Napaigtad si Caridad nang marinig ang malakas na kalabog sa labas ng pinto. Nasa sala pa siya at may binabasa pang mga dokumento. Tumingala siya sa hagdan patungong ikalawang palapag ng bahay. Walang senyales na nagising si Pablo sa ingay sa labas. Bumuntong-hininga siya at tumayo pagkatapos ilapag ang mga hawak na dokumento sa lamesa. Walang dahilan para gisingin pa niya ang asawa. Malalim na marahil ang tulog nito. Isa pa ay palagi itong umiinom ng pampatulog kaya natitiyak niyang hindi niya rin ito bastang magigising. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang malaking pigura ni Cazcoe. Nakahiga ito patagilid sa maginaw na semento, sa mismong tapat ng pinto. He was still wearing his formal polo shirt and corporate trousers. “Coe? Ano’ng ginagawa mo rito?” matabang niyang tano