CHAPTER 05

1188 Words
EULYN KRIS Pagkasundo ni Sir Everette sa amin ng anak ko. Tumungo naman kami sa airport. May ticket na kaagad na binigay para sa amin ng anak ko, patungo ng Maynila si Sir Everette. Kaming dalawa lang ni Aaron ang magbiyahe pero sasalubungin daw kami ng tauhan ng big boss namin pagdating sa airport ng Pasay at ihahatid naman kami mismo sa Quezon Province kung nasaan ang magulang ko. "Paano ingat kayo roon Speed, kung mayro'n problema tawagan mo ako kaagad," mahigpit n'yang bilin sa 'kin bago kami iwanan sa waiting area ng airport. "Salamat Sir Everette, tatanawin ko itong utang na loob at balang araw makakabawi rin ako sa kabutihang loob mo," tango ko pa rito. Pero isang tapik lang sa balikat ko ang sagot nito sa akin bago iwan kami ng tuluyan sa airport. Hindi naman kataka-taka magaling itong agent dahil mabilis at puno ng tiwala sa sarili kung magplano. Hindi nga lang ngumingiti nakatatak na talaga ang seryoso nitong ugali kapag kami ay kaharap. Gusto ko sanang itanong kay Sir Everette kung bakit hindi na lang kami magsabay ngunit nauunahan naman ako ng hiya baka isipin pa nito echosera ako. Tinulungan na nga makatakas gusto ko pang maki marites. Dahil hating-gabi na nakayupyop ang anak ko sa balikat ko na tulog na tulog habang nag-aabang ng tawag para sa flight namin. Wala naman kaming dalang gamit kun'di ang isa kong sling bag sa katawan na tanging cellphone at wallet lang ang laman. At ang Isa kong ATM card na ibang pangalan ang ginamit ko. Speed De Jesus katulad sa alias namin. In-open ko ito ng ATM. Kunwaring amo ko si Speed ibang ID ang ginamit ko. Nagpagawa lang ako ng authorization letter na kunwaring hindi ito pwede dahil nasa trabaho kaya ako ang naatasang mag-open ng savings nito. Kabado pa ako noong una baka mabulilyaso makatunog ang aking asawa. Grabe ang pag-disguise ko sa aking mukha kung ano-anong kolorote ang ipinahid ko upang hindi ako makilala ng kahit na sino. Gayun na lamang ang tuwa ko ng matagumpay na natapos ang transaction namin ng teller at nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ng bangko. Nagawa ko ito nang lingid sa kaalaman ng asawa ko ng minsan makapuslit ako na kunwaring may bibilhin na importante sa labas. Maysapat na pera ang ATM ko ngunit ayaw kong mapaghinalaan ng asawa ko. Panggastos ni Aaron kapag iniwan ko ito kay mama at papa. Tuluyan akong papasok sa Eagle eye upang pabagsakin ang ganid kong asawa. Tinawag na ang flight number namin ni Aaron pero ang anak ko ay naghihilik pa sa balikat ko. Kaya lang pagdating namin doon sa loob ng eroplano 'tsaka ito nagising at palinga-linga nagtataka sa paligid. "M-mama saan tayo pupunta?" there was surprise on his face. Pinisil ko ang matambok nitong pisngi. Ang guwapo talaga ng anak ko, hindi dahil anak ko ito ah? May pagka singkit ang mata nito. Mabuti na lang talaga hindi ito masyadong maputi dahil magmumukha talaga itong pure Chinese. Sa akin nakuha ni Aaron ang kulay ng balat ika nga tunay na kulay ng Pilipino kayumanggi kaligatan. Morena sabi palagi ng mga kakilala ko. "Sa Nanay Lolita at Tatay Terio. Like I said you diba?" "Yes Mama," nakangiti ako dahil hindi na ito nagtanong. "Sleep ka na ulit," ani ko pa pagkatapos ay inumpisahan kong tapik-tapkin ang hita nito. Nagpasalamat ako at hindi ito naghanap ng gatas at wala akong dala. Pagdating na lamang namin sa Manila. Dadaan muna kami sa grocery bago tumulak patungo Quezon. Siguro naman papayag ang sinasabi ni Sir Everette na magsusundo sa amin. Nang marinig ko ang munting hilik ng anak ko mapait akong napangiti bumalik sa alaala ko ang nangyare pagkatapos ng kasal sa piniling lalake ng papa Terio. "Pak!" Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko ng kaming dalawa na lamang ng napangasawa ko sa loob ng hotel suite. Napahawak ako sa pisngi kong nasaktan. Gagong 'to kahit magulang ko hindi ako nakatikim kahit kurot pero itong pangit na herodes na ito kay dali akong pagbuhatan ng kamay. Sumulak ang dugo ko sa galit dito. P'wes hindi ako magpapatalo gagong 'to! Taas noo akong tumingin sa pagmumukha nito nang maka move on mula sa malakas nitong sampal. "How dare you. Asshole!" pinagsusuntok ko ito sa dibdib ngunit Isa akong babae natalo ako sa lakas nito. Malakas akong hinawakan sa magkabila kong balikat kahit nagpupumiglas ako walang nangyare sa diin ng hawak nito sigurado ako na bakat ito bukas lalo pa off shoulder ang yare sa wedding gown ko. Muntik pa akong mapatumaba ng pabalya ako nito binitawan at hindi pa nakontento nakangisi itong hinawakan ako sa panga at nanlilisik pa ang mata na tinitigan ako. "Slut! Akala mo siguro hindi ko malalaman ang pag-uwi mo ng madaling araw sa mismong bisperas pa ng kasala, huh!? Really, Eulyn Kris?!" madilim ang mukha na wika nito sa akin. "Eh, gago ka pala sa lahat ng gago! Di sana hindi mo ako pinakasalan kung nagalit ka roon," galit ko ring sagot dito. Malakas itong humalakhak na tila demonyo halos maiyak sa labis na pagtawa nang matapos nakangising tumingin sa akin. "You think I forgive that easily? Sa laking pera ang inilabas ko sa lubog n'yong negosyo. Swerte mo 'ata kung hindi mo pagtra-trabaho-an, wake up, Honey, hindi magyayare iyon!" ani pa sa akin na nakadiin ang hintuturo sa noo ko. Nawalan ako ng imik sa aking nalaman. Anong ibig nitong sabihin? Napangisi ito ng nakakaloko at tinapik ako sa pisngi habang may multo ngiti sa mga labi. "Malalaman mo soon pero simula sa araw na ito bawal ka nang lumabas ng bahay at bawal makipagkita sa mga kaibigan mo at sa inyo bawal ka na rin mamasyal!" pagkasabi ay iniwan na ko nito sa kama. "What?! Sana okay lang ito at tama pa ang pag-iisip dahil nakakatakot na," Nakatulugan ko ang galit at ngitngit sa buhay na mayroon ako ngayon. Ayaw kong sisihin si Papa dahil gusto lang nitong i-ligtas ang kumpanya pero sa maling paraan nga lang. Paggising ko wala pa rin ang asawa ko, well mas gusto ko nga iyon dahil hindi ako komportable na kasama ko ito sa iisang kama. Gayunpaman ipinagpasalamat ko 'yon dahil hindi ako inangkin pero tinatanong ko sa sarili hanggang kailan naman Eulyn Kris? Parang hindi ko maatim na makasiping ito kahit asawa ko na ito. Tanghali na ng dumating ito sa suite namin. Sinabihan ako na mag-ayos na at uuwi na raw kami sa mansyon nito sa bahay ng Mayor. Nasa malayo pa kami tanaw ko na ang matayog na mansyon ng mga ito, nagbabadya na ang karangyaan animo ng nagyabang sa laki nito. Kung anong ikinaganda sa labas, mas doble kagandahan sa loob. Napapatanong ako kung malaki ba ang sweldo ng isang mayor dahil palibot ng mga bodyguards sa loob ng mansyon halos may mga hawak na mahahabang baril. 'Ganito na pala ang isang Mayor maraming private army. Naitanong ko sa aking sarili. Napakurap ako nang magtawag na ang flight attendant na lalapag na ang sinasakyan namin ni Aaron na eroplano. Umpisa na ito Eulyn Kris ng totoo mong paglaya. Bulong ko pa sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD