Chapter 3

1991 Words
Napatulala lamang ako habang tinitignan si Riley na dala-dala ang bag pambabae ni Freya at pinapanood iro habang nagtatali ito ng sintas ng kanyang sapatos. Tumingala si Freya sa kanya habang patuloy siyang nagsisintas. May sinabi ito kay Riley at hindi ko alam kung bakit ako naiinis nang tumawa siya nang dahil sa kung anumang sinabi ni Freya. My hearts hurts watching them exchanging smiles and conversation, and hearing their laughter in chorus. Paalis na sana ako nang mabunggo ako sa isang matipunong katawan at nang tiningala ko ito ay napapikit na lamang ako ng matiin. Of all students in this campus... Why Riley's best friend? "Nathen?" Nagtatakang pagsambit ni Owen sa pangalan ko bago siya nag-angat ng tingin kina Riley at Freya. "Uh... Bye," nagmamadali kong sabi at yumuko saka naglakad paalis. "Saan ka pupunta, Nathen?" he asked me, shouting. Mas lalo ko namang binilisan ang aking lakad. Lintik na Owen! Talagang kinausap pa ako ng malakas. Bahala na! "Nathen!" I heard Riley calling me. Bahagya akong napahinto ngunit agad ko ring pinagpatuloy ang paglalakad ko ngunit mabilis niya akong nahabol at hinarap sa kanya. "Are you jealous?" Riley suddenly asked as soon as he grabbed my arm to stop me from walking away. Hinahabol ko ang paghinga ko matapos kong maglakad ng mabilis upang makalayo kay Riley pero hindi ko nagawa dahil agad niya rin akong nasundan a napigilan. "Nagseselos ka ba kay Freya?" tanong niya at kitang-kita kong hindi niya na mawari ang kanyang dapat na gawin. "She's just my partner in a presentation that we have to do. I didn't choose her as my partner. Si Miss Ferrer ang pumili noon." "I'm not jealous, Riley," sabi ko at mataman siyang hinarap. "Hindi ako nagseselos. Gusto ko lang talagang umuwi agad," pagdadahilan ko. Oo! Inaamin ko sa sarili kong nagseselos ako pero ayokong aminin aa kanya 'yon. Wala namang kami kaya wala akong karapatan sa kanya. Alam ko rin naman na ako rin ang may kasalanan kung bakit walang kami dahil mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang mga kailangan kong gawin. I'm not a good student. Halos kumakapit lang ako sa dulo ng pasadong marka. I wanted to be like him who's an achiever. Ayokong pagbigyan ang sarili ko sa kanya hanggang sa hindi ko pa naaangat ang sarili ko sa bingit ng pagkabagsak. Akala ko kaya kong pigilan ang sarili ko pero ang hirap pala. Ang hirap magkunwaring ayos lang na walang kami. Na ayos na sa akin ang alam kong gusto namin ang isa't isa pero hindi pala. I wanted so bad to control him. Kahit alam kong hindi naman dapat ganoon ang pagmamahal. Pero ano nga bang alam ko sa pagmamahal? "Ihahatid na kita," he volunteered and was about to get my bagpack from.me when I stepped back. "Huwag na," pagpigil ko sa kanya. "Kaya ko namang umuwi mag-isa. Magt-trycicle na lang ako. May gagawin pa kayo ng partner mo." "I will just go back to school afterwards, Nathen," he said. "Ihahatid muna kita " Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na determinado siyang ihatid ako pauwi sa amin at tila kahit hindi ko siya payagan ay ipipilit niya pa rin. "Uh... Riley?" Inilipat ko naman ang tingin ko sa babaeng papalapit sa amin. She was one od the well-off student in our school. Mayroong flower farm ang kanyang pamilya. Ang sabi nga sa akin ni Erin ay malapit ang pamiya nila sa pamilya ng babaeng 'yan. Minsan ay lagi akong napapaisip kung bakit sa isang katulad ko pa siya nagkagusto. Wala namang maipagmamalaki ang pamilya ko at mas lalong wala aking maipagmamalaki. "My mom texted me that I should be home by six. It's already four-thirty. I think we should start now." sabi naman niya kay Riley. I saw how Riley's jaw clench before he turned to look at me. Ayaw niya. Iyon ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Ayaw niyang hayaan akong umuwing mag-isa ngunit hindi niya puwedeng ipagpaliban ang kailangan bilang tapusin. I smiled at him before I turned to Freya. "Sorry, Freya. Nakuha ko pa ang oras ni Riley. May pinag-usapan lang kami," paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Umiling naman si Freya at tipid na ngumiti. "No, it's okay," she said. "Talagang napabigla lang ang pag-uwi ko ng maaga ngayon kaya kailangan na naming matapos within ine hour ang preparation namin." "Can't I just send my part to you, Freya? Or sa akin mo na lang isend. Ako na ang magcocompile," sabi naman ni Riley nang hindi pinahintulutan ng tingin si Freya. "Riley, that will be hard. We have share our ideas," katwiran naman ni Freya. "Gaboon din naman 'yon. Magkaiba tayo ng ideas at icocompile lang natin.It's just the same," sabi ni Riley at tinapuan na ng tingin si Freya. Freya's fair white while I was a little tan. Beach front kasi ang aming bahay kaya madalas akong naglalaro sa dagat noong bata pa ako kaya hindi nanatili sa akin ang mestiza kong kutis. "Look, Riley. I don't want to fail this report. We need to dicsuss everyhting together first para kung ano man tanong ang ibato sa atin ay kaya nating sagutin ng parehas," katwiran ni Freya. "But—" "Riley," tawag ko naman sa kanya at agad siyang napatigil sa pagsasalita. Umiling naman ako at saka ngumiti sa kanya upang tumigil na siya sa kakapilit na umalis kasama ko. "Gumawa na kayo ni Freya. Kaya ko namang umuwi mag-isa," sabi ko. "Itetext na kang kita kapag nakasakay na ako ng trycicle at kapag nakauwi na ako sa bahay." Bumuntong hininga naman siya bilang senyaled na talo na siya't hindi na magpupumilit pa. Lumapit siya sa akin upan dampian ako ng mabilis na halik sa aking noo. "I'll call you later," he said. "If it's alright with your Mom, I'm gonna visit you." Mabilis naman akong umiling bilang pagpigil sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong nandoon siya o ayaw ni Mommy pero kapag nandoon siya ay nababaliw ang nanay ko. Ang dami niyang gustong ialok kay Riley. She always want Riley to be fully satisfied during his visit. Hindi ko man siya mapigilan dahil nakikita niyang tuwang-tuwa si Riley sa binibigay niyang atensyon kaya mas lalo niya itong ine-entertain. Kumunot naman ng bahagya ang kanyang noon. "I will visit." "Huwag na, Riley. Text na lang tayo," sabi ko naman sa kanya. "But—" "Please," sabi ko sa kanya at hindi na niya ipinagpilitan pa. I smiled at him and tapped his shoulder. "Bye. Bukas na lang," paalam ko sa kanya bago siya tinalikuran upang makauwi na. Nang makauwi ako sa amin ay agad hinanap ni Mommy ang sasakyan nila Riley na madalas na naghahatid sa akin. Napasimangot naman siya nang hindi ako hinatid ng lalaking gusto niya para sa akin. "Bukas ay imbitahan mo siya," sabi niya naman. "Nandito na ang Daddy ko bukas galing Qatar. Ipakilala ko siya sa kanya." Napaawang naman ang aking bibig sa gulat. Hindi ko alam na uuwi si Daddy! "Bakit hindi mo sakin agad sinabi, Mommy?" tanong ko naman ay may bahin na pagtatampo. "Aba'y malay ko bang hindi sa'yo sinasabi ng Daddy mo. Nakakausap mo naman kasi siya," dahila ni Mommy. "Basta imbitahan mo si Riley bukas. Magluluto ako ng marami bago tumulak sa pier para sunduin ang Daddy mo tapos dadaanan namin kayo sa eskwelahan. O kaya naman, magpahatid ka na lang kay Riley dito dahil sasama naman siya." Napasimangot naman ako. Parang si Riley lang ang inaalala niya. "Ayoko, 'Mmy. Baka magalit si Daddy. Nangako ako sa kanyang mag-aaral ako ng mabuti dahil kamuntikan na akong bumagsak last year," sabi ko. "Ako na ang nagsasabi sa'yo, Nathen," sabi ni Mommy at patuloy sa pagtitiklop ng damit. "Magugustuhan ng Daddy mo 'yang si Riley lalo na kapag nalaman niyang isa siyang Palermo." Napatigil naman ako sa aking ginagawa at saka napaangat muli ng tingin kay Mommy na ngayo'y ngiting-ngiti. This is what I don't want to happen. Kaya ko pinipigilan noong una palang na magkaroon ng pamamagitan saming dalawa. Masaya ako dahil gusto nila para sa akin si Riley pero hindi sa dahilan na nakikita nilang maayos ang pakikitungo nito sa akin at isang lalaking may matinding prinsipyo sa buhay dahil ang nakikita nila ay ang pagiging isang Palermo nito. I don't want Riley to think that my family is just after his family's riches. Tumayo naman ako at sinikop ang aking mga librong pilit na inaaral para may maisagot ako sa pagsusulit namin bukas. "Oh saan ka pupunta?" Napatigil si Mommy sa pagtitiklop ng damit nang tumayo ako. "Doon lang po sa dalampasigan. Mag-aaral ako doon," sabi ko at hinagilap din ang aking cellphone para mailagay sa bulsa. "Dadalhan kita ng meryenda maya-maya!" sigaw ni Mommy nang makalabas na ako sa likod ang aming bahay kung saan nandoon ang dagat. Ang bahay at lupain namin ay naipamana lamang ng mga magulang ni Daddy sa kanya. Marami ang may gustong bumili nito lalo na ang mga businessman ngunit hindi sila pinaunlakan nina Mommy at Daddy kahit na tumataginting ng milyong-milyong halaga ang handa nilang ibayad sa amin. Para kay Daddy ay mas mahalaga ang sentimental value nito. Galing pa kasi ito sa ninuno ng kanilang angkan. Napamahal na rin ito sa amin at dito nabuo ang aming pamilya. Umupo ako sa duyan at inilapag sa aking hita ang mga libro bago tiningnan ang malakas na alon galing sa dagat at pinakiramdaman at tamang paghaplos ng sariwa at malamig na hangin sa aking balat. Katulad ng mga alon ay ganoong kalakas ang pagragasa ng nararamdaman ko para kay Riley. Kapag pinipigilan ay mas lumalakas ang pagtama nito at wala ring magagawa kundi ang magpatangay. Ngunit kaysa lamig ay init ang aking nararamdaman. My phone suddenly rang when I was lost in the middle of mt thoughts. Napakunot naman ang aking noo nang makitang tumatawag sa akin si Danzel. Sa aming magkakabarkada ay si Danzel ang hindi ko masyadong kasundo kaya hindi ko alam kung anong himala ang nangyari at tinatawagan ako nito ngayon. "Danzel?" pagsagot ko sa kanyang tawag. "Nathen..." He sounded so serious. "Gustong ipasabi ni Keanna ng magbukas ka raw ng Faceboök mo. Chinachat ka niya pero hindi ka raw naka-online. Wala siyang load kaya ako ang pinatawag niya sa'yo." "Bakit daw? Para saan?" tanong ko. "Basta mag-online ka na lang," sabi niya at pinatay na agad ang tawag. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga bago binuksan ang data ng aking cellphone. Mayroong kaming wifi ngunit hindi ito ganoon kalakas at hindi abot dito sa dalampasigan kung saan ako madalas nakatambay. Tiningnan ko muna ang messenger at nakita ko ang chat sa akin ni Keanna na halos paulit-ulit lamang. Gusto niyang tingnan ko ang profile ni Freya sa Faceboök. Wala naman akong nagawa kundi sundin ang kanyang sinabi. Dala na rin ng kuryosidad ay tinipa ko ang pangalan ni Freya sa search box dito sa Faceboök ngunit mabuti na lang ay hindi naka-private ang kanyang profile. The fire inside me suddenly agitated when I saw her recent post. Freya Silverio Family dinner with Riley Palermo. My family likes him so much. That was the caption of her post with a picture of her family inside a fancy dining room and Riley's present in the picture. Tiningnan ko ang mga putaheng nakahain sa hapagkainina ng mga Silverio at nakitang sobrang layo nito sa mga inihahain sa kanya ni Mommy tuwing bumibisita siya sa amin. Paniguradong ito ang mga nakasanayan niyang kainin kaya malaki ang kanyang mga ngiti sa litrato. Dito ko talaga napapagtantong hindi kami nababagay sa isa't isa at may mga babaeng mas bagay sa kanya. What could I offer him that the others, especially some like Freya couldn't? Muling tumunog ang aking cellphone at halos maihagis ko ito sa buhangin nang biglang lumabas ang pangalan ni Riley na siyang tumatawag. Napanguso na lamang ako at saka sinilent ang aking cellphone bago ito itinabi. Mag-aaral na lang ako. Kahit kunwari lang. Mag-aaral ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD