Back

2187 Words
Sumapit ang Lunes at hindi ko inaasahan na madaratnan si Jam sa opisina ko. She was already busy fixing things in some of the steel cabinets when I saw her. Napakurap pa ako at agad na inisip na baka napadaan lang s’ya ng ganito kaaga para bumisita sa akin dahil imposible naman na nandito s’ya sa opisina ko para magtrabaho! Hindi ko na naman tuloy maiwasang mainis kapag naaalala ko kung kanino s’ya nagtatrabaho ngayon bilang apprentice! Agad na napairap ako nang maalala na naman ang nakaraang gabi na kasama s’ya nina Gelo na bumisita sa bahay. I couldn’t even sleep a blink that night because my mind was filled with his intense stares and flirty smiles! Kung makatitig ay kulang na lang ay yapusin ako at halikan kung wala lang doon sina Gelo at mga Kuya ko! Agad na inalis ko ‘yon sa isip dahil Lunes na lunes at marami akong dapat na gawin at matapos para sa araw na ito. Wala dapat akong oras para isipin ang Sven Dela Torre na ‘yon! “Jam!” ngiting-ngiti na bulalas ko at malalaki ang mga hakbang na naglakad palapit sa table ko at agad na ibinaba sa table ang bag para harapin s’ya. “Good morning, Ma’am Jen!” nakangiting bati n’ya at saka isinara muna ang steel cabinet bago tuluyang hinarap ako. “Hmm… parang blooming ka, Ma’am? Mukhang okay ka naman pala dito kahit wala ako,” nakangising puna n’ya kaya agad na umawang ang bibig ko at saka tumawa at saka sinapo ng mga palad ang magkabilang pisngi ko. “Blooming ka d’yan! Ito ba ang mukhang blooming? Magdadalawang linggo na akong walang apprentice at alam mo naman kung gaano kahirap kapag walang kasama dito sa opisina. Sobrang hassle! Sana talaga umalis na ng tuluyan ‘yang bago mong Boss para sa akin ka na lang ulit papasok!” nakangiwing segway ko pa na agad na tinawanan n’ya. “Wish granted, Ma’am!” sagot n’ya kaya kumunot agad ang noo ko nang hindi makuha ang sinabi. Nang makita n’ya ‘yon ay agad na nagpaliwanag s’ya. “Dito na ako ulit sa’yo…” nakangiting sambit n’ya ulit kaya tuluyan na akong napamaang at hindi makapaniwalang tiningnan s’ya. “What do you mean, Jam? Dito ka na… ulit?” hindi pa makapaniwala na ulit ko. Tumawa s’ya at saka tumango ng sunod-sunod bago nginuso ang table ko kaya agad na napalingon ako doon at agad na napansin ang isang kulay puting folder sa ibabaw. “What is this–” Napatigil ako sa pagsasalita nang tuluyang makita ang laman ng folder. Kahit na hindi ko pa tuluyang nababasa ang buong nakasulat ay agad na napasinghap na ako! It’s an appointment letter! Mukhang totoong dito na ulit s’ya sa akin papasok! “Oh my God!” Wala akong masabi kundi iyon nang tuluyang mabasa ng buo ang appointment letter ni Jam. “Hindi rin ako makapaniwala, Ma’am,” natatawang sabi n’ya nang makita ang reaksyon ko. Ibinaba ko ang folder sa table at saka tuluyang hinarap s’ya. “What happened?” hindi pa rin makapaniwala na usisa ko. There’s no way that Sven Dela Torre would let her go! Well, unless…. “Tuloy na ba s’ya sa pag-alis?!” mabilis na tanong ko pa nang maisip ang dahilan ng biglaang pagbabalik ni Jam sa opisina ko. Kung mapili ako at metikuloso sa pagpili ng empleyado ay mukhang gano’n din ang Sven Dela Torre na ‘yon kaya wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit n’ya pababalikin si Jam sa akin, unless ay aalis na talaga s’ya at doon na sa England mag-i-stay para magtrabaho! Hindi ko alam kung bakit biglaan akong nakaramdam ng kung anong panghihinayang dahil sa naisip na aalis na s’ya. Agad na na winala ko ‘yon sa isip dahil nagsisimula na namang kainin at pasukin ng Sven Dela Torre na ‘yon ang isipan ko! “Hindi, Ma’am. Wala naman sinabi si Architect Sven na aalis s’ya,” sagot ni Jam kaya mas lalo akong naguluhan. Binasa ko ulit ang nakalagay sa appointment at nakalagay naman doon na kusang sinabi ni Sven na lumipat si Jam ng Department. “Hindi naman kayo nagkaproblema kaya ka n’ya hinayaan na bumalik sa akin?” nakataas pa ang kilay na usisa ko. Umiling si Jam at saka ngumuso. “Wala naman kaming naging problema, Ma’am pero noong nakaraang linggo ahm…” sagot n’ya at saka tumigil sa pagsasalita na parang hesitant pa kung sasabihin sa akin ang gustong sabihin. Tumango ako sa kanya para ipakita sa kanyang interesado akong malaman ang sasabihin n’ya. “Bakit? Anong meron noong nakaraang linggo?” hindi ko na talaga mapigilan na mag-usisa dahil sobra talaga akong nahihiwagaan sa pagbabago ng isip ng Sven na ‘yon! “Ah eh… siguro kasi nagkwento ako sa kanya na mahihirapan ka dito kung wala kang makakasama kaagad,” nagkakamot sa kilay na sagot n’ya kaya tumaas ang kilay ko. At ano naman sa kanya kung mahihirapan ako dito? Imposibleng concern s’ya sa akin kaya n’ya hinayaang bumalik si Jam sa akin! Imposible! “Paniguradong hindi ‘yan ang dahilan kung bakit ka n’ya hinayaang umalis, Jam. Imposible namang… concern ang lalaking ‘yon sa akin samantalang noong mag-usap kami tungkol sa’yo ay ayaw n’ya talagang pakawalan ka,” natatawang sabi ko at saka umiling. “Ah basta! Bahala s’ya sa buhay n’ya! Wala na itong bawian! Subukan lang n’yang magbago pa ulit ng isip ay magrereklamo na talaga ako sa nasa itaas!” nanliliit ang mga matang pananakot ko pa kaya tawa nang tawa si Jam. Maya-maya ay nagsalita ulit s’ya kaya agad na napamaang ako nang marinig ang panunukso sa tinig n’ya. “Baka crush ka ni Architect Sven, Ma’am Jen?” nanunuksong sambit ni Jam habang kinukuha sa table ko ang mga dapat i-encode. Namilog agad ang mga mata ko at saka tumawa ng nakakaloko! “Jam, kumain ka na ba? Baka lang sa sobrang aga mo dito eh hindi ka na nakapag-breakfast kaya kung anu-ano na ‘yang sinasabi mo?” pagsakay ko sa biro n’ya kaya lalo s’yang tumawa at saka tinalikuran na ako para bumalik sa table n’ya. Naiiling na itinuon ko ang atensyon sa mga papers sa ibabaw ng table ko pero agad na nasilip ko ang mukha ko sa salamin at nakitang pulang-pula ang mga pisngi ko. Agad na napapaypay ako sa mukha gamit ang mga daliri at saka inabot ang remote ng aircon para i-adjust ang temperature dahil umagang-umaga pa lang ay naiinitan at pinagpapawisan na ako! Mabilis ang oras at naging mapayapa ang buong maghapon dahil bukod sa naging focus ako sa trabaho ay wala akong iniisip na conflicts of schedules para bukas dahil nandito naman na si Jam! Ngiting-ngiti tuloy ako nang makita s’yang inaayos na ang table n’ya dahil alam n’yang malapit ko na s’yang i-dismiss at ayaw na ayaw ko na naglalaan pa s’ya ng additional hour para sa pag-aayos ng mga gamit dahil hindi naman ‘yon nasasama sa overtime n’ya. Isa pa ay sobrang aga n’ya palaging pumapasok sa opisina kaya sobra-sobra na ang oras na nilalaan n’ya para sa company. LEF is generous enough to compensate and give awards and rewards to their employees who are willing to render extra service and effort for the company. Kaya panigurado ay hindi naman masasayang ang mga efforts ni Jam dahil sa hindi lang s’ya sa performance nag-e-excel kundi pati rin sa pagiging loyal sa kumpanya. “Jen!” Nawala ang tingin ko sa gawi ni Jam nang biglaang kumatok sa opisina ang nasa katabing opisina na si Krissy. She is one of the CAD operators here in LEF and she’s one of the closest to me aside from Anj, isa ring CAD operator. Kumunot ang noo ko nang makitang kasunod na rin pala n’ya si Anj na sumilip din sa office at mukhang excited na excited. “Anong meron?” natatawang tanong ko at agad na tumayo dahil tapos ko na ring maayos ang table ko. “Sabi ko sa’yo hindi n’yan alam!” biglaang singit ni Anj kaya nagtatanong ang tingin na binalingan ko si Krissy. “Late palagi sa balita ‘yang babae na ‘yan!” habol na pang-aasar pa ni Anj na nililingon ang ilang mga kasama nila na nagkakagulo na rin sa paglabas sa office. Tumawa si Krissy bago nagpaliwanag sa akin. “May team dinner ngayon. Treat ni Gelo! Kakarating lang nung Friday!” nakangiting paliwanag n’ya. Kung may iba lang na makakarinig sa amin ay iisipin na hindi namin Boss si Gelo dahil ayaw na ayaw n’ya na tinatawag s’yang ‘Sir’ o kaya naman ay ‘Boss’. He preferred to be called by his nickname. Umawang ang bibig ko dahil alam ko naman na ang tungkol doon at hindi naman nila alam na nasa bahay si Gelo noong nakaraan kaya akala nila ay wala akong kaalam-alam sa pagdating n’ya. “Ano? Tara na daw! Inuman ‘yon. Handa na ba kayong malasing sa loob ng isang oras?” muling singit ni Anj kaya sabay kaming tumawa ni Krissy dahil ganito ang siste kapag natatapat ang team dinner sa weekdays! “Hindi bawal malasing pero bawal um-absent!” halos sabay-sabay naming sambit habang palabas sa office at nagtatawanan. Natigil lang kami nang makitang nagtutulakan palabas sa office ni Gelo sina Liam at Sven. Liam is Gelo’s friend who’s also an Engineer from another company. Kung paanong naging magkaibigan sila kahit na isa ang Emporium sa mga competitors ng LEF ay hindi ko alam. Based on how they treat each other, they are really on good terms and good friends. “A hundred bucks if you’ll get yourself a girlfriend this year. Ano? Game?” ngiting-ngiting sabi ni Sven kay Liam na minura lang s’ya at inambaan na sasapakin kapag hindi tumigil. Hindi ko tuloy maalis ang tingin sa mukha n’ya dahil sa tuwing magsasalita s’ya ay bumabalandra ang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi n’ya. Mas lalo pang lumalalim ang mga ‘yon kapag tumatawa s’ya kaya hindi ko talaga maiwasang hindi mapatingin. “Jen! Hi…” Isang CAD operator na kasama sa opisina nina Krissy at Anj ang bumati sa akin kaya nakita kong sabay na napalingon sina Sven at Liam sa gawi namin. Agad na nag-iwas ako ng tingin nang masalubong ko na naman ang nanunuot na mga titig ni Sven Dela Torre sa akin. Kinagat n’ya pa ang ibabang labi at nakita ko pa kung paano s’yang siniko ni Liam nang mahuling nakatitig s’ya sa akin kaya agad na nag-init ang mga pisngi ko nang maramdaman ang pagpisil nina Krissy at Anj sa magkabilang siko ko dahil nasa magkabilang gilid ko sila. “Ano?” tanong ko sa kanila pero mas lalo lang silang nangantyaw sa akin! “Titig na titig!” mahinang kantyaw ni Krissy sa akin na mukhang nakita rin ang ginawang paninitig ni Sven sa akin. What the hell is that guy doing? He’s obviously flirting with me through his stares! Hindi man lang mahiya sa mga nakakakita! “Mukhang magkaka-lovelife na at makakatikim ng luto ng Diyos!” segunda na pang-aasar naman ni Anj kaya hinampas ko ang braso n’ya dahil mukhang napalakas ang pagkakasabi n’ya no’n at paniguradong umabot sa gawi nina Sven! Oh my God! Kulang na lang ay ipaalam na n’ya sa lahat na virgin ako! Tumikhim ako at saka pilit na iniwasan ang mga obvious na titig ni Sven sa akin hanggang sa makasakay na kami sa elevator. “Dito tayo, Anj!” narinig kong yaya ni Krissy kay Anj at saka hinila ang braso kaya susunod na sana ako sa kanila sa bandang gilid ng elevator pero hindi ako nakagalaw at nakasunod sa kanila nang may isang lalaking humarang sa dadaanan ko kaya kunot noong tiningala ko s’ya para sana makiraan dahil humaharang s’ya sa dadaanan ko pero natigilan ako nang makitang si Sven ‘yon at nakayuko s’ya sa akin at nakangiti ng bahagya. “Hi again?” mukhang alanganing bati n’ya pa at agad na namilog ang mga mata ko nang sumadsad s’ya palapit sa akin dahil may kung sinong tumulak sa kanya sa likod! “Bastard!” natatawang sambit n’ya habang nililingon ang mga nasa likuran n’ya na sina Liam at Gelo pala na parehong nakangisi habang nakatingin sa amin. Pati tuloy ang ibang architects at mga engineers na kasabayan namin sa loob ay nangantyaw na rin kasama sina Krissy at Anj kaya gano’n na lang ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko lalo na nang umalalay pa si Sven sa akin nang may mga sumakay pa at tuluyang napuno ang elevator. “Are you okay now that you’ve got your apprentice back?” Nagulat pa ako nang biglaan n’yang banggitin ang tungkol doon nang nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap sa loob ng elevator. Sa sobrang lapit ng mukha n’ya sa akin ay parang hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos kaya tumango na lang ako at pilit na nag concentrate dahil nawawala ang concentration ko lalo at nakikita ko s’yang panay ang sulyap sa mukha ko kahit na magkatabing-magkatabi na kami sa loob ng elevator!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD