CHAPTER 04

1657 Words
EULYN KRIS "Eulyn Kris, bumalik ka rito!" sigaw ng gago kong asawa. Tumatakbo ito papalapit sa kinapaparadahan ng aking kotse kasama ang mga tauhan nito. Ngumisi ako at sinilip ang mga ito sa rare view mirror. "Ano ka sinuswerte?! Kung hindi ko pa alam hindi mo ako bubuhayin gong-gong ka kong babalik ako sa 'yo. No way! Maigi pang ma-deads kaysa babalik sa'yo. Ulol!" ani ng aking isip. Binilisan ko ang pagpatakbo sa aking kotse. Hindi ako p'wedeng magpatalo rito kailangan namin makaalis ng anak ko bago pa maabutan ng hudas barabas kong asawa. "Ano pa ang inaantay n'yo habulin nyo mga ulol!" narinig kong bulyaw nito sa mga hangal niyang mga tauhan. Kung magpapahuli ako sa inyo ng buhay. Tatakbo ba naman hahabol sa sasakyan ko, mga praning. Pero mautak ako dahil hind ako magpla-plano kung alam kong puwede kaming abutan ng anak ko sa demonyo kong asawa. I smiled, remembering what I did to my stupid husband's cars. Actually ang gulong ng mga sasakyan na naro'n sa garahe binutas kong lahat kaya kahit tumakbo pa nag mga ito at habulin kami ni Aaron hindi kami maabutan ng mga ito. "Eulyn Kris! Pagbabayaran mo ang lahat ng 'to!!" His scream dominated that night, his voice almost echoing with so much power. "Akala mo masisindak mo ako? Hindi na ako takot sa'yo at nagsawa na akong matakot. Hangal!" ngisi ko pa. Kaya pala nang unang dala sa akin sa bahay nito pagkatapos namin ikasal ay kinilabutan ako. Idagdag pang palibot sa mansyon nito ang mga armadong kalalakihan. May mga hawak bawat isa ng mga de-kalibreng baril. Noong una inisip ko na dahil mayaman lang ito kaya maraming bodyguards kahit wala sa itsura na bodyguard ang lahat ng tauhan nito. Mga nakakatakot ang hilatsa ng mga mukha parang hindi pahuhuli ng buhay. Hindi ako judgemental na tao pero nag-umpisa lang iyon sa mga tauhan ng asawa ko. Akala ng mga taong bayan matino ang pamilya ng mayor sa bayan nila lingid sa karamihan, mayor mismo ang sumisira sa kinabukasan ng kabataan dahil sa mga droga na business ng pamilya nito. Alkalde kasi sa bayan nila ang ama ng napangasawa ko at negosyante raw ayun kay Papa noong ipagkasundo kaming ikasal. Nalaman 'yon ng Papa ko kalaunan ang mga illegal na negosyo ng pamilya ng napangasawa ko. Subalit huli na dahil kasama ang bahay at factory namin ay kinamkam din ng walang puso kong asawa. Ginawang tauhan ang Papa at Mama ko sa sarili naming kumpanya. Dahil mahal ng Papa ko ang factory nagpaalila ito kahit alam ni Eulyn Kris mahirap para rito ang ginagawa. Mapait ako napangiti at humugot ng hangin sa dibdib, nag-focus sa pagmamaneho. Nang mga twenty minutes na silang tumatakbo kinumusta ni Eulyn Kris, ang anak sa backseat. "Baby, ayos ka lang ba d'yan?" tanong ko sa anak at sandaling ko rin nilingon. Nakita kong nakatulog ito kaya huminto muna ako sa tabi ng kalsada upang ayusin muna sa pagkakahiga ang anak ko. Nakatulog itong nakayuko at naroon pa ang bakas ng mga luha na pumatak sa magkabila nitong pisngi. "Sorry baby ha? May mga bagay na hindi mo pa maintindihan dahil bata ka pa. Pero para sa kapakanan mo kailangan ni mama ang makipagsapalaran upang hindi ka mamulat sa masamang gawain ng kinilala mong ama," hinaplos ko ang makinis nitong pisngi at masayang ngumiti. Pinagkaitan man ako ng kapalaran pero mayroon naman ibinigay ang Diyos ng nag-iisa kong kayaman. Ang anak kong ubod ng guwapo. Possible kaya na kawangis nito ang totoo nitong ama, at kung inantay ko ba siyang magising matutuloy pa kaya ang arrange marriage ko? Siguro hindi, dahil iisipin ng lalaking nakasiping ko na isa akong cheap na babae. Oo nga naman sino bang matinong babae na makiki-pag one night stand sa estranger. Bumuntong hininga ako ng malalim. Nasa huli man ang pagsisi ng magulang ko ay hindi na maibabalik ang maling nagawa ng papa ko. Kahit anong sabi nito na kung sana naging matatag pa noon at hindi nagpasilaw sa kayaman hindi raw ako mapapakasal sa demonyong kong napangasawa. Maraming sana pero hindi na kailanman mababago ang nangyare ang tanging mahalaga makakaalis kami ngayon malaya na kami ng anak ko. Patungo kami ng Magsaysay Quezon. Naroon na ang magulang ko. Nauna ko nang silang itinakas at masaya na ang magulang ko sa bagong kabanata ng kanilang buhay. Payak man ang pamumumuhay ng mga ito na taliwas sa nakasanayan ni Mama at Papa, masaya naman sila ngayon dahil nakawala na sa kamay ng lalaking napangasawa ko. Mula rito sa pier ay may magsusundo sa amin ni Aaron. Ang super hot namin superior ng Eagle eye, na si Sir Everette. Mahal ang ngiti nito at pansin pa ko, dalawa lang madalas ang binibigyan nito ng ngiti sa kasama kong mga trainee si Jade at Queen sa iba ay masungit ito. Pero mabait at maalalahanin sa mga tauhan si Sir Everrrete. Boyfriend material ang itsura. Ito rin ang tumulong sa pagtakas ng magulang ko. Lingid sa kaalaman ng gago kong asawa, ay dalawang buwan na akong trainee ng Eagle eye. Hahayaan ko na isipin ng asawa na sumakay kami ng barko patungo Mindanao. Bumili rin kami ng ticket para isipin na nag-biyahe nga kami at sumakay ng barko ng anak ko. Akala siguro nitong pinakasalan ko ay wala akong utak p'wes nagkakamali ito. Matagal ko ng plano ang pagtakas at mabuti nga naawa ang superior ko sa Eagle eye, kahit trainee pa lang ako walang pagdadalawang isip na ako ay tinulungan. Kampante ako na makakatakas kami ni Aaron, dahil sa back up ni Sir Everrrete. Sa loob ng dalawang buwan na training marami na akong natutunan sa paghawak ng baril at ibat-ibang self defense. Kung tutuusin kaya ko nang patumbahin ang hudas kong asawa dangan nga lang palibot ang mga armado nitong mga tauhan baka nakarate ko nga ito pero tadtad naman ako ng bala sa daming nakapalibot na bodyguard ng gago. Malaking tulong na-recruit ako ng Eagle eye, bilang agent nila. Mabuti na lang talaga at sumubok ako kahit noon at may takot pa sa aking dibdib na hindi ko kaya ang training. Pero ngayon ng makapasok ako roon nagkaroon ako ng tapang upang ipaglaban kung ano ang tama. Naalala ko ang dahilan kung bakit ako napasok sa pagiging agent. Nasa ibang bansa noon ang asawa ko upang personal na pangasiwaan ang negosyo nito bagamat duda ako, kung legal ang business nito ngunit ipinagpasalamat ko iyon at mawawala ito ng ilang buwan. Nakapuslit ako noon sumakit ang tiyan ko na sinadya ko talaga magpa-LBM upang madala ako sa ospital gusto ko noon dalawin ang magulang ko. Sinakto na kasama ng asawa ko ang family doktor ng pamilya nito sa ibang bansa upang walang dahilan para hindi ako dalhin sa ospital. Coincidence nga talaga na mag-krus ang landas namin ni Sir Everette, dahil may misyon ito sa Visayas at sa mismong ospital at aksedente ko ito nailigtas. "Kuya bakit mga nagtatakbuhan ang mga tao sa buong ospital?" tanong ko pa sa bodyguard nakabuntot sa akin ng palabas na kami ng ospital. Sumunod ay buzzer kaya lalong nag-panic ang mga tao. "Deretso lang po ng lakad ma'am 'wag n'yo po intindihin ang nagkakagulo mga tao," "Paano hindi ko papansinin tingnan mo nga nagbabarilan! Ay!" tili ko ng sunod-sunod na putok ang aking naririnig. "Ma'am pakibilisan po ang lakad baka madamay tayo rito," utos pa sa akin ng mga ito. "Kung gusto n'yo, kayo na ang tumakbo kita n'yo na masakit pa ang tiyan ko. Mga gagong 'to!" masamang tingin ko rito. "Eh, ma'am malilintikan po kami kay boss kung may mangyare masama sa inyo rito," Lumakas ulit ang palitan ng putok. Parang malapit pa sa amin. Naglabas pa ng baril ang mga bodyguard ko. "Ay...!" hiyaw ko ng malapit sa amin ang palitan ng putok. Narinig ko na ipinag-uutos ng head bodyguard na talasan ang tingin ng mga kasama nito. Nagtakbuhan ang mga tao. Nakisabay ako sa pagtakbo dahil patuloy na palitan ang putok ng baril. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin subalit nagdagsaan ang mga tao naitutulak na rin ako. Shit bakit ba ako nakitakbo baka mamatay pa ako sa mga humahagis na bala. Naghanap ako ng pwede pagkublihan. Sa paghahanap ko napunta ako sa tila imbakan ng mga kung ano-anong basura. Nanlaki ang aking mata sa sa nasaksihan. Meron nag-aamok ang dalawang lalaki ang isa ay tila isang kontrabida sa isang movie na patapon ang buhay, samantala ang kalaban nito ay pang artista ang hitsura at ang katawan na matikas ay pang model. Humalakhak ang lalaking kalaban ng guwapo. "Ngayon tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang mo!" Gumapang ang lalaki matikas. Wait sa baril ata ito patungo. Tila alam nito na mayroon nanonood sa kanila kaya nag pa simple ito tumingin sa akin. Napamulagat ako meron pala ganoon kahit puno na ng dugo ang mukha nito ay guwapo pa rin ito. Don't get me wrong ha? Hindi ako natulala sa kagwapuhan niya. Basta guwapo ito period. Nanlaki ang aking mata dahil ikinasa ng lalaki ang hawak na baril guwapo gumagapang sa sahig. 's**t babarilin pa yata.' Sayang guwapo pa naman. Hindi ko alam kung anong nakain ko at naghanap ako ng pamalo maynakita akong kahoy na maliit pa sa dos por dos, bakasakali makatulong sa guwapo lalaki. Dahan-dahan akong humakbang at kakalabitin na sana nito ang gatilyo ngunit naunahan ko. Ubod lakas kong pinalo iyo sa kamay kaya nabitawan ang baril n'yang hawak. iyon ang sinamantala ng guwapo lalaki sunod-sunod na pinaputukan ito ng bala kaya bumulagta sa sahig. "Salamat miss," baritonong nito tinig. Pagkatapos noon nagpakilala ito sa akin at nakuha ko raw ang loob nito kaya inalok ako kung gusto kong magligtas ng mga taong mahina at nangangailangan ng tulong. Tinawanan ko pa noong una dahil sarili ko nga buhay hindi ko mailigtas sa asawa ko. Sa ibang tao pa kaya. Ngunit binigyan pa rin ako nito ng calling card kung sakali raw magbabago ang isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD