Malakas na pinalis ni Caridad ang kamay ni Coe na nakadampi sa tiyan nito, at maagap na hinamig ang sarili. Inayos nito ang damit at dumistansya sa kanya. Nanginginig ang mga kamay nito sa kung anong kadahilanan. “I had an operation a few years ago,” anito, mailap ang mga mata. “And I don’t even have to explain to you—” “What operation?” he cut her off sharply. Matiim ang mga mata niyang nakatuon sa mukha ng babae. Ang kislap sa kanyang mga balintataw ay may purong talas at inaarok ang katotohanan sa mga salitang namumutawi sa mga labi ng kaharap. Kahit mahabang panahon na ang lumipas ay gusto pa rin niyang maniwala sa kakayahan niyang tukuyin kung nagsasabi ng totoo si Caridad o kung naghahabi ito ng kasinungalingan. Mariin nitong nakagat ang ibabang labi. “Appendectomy.” He let out