CHAPTER 07

1318 Words
EULYN KRIS "Ang tahimik mo," narinig kong boses ni Queen, sa likuran ko. Nilingon ko ito at nginitian. I am here at the hideout and five months have passed since I left my son in Quezon. Puspusan ang naging training ko sa mga nakalipas na dalawang buwan. At ngayon tatlong buwan na akong isang ganap na agent ng Eagle eye. "Ikaw pala, upo ka," saad ko sa kaibigan at pinagpag ko ang bakante upuan sa tabi ko at inginuso ko sa kaibigan ko. Malaki ang pasasalamat ko nang dalhin ako ni Sir Everette dito sa hideout. Nagkaroon ako ng mga higit pa sa kaibigan ang turingan. Si Queen, Jade, Ruby at Sapphire. Pareho kaming mga babaeng Agent nagtatago sa alias ng gemstone. Binalingan ko ang kauupo lang na si Queen sa aking tabi. "Why are you looking at me like that?" taas kilay kong tanong sa kaniya. Aba ginantihan ako ng bruha dahil pinaikot ang mata nito. "Kanina ka pa namin hinahanap narito ka lang pala. Nagluto si Jade ng meryenda kain tayo," Ngumiti lang ako sa kaniya at isang mahabang buntong-hininga. "Nagpaalis lang ako ng lungkot na-miss ko na kasi ang anak ko," sumbong ko pa sa kaniya. Inakbayan ako ni Queen at hinaplos at tinapik-tapik sa balikat ko. "Alam ko ang pakiramdam kahit wala pa akong anak," ani pa nito sa akin. Nilingon ko ito. "Hmm...pero malapit na?" tukso ko rito kaya namula ang magkabila niyang pisngi. Mahina pa akong tumawa dahil tatangi pa ang kaibigan ko. "Aminin na kasi," tukso ko sa kaniya. Hindi pa ako nahusto tinusok ko pa ang tagiliran niya dahil ayaw pang aminin na crush niya ang binatang naka- engkwentro ng pumunta ito ng sa Cebu. Nag-iwas ito ng tingin "H'wag mo na nga banggitin ang lalaking 'yon. Tiyak ko, hindi na kami magkikita," laban pa niya sa akin. "Pero hoping ka? Uso rin kaya umamin kapag may time," I softly chuckled. "No kaya," tanggi niya sa akin kahit kita ko na gusto rin niya. Napangiti ako at tudong pagtatago ang ginagawa nito sa binata. "Mukhang patay na patay naman 'yon sa'yo ano ang pa hadlang?" pamimilit ko pa sa kaniya. "Wala nga pangit kasi noon," tanggi pa rin niya sa akin. Ngumisi ito kaya inirapan ko. Ang akala ko noong una kong apak sa Eagle eye, kay Sir Everette ito maypagtiningin pero isang gabi lang nakasama sa Cebu ang binatang tinakasan, nawala na agad ang pagtingin nito kay Sir Everette. Well maganda nga at alam ko naman kung sino ang itinatangi ng puso ni Sir. Si Jade na manhid. Dinadaan kasi ni Sir Everette sa biro ang pagpapansin kay Jade. Pero kapag hindi nakatingin dito si Jade, lihim na nakatitig sa kaibigan ko na meron paghanga sa mata. Kung bago ka kakilala ni Sir Everette, iisipin mo nga kasi na may pagtangi ito kay Queen kasi malapit ang dalawa at sobra kung mag-care si Sir Everette kay Queen. Pero sadyang close lang ang dalawa ganoon din si Queen ni minsan hindi raw nagkagusto kay Sir Everette. I giggled sana ako rin balang araw makakita ako ng taong mamahalin ako at s'yempre tatangapin ang anak ko. Ayaw ko 'ata na apihin ang anak ko, if he loves me he will love my son first. Gano'n ang motto ko sa buhay. At Isa pa ayaw kong isipin ang mga lalake sa ngayon dahil hindi pa napapawalang bisa ang kasal ko sa asawa ko. Nagtagal pa sila ng 30 minutes ni Queen sa labas, tahimik lang at nakatanaw sa kalangitan bago napagpasyahan pumasok sa kanila barracks. Humugot ako ng hangin sa dibdib ko upang kumalma ng kaunti ang sobra kong pagka-miss kay Aaron. "Pasok na tayo," wika ko kay Queen, Next month bibigyan kami ng grande bakasyon ni Sir Everette, kung matagumpay namin matitklo ang casa na sunod naming misyon. "Mabuti pa pasok na tayo dahil tutungo rito si big boss bukas," wika ni Queen. Sa halos limang buwan ko rito hindi ko pa nakadaupang palad ang big boss akala ko nga noon si Sir Everette ang amo namin subalit mayroon pa pala, ang may-ari ng Eagle eye ang tinatawag nilang boss Chinito. "Siguro payat at sobrang putla noon kasi Chinese," hindi sinadya ko pang bulong kaya mahinang tumawa si Queen. "Mali ka r'yan Speed, dahil kayang lumuwag ang garter ng panty mo kapag nakita mo si boss Chinito," "Ows? So nalaglag din ba panty mo noong nakita mo siya?" ani ko pa na tila hindi naniniwala. "Hindi naman dahil hindi ko type si boss. Pero I admit naman na guwapo siya," pag-amin nito. "Hindi pala pala ganoon ka-guwapuhan kung gano'n," hininaan ko ang boses. "Don't get me wrong depende pa rin kasi sa paningin natin Oo guwapo talaga si boss Chinito, pero iba kasi ang type ko," "Kung kasing yummy at hot pala ni Sir Everette, 'di pogi ngang tunay," saad ko pa kay Queen. "Yes, sa magkaiba level nga lang. Basta parehong pogi at fafable pero syempre iba-iba naman tayo ng taste kaya kahit gaano pa ka-guwapo ni Boss hindi naman ako kinilig," It's late at night, pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Kanina pang mahimbing ang mga kasama ko sa barracks. Samantala ako pabali-baliktad sa aking hinahihigaan. Kahit si Queen pagpasok sa loob ilang oras lang ay tulog na kaagad. Mahina kasi ang signal dito sa loob ng kwarto kaya kailangan pang lumabas upang makasagap kung kakausapin ko sila mama. I'm not afraid to go out because all our colleagues are kind and treat each other like brothers and sisters. Bumangon ako at umupo na lang sa kama. Kinuha ko ang traveling bag na dala ko patungo rito at kinuha ko sa loob ang itinago kong wallet at binuklat ko ang bulsa kung saan naroon ang tatlong picture ng importante tao sa buhay ko. "Miss ka na ni mama," kausap ko pa sa nakangiti sa larawan ng anak ko. Para pa akong temang hinalikan ko ito at dinala sa aking dibdib. Hanggang sa dalawin ako ng antok. "Speed, oii gising na darating si boss ngayon kailangan maaga tayo sa training camp, may meeting daw." "Anong oras na ba Jade? Antok pa ako," paos na wika ko sa kaibigan. "Gaga, maligo ka nang maalis 'yan. Ayaw ni boss Chinito ng pinag-aantay. Kung seryoso si Sir Everette, mas doble si boss kaya kilos na. Faster," Napilitan akong bumangon. Ako na lang ang hindi pa naligo at nakabihis kaya may pagmamadali ang kilos ko na tumungo ng banyo. "Dali Speed, sa bungad tayo pumuwesto para kita ko si Sir Everette," hila ni Jade sa kamay ko. "Kaya laging galit si Sir, hilig mong painitin ang ulo noon," Kanina pa namin ito kinakantiyawan dahil nagsuot ng super body fit blouse na kita ang cleavage. Ngunit tawang-tawa lang ito sa amin. Kung hindi ko pa alam na ang crush daw nito si boss iisipin namin nagpapansin talaga ito kay Sir Everette na matagumpay naman ang pang-iinis dito ni Jade. Nang may yabag na papalapit sa line namin tila kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan, kaba siguro at first time ko makikita si big boss. Tama nga si Queen, tahimik nga ito dahil nakakabinging katahimikan lahat ng nakapilang agent. Kinalabit ko ang katabing si Jade na tila na biglang sumeryoso. "Psstt..." tawag ko pa na may kasamang pagkuhit sa braso nito kaya lang ang bruha mukhang naging tuod walang kakilos-kilos. "Psstt..." ulit kong tawag ngunit bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan ng may tumabi sa akin. Unti-unti akong tumingala rito para lang matulala. "Sino 'to? Sobrang guwapo naman," tanong ko pa sa aking isipan. "Do I pass your assessment?" "Huh? Ano?" nawala sa huwisyo na usisa ko rito. Super nanunuot ang titig sa akin, kaya lalo nanginginig ang tuhod ko dahil seryoso nakatitig sa akin habang malalim ang tingin sa mata ko. "Boss..." narinig kong tawag ni Sir Everette. "B-boss?" inulit ko pa. "Ay s**t s-si boss Chinito ito?" hindi makapaniwala kong sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD