"Nathen..."
Nawala ang natitirang sinag galing sa paglubog ng araw na nakatama sa akin nang may tumayo sa aking harapan. Tanging ang dilim lamang ng kanyang anino ang bumalot sa akin, ngunit kahit ganoon ay may nakakatakas pa ring liwanag.
Unti-unting nag-angat ang aking tingin mula sa aking tangan na cellphone patungo kay Kuua Nixon na hindi ko masyadong makita. Only his dark silhoutte was visible to my eyes as he was covering the setting sun's rays.
"Kanina ka pa nandito," pagpuna niya. "Pumasok ka na sa loob ng bahay at nakapagluto na ng hapunan si Tita."
Wala kaming klase ngayon dahil Sabado at wala akong ginawa kundi ang manatili rito sa dalampasigan. Bumabalik lamang ako ng bahay para i-charhe ang cellphone kapag malapit na itong mamatay. Hinihintay ko na baka mag-online si Riley dahil dalawang araw na ang nakalipas mula noong huling chat niya na hindi ko pa nasagot dahil sa pagligo naman sa Rio Grande.
Nakailang padala rin ako ng mensahe sa kanya kahapon at pati na rin ngayon, ngunit hindi pa rin siya sumasagot.
I was scared and worried for Riley, at the same time. Nag-aalala ako dahil baka mayroong nangyari sa kanya na dahilan kung bakit hindinl siya nakakapagbukas ng Messenger o kahit sa Skype upang makausap ako. Hindi ako mapakali lalo na't iniisip ko ang mga possibleng nangyari.
"Ayos lang ako, Kuya Nixon," sabi ko naman. "Hindi pa po ako gutom."
"Hindi ko ako maloloko, Nat," aniya. "Hindi mo nga naubos ang pagkain mo kaninang tanghalian at hindi ka rin kumain ng meryenda gaya ng nakasanayan mo."
Kinagat ko na lamang ang aking pang-inabang labi at saka muling pinailaw ang aking cellphone upang makita kung may mensage ba akong natanggap galing kay Riley, ngunit muli lamang akong nabigo.
He crounched in front of me to level my gaze that made me see him clearer. Kitang-kita ko na ang kanyang nag-aalalang mga mata na nakatuon sa akin.
"What's your problem, Nat?" he softly asked me. "Ano ba ang gumugulo sa'yo? You're not your usual self."
Kita ko ang pagdapo ng kanyang mga mata sa aking cellphone bago siya muling nag-angat ng tingin sa'kin.
"Nang dahil ba 'to kay Riley?" tanong niya. "Nag-aaway ba kayo?"
Umiling naman ako. "Hindi ko alam, Kuya," sagot ko. "Siguro nga'y nagkariin kami ng 'di pagkakaintindihan noong isang araw pero nagchat naman siya ulit noong makalawa. Madalas naman ay online siya kapag ganitong araw at oras, ngunit ngayon ay hindi."
"Baka naman mayroon lang siyang inaasikasong importante," sabi naman ni Kuya Nixon. "Hindi ba't nag-aaral siya roon? Pagkatapos ay kolehiyo na rin siya. Paniguradong wala siyang oras dahil sa pag-aaral. Huwah kang masiyadong mangamba."
"Natatakot lang ako na baka may masamang nangyari sa kaniya," dahilan ko.
"I'm pretty sure that his mother will tell you if ever he got into any kind of danger," Kuya Nixon said before he smiled. "Lilipas din 'yan. Baka bukas o makalawa ay magkausap na kayo ulit. Just give him time."
Huminga naman ng malalim si Kuya Nixon at saka muling tumayo. Inilahad niya ang kanyang palad upang akayin ako sa pagtayo.
"Let's go inside first," pag-aya niya sa akin.
Huling beses ko pang tinignan ang aking cellphone bago nagpasyang sumama kay Kuya Nixon papasok sa loob ng bahay.
"Tapos mo na ba ang mga assignments mo, Nathen?" tanong sa akin ni Mommy nang magsimula na kaming kumain ng hapunan.
Tumango naman ako. "Natapos ko na po kanina."
"Mabuti naman," ngumiti si Mommy. "At nga pala! Nakausap namin ng Daddy mo ang Mommy ni Riley kanina sa bayan. Pupunta pala siyang England bukas at doon muna siya ng ilang buwan."
Napatigil naman ako sa pagkain at itinuon ang pansin kay Mommy.
"Anong oras daw po ang alis niya?" tanong ko.
"Ang sabi niya'y ala-una ng hapon ay tutulak na siya sa airport patungong Maynila, dahil daw roon ay straight flight. Pagkarating doon ay saka ba-biyahe papuntang England," sagot namam ni Mommy.
Pagkatapos naming kumain ay inabala ko ay inabala ko ang sarili ko sa pag-gawa ng pitong sulat para kay Riley. Bawat sulat ay may nakalagay kung anong araw niya dapat basahin. Mayroong sulat para Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo. Bawat araw ay may basahin siyang sulat ko. Para kahit hindi kami gaanong nagkakausap, basahin niya lang ang sulat ko ay ayos na sa akin.
Alas-diyes ng umaga nang maising ako kinabukasan dahil sa pagpupuyat upang magawa ang pitong liham para kay Riley. Agad naman akong gumayak bago tumungo sa mansion ng mga Palermo gamit ang aking bisikleta.
Pagkarating ko sa kanila ay nakita ko na ang naghihintay na sasakyan. Nasa labas lamang ako ng kanilang matayog na gate dahil hindi naman ito nakabukas. Mabuti na lamang at pinagbuksan ng guard nila na nakakatanda sa akin. Saktong pagkapasok ko ay ang pagkabas ni Tita Norma mula sa kanilang bahay at agad naman niya akong namataan.
"Nathen!" gulat niyang sambit sa aking pangalan at nagmamadaling bumama patungo sa sa akin.
She hugged me and kissed my cheek as soon as she reached me.
"Hindi mo sinabing pupunta ka," sabi niya. "Paano kung hindi mo na ako naabutan?"
"Ang akala ko nga po'y ala-una pa po kayo tutungo sa Manila," sabi ko naman.
"Dadaan muna kasi ako ng resort at may kailangan pang ayusin bago ako tuluyang umalis dahil matagal din akong mawawala," pagpapaliwanag niya.
Bahagyan ko siyang nginitian bago inangat ang dala-dala kong mga sulat. Dumako naman dito ang tingin ni Tita Norma.
"Ipapabigay ko po sana sa inyo para kay Riley," nahihiya kong pakiusap. "Para po kahit sobrang busy niya at wala ng oras makipag-usap sa'kin ay kahit ito man lang po ang basahin niya. Sana po ay maiabot niyo sa kanya."
Her lips slightly parted before a smile formed on her lips. Kinuha niya mula sa'kin ang aking mga sulat.
"Makakaasa kang makakarating ito kay Riley," nakangiting sabi sa'kin ni Tita Norma. "Salamat sa pag-alala sa anak ko, Nathen. Masaya akong may katulad mong nagmamahal sa kanya. Pasensya na kung kailangan niyang malayo dahil sa kagustuhan kong mag-aral siya sa ibang bansa."
Umiling naman ako saka ngumiti. "Naiintindihan ko naman po, Tita. Alam ko pong makakabuti po talaga 'yon para sa kanya."
"Salamat sa pag-intindi," pagpapasalamat niya. "O siya! Kailangan ko pang tumungo sa The Seacoast. Kahit gusto ko pang manatili at makipag-usap sa'yo ay hindi maaari. May oras akong hinahabol."
"Sige lang po! Pasensya na rin po kayo sa abala. Naantala ko pa po ang pag-alis niyo," sabi ko naman.
"You've never been s bother, Nathen. You are a family to me," she assured me with a smile.
Just by talking to Tita Norma, all of my worries and inhibitions faded. Sobrang natutuwa ako kapag sinasabi niyang parte na ako ng kanilang pamilya. Na pamilya ang turing niya sa akin. Pakiramdam ko'y mayroon talaga akong puwang o lugar sa pamilya nila upang maging kaisa nila.
Sino ba naman ang hindi gustong maging maayos ang pakikitungo sa pamilya ng taong mahal mo sa'yo 'di ba?"
I was very lucky that Riley's family had been giving me a lot of attention and love more than what I deserved.
Pagkauwi ko galing sa mga Palermo ay kumain muna ako ng tanghalian bago tumungo sa dalampasigan upang muling maghintay sa pag-oonline ni Riley. Nagbaba kasali akong hindi na siya masyadong busy ngayon at may oras na upang makipag-usap sa akin.
Kaysa sa kubo magpalipas ng oras gaya ng madalas kong ginagawa ay mas pinili kong maupo sa buhangin. Diniretso ko pa ang aking paa kung saan maabot ito ng tubig ang dagat patungo sa pampang.
Napapangiti na lamang ako tuwing nakikita kong parang pinipilit ng dagat na abuti ang aking mga paa. Ngunit pagkatapos din nitong maabot ay umuurong din ito agad pabalik sa kanyang pinaggalingan, habang ang ilang patak ng tubig alat galing sa kanya ay nananatili sa aking balat. Paulit-ulit lamang na ganoon ang nangyayari, ngunit habang lumilipas ang oras at bumababa ang araw upang maghanda sa pagpapaalam ay pahina rin pahina ang alon hanggang sa hindi na ako nito maabot.
Dati napaisip ako kung bakit kailangang maging hati pa ang mundo sa tubig at lupa. Siguro'y kung lupa lamang at hindi gaanong kalaki ang agwat na pinaglayo ng tubig ay mas magiging madali ang pagkakaisa ng buong mundo. Siguro rin ay may pag-asa kong matunton ang landas kung nasaan ngayon si Riley dahil hindi na gaanong kahirap ang paglalakbay patungo sa kanya.
Ngunit syempre ay hindi ganoo ang nais Niya. Ginawa niyang mas malaki ang porsyento ng tubig kaysa aa lupa. Kung mag-iisip ako ng sagot kung bakit iyon ang napagdesisyunan Niyang gawin sa ating mundo, siguro dahil may aral Siyang gusto Niyang ituro upang ating matutunan. Kailangan ay matuto tayong maghintay at magtiwala. Na hindi sa lahat ng oras ay magiging malapit tayo sa taong mahal natin. Kung hindi natin kayang magtiwala para sa taong nawalay lamang sa atin, paano pa kaya sa Kanya na hindi pa natin nakikita?
I think having faith and trust is the lesson that God wants to teach us, that's why He created those big distances with the use of oceans and seas. It is not enough just to have faith, you also need how to trust.
"Danzel, sandali!"
Napakunot ang aking noo at saka napabalikwas sa pagkakaupo sa buhangin nang marinig ko ang boses ni Keanna.
Nilingon ko ang aking likuran at nakitang nandoon sina Danzel, Keanna at Jethro. Napatayo ako sa bumungad na galit ni Danzel habang papalapit sa akin. Hindi ko alam kung para kanino ang galit niya ngunit dahil patungo siya sa akin ay hindi ko maiwasan ang kabahan.
"Danzel, anong ginagawa niyo rito—"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. Nakita ko namang napahinto si Keanna at Jethro na nakalapit na rin sa amin.
Napaawang naman ang aking bibig. "D-Danzel..." nauutal kong pagsambit sa kanyang pangalan. "Ano ka ba? Bakit bigla-bigla kang nangyayakap?" sinubukan ko pang matawa.
"Break up with him, Nathen..." he whispered in my ear. "He doesn't deserve you."
Naramdaman ko ang kanyang pag-iling at mas humigpit pa ang kanyang pagkakayakap.
"A-Ano bang sinasabi mo, Danzel?" naguguluhan kong tanong.
Kanino ako dapat makipaghiwalay? Kay Riley ba?
Unti-unti siyang lumayo mula sa pagkakayakap sa'kin. Tinitigan niya ako na tila tinatantiya ang aking ekspresyon.
"Hindi mo pa ba alam?" tanong niya sa'kin.
"Alam ang alin?" mas lalong gumulo ang aking isipan.
Kumuyom naman ang kanyang panga bago kinuha sa bulsa ang kanyang cellphone. Mabilis siyang nagtipa ng kung ano man bago niya ibinigay sa akin.
"See it for yourself," he said.
Nakakunot noo kong kinuha ang kanyang cellphone. Bumungad sa akin ang thumbnail ng medyo madili na video sa Faceboök. Nang makita ko ang pangalan ni Riley na nakatag sa video ay agad gumapang ang kaba sa aking sistema.
Mabilis kong pinindot ang play upang mapanood ang video na agad kong pinagsisihan.
Kahit medyo madilim, sa pagtama ng iba't ibang kulay ng ilaw at isama na rin ang flash ng camera ay agad kong namukhaaan si Riley. He is dancing with a girl who's wearing a tight red dress that's only up to her mid-thighs. Bawat paghaplos ng kamay ni Riley sa baywang ng babae ay parang nilamutak ang aking puso.
Nagsimula nang magtubig ang aking mga mata habang patuloy na nagpa-play ang video.
Isinukbit ng babae ang kanyang kamay sa batok ni Riley at nakita ko ang kanyang pagngiti habang tinitignan ng diretso ang babae. Idinikit ni Riley ang kanyang noo sa noo ng babae at hindi pa rin naalis ang ngiti sa kanyang labi.
"Kiss!" I heard the girl who's holding the camere chanting and it was followed by the other people who were behind the camera.
Gumalaw ang labi ni Riley na tila may sinabi sa babae na hindi ko narinig dahil sa layo ng camera, sa ingay ng mga tao at pari na rin sa musikang tumutugtog.
Nanginginig ang aking pagkakahawak sa cellphone habang pinapanood silang dalawa. At nang lumapat na ang labi no Riley sa labi ng babae ay tumulo na aking luha.
"Nathen..." narinig ko ang marahan na pagtawag sa'kin ni Keanna at saka lumapit upang yakapin ako.
Hindi nagtapos ang kanilang halik sa simpleng paglapat lamang. Kita ko itong lumalim nang lumalim at mas naging mapusok. Riley kissed the girl so hungrily like he was starving, and the only way to suffice his hunger was to kiss her lips.
"That's enough," biglang sabi ni Danzel at inagaw na sa'kin ang kanyang cellphone.
Para akong nanghina sa akong napanood at kahit yakap-yakap ako ni Keanna ay bumagsak pa rin ako paupo sa bungahin. Agad din namang binagsak ni Keanna ang kanyang sarili upang muli akong yakapin at damayan sa aking paghihinagpis.
Paano niya nagawa sa'kin 'yon? I'm doing my best to be faithful! I'm doing my best to keep my trust that I've honed so hard to give him but he just broke it like that!
Ang malabot na paghalik niya sa babaeng kasayaw niya ay nagawang sirain at tibagin ang matayog na tiwalang binuo ko para sa kanya. God knows what happened next after that fiery kiss. TANGINA...
Kaya ba hindi niya na ako magawang kausapin o kahit kamustuhan man lang? Dahil mayroon na siyang iba? Dahil nakahanap na siya ng magpapasaya sa kanya habang wala ako?
Unti-unti namang lumuhod si Danzel sa aking harapan. Mula sa pagkakayakap ni Keanna ay nagawa niya akong agawin at siya ang bumalot sa akin ng maiinit at mahigpit na yakap.
"Sshh..." pagtahan niya sa akin. "Nandito lang ako, Nathen."
Kinagat ko naman ang aking labi ngunit lumabas pa rin ang aking hikbi kaya naman ibinaon ko na ang aking mukha sa kanyang dibdib. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol nang mas higpitan pa niya ang pagkakayakap sa'kin.
We lost. Natalo kami sa hamon ng distansya. Natalo kami dahil iba na amg nilalaro niya. He left me hanging at the final wave of our game to leave me for some other game that might be more interesting.
Hindi ko napansin na habang mas nagliliyab pa ang apoy ng aking pagmamahal, sa kanya ay unti-unti nang humihina at isang ihip lang ang ginawa ng temptasyon ay tuluyang nang namatay at nawala. I guess our love was more swallow than I thought...
Our love wasn't a fire, but just a spark.