UMAWANG ang mga labi ni Klarissa matapos niyang mapagbuksan ng pintuan ang mag-amang si Kit at Alfred. Sabado iyon at wala naman siyang scheduled lesson para sa bata. Pinapasok ng mama niya ang mga ito na para bang expected na ang pagpunta ng dalawa doon. Kunot noo siyang sumunod sa mga ito hanggang sa sala. Nilapitan siya ni Kit saka sa kanya tumabi. Tahimik lang siyang nakinig sa kwentuhan ng mga mama niya ni Alfred. Naging biglang super close ng dalawa na sobra niyang kinatataka. Mas naging malambing din sa kanya si Kit at madaldal na kinapapanibago niya. Nagpaalam ang mama niya saglit para asikasuhin ang tanghalian habang si Kit, tinawag ng mga kalaro nito sa labas. Naiwan sila doon ni Alfred na tahimik. Wala siyang balak na magsalita dahil unang una, wala din naman siya sasabihin. A