During our lunch break, the whole squad was gloomy because someone was missing from our circle. Si Keanna ay nakasandal lamang sa aking balikat habang nakatitig sa kawalan. Ang dalawang lalaki naman ay tahimik lang din habang patuloy sa pagkain.
Napabalik naman ang tingin ko kay Jethro nang bumuntong hininga siya. He's staring straight at Keanna, while Keanna's still wandering nowhere and still lost in her own thoughts.
"Magiging ganito na lang ba tayo magmula ngayon?" hindi na niya napigilang tanungin.
That's what I've been wanting to say. Pero dala na rin ng kalungkutan sa biglang pag-alis ni Erin ng Cagayan Valley upang tumungo ng Norte at doon na manirahan ay nawalan na rin ako ng lakas para magsalita pa.
Sobrang bilis din ng kanyang pag-alis na hindi man lang kami nakapag-paalam sa kaniya. We just woke up earlier with a chat in our group chat that she's already at the Tuguegarao airport, on her way to Norte. She would not come back and continue her studies there.
"Ang lungkot lang kasi..." dahilan naman ni Keanna at saka umayos ng pagkakaupo. "Hindi ako sanay na wala si Erin. Parang may kulang."
"Mangyayari at mangyayari rin naman 'yon," pagsingit naman ni Danzel. "After we graduate, ang iba sa'tin ay mag-No-Norte para roon na mag-aral. Ang iba naman ay maiiwan dito sa Cagayan Valley at dito magpapatuloy ng kolehiyo. Nauna lang naman si Erin, pero ganito rin naman ang kahihinatnan natin."
"Bakit ba napakasimple mong tumingin sa mga bagay-bagay, Danzel?" tanong naman ni Keanna kay Danzel at nahimigan ko na ang kaunting inis sa kanyang boses.
Danzel has always been like that. He doesn't take things to seriously. Bihira ko lang din siyang magpakita ng emosyon. He's always stoic. Para bang wala siyang pakiaalam sa mga nangyayari sa paligid niya.
"Kung iisipin ko lang naman kasi nang iisipin, wala namang magandang idudulot sa'kin 'yon," dahilan niya. "I'd rather live my life free of worries."
Muli namang sumandal si Keanna sa aking balikat. Kumapit siya sa aking braso.
"Nat, ligo na tayo sa may ilog ngayon, please..." malambing niyang pag-aya sa'kin. "Para sumaya-saya man lang tayo ngayon."
Bahagya ko naman siyang nilingon saka tumango. "Sige. Maliligo tayo ngayon sa may ilog," pagpayag ko.
Napaupo naman siya muli ng maayos at saka ako nilingon. Ngayon ay ngiting-ngiti naman siya dahil sa pagpayag ko. "Talaga?" paninigurado niya.
Nakangiting tumango naman ako sa kaniya. "Oo nga."
At dahil magkatabi kami sa klase, kitang-kita ko na ang mga pagkain na lang na bibilhin namin sa sari-sari store ang pinagkaka-abalahang isulat ni Keanna sa kanyang notebook, kaysa ang mga sinusulat ng guro namin sa blackboard.
Danzel and Jethro are already waiting outside of our room when our last class for the day ended.
"Paano 'yan? Wala naman tayong dalang panligo o pamalit," nag-aalalang tanong ni Jethro nang palabas na kami ng paaralan.
"Madadaanan naman natin 'yong ukay-ukay," sabi naman ni Keanna at talagang walang makakapigil sa kanya sa paglangoy sa may ilog. "Mura lang ang mga damit doon."
Nagtaas naman ng kilay si Jethro sa kanya. "Parang ang dami mong pera, Keanna, ah."
"Hindi naman ako ang maraming pera kundi si Danzel," natatawang sabi ni Keanna sabay kapit sa braso ni Danzel.
Napailing na lamang si Danzel saka bahagyang inalog ang kanyang braso kaya naman bumitaw na si Keanna.
"Pautang na lang pre!" Sabay akbay naman ni Jethro kay Danzel. "Babayaran ko. Bente bawat araw."
Bumuntong hininga naman si Danzel. "I'll pay for our foods," sabi niya. "Kayo na sa damit niyo."
Agad namang nagdiwang sina Keanna at Jethro habang ako'y napangiti na lamang habang patuloy kami sa paglalakad.
Napatigil lamang ako nang makita si Kuya Nixon na nakikipag-usapan sa Mamang nagtitinda ng fishball. Nanlaki ang aking mga mata nang maalala kong susunduin niya nga pala ako ngayon.
"Nathen, tara na!" pagtawag sa akin ni Jethro nang pumara na sila ng tricycle para makapunta sa bayan at bilhin ang mga kailangan namin.
"Sandali lang!" sigaw ko naman pabalik saka tinakbo ang distansya na naglalayo sa'min ni Kuya Nixon.
"Nathen, ano ba 'yan?" Dinig ko pang reklamo ni Keanna na mukhang nakasunod sa'kin dahil sa lapit ng kanyang boses.
Siguro'y nadinig ni Kuya Nixon ang pagtawag ni Keanna sa aking pangalan na dahilan kung bakit niya nilingon ang aking gawi. Agad naman siyang naglakad patungo sa'kin at saka ako inakbayan.
"Tapos na ang klase mo?" tanong niya sa'kin.
Ngumuso naman ako saka tumango. "Pero, Kuya, aalis kami ngayon ng mga kaibigan ko," halos pabulong kong sabi. "Maliligo kami sa may ilog."
Napataas naman ang kanyang kilay bago namin nilingon ang mga kaibigan ko. Si Danzel ay nandoon pa rin sa may tricycle na kanilang tinawag habang si Jethro ay papalapit na rin sa'min ni Keanna.
"Sila ba ang mga kaibigan mo?" nakangiting tanong sa'kin ni Kuya Nixon.
Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Keanna habang pabalik-balik ang kanyang tingin sa'ming dalawa ni Kuya Nixon.
"Nathen..." tawag sa'kin ni Jethro na mayroon ding mapangutyang tingin. "Sino siya?" tukoy niya kay Kuya Nixon.
"Uh..." Iniharap ko naman ng maayos si Kuya Nixon sa kanilang dalawa. "Si Kuya Nixon, pinsan ko. Dati rin siyang taga Cagayan Valley pero lunipat sila ng Norte," pakilala ko naman kay Kuya Nixon sa mga kaibigan ko.
Agad naman siyang pinaunlakan ng bati nina Jethro at Keanna. Pinalapit din nila si Danzel upang makilala at mabati ang aking pinsan.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ni Kuya Nixon matapos ng pagkakakilanlanan.
"Maliligo kami ngayon sa may ilog malapit sa bayan, Kuya," sabi ko naman.
"Sa Rio Grande?" tanong ni Kuya Nixon at tila naman biglang napaisip nang tumango kami.
"Kung gusto mo, Kuya Nixon, sumama ka sa amin," pag-aya naman sa kanya ni Keanna. "Kung wala kang damit pamalit o panligo, bibili naman kami sa may ukay-ukay sa bayan. Sagot din ni Danzel ang pagkain."
Bahagyan namang napahalakhak si Kuya Nixon. "Sa paraan ng pag-aya mo ay parang wala akong pwedeng maging desisyon kundi ang sumama," sabi niya. "Pero sige. Lalo na at kasama si Nathen, kailangan kong sumama. At saka, ako na lang din ang bilili ng pagkain. Ayos lang ba, Danzel?" nilingon ni Kuya Nixon si Danzel.
Tahimik namang tumango ang kaibigan ko na bihira lamang talaga magpakita ng reaksyon. Muli namang nagdiwang sina Jethro at Keanna na hayok na hayok pagdating sa libre.
Dalawang tricycle ang sinakyan namin patungo sa bayan. Hindi naman kami gaanong tumagal sa pamimili ng pagkain at ng damit sa ukay-ukay. Pagkatapos ay tinungo na namin ang Rio Grande. Mabuti na lang at kakaunti lang ang naliligo sa ilog sa kadahilanang may mga pasok ngayon at kinabukasan.
Nagpalit kami ni Keanna ng aming uniporme sa pampublikong palitan ng damit na nilagay ng gobyerno sa aming bayan para sa mga maliligo sa ilog. Sinuot ko na ang nabili kong tank top saka ang cycling na hanggang gitna ng aking hita at gaboon din si Keanna.
Nang matapos kami ay nakapagpalit na rin ang mga lalaki ng kanilang pambaba at walana silang suot na pangtaas.
"Ang gwapo gwapo talaga ng pinsan mo, Nathen," kinikilig na pagbulong sa'kin ni Keanna habang pinapanood aking pinsan na nakikipagtawanan sa aming mga kaibigan.
Hindi ko naman na itatangging guwapo talaga si Kuya Nixon at kitang-kita na mayroon pang magandang pangangatawan. Sa lalim pa lang ng kanyang mga mata na kapag tinignan mo ay aakalain mong dinadaka ka sa kanyang mundo.
"May girlfriend ba ang pinsan mo?" tanong niya sa akin.
Nangingiti naman akong lumingon kay Keanna at mukhang tipo niya ang aking pinsan.
"Hindi ko alam, Keana," sagot ko sa kanya. "Subukan mo kaya siyang tanungin. Mabait naman si Kuya Nixon."
"Ayoko nga!" agad niyang pagtanggi. "Baka akalain niya gusto ko siya," sabi niya at nakuha pang humalukipkip.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Bakit, hindi ba?"
Unti-unti niya namang binaba ang braso niyang nakahalukipkip bago nahihiyang ngumiti. " Hindi naman sa ganoon..."
Natawa naman ako sa kanya at kakantiyawan ko sana siya ng pang-iinis ngunit nagulat na lamang ako nang makalapit na si Jethro sa amin at inakbayan si Keanna.
"Ang hilig niyong magsolo na dalawa!" sabi ni Jethro at saka ginulo ang buhok ni Keanna.
"Ano ba, Jethro?!" reklamo nanman ni Keanna at saka siniko si Jethro para layuan siya.
Nang bahagyang napadaing si Jethro sa siko ni Keanna ay inayos nito ang kanyang nagulong buhok.
"Mukhang nagpapaganda ka, ah?" mapanghinalang tanong ni Jethro sabay sulyap ng tingin sa aking pinsan na kausap si Danzel.
"Hindi, ah!" pagdepensa ni Keanna. "Mukhang tanga 'tong si Jethro!"
"Iyang ganiyang reaksyon mo ay mas lalong nagpapakita ng katotohanan, Keanna Amelie," sabi naman ni Jethro. "Sa tinagal-tagal nating magkasama, tingin mo hindi kita kilala?"
Umirap naman si Keanna saka nagpatuloy sa paglalakad. "Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Basta sa akin hindi ko pa nakikita at nakikilala ang aking 'the one'."
"Weh! Hindi pa daw pero ayan na siya oh! Pupuntahan niya na, oh!" mapang-inis naman na pagkantiyaw ni Jethro.
Bago pa makalayo ng tuluyan si Keanna ay mabilis niyang inihagis ang kanyang tsinelas kay Jethro ngunit agad naman itong nakailag.
Natawa naman si Jethro saka pinulot ang tsinelas ni Keanna. Nakabusangot si Keanna nang kanyang lapitan. Nag-iskwat naman si Jethro sa harapan ni Keanna para isuot nito ang tsinelas na inihagis.
Napangiti naman ako habang pinapanood ang aking dalawang kaibigan. If I don't know that they're just really close to each other, I would assume that they have feelings for each other. Pero magkaibigan lang talaga ang turing nila sa isa't isa. And besides, Keanna likes to explore when it comes to men.
Manghang-mangha naman ako nang makitang tumalon si Danzel mula sa kawayang tulay, patungo sa ilog. He even made one flip before dropping at the surface of the water.
Pumalakpak naman si Keanna na nakasakay sa balsa dahil hindi siya gano'n karunong lumangoy pero gustong-gusto niya ang maligo sa ilog. Kaya niya namang magpalutang ngunit sandali lang dahil hinihingal siya kaagad. Ngunit kahit naman gano'n ay kumakapit siya sa balsa habang lumalangoy. Pero ngayon ay parang ayaw niyang bumaba dahil kasama niya si Kuya Nixon.
"Gusto ko ring subukan!" sabi ko naman at saka lumangoy patungo sa ginawang hagdan na nakakonekta sa lupa mula sa ilog para maingat ko ang aking sarili.
"Are you crazy, Nat?" tanong ni Danzel sa'kin na para bang nagbibiro ako.
"Nathen, pag may nangyaring masama sa'yo, ako ang pagagalitan ni Tita!" paalala naman ng aking pinsan.
"Go, Nathen!" sabay na sigaw ni Keanna at Jethro na taliwas sa pangambang pinapakita nina Danzel at Kuya Nixon.
Hindi pa ako nakakaakyat ng tuluyan sa may kawayang tulay nang agad akong pinigilan ni Danzel. Hawak-hawak niya ang aking braso ng nilingon ko siya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa'kin at saka umiling.
"It's dangerous," he told me as a warning. "Medyo mataas ang tulay. Baka mamali ka ng bagsak. Masakit 'yun sa katawan."
I gave him a smile as an assurance. "Tatalon lang ako. Hindi ko naman gagawin ang ginawa mong paikot."
"I'll jump with you, then," he said before his hand traveled down from my arm to my hand.
Inalalayan niya ako paakyat sa kawayang tulay. Nang makarating sa tamang puwesto ay binitawan niya na ang aking kamay.
Nagdadalawang isip pa ako nang sinilip ko ang aming babagsakan. Gumapang ang kaba sa aking dibdib habang tinitignan ang taas mula rito sa may tulay.
Will I still jump?
I'm not afraid of heights, pero habang iniisip ko ang taas na pagmumulam ng pagkabagsak ko ay medyo natakot ako.
"Just tell me when you change your mind," dinig ko namang sabi ni Danzel.
Tinignan ko naman siya at nagulat ako nang makita siyang nakangisi. He really loves thrills and extremes that it can make him show an emotion.
"Tatalon ako!" desidido kong sabi at muling nagsigawan sina Keanna at Jethro.
"Take my hand," sabi niya at inilahad sa akin ang kanyang kamay.
Tinignan ko naman ang kanyang kamay bago nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Diretso lamang ang tingin niya sa tubig na aming babagsakan.
"Come on, Nathen. I know you're slightly scared and it's okay since it's your first time," sabi niya naman at saka lumingon sa'kin. "I'll jump with you."
Ngumiti naman ako kay Danzel at saka ibinigay ang aking kamay sa kanyang palad na nakalahad.
"On the count of three, we will jump," he said.
Sabay kaming dalawang bumilang ngunit ng nasa pangalawa na kami ay napatili ako nang bigla akong buhatin ni Danzel.
"Danzel!" tili ko at hinampas ko ang kanyang braso.
Bahagyang napaawang ang aking labi nang humalakhak siya bago ako tinignan. His face is showing so much expression that it made my heart warm. Hope he always smile like this.
"Three!" Danzel chanted alone before he jumped while carrying me.
I just pursed my lips and closed my eyes as my grip to his nape tightened.
Pagkabagsak na pagkabagsak namin sa tubig ay agad kong naramdaman ang pag-angat sa akin ni Danzel mula sa pagkakalubog para agad akong lumutang.
Ngiting-ngiti naman kaming nagkatinginan ni Danzel nang parehas kaming makaahon mula sa pagkakalubog.
Nang mapagod na sa kakalangoy ay umahon na kami upang magpatuyo habang kumakain. Tanging ang tawanan lamang namin, ang pagkaluskos ng dahon sa mga halaman at puno, at pati na rin ang pag-agos ng tubig ang tanging naririnig namin.
Before we left to go home, we took pictures using Keanna's phone as well as Danzel's. Ang sabi ni Keanna ay i-uupload niya raw 'yon. Kahit naging malungkot ang simula ng aming araw ay nagawa pa rin naming maging masaya.
I realized that feeling happiness depends on whenever you finally let go of the loneliness you're feeling. Kung mapatuloy mo pa ring aakuin ang lungkot ay hindi ka makakaramdam ng kasiyahan, ngunit kapag pinakawalan mo naman ito ay maging masaya ka ng tuluyan.
Pagkauwi sa bahay ay naguna na si Kuya Nixon sa paglilinis ng kanyang katawan habang ako'y nagdesiyon na pumunta muna sa may kubo, dala-dala ang aking cellphone para makita kung naka-online ba si Riley upang maikwento ko ang mga nangyari ngayong araw. But I failed to find him online. Ang bumungad sa'kin ay ang mga missed calls niya sa aming conversation at may isa pang chat sa pagitan ng mga pagsubok niya sa pagtawag.
Riley James Palermo
Nasaan ka, Nathen?
Iyan lamang ang mensahe na natanggap ko sa kanya.
Agad naman akong nagtipa ng aking mensahe pabalik sa kanya.
Nathen Abrial Torrano
Kakauwi ko lang. Naligo kami sa ilog. Sobrang saya!
Naghintay pa ako ng mensahe sa kanya at nagbabaka-sakaling muli siyang magbukas ngunit nakalipas na ang trenta minuto ay hindi siya nag-online. Tinawag na ako ni Kuya Nixon para makapaglinis na rin ako ng katawan.
Muli akong nagtipa ng mensahe sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob.
Nathen Abrial Torrano
Bukas na lang tayo mag-usap. Kailangan ko nang pumasok sa loob ng bahay. Di na kita mahihintay. May mga gagawin pa akong takdang-aralin. Mag-iingat ka diyan.
Ngumiti naman ako nang maipadala ko ang mensahe bago pinatay ang data at saka tumakbo sa buhangin pabalik sa aminh tahanan.