Chapter 1

798 Words
"Kung kandila lang ang picture na 'yan kanina pa iyan natunaw." Narinig kong tugon ni Ate Erlina nang nahuli na naman niya akong nakatitig sa cellphone ko. "Uy, ate grabe ka talaga sakin!" natatawang sagot ko nang umupo siya sa tabi ko. Muli siyang sumilip sa cellphone ko para titigan ang Fäceböök profile ng taong lagi kong ini-stalk. "Pero ang guwapo naman talaga ng taong 'yan ano?" Npatango ako sabay scroll pababa ng wall niya, baka lang kasi may bago siyang post. "Sobra, Ate. Sinabi mo pa." Pag-sasang-ayon ko sa kanya. "Sure ka bang walang girlfriend iyan?" Tanong sa akin ni Ate Erlina habang nagsa-swipe sa mga pictures niya. Umiling ako. "Walang nababalitaan simula nang College kami." I replied oh-so-sure. "Talaga? Hindi kaya bakla 'to?" Mapagdudang sambit niya sabay balik sa akin ng phone ko. Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. "Grabe ka naman, Ate. Kapag walang jowa bakla agad? Hindi ba puwedeng may hinihintay lang siya?" "Hinihintay? Sino naman?" I smiled at her sweetly before I muttered, "Ako." Natatawa niya akong tinulak sa braso saka siya sumagot. "Bruha ka. Kilala ko ba iyan?" "Oo naman. Upperclassmen ko siya nang nasa Engineering school kami. Presidente siya ng isang club tapos officer niya ako. "Ngiting-ngiting sagot ko sa kanya. Sure akong half-daydreaming din ako habang nagsasalita. Maya-maya pa pumasok si Jen, akala ko nga sasamahan niya kami sa chismisan namin ni Ate Erlinda pero laking gulat ko nang sinabihan niya ako na pinapatawag daw ako ng boss ko. "Sir Anton?" Tawag ko nang nakapasok na ako sa opisina ni bossing. Mukhang busy siya sa mga papeles sa mesa niya kaya naghintay pa ako ng ilang segundo bago niya ako ginawian ng tingin. "Ah, yes, yes. Chloe. Take a seat." Tawag niya sa akin na agad namang sinunod ko. "Hindi ko na hahabaan pa 'yong sasabihin ko." Panimula niya. Sinarado niya muna ang folder sa harap niya saka niya pinatong ang magkabilang kamay niya roon at pinagsiklop. "The tragic accident that happened to Warren last two days ago made some of his projects to float. 'Yong iba roon naipasa na namin sa Head Quarter samantalang ang iba ay nasa mga katrabaho mo na. May isang project ang natira, I am giving this to you because I know this is your expertise." "Automation?" I asked without no hesitation. A smile appeared on my boss's lip. "Yes, you're exactly correct." Then he fished out a blue folder under all of the papers on his table. "I'm going to be honest with you, wala pang natatapos sa project na 'to. Isang consultation meeting with the client lang." I nodded my head while I examine the bulky file he just handed me. "Hindi ko ito isisisi sa kahit na kanino, kasalanan ko kung bakit na-overlook ang project na 'to nang nag-distribute kami sa mga iba mong katrabaho. Ngayon, nang na-check ko ang plotted schedule nang file na ito, I found out that there is a consultation meeting again by 3:00 PM." Napatigil ako sa pagbabasa at napatitig kay Sir Anton. Hindi ko naman tatanggihan ang proyekto na 'to pero nagulat lang ako na mayroon na agad akong meeting kakakuha ko pa lang sa project. "I know, I know. I'm very sorry to put this burden on you, Chloe. But I already contacted the CEO/Owner of the company and explained why we are transferring the project to you. Naiintindihan naman daw nila." Napalunok na lang ako. Wala na rin naman akong palag. Ayaw ko na rin naman umayaw, iisipin ko na lang na para ito kay Kuya Warren at Altheyah na tumatayong mga kapatid ko simula nang nagtrabaho ako rito sa firm. "Sige po, Sir Anton. Ako bahala rito." I confidently said before I closed the folder. I was given further instruction after our mini one-on-one meeting. Sabi pa nga niya na 'yong anak daw ang makakausap ko ngayon since ang mag-asawa ay nasa abroad for some business convention. Wala naman akong magiging problema roon, basta ba mabait 'tong anak na tinutukoy ni Sir Anton. Nakarating ako sa main office ng shipping company 10 minutes before 3:00 PM. Nag-text naman sa akin ang sekretarya ng kompanya na mag-iiwan na lang daw ako ng I.D. sa baba at may mag-a-assist na sa akin papasok at papunta sa conference room nila. Wala pa siguro akong limang minutong naghihintay na may pumasok na lalake sa kuwartong pinamamalagian ko. Babatiin ko sana ng magandang hapon pero parang nalunok ko ang dila ko at hindi ako nakapagsalita. "Hi, good afternoon. Sorry, I was late. Medyo traffic kasi at na-stuck din ako sa trabaho. I'm Nathan Kyle Agliam by the way." He said without even lifting his head to look at me. He brush his hair one time finally, landing those gleaming, lambent eyes of his that I've always admired.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD