Chapter 14

3156 Words
"Sigurado ka bang papasok ka, Nathen?" alalang-alala si Tita Edith sa'kin habang tinitignan akong sinusuot ang aking blazer para maibsan ang lamig na nararamdaman. "Tinatrangkaso ka pa," giit niya. Pagkatapos kong magshower kagabi ay naramdaman ko ang panlalamig ko kahit na katamtaman lamang ang pinaghalong init at lamig sa loob ng aking silid. Bumaba ako para uminom ng mainit na gatas upang mainitan ang aking sikmura at katawan nang makita ako ni Tita Edith. Pinagluto niya ako ng instant corn and crab soup upang magkalaman ang aking tiyan bago niya ako pinainom ng gamot dahilan kung bakit ako nakatulog ng maayos. Sa tingin ko ay dahil lamang sa biglaang pagod na naramdaman ng aking katawan ang pinagmulan ng aking trangkaso at kapag tinulog ko ay mawawala rin, ngunit nang magising ako ay mukhang mas lumala pa. Hindi ko na inabala pang paliguan ang aking sarili at naglinis na lamang ng katawan gamit ang maligamgam na tubig. "Uminom naman po ulit ako ng gamot, Tita," sabi ko naman. "Paniguradong magiging maayos din po ako mamaya." "Nako, Nathen, sinasabi ko sa'yong bata ka. Kapag nararamdaman mong hindi mo na kaya ay umuwi ka na. Papayagan ka naman siguro lalo na kung tinatrangkaso ka," pangaral sa'kin ni Tita. Napangiti naman ako sa pag-aalala ni Tita sa'kin at saka tumango. "Huwag kang mag-alala, Tita," sabi ko naman. "Hindi ko po pababayaan ang sarili ko." Mabuti na lang at napanatag na ang loob ni Tita Edith. Hinayaan niya na akong pumasok sa trabaho at ang akala ko'y wala na ang sundo na van ngunit nang makita kong naghihintay ito sa harap ng gate ay agad na akong sumakay. "Kakilala mo pala ang mga Palermo..." Hindi tanong 'yon kundi isang pahayag. Nilingon ko naman si Lean na mukhang kuryuso tungkol sa pagkakakilala sa'kin ng pamilyang Palermo. Wala naman akong balak ipaalam sa kanila ang aking koneksyon sa mga Palermo, ngunit nang dahil sa mga nangyaring kaganapan kagabi na dumalo pa ako sa hapunan ng mga Palermo, na kasama pa sina Sabeena at Lois ay nalaman na nila. "Uh... Oo," nahihiya ko namang sabi. "Paano?" kuryusong tanong niya. "Pero kung ayaw mo namang magkuwento ay ayos lang! Masyado lang talaga akong napaisip at namangha kagabi dahil kakilala mo pa sila." Ngumiti naman ako at umiling. "Ayos lang," sabi ko. "Kaklase ko dati si Ri—Sir Palermi. Pareho kami ng paaralan noong high school at matalik na kaibigan ko noon ang pinsan niya." Tumango-tango naman si Lean. "Paniguradong sikat noon si Sir Palermo, no?" bigla naman siyang napaisip. "Siguro, papalit-palit siya ng babae noon," dagdag niya pa at saka humagikgik. I slightly frowned at Lean's statement. "Paano mo naman nasabi?" "Eh ang guwapo niya kaya," sabi naman ni Lean. "Ang kadalasan, kapag mga mayayaman at guwapo ang mga lalaki ay mga babaero 'yan. Hindi marunong makuntento at magtino. Sa una lang silang magaling. Pero kapag nakuha na nila ang gusto nila, iiwan ka nila. At ang masaklap pa, ang iba sa kanila ay makukuha ka pang lokohin at ipagpalit." Parang punyal na tumatama sa aking puso ang mga binatong salita sa akin ni Lean. Gusto ko mang ipagtanggol na lubus-lubusan kong naramdaman ang pagmamahal para sa akin na ibinigay ni Riley noon ngunit nang dahil sa kanyang sinabi ay tinikom ko na lamang ang aking bibig. I used to think about what kind of love he showed me before. Why did his love for me crack so easily? Why did he fall out of that love fast? But maybe, it wasn't love after all. Maybe, it's just an infatuation. Maybe he just liked me. Love is a strong feeling and emotion. Out of all feelings and emotions out there, love should be the strongest. With love, you can feel different kinds of emotion. You can feel happiness, sorrow, pain, anger, hatred, jealousy and other emotions when you're in love. I believe that love is at the top of the emotion pyramid. The rest of the emotions are in branches. Love should be strong, but his love for me isn't. And I've concluded that it wasn't really love, after all. He didn't love me at all. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang makapagbihis na ako ng uniporme para makapagsimula ng magtrabaho. Gustong-gusto kong hayaan na nakaladkad ang aking buhok para makaramdam ng init sa aking leeg. ngunit kinailangang itong itali ayon sa patakaran. Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili bago ako lumabas ng dressing room. Medyo mainit pa rin ako pero kampante akong mawawala rin 'to mayamaya. "Pagkatapos mong maglinis ng fifth at second floor, mag-gayak ka na at sa labas ang shift mo ngayong araw," sabi sa'kin ng head ng housekeeping department na si Ma'am Lily. Bahagyan namang napakunot ang aking noo. "Paanong sa labas po?" naguguluhang tanong ko. "Kinakailangan mong pagsilbihan mamaya sina Sir Palermo at ang kanyang girlfriend. Pati na rin pala si Atty. Rojas," sagot niya sa akin. Nagsisisi akong pinagpilitan ko pang pumasok kahit na masama na ang pakiramdam ko. Ang akala ko'y magiging normal na araw lang ang pagtatrabaho ko ngayon ngunit kamalasan kaagad ang bumungad sa akin. Kung nanatili na lang sana ako sa bahay gaya ng gustong mangyari ni Tita, eh di sana ay naiwasan ko ang trahedyang nakaantay sa akin. Pakiramdam ko ay mas lalo lamang lalala ang sakit ko dahil sa kinakailangan kong trabahuhin ngayon. Why does fate keep on pushing me towards the rose's thorns of pain? Can't it push me on a bed of sunflowers, instead? "Mag-iisland hoping sila at kailangan nila ng makakasama," dagdag pa niya. "Dapat ay matapos ka na ng bandang alas-otso dahil lalarga na kayo para mag-island hopping. Pumunta ka na kaagad sa dalampasigan pagkatapos mong maglinis." At dahil alam kong hindi ko naman pupwedeng suwayin ang utos ay tumango na lamang ako bago nagsimulang magtrabaho. Habang nagtatrabaho ako ay paulit-ulit ang paggala ng aking isipan patungo sa sari't saring panghuhula ng pwedeng mga mangyari mamaya habang kasama sila. Alam kong magaling akong magtago ng aking tunay na nararamdaman, ngunit kong sasagarin ang aking pasensya ay sa tingin ko'y sasabog din ako ng tuluyan sa sobrang pagkimkim. Nang matapos ako sa aking paglilinis ng mga opisina at kuwarto sa ikalawa at ikalimang palapag ay muli akong bumaba patungo sa housekeeping quarters. Kahit nilalamig ako ay pinagpapawisan ako nang dahil sa paglilinis ng mga silid. Naghilamos ako ng aking mukha at naglagay ng kaunting pampula sa aking labi at pisngi upang hindi masyadong halata ang aking pamumula. Pagkatapos ay buhat-buhat ang sangkaterbang kaba, naglakad ako patungo sa dalampasigan habang hawak-hawak ang aking sandals upang hindi ito mapasukan ng buhangin sa mga sulok at gilid nito. Kahit pino ang buhangin dito sa The Seacoast ay pakiramdam ko'y may tumutusok sa aking talampakan. Pakiramdam ko'y ayaw ako nitong tumuloy sa paglalakad. It was like it's telling me that danger is coming ahead of me. 'Di pa ako masyadong nakakalapit ay nakita ko na sila sa pampang. Hindi lang basta ordinaryong bangka ang aming sasakyan kundi ang yate ng mga Palermo. Sabeena was wearing a designer sundress and a wide brim sun hat. Nakakapit siya sa braso ni Riley na nakaputing polo at light brown shorts. Ang mga naunang tatlo o apat na butones sa kanyang polo ay nakabukas. Sa kabilang balikat niya ay may nakasabit na camera na madalas ginagamit ng mga professional. Sa tapat naman nila ay naroroon si Lois na naka-puting baseball cap. He's also wearing a pink polo, but the buttons aren't locked and a white khaki shorts. Hindi rin naman kita ang kanyang katawan dahil may panloob ito na puting sando. Nang mas makalapit ako sa kanilang kinaroroonan ay nahagip na ako ng tingin ni Lois na luminga-linga sa paligid na tila mayroong hinahanap. He smile widely when he saw me approaching their way. Parang hindi pa siya makapaghintay sa pagdating ko at talagang sinalubong niya pa ako. "So this is why you're excited about this island hopping, huh, Lois?" Sabeena teasingly asked his cousin. Nang makaharap ako sa kanila ng maayos ay kita kong nag-iwas agad si Riley sa akin ng tingin. Si Sabeena naman ay ngiting-ngiti habang tinitignan kaming dalawa ni Lois. "Let's go while the tide's still high," sabi naman ni Riley at pinalandas ang kanyang kamay patungo sa kamay ni Sabeena. He intertwined their hands together before walking to the yatch with her. Nakita ko kung paano buhatin ni Riley si Sabeena paakyat sa yate. His hand perfectly on her waist as he lift her up. Napabuntong hininga naman ako habang inaayon ang aking sarili sa pangyayari. Hanggang mamaya pa ako makakasaksi ng ganitong pangyayari kaya kailangan ay makasanayan ko ito. "Let's go, Nathen?" Nilingon ko naman si Lois na nakangiting nag-aya sa akin. Tumango na lamang ako at tipid na ngumiti bago kami sabay na naglakad patungo sa yate. Inalalayan niya pa ako paakyat sa yate bago siiya sumunod sa taas. Sa kubyerta kami ng yate dumiretso kung saan may nakalatag na mga sun lounger. Tatlo lamang ang nakalatag doon at hindi ko naman iniisip na makikisali ako sa kanila kaya nanatili lamang akong nakatayo habang pinapakiramdamdaman ang pagkalayag ng yate. Bago pa makalapit si Lois sa sun lounger na para sa kanya ay huminto na siya sa paglalakad upang balikan ako ng tingin. "Ikaw na ang umupo rito, Nathen," pag-aya ni Lois sa akin. Maagap naman akong umiling. "Hindi na kailangan," pagtanggi ko. "At isa pa'y para sa'yo nakalaan 'yan." "Wala namang kaso sa akin ang umupo sa lapag ng deck," nakangisi niyang sabi. "Or if you're shy, we can share the lounger. Just sit with me. Hindi naman pupwedeng hanggang mamaya na nakatayo riyan." Muli naman akong umiling. "Ayos lang talaga, Lois." Alam kong hindi nagustuhan ni Lois ang aking pagtanggi dahil nawala ang ngisi sa kanyang labi. "Hindi na lang din ako uupo," sabi niya at saka tumayo mula sa lounger. Sasagot pa sana ako nang marinig ko ang munting tawa ni Sabeena. Riley and her are enjoying the view as we get farther and farther away from the surface. Both of his hands are holding on to the bannister of the yatch while he is caging Sabeena in the middle. Ang kanyang baba rin ay nakapatong lamang sa balikat ni Sabeena na ngayo'y panay ang kuha sa mga nakikitang isla sa paligan ng malinaw na dagat ng Cagayan Valley. Iniwas ko naman ang aking tingin sa kanila at saka naglakad na lamang patungo sa likod ng yate. Umupo ako sa lapag at saka pinanood ang paglayo namin sa pampang. If I just could swim back to the land, then I will. I can swim. But the distance from where I am right now to where we departed has a huge difference. Bago pa ako makarating sa gusto kong paroonan ay paniguradong mapapagod na ako sa kakalangoy para lamang makakawala sa mga taong nagbibigay lamang ng sakit sa akin. I'm so jealous... Nagseselos ako sa kasiyahang tinatamasa nilang dalawa. Ay kasabay din ng pagseselos ay ang galit. Naiinis ako sa pagiging 'di makatarungan ng buhay. Bakit sila ang nakakaramdam ng kasiyahan na dapat ay akin ngayon dahil ako ang kanilang sinaktan? Umihip ng malamig na hangin nang mas mabilis ang pagtakbo ng yate. Agad ko namang niyakap ang aking sarili sa lamig na nanunuot sa aking balat. Galing sa mabilis na pag-andar ng yate ay unti-unting bumagal at humina ang tunog ng makina nito. "Sab wants to swim in the middle of the sea." Bago pa ako mataranta dahil baka nasira ang yate ay dumating na si Lois upang umupo sa'king tabi. "Did you bring any swimwear?" he asked me. Itinaas ko naman ang aking dalawang kamay na walang dala. Wala naman kasi sa isip ko ang pagligo lalo na at hindi maganda ang pakiramdam ko. "Tahimik ka ba talaga?" bigla niya namang tanong sa akin. Bahagya akong ngumuso bago tumango. "Wala naman kasi akong masabi," sabi ko na lang. "Pero kahit noon ay hindi naman ako palasalita." "You're the complete opposite of my cousin..." he suddenly said before he averted his gaze from me to the crystal clear water. "Here I come!" rinig kong sigaw ni Sabeena at kasunod no'n ay ang tunog ng tubig, pati na rin ang baritonong tawa ni Riley. "You're quiet, while it's pretty obvious that she's very loud," Lois added. "I admit that she also has a bitchy attitude, while you're to angelic." "Kaya medyo nagulat din ako nang malaman kong ikaw ang pala si Nathen na kanyang ex," sabi niya. "You are so different from what I've imagined. I expected a girl who has the same personality as my cousin, but you're not." "Baka ang katulad lang talaga ng pinsan mo ang gusto ni Riley," sabi ko at nag-iwas na rin ng tingin sa kaniya. "Bata pa kami noon. Kahit nasaktan man ako ng todo, siguro'y tanggap ko na rin na naglaro lang siya noon. Bakit niya naman ako seseryosohin, 'diba? High school pa lamang kami no'n. It's only normal for him to change his standards and meet a new girl that suits his brand new taste... And that is your cousin, Sabeena. He just grew into a man who loves her, from the boy who loves me." It's inevitable that a person or a thing will come and go or stay. Just like how Riley came into my life before and left, while I'm just really unlucky as my feelings for him to stay. Nagulat naman ako nang biglang lumitaw si Sabeena sa aming harapan. Basang-basa siya ngayon at kakaahin palang galing sa dagat. "Nathen, you should go and take a dip, too," sabi niya at saka lumpamit sa akin. "Ang saya lumangoy sa dagat! Sobrang linaw ng tubig!" Nagulat ako nang mahatak niya ako patayo. I didn't know if it was my submissive side as their biddy for today which made me stand as soon as she pulled me up or I was just really weak to stay put while she was acting a force on me. "Wala akong dalang panligo," sabi ko dahil totoo naman. "Come on, it's okay! I have extra clothes that I bought. Bilis na. Maligo ka na," sabi niya at hinatak pa ako patungo sa butas ng banderilya. "Ayoko talaga, Ma'am, saka na lang," pagtanggi ko at nakuha ko nang bawiin ang aking kamay sa kanya. "Oh, come on Nathen! Don't be such a killjoy," sabi naman niya at muli akong hinatak papalapit sa dulo. "Sab, stop it," dinig ko naman sabi ni Lois. "Hayaan mo siya, kung ayaw niya." Muli sana akong aatras nang muli akong itinulak ni Sabeena papunta sa tubig. Nawala ang aking balanse at bago pa tuluyang mahulog ay naramdaman ko ang pagtama ng aking binti sa hagdang bakal ng yate dahilan kung bakit ako napadaing sa ilalim ng tubig at nakalunok ng tubig. "Go, Nathen!" rinig ko pang sigaw ni Sabeena nang subukan kong makaahon sa pagkakalubog. Nang maramdaman ko ang sakit ng aking binti sa pagkakatama sa bakal ay hindi ko na maiayos ang aking pagpadyak upang makalangoy. I waved my hand that was still feeling the air from the surface while my face's already drowning, hoping that someone will save me, instead of just watching me drown to death. Hindi pa nagtagal ay agad ko nang naramdaman ang pagpulupot ng braso sa aking baywang at ang pag-angat ko sa tubig. Nang makahagip ng hangin ang aking mukha ay agad akong huminga ng malalim at iniubo palabas ang tubig na aking nainom. Sobrang sakit ng aking ilong nang dahil sa nakapasok na tubig. "Are you okay?" Bahagya kong nilingon ang sumagip sa akin at kita ko ang nag-aalalang itsura ni Lois. What do I expect? Of course, Lois will be the one who'll save me. It can't be Riley. It's impossible. Dala ng takot ay napakapit na lamang ako ng mahigpit kay Lois at hindi na nag-abala pang sumagot habang lumalangoy siya patungo sa hagdang bakal sa may yate upang maialis ako sa tubig. Binuhat niya ako papaupo sa may yate bago niya walang kahirap-hirap na inangat ang sarili. Nilingon ko ang gawi ng magkasintahan. Si Sabeena ay nakakapit lamang sa braso ni Riley habang blangko ang kanyang mukha na may halong pag-aalala at nakatingin sa akin. Inilipat ko ang tingin ko kay Riley na nakatitig lamang sa akin at parang wala man lang pakialam sa nangyari sa akin. Iniwas ko na lamang ang aking tingin sa kanilang dalawa. He doesn't really care about me. Hindi man lang siya dumalo upang tulungan ako. "I'm really sorry, Nathen," dinig ko ang paghingi ng paumanhin ni Sabeena. "I thought you know how to swim." "Shut up, Sab," Lois growled at her before turning to me with a concerned look. His eyes travelled down to my body and it stopped at the affected part of my leg that's immediately turning green to violet. "I really don't know that she doesn't know how to swim!" giit ni Sabeena. "She does," pagsingit naman ni Riley ngunit hindi ko na siya inabala pang tignan. Marahang hinaplos ni Lois ang aking namumuong pasa bago umigting ang kanyang panga. "Tumama ang binti niya sa bakal kaya hindi siya nakalangoy," sabi ni Lois at nag-angat ng tingin sa kinaroroonan ng pinsan. Kitang-kita ko ang pagdilim ng mga mata ni Lois. Habol-habol niya rin ang kanyang paghinga, nang dahil siguro sa kanyang pagsagip sa akin kinana. "Why do you have to f**k!ng act carelessly, Sab?!" he raised his voice to his cousin. "Don't shout at Sab, Lois," pagtanggol naman ni Riley sa kanya at napapikit na lamang ako. "She didn't mean to. Hindi naman niya sinasadya." "Nathen almost drowed!" giit ni Lois. "But she didn't," agap namang sabi ni Riley. "It's all done now. Don't point finger at Sabeena anymore. She said she's sorry. Hindi pa ba sapat 'yon?" Sobrang diin ng pagkakagat ko sa aking labi at halos mapadugo ko na ito. Hindi ako makapaniwala... My life was already at stake but he chose to take the side of his wrong girlfriend. Gaano niya ba kamahal ito at nakukuha niya pang ipagtanggol sa kamaliang ipinakita nito? "I'm sorry, Nathen..." narinig ko ang muling paghingi ng paumanhin ni Sabeena. Isang malutong na mura lamang ang pinakawalan ni Lois pagkatapos humingi ng tawad ni Sabeena, bago siya lumingon sa akin. Ang kanyang madilim na paningin ay agad kumalma nang ibaling sa'kin. "I'll carry you to the lounger," paalam niya sa akin bago sinikop ang aking binti at pinasada ang kamay patungong braso sa ilalim ng aking tuhod. Nang marahan niya namang pinadausdos ang kanyang kamay sa aking leeg, papunta sa kanyang braso ay muli siyang napatigil sa pag-angat. "Ang init mo," sabi niya sabay lingon sa akin. "May sinat ako kagabi," sabi ko. He let out a soft curse again before he carefully lifting me up. "You have a fever. You're burning," he said. "Pagkatapos ay nabasa ka pa at muling matutuyo. Tangina, Nathen, binabaliw mo ako sa pag-aalala." "Pasensya na..." iyon na lamang ang tanging nasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD