Chapter 2

896 Words
"I know you, we went to college together, am I right?" he said with his usual ecstatic tone. Wala akong naisagot. Napatango na lang ako. I know I look like a total groof right just standing and smiling at him. "Teka lang, I'll try to remember your name. 'Wag mong sasabihin, ah?" He said before he looked up, appearing to be thinking. He's thinking about me! Eto, sure ako dito! Oh my god! O to M to G! OMG! "Alam ko you're in a lower batch pero hindi ko matandaan. Hmmm." He continued. "Ahhh-ehhh..." I numbled. "Oh! I remember! You're Chloe!"he finally said, his face as if he just won a lottery. "Y-yes." Utal na sagot ko. He beamed at me before extending his hand, "Hi, Chloe. It's nice to re-meet you. Small world, ano?" I took his hand nodded. "Oo nga, Sir eh." mahinang sagit ko. He gestured the seat beside me before claiming the one on infront of me, "Please, 'wag mo na akong i-Sir. Not like we're strangers 'diba?" Muli akong napatango, wala na ata akong ibang maisasagot sa kanya kundi tango. Hindi ko ma-explain 'yong kabog ng dibdib ko at 'yong pakiramdam ng ulo ko. Para akong naka-high na ewan. Sinagot na ba ng Diyos lahat ng panalangin ko? Tinawag niya ang sekretarya niya at ilang sandali nagpa-order ng makakain bago niya akong muling hinarap. "I'm really sorry for running late. Medyo congested kasi ang traffic papunta rito, eh. Galing pa ako sa opisina." "Opisina?" I asked, confused. He again smiled, "Yup. I still work for another company. Acting CEO lang ako since recovering pa lang si Dad from his injuries." So, I was supposed to meet his Dad. My eyes twinkle from the idea that suddenly popped inside my head. Is this destiny? "Ayaw mong magtrabaho rito?" pakikiusyosa ko. I mean, kung balak ko siyang ligawan baka naman gusto niyang maki-cooperate sa akin 'diba? Umiling siya, "Not really sure if I can handle running this empire grandpa built. I have my own priority at sa ngayon hindi itong kompanya 'yon." Napalunok ako, Oh no! Baka may girlfriend na siya at hindi niya lang talaga pinapaalam sa public. "Anyway, mind to show me the proposal you have?" he said before I can even ask waht he meant by his last words. Gosh darn it! "Yes, of course." I answered as I switch to my professional side. Mamaya na ang landi. While I was explaining to him the plans, we have for the automation system of their company, a little part of me was losing focus. Hindi ko maiwaglit sa isipan ko ang gusto niyang iparating sa mga sinabi niyang 'yon. The more our conversation about work deepened, the more I lose the chance of asking him. Dumating ang pagkain, natapos ang mini presentation ko sa kanya ng wala akong napala, parang gusto ko na lang maghalumpasay sa sahig sa inis sa sarili ko. "Kailan mo gustong i-schedule 'yong actual presentation sa board, Kyle?" jeez, even his name has a different roll on my tongue. "Para maisama ko na rin pati ang pricing namin for the system." "I will update you on that but definietely not tommorow or anytime this week." he said while looking his phone, as if checking his calendar. Inayos ko na ang gamit ko nang muli siyang magsalita, "Kunin ko na lang number mo para ma-update rin kita agad." I dictated my number to him while keeping myself from fainting. Kung panaginip 'to ayaw ko ng magising. Inulit pa niya sa'kin 'yong number para masiguradong tama ang nakuha niya. "Okay, Chloe. Will call or text kung may date na tayo." Tumindig balahido ko sa sinabi niya, "D-date?" ulit ko sabay lunok. Napangiti siya sa akin. "Yes, date para sa presentation niyo sa amin kasama ang board." "S-sabi ko nga." I said while awkwardly smiling at him. "Mauna na ako, Kyle." Paalam ko na sa kanya dahil nahihiya na rin ako sa pagka-asyumera ko. "Sabay na tayo. Paalis na rin ako." Tumango na lang ako. Siguro, mas safe na tango at iling lang muna ang isasagot ko sa kanya dahil parang mapapahamak ata ako sa bibig ko. "May dala kang sasakyan?" he asked when he pressed B2. "Puwede kitang isabay, along the way 'yong building niyo papunta sa Navarro's Offices 'diba?" tanong niya. Sandali akong walang imik dahil nilulubos ko ng amuyin ang pabango niya. Jusmiyo, para akong manyak nito! "Ah, eh. Oo, may dala ako. Sa B2 din ako nag-park. Thank you sa offer." sagot ko. May kaunting space ang sa pagitan namin pero damang-dama ko ang lakas ng aura niya. I just want to freeze this frame for a moment. Parang ayaw ko nang umalis dito sa loob ng elevator na 'to. "Sa Navarro ka nagtratrabaho?" I curiously asked. Kailangan ko lang ng conversation starters dahil gusto ko pa siyang makausap bago kami maghiwalay ng landas. Umiling siya, "Nope, may susunduin lang ako roon." he answered with a smile. But this time it was different. It hit the corners of his eyes, it was more beautiful than the smile I saw earlier in our meeting. Napapikit ako, nananalangin na sana hindi ang sagot niya sa susunod na tanong ko, "'Yong priority mo?" Then the elevator made a 'ding' sound. It opened but before either of us exited, he looked at me and answered. "Yup. 'Yong nag-iisang priority ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD