CHAPTER 02

1246 Words
MAYNARD Mula sa second floor ng Luxury disco bar tanaw ni Maynard ang taong labas pasok sa buong baba ng disco-han. Isa lamang ito sa pagmamayari n'yang negosyo, na Paminsan-minsan dinadalaw niya kung may bakante siyang oras upang silipin kung ano na ang sitwasyon nito. Alas-diyes pa siyang dumating dito at diretso agad sa paborito niyang p'westo, walang iba kun'di ang second floor ng nasabing disco bar. Nagustuhan niya rito dahil tahimik kumpara sa baba na maingay lalo na kung maraming nagsasayaw sa dance floor. Mula sa kinaroroonan niyang upuan ay tanaw niya ang nangyayari sa buong paligid dahil open ang buong second floor kaya nga tinawag niya itong balcony. Dalawang oras na siyang nakaupo rito habang paminsan-minsan ay tumutonga ng beer na nasa harapan niya. Inabot na siya ng alas dose kaya naman naisipan na niyang umuwi at bukas ay maaga siyang dadalaw sa hideout ng Eagle Eye detective agency, dahil may bago ulit recruit ang pinagkakatiwaalan niyang superior na si Everette, higit pa sa magkaibigan ang turing nila sa isa't-isa syempre maliban sa mga barkada niya ay Isa sa maituturing niyang matalik na kaibigan si Everette kulang na nga lang maging kapatid niya ito dahil sa pagmamalasakit nila sa isa't-isa. May dumaan na waiter tinawag ito Maynard upang bayaran ang kaniyang nainom na beer. Hindi dahil siya ang may-ari, ligtas na siya sa pagbabayad kailangan din bayaran at buwan-buwan ay required n'yang hinihingi ang report sa inventory sales ng Luxury disco bar. Lumapit sa kaniya ang tinawag niyang waiter, "Boss, uuwi na po kayo? Mamaya na bossing, napapansin namin kapag gabi maraming chickababes tuwing hating-gabi baka may matipuhan ka," pag-awat nito sa balak n'yang pag-uwi. "Baka lang naman maibigan n'yo ang suggestion ko bossing," nang walang makuhang sagot galing sa kaniya kun'di titig lang sa waiter. Tiningnan niya ito ng diretso sa mata, kabisado siya ng mga tauhan dahil likas sa kaniya na hindi ngumingiti kahit nga mga matalik niyang kaibigan gusto na siyang itakwil dahil sa pagiging tahimik. Pero may puso naman siya sa mga nangangailangan 'yon siguro ang dahilan ng mga tauhan niya kahit nangignilag sa tahimik niyang ugali. Nang umalis sa harapan niya ang waiter muli niyang tinungga ang huling laman ng boteng ng beer subalit kakaunti pa ang naiinom ay naibaba agad ni Maynard, dahil sa presensya ng bagong pasok na babae na pumukaw sa attention niya. 'Damn!’ Hindi pa naman siya lasing pero bakit nag hallucinations na siyang may nakikitang diwata' describe niya sa kagandahan nasilayan sa bagong dating na babae. Mag-isa lang ito at tila ba bago lang nakapasok sa ganito lugar. Palinga- linga sa paligid, napangiti si Maynard sa simpleng kilos na iyon ng babae. Sinundan niya ito nang tingin naghahanap pala ito ng upuan kaya inilibot ang mata sa paligid. May nakita ito ng pangdalawahan at nang maka-upo tumawag agad sa waiter na namataan. Sh-t baka isa lang ito sa babae na naghahanap nang aliw O, di kaya nagpanggap na customer pero naghahanap pala ng mapera na magkakagusto rito. Subalit tumangi rin naman agad ang isip ni Maynard, naisip lang niya ang nangyari noong nakaraang buwan may nahuli siyang nagtatalik sa comport room ginagawa pa lang tagpuan ang bar, lalo na gusto ng babae makatisod ng malaman ang bulsa. Ang plano ni Maynard na umalis ay hindi natuloy hindi niya mawari kung bakit may nag-uudyok sa kaniya na h'wag umalis at bantayan na lamang ang babae. F-uck! Lasing na nga patuloy itong umoorder ng alak, nang nakayupyop na ito sa mesa. Tinawag niya ang waiter na huwag na bibigyan kung hindi ay sa kaniya mananagot ang mga tauhan. "K-khung ayaw n'yo akhong bigyan ng alak! Ipasasarado ko 'tong bar n'yo, sabihin nhyo sa amo nyho." Ngungu na ang salita nito. Naaaliw na mahinang tumawa si Maynard. ‘Damn. Anong mayroon sa babaeng ito at nagagawa siya nitong mag-isang patawanin?’ "Mhakasayaw na ngah langs mangit n'yo kabonding!" ani pa nito. Pagkuwan tumayo mula sa mataas na stall chair na kinauupuan. Maynard chuckled at napahimas din siya sa batok ng kamuntikan pang masubsob sa table ang babae dahil hindi na balanse ang pagtayo. 'F-ucking sh-t anong ginagawa mo Chinito at mag-isa kang nangingiti' sermon niya sa sarili. Napahimas sa batok si Maynard. Sh-t mukhang sasakit ang ulo niya rito sa babae, mukhang spoiled brat pa 'ata siguro napagalitan ng magulang kaya napadpad dito sa bar niya. Sa tingin niya bago lang ito nagdalaga malamang dalaga na ito at strictly 18 ang p'wede pumasok sa bar mahigpit ang apat n'yang guard dagdagan pa ng labing lima bouncer sa loob, paikot-ikot upang walang gulong mangyayari. Sinisigurado ang pag-check ng id bago pumasok sa loob. ------- Eulyn Kris Ang gaan ng pakiramdam ni Eulyn Kris, habang sumasabay ang baywang sa indak dahil sa maharot na tugtugin. Hindi alintana ang iba't ibang lalaking nakakapareha na naroon sa gitna ng dance floor na tila sinamantala na ang kalasingan niya. Kahit ang mga naro'n na kalalakihan ay tila sinasadya nang hipuan siya ngunit sa katulad ni Eulyn Kris, na lango na sa alak wala na siyang pakialam sa paligid. Tuloy lang ang pag-indayog ng kaniyang malambot na balakang sa saliw ng tugtugin na kahit ang mga usok ng sigarilyo, galing sa kaperaha niyang sumasayaw at pumapasok na ang amoy sa ilong niya balewala lang 'yon kay Eulyn Kris. Basta gusto niya ang ginagawa niya sa sandaling iyon. "Let's get loud... let's get loud..." sumasabay pa siya sa isang kanta habang tatango-tango ang ulo pagkatapos ay kakanta ulit. Ganito pala ang pakiramdam ng walang nagdidikta ng kailangan niyang ‘kilos, walang bodyguard na nagbabantay at kailangan i- report sa magulang niya kung anong kapalpakan ang pinaggagawa niya sa buhay. "Woahh, this is life...!" tumatalon-talon pang sigaw ni Eulyn Kris. Sa dami ng nainom niya hindi naman talaga kataka-taka. Well pake ba nila last na niya itong pagsasaya dahil bukas mamaalam na siya sa kanyang single life. Nakapikit na ngumiting mag-isa si Eulyn Kris. Lingid sa kaalaman ng kan'yang magulang wala siya sa hotel. Siya lang ang ikakasal na tumakas sa mismong bisperas upang i-enjoy ang life. 'Walang basagan ng trip ganito kapag ikakasal sa lalaking hindi mo gusto. Daig pa ang bibitayin sa nalalapit na I do' "Hey, honey let's dance," mayroon humawak sa baywang niya. Inaninag ito ni Eulyn Kris at gusto niyang umupo dahil inaantok ang pakiramdam niya at napagod na rin siya. "No! Uuwi na ako," binabaklas niya ang kamay ng lalaking mahigpit ang pagkakahawak sa baywang niya. Amoy alak din ito nanunuot sa ilong niya. Mas lalong nahilo si Eulyn Kris, sa lakas ng amoy nito. Amoy bad breath pa naghalo ang alak at amoy niyon. "Let me go please," nawalan ng lakas na wika ni Eulyn Kris, dahil sa dami ng alak na nainom niya. Naramdaman niya na hinapit siyang padikit sa katawan ng lalaki at dumapi ang labi nito sa leeg niya. "No! Bitawan mo nga ako," tinulak niya ang mukha nito. F-ck bakit ba nagpadami siya ng ininom paano niya makakarate ang manyakis na ito kung lango pa siya sa alak. Narinig pa niya ang nakakatakot na ngisi ng lalaki subalit bigla 'yon naglaho. Gusto n'yang silipin ang may hawak sa kanya bakit nag-iba? Naging mabango at nakakaantok lalo ang amoy nito. Kahit amoy niya ang beer na nainom nito ngunit hindi nakaramdaman si Eulyn Kris ng pandidiri. Mas gusto pa nga ni Eulyn Kris na manatili muna sila sa pagkakadikit nilang iyon. "Lord, lashing na po talaga ako at bakit marami akong naamoy," "Baby, let's go home,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD