CHAPTER 06

1224 Words
EULYN KRIS Tulog si Aaron, pagdating namin ng Quezon Province. Pagkatapos kong magpasalamat sa driver na naghatid sa amin pauwi rito ay maingat akong bumaba sa kotse habang karga ko ang tulog na tulog na si Aaron. Saktong sumilip na ang magandang araw sa umaga. I closed my eyes for a moment at sinamyo ang sariwang hangin na pumuno sa aking dibdib pagkatapos ay inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Quiet and peaceful. Tama nga ang desisyon kong dito dalhin ang magulang ko. Kahit malayo ito sa bayan at gano'n din sa kapitbahay abot pa rin naman ng kuyrente. Dito ordinaryo ang buhay ng magulang ko, ay taliwas sa karangyaan na tinatamasa noon. Mas maganda na rin at least malayo sa kapahamakan ang mga ito. Tumayo muna ako sa gate na kawayan. nakasarado ito at hindi pa ako napapansin ni Mama. Pinagmasdan ko muna si Mama, we haven't noticed yet dahil sadyang sa malayo ko pinag-park ang sinakyan namin at gusto kong i-surprised ang magulang ko. Nagwawalis si Mama sa harap ng bakuran na puno ng mga tanim nito ng iba't-ibang halaman namulaklak. Ngumiti ako nakatingin sa likuran ni Mama. Sino ba ang mag-aakala na mayaman kami dati sa tirahan namin ngayon? "Mama!" I shouted loudly. Bumungisngis pa ako dahil ang nakayuko si Mama, dahil sa pagwawalis ay naging straight ang pagkakatayo. I'm still smiling sa reaction ni Mama. Tila pa namalikmata ito nang tinawag ko siya. I giggled dahil sa pagkurap-kurap ng mata niya animo hindi makapaniwala na narito ako sa harapan niya. "Mama, relax po ako lang ito ang sexy n'yong anak," I'm joked with her. "A-anak?" she weakly called me so I smiled and nodded. Nagising ang anak ko at nagtataka kung nasaan kami. Hinaplos ko ang likod nito upang sana bumalik sa naistorbo nitong tulog subalit umalis na sa pagkakayupyop sa balikat ko at kinusot ang inaantok pang mata. Humagikhik ako dahil may tunog ang paghikab nito. "Wowa...?" tawag niya sa Mama ko. "Baby, narito na tayo kay Lola," may bikig pa sa lalamunan na sabi ko sa kaniya. Kilala nito sila Mama, dahil ilang beses ko ito dinala tuwing dadalaw ako sa magulang ko sa bahay namin sa Visayas. Inulit ni Aaron ang pagbigkas sa Lola. "Wowa," ani pa nito at gusto ng magpababa. Napangiti ako nang maisip ang nalalapit kong pag-alis. Hindi ako mahihirapan na iwanan ito sa Mama at Papa ko dahil nakilala agad nito ang Lola at Lolo. Nagpumiglas ito sa pagkakarga ko kaya napilitan akong ibaba siya. Napasigaw pa ako dahil tumakbo ito patungo sa Mama ko. "Wowa! Yahey!" humagikhik palapit kay Mama. Nakangiti umiiyak si Mama habang palapit dito si Aaron at sinalubong nang mahigpit na yakap at kinarga nito ang anak ko na tuwang-tuwa naglambitin pa sa leeg ni Mama. "A-anak, Eulyn Kris i-ikaw nga," tuluyang bumaha ang luha sa mata ko ng sumunod ako kay Aaron palapit kay Mama. Yumakap ako at hindi mapigilan ang paghikbi. Sa wakas malayo na ako sa kamay ng malupit kong napangasawa. Hindi na ako nito matutunton. Nakalaya na ako. Pagkalipas ng ilang minuto lumabas si Papa galing sa loob ng bahay, napamulagat pa ang mata nito pagkakita sa amin ni Aaron. "A-anak? A-apo ko?" nauutal pa na sambit ni Papa. Lumingon kami kay Papa, at ang anak ko nagpapababa sa Lola pinuntahan si Papa. "Wowo ko..." bungisngis nito kaya hindi maiwasang magtawanan kami ni Mama. "Galing naman ng apo ko, parang kahit saan dalhin hindi mahiyain," ani pa ni Mama na pinanonood ang paglalambing ni Aaron sa Lolo nito. Nangiti ako. "Sinabi mo pa Mama," sang-ayon ko pa. "Ano pa ang inaantay mo d'yan, Lolita? Hala! Pasok na