One Day - Tagalog

1093 Words
I don't even know your name I only remember the smile in your face And it kills me everyday Coz I don't even know your name ------------- Mikee ---------------------------- Summer Vacation. Napagdesisyonan ng mga tropa ko na mag EK kami. Kaya heto kami napapaligiran ng maraming tao. Pick season kasi kaya maraming tao. Pumila kami sa Anchors away at grabe ang haba talaga ng pila kaya ako eto nililibot ng tingin ang boung paligid. Maya maya pa eh may sumunod samin sa pila magtrotropa din ata, bale lima sila tas pito naman kami. Merong isa dun na ang pogi ng porma, simpleng grey v-neck shirt, tokong at black vans. Ang gwapo nya! Nag stand-out sya mga kasama nya, ng makapila sila sa likod namin ay lalo akong nagkaroon ng chance para titigan sya. Ang wafuu talaga! Tas ang angas ng mukha nya lalo na't may black piercing sya sa left ear nya tas naka cap. Ngumiti sya at napatingin sa may direksyon ko, agad naman akong nag-iwas ng tingin. Ang wafu talaga! I swear. Ang manly din ng boses nya, naririnig ko kasi dahil nakikipag-usap sya sa mga kasama nya. Nung malapit na kami sumakay, tiningnan ko ulit sya. 0.0 nakatingin din sakin.. "Mikee! Tara na!" Sabay hila sakin ni Jester, kaibigan ko. Umupo na kami dun. Sayang lang dahil nasa may likuran sila naka pwesto. Pagkatapos ng Anchors Away, iba't ibang rides pa ang sinakyan namin. Madalas ko syang nakakasalubong, nagkakatinginan at nakakasabay sa pila. Pero di naman kami magkakilala kaya parang wala lang din. Pahapon na kaya medyo umunti ang tao. Napagkayayaan nila nasumakay sa space shuttle oo ng barkada namin, kaya todo tanggi ako. Takot ako dun. "Ayoko nga!" Bulyaw ko sa kanila. "Hahaha ang duwag mo naman!" Langya talaga mga kaibigan no? Pagpipilitan yung ayaw mo.. "Tsk. Mahulog pa ako dyan eh!" Pero ito ako ngayon nagsisisgaw habang nagpupumiglas sa mga kasama ko, 5 vs. 1 ba unfair! hinihila kasi nila ako sa pila, si Kaila naman todo video sa amin. Para na tuloy kaming tanga dito. Kainis! Napansin ko naman na pipila rin sila kaya naman pumayag na rin ako. Mukha na kasi akong nageeskandalo dito. "Tsk. Sige na nga" Katulad kanina nagkatinginan ulit kami at haharap ulit sya sa mga kasama nya na parang di nya ako nakita-- oh well di naman kami magkakilala eh. Nasa dulo ang pila namin kaya dumugtong sila sa amin kaya sila na yung nasa dulo. Nagselfie ang mga kaibigan ko na nasa unahan since nasa may likod ko sila, nahagip sya at yung tropa nya. Napatingin sya sa amin then.... *click* "Hala!!" Nasabi nya habang tawa ng tawa, gayun din yung tropa nya. Natawa ba sya dahil nahagip sila? Gusto ko sana syang kausapin dahil sobrang boring talaga dito sa pila. Kasi naman itong mga kasama ko naglalandian =,= k. fine ako na walang partner dito! Di naman sila mga magsyota pero kung makapaglandian, naku naku! Nakakabitter. Si Jester at Kaila lang naman ang official sa amin. Umuusod ng unti-unti ang pila. Hanggang sa turn na namin. Magkakatabi sila at naiwan ako.. tss. Hinihiling ko na sana makatabi ko siya, naka upo na kasi ako at wala pa akong katabi- Nagulat ako ng tumabi sya sa akin. O.O ang bango nya! =,= tae ang lande ko! "Wooh! s**t!" -sabi nya. Nagkatinginan kami. Ngumiti na naman siya sa akin. Kaya ganun din ako. "Takot ka ba dito?" Nagulat ako ng tanungin nya ako bigla. "Ah- eh oo!" Sagot ko naman. Totoo naman eh! Tae kasi yung tropa eh! "Langya yan. Ako din!" Napatawa naman ako. Tumingin sya taas sa taas "Lord, mahal ko si mama! Wag nyo po muna akong kuhanin!" Natawa na lang ako sa ginawa. Haha. Lord pwede nyo na po akong kunin basta kasama sya ah. Medyo umaandar na naman yung kalandian ko este- medyo umaandar na pala ang ride. "Takte!" sigaw nya "Ate goodluck!" sabay ngiti nya sa akin. Shete! Di ata ako sa takot mamatay kundi sa ngiti nya " hahaha goodluck din sayo!" sagot ko na lang. Nang paakyat na, sigaw na kami ng sigaw. "Tangna! ayoko na! Hooo!"-sya. Lumingon ulit sya sa akin at tinaas ang kanang braso nya, kahit medyo nalilito ako eh tinaas ko yung kaliwang braso ko, saka nya hinawakan yung kamay ko. *----eeeeeekkkk* "Waaaahh!!! Tae!!! Mama ko!!!" Sigaw ko. Rinig na rinig ko rin ang sigawan ng tropa sa unahan. Lels yan! Di na ako uulit!! "Tangna!! Walanghiya!! Wooohhh!!" Puro mura, pamamaalam, sigaw, tili, ang naririnig ko mula sa mga tropa namin. Kahit yung mga kasama nya, eh sigaw na rin ng sigaw. Nanlalamig na rin ang kamay nya lalo na nung pabaliktad. Shet! Ang cute nya! Kahit mukha syang may pagka badboy eh ang cute nya talaga. "Itigil nyo na to!" Sigaw na naman nya nung pataas ulit. "Tae! Ayoko na talaga!" Sigaw ko naman. "Di na ako uulit!" Sigaw naman ni Kaila. Tae sya! Sya kaya ang unang nag-aya dito! Sigaw lang kami ng sigaw buong ride ganun din yung mga kasama namin. Pagkatapos ng ride ay bumitaw na rin ako sa pagkahahawak ko sa kamay nya. "Wooh!" Tumingin sya sa akin at naki pag-apir "nakasurvive tayo ate!" Saka sya tumayo at sumabay sa mga kaibigan. Ako naman ay pumunta na rin sa mga katropa ko kahiy medyo nahihilo pa ako. Tiningnan namin yung mga pictures sa picture booth. Tawa naman ng tawa sina Jester sa mga pagmumukha nila. Tiningnan ko din yung akin at-- O.O ang epic ng mukha ko dun =,= pero ung katabi ko mukhang enjoy na enjoy pa. "Sino yan?"- Joie "Sus.. kuko ko lang yan sa paa."-Denver "Anong pangalan?"- France "Tss. Mukhang mama's boy"-Trey "Patingin nga ako!"- sabay singit ni Kaila. "Mas gwapo ako dyan." -Jester "Wow! Gwapo ng kaholding kaholding hands mo ah"-Kaila Pagkasabi ni Kaila nun, nasa tabi ko na pala yung lalaking yun. Agad ko namang kinurot sa may tagiliran si Kaila para manahimik. Tumawa naman ng nakaloloko sina France, nakita ko pa kung pano pasimpleng chine- checkout ni Joie yung lalaki. Tsk. Loko talaga tong mga to. "Kuya, patingin nga nung sa amin" sabi nya kay kuya na nasa booth. Natawa pa sila ng makita nila yun. =,= ang pangit ko kasi eh. "Hahaha epic ng mukha ko dito!" Anong epic dun?! Ang gwapo nga nya dun at enjoy na enjoy pa. "Oy Ate!" Tawag nya nung makita nya akong nakatingin sa kanya "nakiya mo na to?" sabay turo nya sa screen. "Oo nakita ko na" "Kuya pa-print nito"- sabi nya. Ehhh?! Ang panget ko dun!! Nakakahiya!! Humarap ulit sya sa akin pagkakuha nya nung pinaprint nyang picture namin, nanghiram din sya kay kuya'ng nasa booth ng ballpen. "Anong pangalan mo ate?" "Mikee.. Mikee Diaz" sabay abot ko ng kamay ko, ganun din naman sya "Mikee. Nice name. Tara selfie!" "Sure!" Nakailang shots din kami, ng tawagin sya nung mga kasama nya. "Mikee, see you again!!" saka siya tumakbo papunta sa mga kasama nya. Ngumiti ako sa kanya saka lumapit kina Kaila. "Oh ano, nakuha mo yung name?"- Joie Shet!!! Oo nga pala!! Di ko nakuha name nya!!! _______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD