The Star - Tagalog

1046 Words
"Ruby! Tumingin ka sa akin! Inhale!........ Exhale!" "Give her some space!!" "Ruby! Listen! Sabay tayo okay? Breath in! Breath out!" Lahat sila nakapaligid sa akin. Nakikita ko ang pag aalala sa mukha nila. Pagaalala dahil sa nangyayare sakin. Asthma. 2 years old pa lang ako ay may Asthma na ako. Asthma na lumala at napunta sa heart disease. Ayokong makita nila akong ganto pero hanggang ngayon ayan sila, giving me a pity. Except this guy. Yneriel. My childhood friend that turns to stranger. Ever since that day, he never spoke to me like the way we do. This is too much!! It's like he never care for me! Like he never knew me for almost 16 years! ---- "Hey, ok ka na Ruby?" Tanong sakin ni Lala habang nasa clinic. Ok na naman ako. The nebulizer gives a relief, tumango na lang ako sa kanya para iparating na ok na ako. "Lala, si Yneriel meron ba siyang-" "Wala" agad nyang putol sa sinasabi ko. Yneriel was my boy best friend since bata pa kami. Sabay naglalaro sa tirik na araw at nagtatampisaw sa ulan. Parehas ng school noong elementary. Until we reach high school, mas naging madalas ang pag atake ng hika ko. Flashback "R-R buti nakalabas ka na ng ospital. Namiss talaga kita!" Niyakap nya ako at ganun din naman ako sa kanya. "Ahhh! Grabe ka, para namang di ka nabisita no!" "Syempre iba pa rin pag nakikita kitang masigla ka" makahulungang sabi nito na may ngiti sa labi. Nagkwentohan lang kami na kahit mga nonsense jokes ay tinatawanan na namin. Weird diba? Nagbonding kaming dalawa at nag enjoy. Hinatid din naman nya agad ako bago mag 6 kasi may mga gamot na dapat kong i-take. That night din ay sinugod ulit ako sa ospital, at nalaman din namin na hindi na lang basta hika ang sakit ko, kundi heart disease na. Which is lalong lumalala every time na inaatake ako ng hika. Nang sabihin ko ito sa kanya ay bakas ang lungkot sa mukha nya, kung dati 2 hours lang sya na magbabantay ngayon eh hanggat di pa ako natutulog. Gusto nya daw kasi akong bantayan. Corny nya no? Until that day.. *knock *knock Pumasok si Yneriel na walang mababakas na expression sa mukha nito. "Oh 'bat ganyan ang mukha mo?!" Natatawang sabi ko dito pero seryoso pa rin ang mukha nya. Bigla naman akong kinabahan, may nangyari kaya? "R-R, d-dapat siguro mag pahinga na tayo sa ganitong ginagawa natin." makahulugang sabi nya at naupo sa gilid ng kama ko. "Huh? Ano bang sinasabi mo? Bat ganyan ka magsalita?" "Ang ibig kong sabihin, panahon na siguro para ahm alam mo na di naman pwedeng tayo lang dalawa ang laging magkasama. Oras na para naman gumawa tayo ng mga bagay na di magkasama" Tears rolling down my face. No words can scape from my mouth, I don't know what to say. Tiningnan ko sya mata pero wala syang sinabi kundi tumayo at tuluyan akong tinalikuran. Simula ng araw na yun ay di ako tumigil magtanung sa kanya kung bakit. Pero ang tanging nakukuha ko lang na sagot ay 'mas mabuti na ganito tayo'. Anong mas mabuti dun? parang strangers na lang kung magturingan? End of flashback That was 2 years ago. Tinanggap ko na lang ang dahilan nyang 'mas mabuti na ganito tayo'  kahit wala akong makitang dahilan paea gawin nya yun. Naglalakad ako sa hallway na walang tao dahil may klase pa, ine-excuse na kasi ako sa klase ko para maka uwi ng maaga. Ano bayan umuulan pa nga. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko sya doon na parang may iniintay. I stuck up when I met his gaze, for the first time in two years tumingin uli sya sa mga mata ko. I tried to avoid his gaze and step forward to pass through him. " Anong nangyari at inatake ka na naman?" Napatigil ako sa sinabi nya, tiningnan ko sya pero umiwas din agad ng tingin. Naging concern siya ngayon? Wow! Napakaganda! "Wala ka namang pakialam di ba?"  Sabi ko at dirediretsong nag-lakad palayo sa kanya. "Bakit ba naman kasi sumali ka pa sa mga extra curricular activities?" Wow talaga grabe, concern ka ba? Humarap ako sa kanya at bakas sa mata nya ang pag-aalala. "Bakit sino ka ba?" nararamdaman ko na malapit ng tumulo yung luha ko kaya pilit kong magamatigas. Yumuko sya bago nagsalita. "S-sorry RR" nag echo sa akin ang sinabi nyang yun. RR. 2 taon ko na ring di naririnig ang tawag na yun sa akin. Gusto ko syang sumbatan at yakapin pero-- "Sorry? Para saan? Sa pangingialam mo? Okay. " tinalikuran ko sya kasaby nun ay ang pagpatak ng luhang kanina ko pa pinipigilan. "A-alam mo, sa susunod  wag-- na wag mo na akong tatawaging RR. kasi di na ikaw ang partner ko." Yeah ang partner ko.. I left him as tears escape from my eyes. Alam ko naman na nagprepretend lang akong matapang sa harap nya. Pinaglalaban ko lang naman yung ego ko. Yun na lang ang meron ako. Sino ba ang nangiwan? Siya naman ah. Matuto syang bumalik. Buti na lang talaga nakakatanggal ng stress ang pag-iyak. Umuwi akong bangag kaiisip sa kanya. Bakit ba nya ako kinausap? Sya na lang ang naging laman ng utak ko. Sa halos 2 years na di nya pagpaparamdam, bigla na lang nya akong kakausapin na parang walang nangyari. Tsss. Nakakainis talaga sya! Paguwi ko may nakita akong di kalakihang box sa lamesa sa salas. "Pa, ano to?" Tanong ko kay papa, busy ito sa panonood ng basketball habang kumakain. "kay Yen," "Yen?" Galing ka Yen? Dinala ko sa kwarto yun. Di ko alam pero may excitement at kaba akong nararamdaman habang binubuksan ko ito. Ano kayang laman nito? Nagulat ako ng makita ang laman nito. Ito yung mga lumang gamit namin, binabalik na nya? Ito yung dati naming t-shirts, laruan, anklet, at kung anu-ano pa may laman din itong mga balat ng iba't ibang pagkain. Nandito din yung mga memory box namin. Sa pinaka ilalim nakita ko yung diary namin. Binuklat ko yun at binasa ulit. -'-'-' May 12, 2012 Ang boobsy ni RR kanina sumemplang sa bike! Sugat tuloy yung tuhod nya hahaha. Kumain din kami ng dirty ice cream kahit bawal sa kanya. Gusto niya naman eh.                   ~Yen -'-'-' April 03, 2012 Grabe diary! Nag-gala kami ni Yen sa kabilang village. Hinabol kami ng aso! Buti naka-bike kami kaya okay lang. Inatake ako ng asthma nung gabi ang sinabi ko nakakain ako ng pusit. Buti naniwala kasabwat ko si Yen eh.                         ~RR -'-'-' Naalala ko yung mga araw na yung mga araw na yun , na si Yen yung nagiging panakip butas ko kahit ako ang may kasalanan, siya yung laging nandyan para sa akin, yung laging handa para protektahan ako. Wala na akong sulat dun, puro kay Yen na lang. Ito na ata yung time na pinalitan ko yung diary namin at naiwan ito kay Yen. -'-'-' June 3, 2013 Grade 7 na kami ni RR . Nagpa- straight siya ng buhok. Inaasar ko siya pero bagay naman talaga sa kanya (maganda) hindi siya (magan--) basta bagay sa kanya.               ~ Yen -'-'-' Oct. 02, 2013 Mas lalong lumala yung hika ni RR. Mas madalas na syang nasa hospital. Tanga kasi nalilimutang huminga -_- . Ayun binisita ko kanina, pinakain ko yung mga prutas sa lamesa, tinakot ko pa para lang kumain. Bobo eh takot na takot. Hahaha. Ang ganda nya kahit walang ligo.              ~Yen -'-'-' Nov. 12,2013 Gusto ko si RR. Para bang gusto ako lang ang nasa tabi nya. A-ah! Tae! Di pwede yun! Best friend ko yun! Partners kami! Tsaka, napapansin ko pagkasama nya ako mas lagi syang nawawalan ng hangin! Tsaka di nya ako magugustuhan, palihim kasi akong naninigarilyo. Naimpluwesyahan kasi. Pumunta ako sa kanila, niyakap ko. One point haha namiss ko sya. Nagsinungalin ako tungkol sa pagyoyosi ko magagalit yun eh. Pakiramdam ko ang plastic ko. Di pwede ang isang tulad ko sa kanya.             ~Yen -'-'-' Dec. 10,2013 Dinala ulit si RR sa ospital at dahil sakin yun, naglibot kasi kami sa kabilang village, kumain ng street food, siya kasi gusto nya di ko naman mahindian kahit bawal sa kanya, baka kasi magtampo sakin. Nahuli nya rin akong nagyoyosi kanina, di sya nagalit tinawanan nya lang ako at sinabihan ng cheap. Ang cheap ko daw dahil sinasayang ko daw ang buhay ko para sa isang cheap na yosi.Nung naglalakad na ako pauwi napatingin ako sa mga bituin, para sakin si RR ay isang bituin. Bakit kaya mas unang napapasin ang buwan kesa sa magagandang bituin? Napag isipan ko yun ng matagal, napansin ko rin na may malaking madilim na ulap pala kaya lalong natakpan ang ganda ng mga bituin. Hindi kaya, ako ang buwan? Ako yung nagiging dahilan kaya di makita ng maayos ang ganda ng bituin? Siguro ito na ang time para ang buwan naman ang matakpan ng maitim na ulap para sa ganun makita ang ganda ng butuin.            ~Yen -'-'-' Dec. 11, 2013 Nagdesisyon na ako. Lalayuan ko si RR di lang dahil sa masamang impluwensya ako, dahil kasi sakin kaya lumalala yun sakit nya. Gusto nyang laging gumala kasama ako. Ginagawa nya yung mga bagay na bawal nyang gawin. Mahal ko na siya, natatakot ako na baka dahil sakin mawala sya amin. Okay na ako na lang ang mahirapan. Sinabi ko sa kanya na dapat gumawa na kami ng bagay na wala ang isat isa. Ang paglayo sa kanya, yun lang ang naging option ko. Pagdumating man ang araw na di ko na kayang mabuhay na wala sya itong option na to ang panindigan ko. Mahal na mahal kita RR.                 ~Yen -'-'-' Sunod sunod ang pag agos ng luha ko. Ang tanga mo Yen! Langya ka natiis mo ako ng 2 years. Meron pa itong sulat. Last page na to. -'-'-' Jan. 29, 2016 2 taon ko syang iniwasan, pero langya ang sakit, ang hirap. Simula ng araw na yun di ko na nagawang tumingin sa mga mata nya. Baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko at yakapin ko sya. Letcheng option yan, galut sya sa akin. Ang option ding ito ang sumira sa akin. Lumapit lahat ng masamang bisyo mula ng layuan ko sya. Pero di sya nawala sa isip ko. Hanggang kanina di ko na napigilan yung sarili ko inabangan ko sya pero langya galit na galit sya sakin. Sana lang pwede kong ibalik ang lahat. Ang tanga ko kasi! Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon, best friend.               ~Yen -'-'-' Napatayo ako bigla sa kama ko habang nagpupunas ng luha. Nagsuot ako ng jacket at tumakbo palabas. "Hoy! San ka pupunta!?" Bulyaw ni Papa "Kina Yen po. Mahal ko po eh kaya di ko na matiis" narinig kong tumawa si Papa bago ako tuluyang nakalabas ng bahay. Nakita ko si Yen na naka upo sa tapat ng bahay nila. Kinabahan ako ng makuta nya ako at gukat na napatayo. Tumakbo ako papunta sanya at tiningnan sya sa mata. "Yen, alam mo ba na nawalan na ng reason ang bituin para magningning simula ng matakpan ang buwan. Wla kasing kwenta ang gabi kung wala ang buwan." Bakas sa kanyang mata ang gulat sa mga sinabi ko pero napangiti sya dahil dito. Ngiting matagal kong di nakita. "Yung buwan na nakain na ng dilim pero patuloy paring nakamasid sa ningning ng bituin" Nilagay ko ang isang earphone sa tenga nya habang nilalakad namin ang gabi. No words have spoken just the silent feelings talking to each other. _______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD