Imaginary

1543 Words
Pagkatapos ng team dinner namin ay panay na ang pagpapapansin sa akin ng Sven Dela Torre na ‘yon! He was obviously flirting with me that night and he even invaded my dream! Hanggang sa pagtulog ko sa gabing ‘yon ay nasa isip ko s’ya at ang mga paninitig at pagpapa-cute na ginawa n’ya sa akin habang busy ang lahat sa team dinner! The heck! It’s not like I didn’t know his intention! Kung akala n’ya ay madadala n’ya ako sa pagpapa-cute at pakikipag-flirt n’ya sa akin ay nagkakamali s’ya! “Hello?! Tatlo ang Kuya kong babaero kaya alam na alam ko na ang mga galawan ng mga lalaki!” inis na bulalas ko nang maalala na naman ang gabing ‘yon kung saan nagpapansin ng todo sa akin ang Sven Dela Torre na ‘yon! Ngayon ay papunta ako sa weekly meeting at hinahanda ko na ang sarili ko dahil makikita ko na naman ang lalaking ‘yon. Pairap na naglakad ako papasok sa conference room kung saan madalas na ginaganap ang weekly meeting namin dito sa LEF. Liam, one of the Junior Engineers here in LEF is already sitting there. Mukhang busy pa s’ya sa phone kaya nagbago ang isip ko na kausapin s’ya dahil ang alam ko ay isa s’ya sa mga Engineer na makakasama ko sa upcoming project namin. May katabi s’yang isang bagong babae na mukhang ngayon ko lang nakita kaya kumunot ang noo ko. She must be a new employee or an exchange employee from England. Isa ang LEF sa mga kompanya na mayroong exchange employee program sa ibang bansa dahil sa lawak ng impluwensya ni Chairman Lopez sa ibang bansa lalo na sa bansang England kaya nagkaroon ang mga empleyado n’ya ng pagkakataon na makapunta at makapagtrabaho sa iba’t-ibang bansa para mapalawak na rin ang experience sa Engineering and Architectural field. “Are you busy?” Narinig ko pang tanong ng babaeng ‘yon kay Liam. Hindi ko naiwasang titigan ang mukha n’ya nang maupo ako sa tapat n’ya. Hindi naman s’ya masyadong maganda pero maganda ang hubog ng katawan at s’ya iyong tipo ng babaeng ngumingiti na parang nang-aakit sa tuwing may kausap na lalaki. In short, mukhang may pagka-flirt ang babaeng ‘to! “No. I’m just reviewing something,” narinig kong sagot ni Liam sa kanya at saka kunot ang noong napatingin sa relo bago muling hinarap ang babae. “It’s already time for the meeting. Is your bastard best friend won’t be attending this meeting again?” tanong pa ni Liam sa babae. Tumaas ang kilay ko dahil mukhang magkakilala sila kaya hindi ko maiwasang ibalik ang tingin sa babae. Kahit ano ang gawin ko ay hindi ko talaga s’ya matandaan. Hindi ko s’ya nakita sa orientation noong bago ako dito at never ko pa s’yang nakita sa mga meetings. “He said he’ll be late–” Hindi na natapos ng babae ang sinasabi n’ya nang biglang bumukas ang pinto ng conference room at pumasok si Gelo kasunod ang lalaking laman ng isip ko habang papunta ako dito kanina! Agad na napairap ako nang makita si Sven Dela Torre na naglakad at maluwang ang ngisi habang umuupo sa tabi ni Liam. Sabay-sabay na bumati ang mga empleyado kay Gelo na pumwesto na pinaka gilid ng long table na madalas pinupwestuhan ni Chairman kapag s’ya ang nandito para manguna sa weekly meeting. Pero ngayon na nandito si Gelo ay mukhang s’ya ang papalit muna kay Chairman habang hindi pa s’ya bumabalik sa England kung saan s’ya naka-base. Nakita kong kinausap din ng babaeng ‘yon si Sven kaya tumaas ang kilay ko habang nagtatagal ang tingin sa gawi nila. Nang mag-angat tuloy ng tingin si Sven sa akin ay huling-huli n’ya ang tingin ko kaya napasinghap ako at mag-iiwas na sana ng tingin pero umangat na kaagad ang sulok ng mga labi n’ya at nginitian ako. His two deep dimples immediately appeared. Automatic tuloy na napunta ang tingin ko sa mga pisngi n’ya dahil mahirap balewalain ang mga dimples n’ya! “Good morning, Jen…” nakangiting bati n’ya sa akin na inirapan ko lang at hindi pinansin. Kitang-kita ko pa ang ginawang pagsaway sa kanya ni Liam dahil sa sobrang obvious na pakikipag-flirt n’ya sa akin sa oras ng trabaho! Tumikhim si Gelo at nagsimulang magsalita. Maya-maya lang ay ipinakilala na n’ya ang babaeng nasa harapan ko na isa pa lang dating empleyado ng LEF na tumigil lang sa pagtatrabaho dahil sa personal issue na hindi na nito binanggit. “So, Architect Joy Arevalo will be working with the team for the upcoming urban housing project,” sambit ni Gelo kaya napatingin ako sa kanya dahil isa ako sa mga Engineers na kasama sa project na ‘yon. “The Architect who will supposedly lead this project declined it because of the conflicts in her schedules. So, Architect Arevalo and Architect Dela Torre will be working together with our two Engineers for this project,” sambit ni Gelo na tinuro kami ni Liam kaya nakita kong napatingin sa akin si Joy at saka ngumiti kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Mukhang genuine naman ang ngiti na pinakita n’ya sa akin kaya sinuklian ko ‘yon ng maayos din na ngiti. Panay salita ni Gelo sa harapan pero ang atensyon ko ay nahahati sa kanya at kay Sven Dela Torre na makakasama ko pa pala sa project na ito! God! Urban housing projects are more on site visits! Mas magiging madalas kami sa site kesa sa opisina kaya mas maraming pagkakataon na makakasama at makikita ko ang Sven Dela Torre na ‘yan! Iniisip ko pa lang ang mga paninitig na gagawin n’ya sa akin ay kinikilabutan na ako! Kung makatitig pa naman ang lalaking ‘yon ay para na n’ya akong hinuhubaran! Nakakainis! Playboy na playboy pa naman ang dating ng lintik na lalaking ‘yon! Dahil sa paglalim ng iniisip ko ay hindi ko tuloy namalayang nakatulala na ako sa isang side at doon pa talaga sa gawi kung saan nakapwesto si Sven kaya huling-huli na naman n’ya ang tingin ko at agad na nagtaas ng kilay sa akin! Aba’t! Hindi kita tinititigan ano! Inis na umirap ako nang makita ang pasimpleng pagngiti n’ya sa akin at hindi pa nakuntento ay kumindat pa at kinagat ang ibabang labi! Inis na iniiwas ko ang tingin sa kanya at pilit na nag-focus sa kung ano pang mga sinasabi ni Gelo na halos hindi ko rin lubos na naintindihan dahil ang atensyon ko ay masyadong okupado ng lalaking nasa gilid n’ya na wala na yatang ginawa buong meeting kundi ang tumitig sa akin! Ugh! Ano ba naman ito?! Pang ilang project ko pa lang ito sa LEF pero mukhang hindi ako mag-eenjoy ngayon! “I will just inform you about the schedule of the Groundbreaking ceremony of our Urban Housing project,” narinig kong sabi ni Gelo kaya natuon na ulit ang atensyon ko sa kanya. “But before that, I will be setting another team dinner but this time, it will be with those foremans and supervisors. Just a short briefing and get-together before you work together as a team,” paliwanag pa ni Gelo kaya napatango ako at hindi na naman naiwasang mapatingin sa gawi ni Sven na mukhang hindi na nakatingin sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang nagsawa na s’ya sa kakatitig sa akin! Nang akmang iiwas ko na ang tingin sa gawi n’ya ay napatingin na naman s’ya sa akin kaya mukhang lumabas pa tuloy na ako ang nahuli n’yang nakatingin sa kanya ngayon! His lips formed another naughty and victorious grin! Kumindat na naman s’ya sa akin kaya lalong kumulo ang dugo ko sa kanya! “Make sure your schedules are clear this coming weekend for the team dinner,” paalala pa ni Gelo bago tuluyang dinismiss ang meeting. Nagsimula nang sumunod kay Gelo palabas ang ibang empleyado kaya palabas na rin sana ako pero nagulat pa ako nang maramdaman ang pagtama ng siko ng kung sino sa tagiliran ko kaya kunot ang noong nilingon ko ‘yon at agad na nakita si Sven na ngiting-ngiti kaagad sa akin! “How was it staring at me the whole meeting?” bulong n’ya kaya namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala na tiningnan s’ya. “What!?” mariin ngunit mahinang bulalas ko dahil may ilan pang empleyado ang hindi nakakalabas ng conference room. Ngumisi si Sven at saka dumikit pa sa akin kaya inis na dumistansya ako sa kanya. “Gusto mo bang ulitin ko sa’yo lahat ng pinag-usapan sa meeting? I’m sorry for distracting you the whole time. You know I have been struggling with this for a long time and–” “Struggling with what?!” Pasupladang tanong ko nang hindi makuha ang sinasabi n’ya. “This,” sagot n’ya at saka hinimas-himas ang baba at saka nagpa-cute sa harapan ko. “Pogi problems…” dagdag n’ya pa at pinakita ang malalalim na dimples sa akin kaya tuluyan nang umawang ang bibig ko dahil sa ka-preskuhan n’ya! “Ewan ko sa’yo! Deal with your imaginary problems alone! Tutal, mukhang ikaw lang ang nakakaalam na pogi ka!” gigil na pagtataray ko sa kanya at saka walang lingon-likod na iniwan na s’ya doon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD