapos naman ito sa baywang ko na bahagyang yumuko para magpantay kami.
"Sheena, gusto kitang maalala. Pinipilit ko, I swear. Kung talagang nagmamahalan tayo? Walang rason para talikuran kita lalo na't buntis ka sa akin. Bigyan mo ako ng oras para ayusin ang sa amin ni Aliyah, hmm? Ako ng humihingi ng pang-unawa mo sa sitwasyon natin. Hindi rin madali sa akin na basta na lang pakawalan si Aliyah na tanda ko ay hinihintay ko ang pagbabalik niya." Seryosong wika nito na matiim na nakatitig sa mga mata ko.
"Mahal mo ba siya?"
Napalunok ito na marahang tumangong ikinalabi kong tumulo ang luha. Lumamlam naman ang mga mata nito na marahang pinahid ang luha ko.
"Malaking bahagi na siya ng buhay ko, Sheena. Sampung taon din kaming nagmahalan. Nagkaproblema lang kami noong mas inuna niya ang career niya kaysa tanggapin ang alok kong kasal sa kanya at kaya kami naghiwalay, five years ago. Siya lang ang naging girlfriend ko sa tanang buhay ko, Sheena." Maalumanay nitong saad na panay ang halik sa noo ko na patuloy ang pagtulo ng luha kong pinapahid nito.
"But that was before, Sheena. Hwag ka ng umiyak. Lalo kang pumapangit eh."
"Bwisit ka talaga." Ingos ko na tinabig ang kamay nito.
Napahagikhik naman itong niyakap ako na panay ang halik sa ulo ko.
"I'm sorry, Sheena. Noong nagising ako ay dumating si Aliyah. Nakipag balikan siya sa akin. At dahil burado ka sa memorya ko ay tinanggap ko siya at inalok ng kasal na tinanggap din naman niya. Walang may alam sa pamilya ko na nagpakasal ako sa isla. Kaya walang tumutol at walang nagsabi sa akin na may asawa na pala ako. I can't imagine how hurt you are right now knowing na may iba akong babae dito. Pero, Sheena. . . hindi ko 'yon sinasadya. Hindi ko sinasadyang makipag balikan sa ex ko. Lalong-lalo ng hindi ko sinasadyang. . .makalimutan ka. Siguro nga mahal kita. Kasi kahit hindi kita naaalala ay nararamdaman kita sa puso ko. Maybe my Mom's right. Hindi kita bubuntisin at pakakasalan. . . kung hindi kita mahal." Maalumanay nitong saad habang yakap-yakap ako na hinahaplos sa likuran at panay din ang paghalik sa ulo ko.
Napapalabi akong tiningala itong ngumiting nag-smack kiss sa akin.
"Hinihintay kitang bumalik eh. Kasi nangako kang babalik ka kaagad. Pero inabot ka na ng dalawang buwan dito na wala pa ring paramdam. Kung hindi pa ako lumuwas at lakas loob na hinanap ka dito sa syudad? Hindi ko pa malalaman ang nangyari sa'yo. Na kaya pala wala ng Noel ang nagbalik ng isla dahil. . . dahil nakalimutan mo na ako." Napapalabing saad ko na ikinadaan ng kakaibang lungkot at guilt sa mga mata nito.
"But here you are. Nandidito ka na sa harapan ko."
"Gusto mo bang nandidito ako?"
Ngumiti itong hinaplos ako sa ulo na parang batang napapalabi na nakatingala dito.
"Yeah. Gusto kong nandidito ka sa tabi ko, Sheena. Naiinis din ako kapag nakikipag lapit ka sa iba. Gusto kitang kasama. Gusto kitang ipagdamot. Gusto kitang nakikita. Gusto kong nasa akin lang ang attention mo. 'Yon ang totoo. Kaya hwag na hwag kang nakikipag landian sa mga pinsan ko. Banned na sila. Lalong-lalo na ang Jayden na 'yon. Naiintindihan mo?" anito na napapisil pa sa baba ko na bahagyang naningkit ang nga chinitong mata nito.
"Ang babait kaya ng mga pinsan mo. Tingin ko nga eh ikaw ang pinakasuplado sa inyong angkan."
"Sinasabi mo bang mas mabait si Jayden sa akin, hmm?"
"Bakit naman nasasali sa usapan si Captain?"
"See? Pinagtatanggol mo siya. May gusto ka ba sa kanya?"
Napakurap-kurap ako sa sinaad nito na tila pinagbibintangan ako.
"Seryoso ka ba? Pinsan mo 'yon. At wala naman siyang ginagawang masama." Ingos ko ditong lalong naningkit ang mga matang nakatitig sa akin.
"Nagpapa-cute siya sa'yo. Obviously naman na gusto ka niya. Kaya nga nilalapitan ka eh. At ikaw naman," anito na pinitik ako sa noong ikinabusangot ko. "Gustong-gusto mo namang nagpapa-cute ang kumag na 'yon sa'yo. Binabalaan kita, Sheena. Layu-layuan mo ang Jayden na 'yon. Lahat sila. Asawa kita. You are mine. I have all the rights para ipagdamot ka." Maawtoridad nitong saad na ikinanguso kong inirapan ito.
LIHIM akong nangingiti na matapos naming mamili ng nga damit ko ay bumili din kami ng mga gagamitin ni baby. Kita ko ngang masaya at excited na rin itong masilayan ang anak namin. Nasa tatlong buwan pa lang ang baby namin pero heto at kinumpleto na ni Noel ang mga gamit nito mula sa damit, blanket, shoes, diaper at mga bottles.
Matapos naming mamili ng mga gamit namin ni baby ay nag-aya na itong umuwi. Nangako naman siya na dadalhin niya ako bukas sa hospital nila para sa prenatal checkup namin ni baby. Napagkasunduan din namin na lilipat na kami ng tirahan para matutukan nito ang kumpanya nila na naaalagaan niya kami ni baby.
"Are you tired?" malambing tanong nito na pinagsalinop ang mga daliri namin habang nagmamaneho ito.
"Medyo."
"May gusto ka bang kainin bago tayo uuwi?"
Napanguso ako na napaisip kung may gusto ba akong kainin. Para naman akong naglalaway na sumagi sa isipan ko ang hilaw na mangga!
"Uhm. . . Noel, bumili ka naman ng mangga. 'Yong hilaw ha? Naglalaway ako eh." Paglalambing ko na yumakap sa braso nitong napahalik sa ulo ko.
"A'right. Sabi ni Mommy hilig nga raw ng mga naglilihi ang maasim. Lalong-lalo na ang manggang hilaw." Pagsang-ayon nito na ikinangiti ko.
"Gusto ko 'yong maraming alamang ha?" ungot ko pa na ikinangiti nito.
"Sure. Kung anong gusto mo."
Para akong batang napagbigyan ang gusto na hindi maitago ang ngiti at kilig na nadarama.
Umayos ako ng upo na may madadaanan kaming mga nakahilerang street foods sa daan. Kinuha ko ang lip balm ko na nagpahid sa labi na mabilis sinuklay ang buhok kong nakalugay.
"Pantay ba ang pagkakalagay ng lip balm ko?" tanong ko dito na napahaba ang nguso.
Saglit ako nitong sinulyapan bago kinabig ang manibela na itinabi ang kotse nito. Agaw pansin tuloy kami sa mga tao dahil nakakaagaw pansin ang Ferrari nito. Napakurap-kurap ako na nanatiling nakanguso ditong kinabig ako sa batok at siniil sa mga labi kong halos ikaluwa ng mga mata ko!
Para akong maiihi sa kilig na nakukurot itong halos higupin na ang buong bibig ko sa lalim niyang lumapa!
"Uhmm. . . tama na. Sabi ko, tignan mo kung pantay ang pagkakalagay ng lip balm ko. Hindi 'yong lapain mo ang nguso ko," ingos ko ditong napahagikhik na marahang pinahid ang ibabang labi ko.
"Pantay na, wife. Nakanguso ka kasi eh. Akala ko gusto mong magpahalik." Kindat nitong pinaningkitan ko.
"Halik pala 'yon? Akala ko mukbang eh. Lapain mo ba naman ang labi kong walang kalaban-laban," ingos ko ditong napabungisngis at iling.
"Ako ng bibili ng gusto mo."
"No, dito ka lang. Ako ng bababa. Kita mong maraming tao. Paano kung makilala ka at pagkaguluhan?" pigil ko sa akmang pagbaba nito ng kotse.
"Make it fast ha?" paalala pa nito na tinaasan ko ng kilay bago bumaba ng kotse.
Natatakam akong namili ng mga hilaw na mangga na nabalatan at slice na nakalagay sa plastic. May mga alamang na ring nakalagay kaya lalo akong natatakam na naglalaway matikman ang mga ito.
"Ate, limang plastic nga po nito." Turo ko sa manggang nabalatan at may alamang na. "Saka pabili po ng hindi pa nababalatan ha?"
Ngumiti naman itong tumango na inilayag sa plastic ang binili ko.
"Ang ganda mo namang buntis, Ma'am. Tiyak na babae ang baby niyo na napaka blooming niyong magdalangtao." Papuri nito na ikinangiti kong napahaplos sa umbok ko.
"Naku, salamat po, Ate. Sana nga babae siya. Gustong-gusto ko po kasing magkaanak ng babae eh." Bulalas ko na ikinangiti naman nitong iniabot ang manggang binili ko.
Matapos kong iabot ang bayad ay kaagad na akong bumalik ng kotse. Napapasamyo pa ako sa alamang na kay bango sa pang-amoy ko.
"What took you so long?"
"Seryoso ka ba? Ang bilis ko nga eh."
Napanguso naman ito na in-start na ang kotse.
"What's that smell?" puna na naman nito na napapasinghot pa.
"Anong amoy?" takang tanong ko na nagsimulang kumain ng mangga na may alamang.
Umasim naman ang mukha nito na parang maduduwal na masulyapan ang kinakain kong mangga na may alamang.
"Can you open the window, wife? Para akong maduduwal sa amoy ng kinakain mo." Wika nito na ikinangiwi kong binuksan ang bintana.
"Arte mo. Ang sarap kaya." Ingos ko pa na sarap na sarap sa kinakain kong mangga.
"Mag-toothbrush at mouth wash ka mamaya ha?" saad pa nito na pasulyap-sulyap sa akin.
"At bakit?"
"Dahil hahalikan pa kita. Ayoko sa amoy ng kinakain mo. Mamaya. . . mangati pa ang anak ko sa mga kinakain mo eh."
"Siraulo ka ba? Siya nga itong dahilan kaya naghahanap ako ng maaasim na pagkain eh. Itong anak mo ang may kagustuhan ng mga ito hindi ako. Saka. . . masarap kaya ang mangga na may alamang. Gusto mo?" alok ko pa na iniumang sa bibig nito ang isang slice ng mangga na may alamang.
Naduwal naman ito na ikinangiwi kong binawi ang isusubo ko sana dito.
"Fvck, Sheena. Sabing ang baho eh." Reklamo nito na inabot ang tubig at napainom.
"Arte mo. Ang sarap kaya."
"Ang baho kaya. Kaamoy ng talaba mo."
"Hoy, excuse me!? Mabango ang kiffy ko, hindi amoy alamang! Siraulo kang Madrigal ka ah!" asik ko dito na namimilog ang mga mata at butas ng ilong.
Napahagikhik naman ito na napapadaing sa pangungurot ko sa hita at braso nito.
"Oo na. Mabaho nga pero. . . masarap siyang lantakan."
"Magtigil ka. Mabango ito kahit isubsob pa kita dito."
"Sure, wife. Why not."
"Hoy nagbibiro lang ako!"
"Pwes ako hindi nagbibiro, Sheena."
Parang lulukso ang puso at kaluluwa ko sa katawan ko na inihinto nga nito ang kotse sa nadaanan naming bakanteng lote! Namimilog ang mga mata ko na nagtanggal ito ng seatbelt at mukhang seryoso nga sa sinaad!
"M-magtigil ka nga. Umuwi na tayo," nandidilat ang mga matang asik ko ditong napangisi.
"Later, wife. Masyado pang maaga. And besides. . . kanina pa masakit ang puson ko. Kailangan kong ilabas ito at kanina pa matigas si buddy." Malanding paanas nito na lumipat ng pwesto dito sa tabi ko!
"Noel!"