rito sa loob baka gutom na ang apo ko at si Eulyn Kris," wika ni Papa sa amin at nagpatiuna na itong pumasok sa lob ng bahay na karga pa si Aaron. Nag-umpisa naman dumaldal ang anak ko ng iba't-ibang tanong sa Lolo niya. "What do you want, Anak?" tanong ni Mama pagdating namin sa kusina. "Kape na lang Mama," I answered. Inilibot ko pa ang mata sa buong kusina. Napakalinis siguro walang ginawa ang Mama ko kung hindi maglinis. Lumapit si mama sa thermos at kumuha ng isang tasa sa pamingganan pagkatapos nag kanaw ng kape. Walang instant kape na stock sabi sa akin ni Mama at hindi mahilig si Papa ng 3in1 kaya ang binibili nito ay asukal, kape at creamer dahil magkaiba sila ng gusto ni Papa. Kinuha ni Mama sa cabinet ang stock ng Isang tub ng biscuit na Sky flakes and she carried it on the table kahit mayroon nang nakalagay na isang balot ng tasty. Nilingon ko si Aaron na karga ni Papa at binigyan ko na dalawang pirasong biscuits. Mahina akong tumawa at magkabilaan kamay ang hawak nito at kinakagatan pareho pagkatapos sa kabila lilipat sa kabila. "Walang gatas itong apo ko?" wika ni Papa. Nagtanong si Papa kong hindi ba ito nanghihingi ng gatas. "Nanghingi na siya Papa, ng malapit na kami dumating," nakangiti ako dahil ganado si Aaron, kumain ng biscuit malutong pa kapag kinakagat. Pagkatapos ko magkape pumasok ako sa k'warto nakalaan sa akin. Pinasadya nila Mama na dalawang kwarto upang may magamit ako kapag dumating kami ni Aaron. Maliit lang ito na kwarto may kahoy na higaan doble size at nilagyan ng manipis na foam upang magmukhang komportable kong hihigaan ito. Umupo ako sa gilid at inumpisahan ayusin ang nabili kong mga damit kanina. Hindi naman marami tama lang pang isang linggo na may bihisan at kung mauubusan naman puwede naman maglaba. Kapag may time mamimili ako sa bayan bago ako mag-umpisa sa trabaho. Gano'n din si Aaron ilang pares lang ng short at t-shirt at madalian ang oras na makauwi agad ng Quezon. Pagkatapos kong bihisan kanina si Aaron muli itong hiniram ni Papa. Kung sabagay nakakainip nga naman talaga rito sa bagong tirahan ng magulang kahit meron TV at internet. Lalo na kung katulad sa magulang niya na walang hilig sa socmed. Kaya nga siguro may mga tanim ng gulay si Papa sa likod ng bahay ito ang libangan kapag naiinip. Napatingin ako sa pinto ng mayroon mahinang kumakatok. Hindi pa ako nagtatanong kung sino nagsalita na agad. Si Mama ang nasa labas. "Pasok po kayo Mama," ani ko pa sa Ina. Bumukas ang pinto at pumasok si Mama na seryoso ang mukha na tumitig sa akin. Napanguso ako at tila mayroon itong ipinahihiwatig. "Mama...dito po kayo," malambing kong sabi sa Ina. Ang tinutukoy ko ay dito sa aking tabi ito umupo. Tumalima naman si Mama. Napabuntong hinga pa ito pagkalapat ng puwetan sa tabi ng kinauupuan ko. "Ma! Alam ko pipigilan mo ulit ako. Pero ginagawa ko lang ito para maibalik ang kumpanya natin at matuldukan na ang ginagawang illegal ng napangasawa ko." Alam mo na ito ulit ang sasabihin sa akin. Nag-aalala si Mama baka mapahamak ako sa bagong trabaho. Paano na daw ang anak ko napakabata pa nito. Hinakawan ko ang kamay ni Mama. "Pangako hindi po ako mawawala. Tsk! Mama, masyado kayong advance mag-isip," irap ko pa kunwari pero ang totoo takot talaga ako pero para sa anak ko gagawin ko ito at makabalik na ulit sila Mama sa dati nilang buhay. "Basta palaging tatawag sa itaas at ibayong ingat. Nandito kami mag-aantay sa'yo," malungkot pero nakangiti na ito. "Asus si Mama," ani ko pa at yumakap dito ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD