Sinapo ni Caridad ang sentido. Ang agang sumakit ng ulo niya dahil kay Cazcoe. Magmula nang magkrus ulit ang landas nila ay naging problema na niya ito. “Look at me, Cari.” His voice was calm. Pero iyon ang dahilan kung bakit mas nakakatakot ito. “Come on, look at me.” He sounded like a wolf taunting its prey. Napilitan siyang tignan ito. He smiled at her. It was the kind of smile that brought so much tension to her. Ang klase ng ngiting alam niyang nagsasabing kapahamakan ang naghihintay sa kanya. And when Coe spoke again, his voice was cold and threatening. “So, I was right. It is a Caesarean scar.” May pinalidad sa tono ng boses nito. Napahugot siya ng malalim na paghinga at pinuno ang dibdib. Ano ba ang ikinakatakot niya talaga? O may dapat ba siyang ikatakot? Anim na taon na an