Chapter 6

2303 Words
LIHIM akong nangingiti habang pinapanood si Noel na naghahanda ng agahan namin. May nakahanda naman ng pagkain sa mesa pero hindi ko kayang kainin. Nagiging maselan na kasi ako pagdating sa pagkain lalo na sa umaga na kahit pritong itlog ay nalalansahan ako na hindi ko makain. Maaga din namang lumalabas ang mga kasama namin dito sa mansion kaya madalas ay kami ni Tita Jen at mga katulong ang naiiwan. May mga trabaho na kasi ang mga anak nito sa kanilang kumpanya. "Uhm, Noel?" pagtawag ko dito na abala sa paghalo ng pinapaluto kong pork sinigang. "Hmm?" Lumapit ito sa kinauupuan kong countertop na pumwesto sa pagitan ng mga hita ko na napayapos sa baywang ko. "Uhm. . .hindi ka ba papasok ng kumpanya mo?" tanong ko. Alam ko namang may pinamumunuang kumpanya ito. Nabanggit na niya sa akin iyon noong nasa isla pa kami. Napahinga ito ng malalim na hinagkan pa ako sa noo. "Gusto mo bang doon na muna tayo titira?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko. "Huh?" "Fine. I'll be honest with you, Sheena." Paninimula nito na napaseryoso. "Ang totoo ay kinuha lahat ni Mommy Jen ang mga access ko. Kahit nga wallet ko ay kinuha nito kaya wala akong kapera-pera dito. Maski cellphone at susi ng sasakyan ko ay kinuha ni Mommy. Ibabalik niya lang ang mga iyon kapag naging maayos na raw ang pagsasama nating dalawa." Wika nito na ikinaawang ng labi ko. Napahinga ito ng malalim na ikinalunok kong nagbaba ng tingin. Hindi ko naman alam na gano'n ang ginawa ni Tita Jen. Kaya naman pala nandidito ito at pinipilit na pakisamahan ako. "If you want? Pwede tayong lumipat sa opisina ko. Pwede naman tayong manirahan doon. Pero kausapin mo si Mommy na gusto mong bumukod ng tirahan kasama ako. Kasi hawak ni Mommy lahat ng bank account ko." Wika nito. "Nakikinig ka ba?" untag nito na hindi ako sumagot. "Uhm. . .sige kakausapin ko si Tita Jen tungkol sa paglipat natin." Pagsang-ayon ko ditong napangiti na pinagbunggo ang tongki ng ilong namin. "Good girl." Wika nito na muling binalikan ang niluluto nito. MAGKAHARAP kami ni Noel na nag-agahan. Mabuti na lang at marunong itong magluto. Kaya naman ganadong ganado ako na kumakain lalo na't kaharap ko ito. Na kahit hindi nakaharap ang ina niya ay inaasikaso niya pa rin ako. "Gusto mo bang mamasyal? Magsabi lang tayo kay Mommy para ibigay niya ang susi at card ko." Anito habang magkatulong kaming naghugas ng mga pinagkainan naming dalawa. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko na nagpunas ng kamay. "Ikaw. Kung saan mo gusto. Marami naman tayong pwedeng pasyalan na mga properties din namin." Sagot nito na ikinatango-tango ko. "Sige." Pagsang-ayon ko ditong napangiting inakbayan na ako. "Great." Akala ko ay nagbibiro lang ito na ipapasyal niya ako pero hindi. Matapos naming kumain at naligo ay pinuntahan namin si Tita Jen sa library room nila dito sa mansion kung saan naroon ang Mommy nito kasama si Tito Noah. Dito na kasi sa mansion nago-opisina si Tito kaya sinasamahan siya ni Tita sa opisina nito. Kung hindi ko pa kinausap si Tita na lalabas kami ni Noel ay hindi nito ibibigay ang cellphone, susi at card ni Noel na kinuha nito. "Hop in." Bulong nito na automatic na bumukas ang pinto ng red Ferrari nito. "D-dito talaga tayo sasakay?" naninigurong tanong ko na mahinang ikinatawa nitong inalalayan na akong pumasok. "Yup. May Ducati ako pero. . . buntis ka. Ayoko namang hindi komportable ang anak natin habang nagra-rides tayo." Sagot nito na ikinabit pa ang seatbelt ko. Pigil ang paghinga ko nang dahan-dahan itong humarap na ikinatama ng paningin namin sa isa't-isa na halos maghalikan na sa sobrang lapit ng mukha nito. Hindi ko tuloy mapigilang pamulaan ng pisngi lalo na't napapasulyap ito sa mga labi ko. "N-Noel uhmm." Napapikit akong napaungol na tuluyan nitong inabot ang mga labi ko na halos higupin ang buong bibig ko sa lalim niyang humalik! "Hey." Napabitaw kami sa isa't-isa na may kumatok sa kotse nito na ikinatuwid nito ng tayo at napapahid pa sa gilid ng labi. Nag-iinit ang mukha ko na mamukhaan ang isang pinsan nito na siyang kumatok. "What? Make it fast, Lewis." Paingos nitong saad na ikinangisi ng kaharap. "I thought you don't like her, dude? Pero kung higupin mo ang labi niya para kang leon na gutom na gutom manglapa," dinig kong tudyo ng pinsan nitong pabirong sinikmuraan nito. Napahalakhak naman ang pinsan nito na napahawak sa tyan. "Shut up, will you? Isa pa. . . asawa ko siya. I can kiss her anytime I want." Ingos ni Noel ditong napatango-tango na nanunudyo pa rin ang ngiti at uri ng tingin sa pinsan nito. "Oh yeah. She's your lovely wife. So you better take good care of her. Baka mamaya sa kakapabaya mo ay. . . makuha siya ng iba sa'yo, dude." Makahulugang wika nito na ikinaasim ng mukha ni Noel na tuluyan ng isinarado ang pinto. Napabusangot ako na hindi ko na naririnig ang usapan nila ng pinsan nito. Pero kitang seryoso ang mga ito na may pinag-uusapan at panaka-naka pa akong sinusulyapan ni Lewis dito sa loob ng kotse. Ilang minuto lang naman silang nag-usap bago sumakay na si Noel ng kotse na pinasilab palabas ng compound. Tahimik ako na nakamata sa labas ng bintana. Kita ko kasing tila nasira ang mood ni Noel. Nakabusangot na naman kasi ito na bahagyang salubong ang kilay at malalim ang iniisip. Naiilang naman akong magbukas ng topic namin dahil baka magalit o mainis lang ito. Napasunod ako ng tingin nang maramdaman itong kinuha ang kamay kong nakapatong sa hita ko na pinagsalinop ang mga daliri namin. Napasulyap ako dito na dinala niya iyon sa kanyang bibig na paulit-ulit hinagkan ang palad ko. "You know my cousin Lewis right?" tanong nito na sinulyapan ako habang nagmamaneho ang isang kamay nito. "O-oo. Tanda ko ang mukha at pangalan niya." Sagot ko dito. "Ang sabi niya ay nakabalik na ng bansa si Aliyah. Siya ang sumundo kanina kay Aliyah sa Madrigal's airport." Pagbibigay alam nitong ikinalunok ko. Napahinga ito ng malalim na marahang pinipisil-pisil ang kamay kong hawak nito. "Ayaw mo pa rin bang pirmahan ang annulment natin?" "A-ayoko." "Tiyak na hindi papayag si Aliyah na maghiwalay kami. Ayoko namang pagsabayin kayong dalawa." "Pero ako ang asawa mo, Noel. Wala siyang magagawa kung ayokong pirmahan ang annulment natin. Asawa kita. Sa aming dalawa? Ako ang may karapatan sa'yo. Kami ng anak mo." Matatag kong saad na ikinahaba ng nguso nitong sa daan lang nakamata. Muli kaming natahimik na nagpapa kiramdaman. Hanggang makarating kami sa isa nilang mall ay saka lang nito binitawan ang kamay ko na naunang bumaba ng kotse bago umikot sa harapan na pinagbuksan ako. Kahit nawalan na ako ng mood na gumala ngayon ay tinanggap ko ang kamay nito na inalalayan akong makababa ng kotse. Muli din nitong pinagsalinop ang mga daliri namin na hinila na ako sa gawi ng elevator. "Close the mall for us." Dinig kong wika nito na may kausap sa cellphone. Napapalunok ako na hindi umiimik habang lulan kami ng elevator paakyat. "Let's go. I'll tour you around." Saad nito ng tumigil na ang elevator na bumukas. Awang ang labi ko na sa isang utos lang nito ay nagkalat na ang mga bodyguard nitong inaalalayan na ang mga taong lumabas ng mall! "Teka. . . palalabasin mo ang nga tao?" pabulong kong bulalas na ikinangisi nitong inakbayan lang ako. "Nababaliw ka na ba?" "Hindi pa. Pero malapit na kapag pinagkaguluhan tayo dito ng mga tao dahil tiyak na makikilala nila ako." Sagot nito na ikinakurap-kurap ko. "Eh bakit kasi dito tayo nagpunta?" pagalit ko na nakadama ng guilt dahil sapilitang isinarado ang mall para sa aming dalawa. "Saan ba dapat?" balik tanong naman nito. "Eh anong gagawin natin dito?" "I have a better idea." Wika naman nito na hinila na ako sa kamay na sumakay kami ng escalator paakyat. Napapanguso ako na nagtungo kami ng cinema. Pero dahil pinalabas na nito ang mga tao ay kaming dalawa lang ang tao dito sa loob ng cinema. "What do you prefer? Action or love story?" bulong nito na may kausap sa cellphone. "Horror." "Seriously? You're pregnant, Sheena. Paano kung magulat ka? Makakasama 'yon kay baby." "Tss. Tinanong mo pa ako ng gusto ko, ikaw lang din naman ang masusunod." Bubulong-bulong kong saad na ang gusto din nitong palabas ang nasunod. Nakabusangot akong sa harapan nakamata. Sumandal naman ito sa balikat ko na pinagsalinop ang mga daliri namin at parang batang nagpapasubo ng popcorn sa akin. "I'll try to talk to her about us." Wika nito na umayos ng upo. "Sino?" painosente kong tanong na ikinalingon nito sa akin. "Aliyah. I'm going to talk to her about our situation. Sana lang maintindihan niya." "Makikipag hiwalay ka sa kanya?" lakas loob kong tanong na napatitig dito. "Kung gusto niya." "Paano kung ayaw niya?" "Eh anong magagawa ko kung ayaw niyang maghiwalay kami? Ayaw mo rin namang maghiwalay tayo." Sagot nito na ikinabusangot ko. "Wala naman siyang magagawa kung hihiwalayan mo siya at piliin mo kaming mag-ina mo." Mahinang saad ko. "I know. Kaya nga kakausapin ko siya para ipaunawa ang sitwasyon natin." Sagot nito na sa palabas na rin nakamata. HABANG nanonood ay nakadama na ako ng antok lalo na't hindi kami nito nag-iimikan. "Uhm, Noel. Lumabas na kaya tayo--" Napaikot ako ng mga mata na nahihimbing na pala ito kaya hindi umiimik. "Manonood huh?" ingos ko dito na napangiting pinasandal siya sa balikat ko. Nangingiti akong marahang pinipisil-pisil ang kamay nitong naka-intertwined sa kamay ko. Kalalake niyang tao pero mas maganda at malambot pa ang palad niya sa akin. NANGANGAWIT ang balikat ko na nagising mula sa pagkakahimbing. Sakto namang tapos na pala ang palabas na hindi rin namin napanood dahil kapwa kami nakatulog ni Noel. "How's the movie?" tanong nito na inalalayan na akong makatayo. "Boring. Kaya natulog na lang ako." Sagot ko na ikinatawa nito. "Ang lakas makahawa ng paglilihi mo. Pati ako nagiging antukin na rin," wika nito na ikinangiti kong yumapos sa baywang nito habang nakaakbay naman ito sa akin. "Ayaw mo no'n? Sabay tayong natutulog." "Ayokong tumaba na kain tulog na lang ako." "So ano? Ako lang ang tataba sa ating dalawa gano'n?" Napisil naman nito ang ilong ko na may naglalarong ngiti sa mga labi. Iba rin ang kinang ng mga mata nito na kahit hindi niya sabihin ay kita kong masaya ito. "Maganda ka pa rin naman kahit tumaba ka." "Maganda ako?" "Ahem! Sabi ko, maganda ka kapag mataba ka. Pero dahil payat ka pa ngayon eh. . .hindi ka maganda, Sheena." Pambabawi nito na napapangising ikinasimangot ko. "Bwisit ka talaga." Ingos ko ditong napahagikhik. Nakanguso akong nagpatianod ditong dinala ako sa women's section ng mall. Pumasok kami sa isang boutique kung saan puro damit na pambabae ang mga naka-display. "Kunin mo lahat ng maibigan mo. Ayokong nagsususuot ka ng lumang damit kung pwede naman kitang bilhan kahit isang buong mall pa." Wika nito na naupo sa pang-isahang sofa dito sa waiting area ng boutique. "Pero. . . mahal dito." Alanganin kong saad. "This mall is mine. You have nothing to worry about the payment. Mamili ka na lang ng gusto mong gamit," wika nito na nakadekwatro ng binti habang may binabasang magazine. Napapalapat ako ng labi na nilapitan ang mga naka-hanger na dress. Lahat naman magaganda. Mula sa mga blouse, dress at shirts. Nakakalula nga lang ang presyo na isang dress lang ay nagkakahalaga na ng twenty thousand pesos! "Uhm, Noel?" pagtawag ko dito na nilingon akong tumayong nilapitan ako. "Wala akong mapili. Saka. . . ang mamahal eh." Napahinga naman ito ng malalim na nagkamot pa sa kilay nito. "Ako na nga." Saad nito na isa-isa ng humila ng mga damit na naka-hanger. Tinatapat pa nito sa akin bago kunin na tinitignan kung kasya at bagay sa akin. "Here, isukat mo sila sa fitting room." Wika nito matapos makapili ng mga damit na isang tambak lang naman! "Masyadong marami 'to." "Isukat mo na lang. Bagay naman sa'yo eh. Ayokong humihiram ka ng damit sa mga kapatid ko kung pwede naman kitang ibili." Wika nito na dinala na sa fitting room lahat ng mga pinili nito. Napasunod ako dito na pumasok ng fitting room. Tumayo naman ito sa sulok na napahalukipkip ng mga brasong nakamata sa akin. "L-labas na." "Bakit?" "Anong bakit? Maghuhubad ako." Namimilog ang mga matang sagot ko. Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nitong ikinalunok ko na nag-init ang mukha. "So what? C'mon, Sheena. Mag-asawa tayo. Nakita ko na at nadilahan lahat sa'yo. Ngayon ka pa ba mahihiyang maghubad sa harapan ko. . . wifey." Makahulugang saad nito na ikinangiwi kong inirapan ito. "Kapag ikaw tinigasan d'yan ha?" ingos ko na ikinasamid nitong sunod-sunod na napaubo. Napahagikhik akong iiling-iling na naghubad kahit nakamata ito sa akin. "Remove your undies too, Sheena." "Ha? Bakit pa? Pwede ko namang isukat na may underwear ako ah." Nagtatakang wika ko na ikinangisi nitong lumapit. Napapalunok akong napaatras hanggang lumapat ang likod ko sa malamig na salaming ikinapikit kong nakagat ang ibabang labi. "Because I want to. Hindi mo kailangang magsuot ng underwear kapag kasama mo ako," malanding anas nito na ikinatingala ko dito. Namimilog ang mga mata ko na siniil ako nito sa mga labing ikinakapit ko sa baywang nito! Hindi ako makakilos na parang matutumba na sa panlalambot ng mga tuhod ko habang malaya nitong salitang sinisipsip ang mga labi kong nakaawang! "Damn, Sheena. Kiss me back, wife." Nanggigigil nitong anas na kinakagat-kagat ang ibabang labi ko. Naghahabol hininga kaming nagkatitigan na may ngiti sa mga labi. Maging ito ay ibang-iba din ang kinang sa mga mata nito na matiim na nakatitig sa aking nakatingala dito. "Noel, mahal kita. Mahal na mahal kita, asawa ko." Anas ko na yumapos sa batok nito na inabot ang kanyang nga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD