Chapter 4

2224 Words
From: Mr. Palermo Let's meet at the office today. The contract's already revised. 12PM sharp. Halos maibalibag ko ang cellphone ko nang makita ang text ni Riley na siyang unang bumungad sa umaga ko. Nag-umpisa pa nga lang ang araw ko ay pangit na, kung makakasama ko pa siya mamaya ay paniguradong hindi maganda ang kalabasan ng buong araw ko. Kung puwede nga lang ay hindi ko siya sisiputin at huwag magpakita sa kanya pero hindi maaari. I need to swallow my pride for the sake of my family's debts. "Oh! Saan ka pupunta?" nabiglang tanong ni Tita Edith nang makitang nakabihis at ako hands nang umalis. Inilalagay niya ang naisandok na kanin sa ibabaw ng lamesa..Nakahanda na rin ang tatlong plato para sana sa aming tatlo ngunit hindi man lang ako makakakain dahil 12PM sharp gustong makipagkita ni Riley. "Papunta po ako nang The Seacoast," simpleng sabi ko saka uminom ng tubig. "Makikipagkita ka ulit kay Riley?" nag-aalangang tanong niya. Naikwento ko kay Tita Edith pagkagaling ko sa The Seacoast noong isang araw na si Riley ang namamahala ng The Seacoast. She know what happened before. Alam niya kung gaano ko kinasusuklaman si Riley. "Kailangan po, Tita. Para mabawas-bawasan na ang problema ko," sabi ko na lang. "Nathen, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo kung ayaw mo. Makakagawa pa naman siguro ng paraan ang Tito Larry mo," sabi ni Tita at mukhang nag-iisip na ng ibang paraan. "Pwedeng magloan muna kami sa bangko. Mababayaran namam siguro natin yun." "Tita, kapag hindi natin nabayaran 'yon ay dagdag lamang yun sa problema natin. Ayos na 'to. Magtatrabaho lang naman ak roon." "Basta kung hindi ko kaya ay sabihin mo lang. Baka puwede nating pakiusapan na ako na lang ang magtatatrabaho roon pagkatapos ay magtrabahonka rin sa Norte," suwestyon niya. "Tita, you've done enough for me. Kayong dalawa ni Tito. Let me fix this on my own. It's time for me to grow up," paliwanag ko sa kanya. Napabuntong hininga naman si Tita at saka tumango. She smiled at me before she pulled me closer for a hug. "Always take care of yourself, Nathen. Take care of your heart." What happened before already taught me a lesson about love. I will never engage myself in a relationship if I, myself, am also uncertain of what could happen. Hindi na ako magpapadala sa agos ng nararamdaman ko. Kahit gaano man kalaki ang alon ay susubukan ko pa ring magpakatatag. Pero kung matatangay pa rin ako nito ay hahayaan ko na lang ang sarili kong malunod kaysa umahon at maramdaman ang takot at sakit na maaari kong maramdaman. "Mr. Palermo, Miss Nathen Torrano has arrived," his secretary announced when I got there. Hindi na sumagot si Riley sa anunsyong iyon at lumabas na lamang siya mula s kanyang opisina. He is folding his white sleeves up to his elbow while his bored eyes stared at me. Hindi naman ako nagpatalo sa kanya at tinitigan ko rin siya pabalik. He mockingly smirked before he tilted his head to his left shoulder and continued to stare at me. I just roll my eyes at him and crosse my arms. Sumulyap siya sa kanyang sekretary. "Are the foods served already?" "Yes, Sir. Just a minute ago," she answered. Tumango lamang si Riley at napakunot naman ang aking noo. "Maglu-lunch ka pa?" iritado kong tanong. "Of course, Nathen," pabalang niyang sagot. "I always eat on time." "Eh di sana sinabi mo sakin na ala-una na lang tayo magkita dahil maglu-lunch ka pa. Paghihitayin mo pa ako dito," inis kong sabi. "Who says that you will wait here?" He raised his eyebrows. "You're coming with me." "At bakit naman ako sasama sa'yo?" sabi ko naman at humalukipkip. Agad na nagdilim ang kanyang paningin. It looks like he's ready to take away all the options he'd given me and just let me suffer inside the jail instead. "You are coming with me," mas klaro at mas mariin niyang sabi. Kinuha niya ang aking palapulsuhan at hinatak. Tangan-tangan niya ako habang naglalakad paalis at wala akong magawa kundinang sumunod sa bawat yapak niya. Pagkapasok namin sa elevator ay agad niya binitiwan ang aking kamay. Sumiksik naman ako sa pinakasulok nito kahit na kaming dalawa lamang ang nasa loob. Mabuti na lang at isang palapag lang ang binaba ng elevator kaya nanatili na lamang akong tahimik. Bawat paghakbang ko sa buhangin ay nanunuot ang mga ito sa aking sandals. Mabuti na lang at sanay ako sa pakiramdam na nakakakiliti at medyo magaspang na buhangin sa aking paa. Nag-angat ako ng tingin kay Riley na nakapamulsa at tahimik habang nauunang maglakad sa akin. Hindi ko maiwasan ang punahin ang pagiging malawak ng kanyang likod na kayang-kaya ko itong gawing taguan. Tumigil ako sa pagsunod sa kanya upang mas makita ko siya ng buo habang nakalikod. He used to hold my hand before when we were walking on the shore behind our house. Magkapantay lang ang bawat pagtapak ng aming paa sa buhangin. Walang nauuna at nahuhuli. Ngunit ngayon ay nakasunod na lamang ako sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na noong magkalayo kami'y hindi lang pala literal na malaking distansya ang naging agwat namin kundi pati na rin ang pagkatao namin. Habang siya'y umaahon sa lalim ng buhay, ako naman ay lumulubog. Pero natural na lamang 'yon sa kanya dahil isa siyang Palermo at talagang may maipagmamalaki pagdating sa pag-aaral. Siguro'y tama na rin ang mga nangyarinsa aming dalawa..Tama lang na nagkahiwalay at nagkasakitan kami. Walang-wala ako kumpara sa kanya. Wala akong maitutulong sa kanya. Nararapat lang siyang mahiwalay sa akin. Hindi kami nababagay. I wonder if I should let go of the grudges and hatreds that I'm holding against him. Loathing him won't take me anywhere right now. I should be thanking him for giving me a chance at life by giving me options when I'm about to give up. Tingin ko naman ay kung hanggang ngayon kami pa rin, papakawalan ko siya. Pagbalik niya ay papalayuin ko lang siya ulit. Mai-insecure lang ako sa sarili ko at ayakong mangyari 'yon. I already have a lot of problems and I don't want loving him to be a part of it. I don't deserve someone like him. I'd rather have him leave me. He clearly deserves someone better. I just didn't see it before that's why I grabbed the chance of loving him. Maybe I really should jusy forget everything that happened before. It's time to start anew. Natigil ako sa pag-iisip nang makita kong huminto siya sa paglalakad. Sobrang layo na ng kanyang nalakad palayo sa akin ngunit ngayon niya lang napansin na naiwanan na ako. He turned to looka at me for a split second, I saw him the Riley Palermo that I've loved before when gentleness passed by his eyes as he looked at me. "Bilisan mong maglakad." He said and though the heat of the sun is striking us, I was still able to feel the coldness it brings. Mabilis niya akong tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad. Nakangiti at taas-noo na lamang akong sumunod sa kanya. When we arrived at The Seacoast's Balsa Restaurant, the staff simultaneously greeted him with all due respect. I hate how he is all that I'm not. But nevertheless, I can't help but to be happy and proud of him. I can shout to the world and say that he was once mine. He casually sat down on a reserved table while I remain standing beside him, tapping my feet on th wooden floor. Pinanood ko na lang ang ibang nga guests na mukhang natutuwa sa kanilang kinakain. Marami-rami rin ang mga foreigners ma turista kaysa sa Pinoy. I don't know why he wants me here. Gusto niya ba akong panoorin siyang kumakain at hintayin hanggang sa matapos siya? "Tatayo ka lang ba diyan hanggang mamaya?" sarkastikong tanong sa akin ni Riley kaya naman napalingon ako sa kanya. Inimuwestra niya sa akin ang kaharap na bakanteng upuan. "Umupo ka diyan," utos niya. Dahan-dahan naman ako na umupo sa kanyang harapan at saka huminga ng malalim bago ngumuso. Pinililit kong hindi tumingin sa hapag-kainan dahil sa mga nakakagutom na pagkain na nakahain. Hindi pa naman ako kumain bago pumunta rito dahil sa pagmamadali. "Sabayan mo na akong kumain," sabi ni Riley at napa-angat naman ako ng tingin sa kanya. Napalunok naman ako saka nahihiyang ngumiti. "Huwag na," pagtanggi ko at napataas naman siya ng kilay. "Nakakahiya naman. At saka kumain na ako," pagsisinungaling ko. "I know you so well, Nathen," he said before he sliced lobster's meat on his plate. "Alam kong hindi ka pa kumakain. You keep on diverting your gaze away from the food because you don't want to starve yourself." Nawala naman ang aking ngiti sa kanyang sinabi. Kilalang-kilala niya talaga ako. Bawat pagkilos ko ay alam na niya kung ano ang nais iparating. Samantalang ako bumalik sa umpisa sa pagkilala sa kanya dahil sa sobrang pagbabagong nakikita ko. "Okay..." Iyon na lamang ang nasabi ko. Ibinaba ko na ang aking tingin sa masasarap na putahe. Halos lahat ng nakahanda ay seafoods. Nilunok ko na ang lahat ng hiya ko kasama ng mga pagkaing kinuha ko. Minsan lang mabiyayaan ng libre at ganitong kasasarap na pagkain. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko sa sobrang saya. Iba talaga ang nagagawa ng pagkain lalo na at ganitong kasarap. Panandaliang nakalimutan ko ang pasan-pasan kong problema. "Hindi ka ba pinapakian sa inyo?" biglang tanong ni Riley. Halos mabulunan ako kaya naman uminom ako ng juice bago muling nag-angat ng tingin sa kanya. "Slow down. Marami pa naman 'yan," sabi niya. Inabutan niya ako ng tissue at kinuha ko naman ito para punasan ang aking bibig. "Uh... Salamat," sabi ko. "Kumakain naman ako syempre. Masarap magluto si Tita." "Are they treating you well?" Naningkit ang kanyang mga mata sa sariling tanong. "Oo naman!" sagot ko. "Parang tunay na anak ang turing sa'kin nila Tito at lalo na si Tita." "Doon ka na talaga nakatira? Hindi mo na inuuwian ang bahay niyo na nasa tabing dalampasigan?" sunod-sunod niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ngunit wala naman akong kagawa kundi ang sagutin siya. "Ayaw akong pauwiin ni Tita sa amin lalo na kung mag-isa lang ako. Pero minsan ay pinupuntahan ko ang bahay para linisin at kapag gusto kong mapag-isa." Sabi ko naman at saka nagpatuloy kumain. "If that's the case, why don't you just sell your house and lot?" Napatigil naman ako ulit sa pagkain. Binaba ko ang kubyertos nang may napagtanto. He just asking me all of this because of our land. Of course, he is oneof the businessmen who wants to buy our land because of its good scenery and fine white sand. Lalong-lalo na ang mga Palermo dahil halos katabi lang ng lupain namin ang The Seacoast. Mabili lang nila ang lupa sa pagitan nito ay mapapalago at mas mapapalawak nila lalo ang kanilang resort. "Will you, businessmen, benefit that much from our land?" I couldn't help but to ask him. His eyes slightly widened upon hearing my question but he immediately recovered from it. "Is that much of an asset?" "I admit that your family's land had good location. Idagdag mo pa ang pinong-pinong puting buhangin na mayroon sa inyong dalampasigan. Plus, it's just near The Seacoast but I never meant my question tonne interepreted that way," he explained. "I was just wondering because you can use your land to earn tons of money. You can sell it to lessen your burden." My forehead creased. "How will selling it lessen my burden if all my memories will be taken away once it's bought?" "Hindi lang naman 'yon, Nathen," bigla niyang sabi. "You can turn it over into an adequate resort but only with a few number of guests. You can earn a lot of money from it I'm sure. You have a degree. Siguro naman ay alam mo kung paano magpaikot ng pera, 'di ba? Ang dami kong pwedeng gawin pero hindi mo ginawa. Talaga bang pinag-iisipan mo kung paano masosolusyunan ang problema mo o naghihintay ka lang ng tutulong sa'yo? With those number of options that you can do, you haven't thought of doing any of it? Are you that useless?" Bumagsak ang tingin ko sa aking plato. Bahagya ko itong tinulak palayo sa akin. Nawala na ako ng gana. I'm done eating. His wordsa say it all. I'm useless. Alam ko naman 'yon sa sarili ko. Hindi na niya kailangang ipangalandakan mismo sa pagmumukha ko. "Tapos na akong kumain," sabi ko na lang. "Puwede ko na bang makita ang kontrata para makauwi na ako? Tutulungan ko pa si Tita sa gawaing bahay." He took a deep breath. "Okay... Look, I'm sorry for what I've said. I lost control with the words I'm spitting out," he apologized. "Just finish your meal first." "Busog na po ako, Mr. Palermo," magalang kong sabi sa kanya. "Gusto ko na lang pong makita ang kontrata at umuwi. Iyon lang naman ang ipinunta ko dito, 'di ba?" Bumuntong hininga naman siya at tumango. "Fine." Kinuha niya ang kangyang cellphone at ilang pagtitipa ang kanyang ginawa bago niya ito tinapat sa kanyang tainga. "Pakihatid dito ang kontrata. Sa balsa. Yes. Thank you Lois," sabi niya sa kung sino mang kausap niya bago ito binaba. Muli niya akong tiningnan at nag-iwas na lamang ako ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD