Baby

2051 Words
Sa linggo din na ‘yon ay mas naging hands on at active si Gelo para sa Urban Housing project kaya hindi na ako nagtaka nang isang araw ay ipaalam sa akin ng apprentice kong si Jam na mag-check daw ako ng emails. “Bakit?” tanong ko kay Jam habang ibinababa ang kakatimpla lang n’ya na kape sa ibabaw ng table ko. “Ahh! Sabi kasi, Ma’am, ng apprentice doon sa office ni Engr. Gelo na ilang araw na daw na hindi mo pinapansin iyong mga chats sa group chat na ginawa para sa Urban Housing project. Hindi ka rin daw ma-contact ni Engr. Gelo sa personal number mo kaya nagtatanong na,” sagot n’ya kaya agad na napasapo ako sa bibig nang maalalang nagpalit nga pala ako ng bagong number dahil nitong mga nakaraang araw ay sobrang daming spam messages ang narerecieved ko. Tumango ako kay Jam at saka mabilis ang kilos na nag-open ng emails at agad na nakita ko nga ang notification para sa group chat na ginawa ni Gelo. Ilang araw na rin ‘yon kaya hiyang-hiya ako at agad na pumasok sa group chat. Hindi na ako nag-abalang mag-backread at mabilis ang ginawang pagtitipa para ipaalam sa kanilang lahat ang bagong number ko. Ilang sandali lang ay sunod-sunod na ang naging tunog ng notification para sa group chat na ‘yon kaya agad na nagcheck ako habang umiinom ng kape. “Shìt!” Agad na napamura ako at muntik ko pang maibuga ang kapeng iniinom ko nang makita ko ang pinaka recent na chat doon. It was from Sven Dela Torre! Sven Dela Torre: Saved! Ilang beses pa akong napatitig sa emoji na gamit n’ya na gumagalaw at kumikindat bago ko tuluyang naintindihan kung para saan ang sinabi n’ya! Napamura ulit ako at kagat ang ibabang labi na napasapo sa noo. “Bakit, Ma’am?” Usisa ni Jam na mukhang narinig ang mura ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Umiling lang ako at saka muling itinuon ang pansin sa group chat dahil nakalagay doon ang number ko at itong si Sven Dela Torre pa ang unang nakakita at hindi lang ‘yon! He even informed me that he already saved my number! What the hell, Jen?! Bakit ba hindi mo man lang naisip na nasa group chat din ang Sven na ‘yon?! Ilang sandali pa ay nakita kong nag-seen na rin sina Gelo, Joy, at Liam pero wala naman silang ibang sinabi. Tanging ang Sven Dela Torre lang talaga na ‘yon ang malakas ang loob na magsabing isa-save n’ya ang number ko. Napaka papansin talaga! Ilang sandali pa ay nawala na ang atensyon ko sa group chat dahil naging busy na ako sa trabaho. Kahit si Jam ay busy din sa table n’ya kaya tahimik lang kami at halos tunog lang ng keyboard at mouse ang maririnig sa buong opisina. Nang mag-lunch ay naalala ko ang tungkol sa birthday ni Sangko Jace at buong lunch break ko tuloy iniisip ang posibilidad na pupunta din ang Sven Dela Torre na ‘yon sa bahay lalo na at nakita ko kung gaano s’ya kalapit sa mga Kuya ko. Panay tuloy ang tingin ko kay Jam na busy sa pagkain at sa phone n’ya. Gusto ko s’yang yayain sa bahay mamaya para doon na magdinner pero hindi ba nakakahiya ‘yon na isasama ko lang s’ya para kahit papaano ay hindi ako maiilang mamaya kung sakali mang pupunta nga ang Sven na ‘yon kasama nila Gelo? “Bakit, Ma’am? May problema ba?” Usisa tuloy ni Jam nang mahuli ang ginagawa kong paninitig sa kanya. Well, of course! It’s not part of her job to attend a personal event! Kaya nakakahiya kung isasama ko s’ya sa bahay! Pero wala namang mawawala sa akin kung susubok akong imbitahin s’ya, hindi ba? “Ah! Ano kasi, Jam…” sabi ko at saka ibinaba ang hawak na kutsara at tinidor. Nakita kong ibinaba n’ya ang phone n’ya sa table at tuluyang hinarap na ako. “Yes, Ma’am? Ano ba ‘yon?” tanong n’ya. Napalunok ako at saka napakamot sa pisngi habang humihilig sa table. “May lakad ka ba mamayang gabi?” alangang tanong ko. Special holiday bukas kaya walang pasok sa opisina pero hindi naman ibig sabihin ay makakapunta na s’ya ngayon. Ilang sandaling napatitig pa s’ya sa akin bago umiling. “Wala naman, Ma’am. Bukas pa ng madaling-araw ako uuwi sa probinsya kasi holiday,” nakangiting sagot n’ya. Mas lalo akong nahiyang yayain s’ya sa bahay dahil uuwi pa pala s’ya sa probinsya nila bukas. “Ahh…” sagot ko at saka ipinagpatuloy ang pagkain pero nagtanong ulit s’ya. “Bakit, Ma’am? May iuutos ka ba sana? Okay lang naman sa akin. Baka importante tapos maghoholiday pa naman kaya matagal pa tayong magkikita. Ano po ba ‘yon?” sunod-sunod na tanong n’ya pero mabilis na umiling ako. “Wala ‘yon, Jam. Hindi naman ‘yon tungkol sa trabaho kaya hayaan mo na,” sagot ko pero hindi s’ya tumigil sa pangungulit hanggang sa matapos na kaming kumain at pabalik na sa opisina ay panay pa rin ang tanong n’ya. “Okay lang talaga sa akin, Ma’am. Sabihin mo na,” pamimilit n’ya pa kaya bumuntonghininga ako at saka tumigil sa paglalakad para sabihin sa kanya ang pabor na hihingin ko. “It’s my brother’s birthday today,” simula ko. “Pupunta kasi sila Gelo pati ‘yung… iyong dati mong Boss,” sa wakas ay sambit ko. Kumunot ang noo n’ya at mukhang hindi makuha kung ano ang gusto kong sabihin kaya sinabi ko na agad. “Isasama sana kita sa bahay para doon na magdinner,” pagpapatuloy ko at saka tiningnan ang reaksyon n’ya. “Okay lang ba?” alanganing tanong ko. Lumiwanag naman ang mukha n’ya pero agad ding nag-alangan. “Sigurado ka bang isasama mo ako, Ma’am? Hindi ba nakakahiya ‘yon? Apprentice mo lang ako tapos isasama mo ako sa dinner kasama ang family at mga kaibigan mo–” Mabilis na umiling ako sa sinabi n’ya. “Ano ka ba? Hindi pa ba tayo magkaibigan ng lagay na ‘to?” namimilog ang mga matang tanong ko. Kinagat n’ya ang ibabang labi kaya hindi na ako nakatiis at sinabi na sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ko s’ya isasama sa bahay. Awang ang bibig n’ya at mukhang hindi pa makapaniwala nang sabihin kong pakiramdam ko ay nilalandi ako ng dati n’yang Boss! “Talaga, Ma’am? Paano kung pormahan ka nga ni Architect?” nakangising tanong n’ya nang tuluyang makabalik kami sa opisina. Sumimangot agad ako nang marinig ang sinabi n’ya. “Wala akong oras sa love life at mas lalong wala akong oras sa mga katulad ng Sven Dela Torre na ‘yon,” sambit ko at saka nakaismid na umupo sa swivel chair ko. “Katulad ni Architect na ano, Ma’am?” nagtatakang tanong ni Jam. Tumingin ako sa kanya at saka nakangiwing sinagot s’ya. “Babaero!” sagot ko. Napasapo s’ya sa bibig at saka mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Mukha namang hindi s’ya babaero, Ma’am. Kasi ang sabi ng apprentice n’ya na pinalitan ko eh lahat naman daw ng nakarelasyon ni Architect ay tumagal ng taon kaya mukhang matino naman. Palangiti lang talaga s’ya at mabait kaya napagkakamalan na babaero,” mahabang kwento ni Jam kaya natahimik ako. Natahimik na rin ang isip ko sa pag-iisip ng pwedeng mangyari mamaya sa party ni sangko kaya nakapag focus na ako sa trabaho at naabala lang nang tumunog ang phone ko. Wala sana akong balak na tingnan ‘yon pero tumunog pa ulit pagkatapos ng halos limang minuto kaya saglit na tinigil ko muna ang ginagawa para i-check ang message ng kung sino. The message was from an unknown number. Napasimangot agad ako dahil naisip na baka spam message na naman ‘yon. Kunot ang noo na binuksan ko ang message galing sa parehong number at mas lalong kumunot ang noo ko nang mabasa ang laman ng message. Unknown Number: Hi! Unknown Number: Can you guess who I am? Hindi naman ako pumapatol sa mga taong halatang walang magawa sa buhay kaya pati ang pagsesend ng message sa kahit na sino ay ginagawa na ring libangan! Kaya hindi ko alam kung ano ang nakain ko at nagreply ako sa kung sinong walang magawa na ‘yon. Tinamaan pa ako ng ka-pilyahan kaya kung anu-ano tuloy ang sinagot ko sa kanya. Me: My baby? Ibinaba ko ang phone ko at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Ilang sandali lang ay tumunog ulit ang phone ko kaya sinilip ko ‘yon at nakitang nag-reply ang unknown sender sa akin. Unknown Number: Yes, baby. See you later! ;) Kumunot ang noo ko at agad na napangiwi nang mabasa ang reply n’ya. “Aba’t… feel na feel mo ha? Ni hindi mo nga alam kung babae ako o lalaki!” Bubulong-bulong na sambit ko habang nagtatype ng reply sa kanya. Me: Okay, baby. See you! Mwahh! Umikot ang mga mata ko at agad na kinilabutan habang binababa ang phone ko. Seriously, Jen? Replying to a text message of an unknown number is one thing! And calling him/her your baby is another thing. At ibig sabihin no’n ay masyado ka ng natitigang sa pagmamahal! Nangingilabot na tinapos ko ang ginagawa kong trabaho at inalis agad sa isip ang kung sinong sender na ‘yon. Nang tuluyang matapos na ang ginagawa ko ay tumunog ulit ang phone ko. Nang tingnan ko ‘yon ay parang bigla akong nagising sa kalokohang ginawa ko kaya habang binabasa ko ang message n’ya ay balak ko ng ituwid ang ginawa kong kalokohan. Unknown Number: You really love kissing even in text messages huh? ;) Tumaas ang kilay ko at hindi naintindihan ang laman ng message n’ya kaya sinakyan ko na lang ‘yon. Me: Of course! Who wouldn’t want to receive a kiss from a handsome guy like me? Kulang na lang ay mapa halakhak na ako nang mabasa ang pambabasag ko sa trip ng kung sino mang nagtetext sa akin. Ilang sandali akong naghintay sa reply n’ya pero hindi na s’ya nagreply kaya tatawa-tawang ibinalik ko ang phone ko sa table. “Oh ano? Edi natigil ka nung nalaman mong lalaki rin ang ka-text mo?” natatawang bulong ko at saka nag-stretch ng mga braso. Tatayo na sana ako para sabihan na si Jam na maghanda na sa pag-uwi pero tumunog ulit ang phone ko kaya natigil ako sa pagtayo at chineck muna ulit ‘yon. Unknown Number: I thought this is Engr. Jen Mijares’ number? Napasinghap ako at agad na natulala nang mabasa ko ang reply n’ya! Holyshit! Kilala pa yata ako nito!!! Sa sobrang pagkataranta ko ay agad na nag-isip ako ng palusot sa kanya. I typed my reply instantly. Me: Ah, yeah! This is Jen’s number. May I know who you are? By the way, this is her boyfriend. She was out for a while so I answered her text messages. Kagat ang ibabang labi na sinend ko ‘yon at agad na nanalangin na sana ay maniwala ang kung sino man na nagtetext na ‘yon sa palusot na sinabi ko! Halos hindi ko na alisin ang tingin ko sa screen ng phone ko habang hinihintay na magreply ang unknown number na ‘yon. Ilang sandali lang ay nagulatantang ako nang makitang tumatawag na s’ya sa akin! Halos mapatayo ako sa sobrang pagka taranta! Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Jam nang makita ako pero agad na umiling ako at pinaikot ang swivel chair ko para sagutin ang tawag. Ilang beses na tumikhim ako para magtunog lalaki ang boses ko bago sinagot ang tawag. “Hello?” buong-buo ang boses na sagot ko sa tawag n’ya. Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin bago ko narinig ang buntonghininga ng kung sinong nasa kabilang linya. “Hi there, Engineer Jen Mijares,” narinig kong bati ng nasa kabilang linya. “This is Architect Sven Dela Torre, the one you called Baby a while ago and even gave a kiss–” Hindi na n’ya natapos ang sinasabi dahil mabilis na binabaan ko na s’ya ng tawag. Mabilis na tumakbo ako sa storage room ng opisina at saka malakas at frustrated na sumigaw doon matapos kong i-lock ang pinto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD