CHAPTER 03

1213 Words
EULYN KRIS After three years... Mabilis pero dahan-dahan ang hakbang ni Eulyn Kris palabas sa kaniyang k'warto ng hating-gabing 'yon upang maisakatuparan ang matagal na n'yang plano. Kailangan n'yang magtagumpay sa pagtakas kasama ang anak, bago pa magising ang mga pinatulog n'yang mga bantay sa buong mansyon. Eulyn Kris barely held her breath as she walked down the dark hallway towards her son's room. Kailangan niyang magmadali habang may oras pa siyang tumakas. She couldn't want to fail at that opportunity. Dahil buhay nilang mag-ina ang nakasalalay kung maabutan siyang tumatakas ng lalaking pinakasalan na sagad ang kasamaan. Hindi siya puwede panghinaan ng loob she needs courage now so that she can leave this hellish house. Kahit anong mangyare tatakas sila ng anak niya. Maingat na binuksan ni Eulyn Kris ang doorknob sinigurado n'yang hindi makakatawag ng pansin ang pagpasok niya sa loob ng k'warto ng kaniyang anak na naghihilik dahil sa mahimbing ng pagtulog nito. Nilapitan niya ang walk-in closet kumuha ng jacket upang pambalot sa anak niya, ngunit sa kasamaang palad pagbalik niya ay nagising ang yaya nito at akmang sisigaw sana ito, subalit maagap na dinaluhog ito ni Eulyn Kris, tinakpan niya ng kaniyang palad ang bibig nito upang mapigilan ang akma nitong pagsigaw ngunit ayaw siyang pakinggan ng babae. Nagpapasag ito at sinusubok ang pasensya niya. God knows ayaw niyang makasakit ng isang inosenteng tao dahil alam ni Eulyn Kris, lahat ng kasambahay sa mansyon na ito ay hikahos sa buhay. Alam niyang pinipilit ng mga ito magtrabaho rito dahil pantustos sa mga pamilya ng mga ito. Ngunit kailangan niyang gawin ang sa tingin niyang makakatulong upang tuluyang makatakas sila ng anak niya. "M-ma'am K-kris? Nasisiraan ka na ba ng bait? Sa tingin mo bubuhayin ka ni Sir kung maabutan ka sa plano mong 'to?! Pag-isipan mo ng mabuti at Isa pa ayaw kong maagang mamatay kaya pakiusap bumalik ka na sa iyong kwarto!" matigas ang boses na sabi nito sa kaniya. Nagpupumiglas ito mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa dalawa nitong kamay mula sa likuran nito, habang ang isa naman n'yang kamay ay nakatakip sa bibig nito kaya kahit ayaw niyang gawin ang naisip ay napilitan si Eulyn Kris dahil sa katigasan ng ulo nito. "Ano ba Yaya! Mabuti pa po makipag-cooperate na lang po kayo sa 'kin dahil wala rin po kayong magagawa. Buo na po ang pasya ko. Tatakas kami ng anak ko," may pakiusap na wika rito ni Eulyn Kris. Subalit nagmamatigas pa rin ito. 'Sh-t! Kailangan niyang umisip ng paraan nauubusan na siya ng oras. Fvcking s-ht ang tigas nitong yaya ng anak niya.' "Patawad Yaya!" bulong ni niya. Mabilis niyang kinuha ang maliit na bottle spray na lagi n'yang dala-dala sa bulsa para patulugin ito upang hindi siya mabuko. Inis-pray-han niya ito sa mukha kaya mabilis itong nakatulog. 'Sorry if I have to do this,'mahinang bulong ni Eulyn Kris, pagkatapos ay hinila ito patungo sa kama ng anak at inihiga roon ang nawalan ng malay na yaya ng anak niya. Nahirapan pa noong una si Eulyn Kris na hilahin ito dahil sa manipis n'yang katawan kumpara sa chubby katawan ng yaya. Subalit ginamit niya ang lakas dahil kung panghihinaan siya ng loob tiyak na paglalamayan siya ng buhay kung maabutan siya ng halimaw ang ugali niyang pinakasalan. Nang maihiga niya ito nang maayos nilapitan naman niya ang tulog na tulog na anak. Napangiti si Eulyn Kris, habang pinagmamasdan ang walang kamalay-malay na anak habang payapang natutulog. Hinaplos niya ito sa buhok. 'Pasensya ka na anak ha? Kailangan na natin, ngayon tumakas dahil ayaw kong lumaki ka sa mundo ng karahasan at mga ganid na tao,' Humugot nang malakas na hangin si Eulyn Kris sa kan'ya dibdib upang isantabi ang takot. Kailangan niyang maging matapang kahit ngayon lang. Nang maalala kung nasaan siya ngayon mabilis niyang sinuotan ng jacket ang natutulog na anak 'tsaka maingat na binuhat. Muli ay dahan-dahan si Eulyn Kris sa paghakbang patungo sa pinto ng kwarto. Pagkalabas nila ng anak niya sa silid nito, mabilis niyang tinakbo pababa ang matarik na hagdan at walang lingon-lingon na tumungo sa likod ng bahay at kahit pakiramdam niya ay halos takasan siya ng hininga sa pagtakbo sa labis na pagod pinilit niyang maging mabilis hanggang makarating siya sa maliit na gate sa likuran ng mansyon. Emergency gate ito kung mayroon tinatakasan ang pinakasalan niya na mga kalaban sa illegal na negosyo. Kabisado na ni Eulyn Kris, ang daan na ito. Kinabisado niya ito bago magplano sa pagtakas ngayon. Hingal na hingal na tinakbo parin ni Eulyn Kris ang kotse niyang nag-aantay na ikinubli lang niya sa kakahuyan. Bilisan mo pa Eulyn Kris. Malapit na kayong makatakas. kausap niya sa kaniyang sarili. Malapit na si Eulyn Kris sa kaniyang sasakyan ng magising ang anak niya. Nagtataka itong palinga-linga sa paligid pero muling yumakap sa kaniya leeg. Buo na ito magsalita dahil mahigit dalawang taon na ang anak n'ya at bukod doon may private tutor ang anak niya dahil hindi sila pinapayagan na lumabas ng bahay ng kaniyang napangasawa. "M-mama, where are we going why are we running?" inaantok pang usisa sa kaniya. Humalik muna siya sa buhok nito bago ito sagutin. "May pupuntahan tayo anak, diba gusto mo pumunta kay nanay Lolita at tatay Terio? Dadalaw tayo sa kanila at doon na rin tayo titira," Natuwa si Eulyn Kris dahil masaya itong tumango. "Yahey! Excited po ako mama," ani nito sa kaniya. Kahit inaantok at alam niyang mahirap para sa musmos niyang anak na unawain ang ipinaliliwanag niya dahan-dahan pa rin ito tumango sa kaniya. Pinilit ni Eulyn Kris na itago sa anak ang hindi normal na set-up nila ng napangasawa niya. Subalit kahit anong pagtatakip niya talaga lumalabas ang sungay ng napangasawa dahil nitong mga huling taon pati anak niya ay pinagbubuhatan na nito ng kamay. Ito ang ikinagagalit ni Eulyn Kris sa pinakasalan dahil sinasaktan ang anak niyang si Aaron, konting pagkakamali lang ng bata, nakakatikim na ng palo buhat dito. Kaya niyang tiisin ang lahat pero ang anak niya hindi niya kayang panoorin na sinasaktan dahil sa walang k'wenta niyang napangasawa. Kaya bago siya makapatay or worst siya ang paglamayan nakaisip siyang tumakas. Kapakanan ng anak niya ang uunahin niya kahit itaya pa niya ang buhay niya. Kahit na sabihin pa nito na lahat ng luho ay ibinibigay nito sa anak maging sa kaniya hindi pa rin sapat 'yon halos nga hindi sila palabasin ng bahay at kung lalabas man kailangan mabilis at sandamakmak na bodyguards. "Okay Mama. Let's go na po," sagot sa kaniya at umalis na sa pagkaka yupyop sa balikat niya. Malungkot ang mata pero nginitian niya ang anak habang mataman niya ito pinagmamasdan. Mariin niyang hinalikan ito sa tuktok ng buhok at binuksan na ang kaniya sasakyan. "Ayos ka na d'yan baby?" nakangiti n'yang nilingon ito. "Yes po Mama," sagot nito sa kaniya. Pero sadyang malakas ang pang-amoy ng animal niyang asawa dahil nagtatakbuhan ang mga tauhan palabas ng gate. "Hayun!" Malakas na sigaw ng mga tauhan, noong umpisa nataranta si Eulyn Kris lalo pa't umalingawngaw ang boses ng asawa niya. "Eulyn Kris!" Lumingon pa si Eulyn Kris at narinig na niyang nag-umpisa nang umiyak si Aaron. "Baby, Aaron. 'Wag kang matakot ha? Nandito si Mama. I promise you, son, we can get out of here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD