Alas-siyete na ng magpasya akong bumalik sa bahay dahil masyado nang malamig ang ihip ng hangin galing sa dagat.
Pinatay ko ang ilaw na nakasabit sa pagkabilang puno kung saan nakatali ang duyan bago sinikop ang aking mga gamit at bumalik sa bahay.
Napatigil ako sa paglalakad at muling tinignan ang aking cellphone. Napataas ako ng kilay nang makita kong umabot ng bente ang tawag sa akin ni Riley at may kasama pang mga mensahe.
Hindi ko na ito pinagkaabalahan pang basahin at ibinalik sa aking bulsa bago nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkapasok ko sa kusina para kumain ng dinner ay nagulat ako nang madatnan ko ang nagtatawan na sina Mommy at Riley. Humula lang ito nang makita nila akong dalawa.
"Ayan na pala si Nathen!" Tuwang-tuwa si Mommy nang masilayan ako. "Mga kalahating oras na rin dito sa bahay si Riley. Ayaw ka niyanv ipatawag nang makita ka niyang nag-aaral sa may dalampasigan."
Dumako ang mata ko sa pagkain na nasa kanyang harapan. Mga kalahating oras na siya dito sa amin ngunit wala pa sa kalahati ang kanyang nababawas sa pagkaing inihain sa kanya ni Mommy.
Hindi mapigilan ang pagsiklab ng aking iritasyon na unti-unting nagiging galit.
Of course... Why would he eat dinner that my Mom served him if he already ate? At 'di hamak na mas masasarap pa ang mga putaheng inihain sa kanya ng mga magulang ni Freya kanina. Paniguradong nabusog na siya roon.
"Samahan at sabayan mo nang kumain si Riley," pag-aya ni Mommy. "Madami pang kanin sa kaldero at maghiwa ka rin ng mansanas para kahit papaano'y may panghimagas kayo."
Nakatingin pa rin ako sa pagkaing nakahain kay Riley. Nanghihinayang ako sa pagkaing halos 'di niya naman magalaw.
"Doon muna ako sa kuwarto sa taas at aayusin ko pa ang ibang kalat. Baka magalit ang Daddy mo pagdating niya bukas," paalam niya at iniwan na kaming dalawa ni Riley sa kusina.
Napabuntong hininga naman ako. Paniguradong alam na ni Riley ang pagdating ni Daddy ditp kinabukasan at sigurado rin akong naaya na siya ni Mommy na makisalo sa hapunan na lulutuin niya bukas.
Dumiretso na ako sa hapagkainan pagkakuha ko plato at kubyertos.
"Bakit ka nandito?" malamig kong tanong habang nagsasandok ng kanin. "Sabi ko sa'yo ay huwag ka nang pumunta."
"You weren't answering my calls nor answering my text messages. Talagang pupunta ako dito. I'm worried na baka may nangyari sa'yo. Hindi ka nakapagtext sa akin na nakauwi ka na kanina," he explained. "You told me you'd text me but you didn't."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at huminga ng malalim. Kita ko ang titig niyang tinatantiya ako. I can see that he's having a hard time in figuring me out right now. I hate how he looks so innocent while I'm so frustrated in trying to hold my raging anger. Parang wala siyang kasalanan na ikakagalit ko. Parang naiinis ako nang walang dahilan.
"I forgot," sabi ko na lang at nagkibit-balikat. "Nag-aaral din ako. Nawala sa isip ko."
Tumango naman siya. "I saw that you were studying. I'm glad you were," sabi niya at mukhang naiintindihan kubg bakit hindi ako nakapagpadala ng mensahe.
"Kailangan kong mag-aral," sabi ko at sumubo ng pagkain.
"Alam ko... Lalo na't dadating na ang Daddy mo 'di ba? Bukas ang dating niya," sabi niya naman. "Your Mom invited me to eat dinner here tommorow. I said, yes. I want to meet your Dad."
Sabi na at tama ang aking hinala. Naaya na nga siya ni Mommy na dito sa amin kumain bukas.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo tuwing hapunan? Parang palagi kang wala," sarkastiko kung sabi ngunit tumawa lamang siya.
"Mom wouldn't mind," he said. "Alam niya namang nandito ako aa inyo kaya ayos lang sa kanya."
Hinawakan niyang muli ang kubyertos dahilan kung bakit ako muling napatinhin sa kanyang pagkain.
"Hindi ka na dapat nagpahain ng pagkain mo kung hindi mo naman kayang kainin." Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagpuna.
Muli naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. Tipid siyang ngumiti.
"Your Mom wants to. Nakakahiyang tumanggi. Kaya ko namang ubusin," sabi niya.
"Hindi naman masamang tumangi kung hindi mo kaya o kung ayaw mo. Wala namang pipilit sa'yo," sabi ko naman at saka nag-iwas ng tingin sa kanya.
I don't want to sound bitter I am! I can't help but to be bitter because of my insecurities that's eating me up.
"Where is that sudden sarcasm and coldness coming from, Nathen?" he asked, slightly irritated.
Bumuntong hininga naman ako at muling nag-angat ng tingin sa kanya.
"I'm just stating something that will benefit you," sabi ko na lang. "Alam ko namang busog ka dahil nagdinner ka na kila Freya. Sayang lang ang pagkain namin kung hindi ko naman mauubos."
Bahagyang kumunot ang kanyang noo ngunit agad din itong umayos nang sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo? Wala namang dapat ikatuwa," masungit kong sabi at inirapan siya.
"Well I don't want you to be cold but is it wrong for me to be happy if you are jealous?" he calmly asked.
Muntik na akong mabulunan sa kanyang sinabi. So he already concluded that I am jealous?
"I am not jealous, Riley," simpleng sabi ko.
"You don't have to deny it, Nathen. It's written all over your face and hidden under your cold and sarcastic words," he said. "Not that there is something to be jealous of. Wala naman. Kinailangan na kasi niyang umuwi kaya doon na kami sa bahay nila gumawa. Mabilis lang 'yon pero hindi ako pinaalis ng Mommy niya hangga't 'di ako kumakain."
"Okay lang, Riley. Kahit naman maging kayo ay okay lang din sa'kin," pabalang kong sabi.
Agad na dumilim ang kanyang tingin at umigting ang kanyang panga.
"Come again?" sabi niya na parang hindi naintindihan ang aking binitawang salita.
"Ang sabi ko, okay lang kahit maging kayo pa," ulit ko naman. "Okay lang sa akin."
"That's bullshit, Nathen." Bahagyang tumaad ang tono ng kanyang boses at napasulyap naman ako sa bukana ng kusina dahil baka marinig ni Mommy.
"Huwag ka ngang magmura."
"You're making me mad," mariin niyang sabi. "It is not okay. It shouldn't be okay for you! I feel like I'm nothing to you!"
Napaawang ang aking bibig. Hindi 'yon ang gusto kong iparating at nasasaktan ako dahil 'yon ang iniisip niya. Siya nga ang iniisip ko. Hindi ako nababagay sa kanya. Iniisip kong marami pang mas deserving para sa kanya kaysa sa akin. I can settle for someone else below his average but I know he shouldn't be settling with someone like me.
"I'm not blind not to see with whom you belong and someone who deserves you," I tried to argue.
"And who is it then?" paghamon niya sa akin.
"Someone like Freya," sagot ko naman. "Isang babaeng katulad niya na may maipagmamalaki sa buhay. Iyong may kaya. Iyong may maipangtatapat sa pamilya niyo. Not with someone like me who can't give you anything. Iyong katulad kong halos lahat ay kabaliktaran ng isang bababeng nababay sa'yo."
"You may not be blind but your vision seem so blurry," he said. "What you are seeing is hazy. Baka gusto mong linawin ang paningin mo at makita mong ikaw ang nag-iisang babaeng tumutugma sa lahat ng depinisyon ng katangian ng babaeng nababagay at nararapat sa akin."
He frustratedly messed up his hair as he took a deep breath.
"Nathen, you don't have to feel insecure all the time." He sighed trying to make me understand what he wanted to tell me. "I love you. I love you because I was able to see something in you that I can't find in other girls. You're the only one who can manage to open the lock of my heart which you didn't even try to unlock. Isn't that enough to put all those insecurities away?"
With those words, Riley managed to quench the fire of insecurities burning my whole being.
But I don't want to lose my insecurities just because I have him. I want to prove something that I can do myself. Hindi dahil mahal ako ni Riley Palermo ay ayos na. Kailangan ay may mapatunayan din ako para mawala ng tunay ang panliliit ko sa naglalakihang tao na nakapaligid sa aming dalawa. Lalong-lalo na sa pamilya niya.
"I bought some wine. Kinuha ko lang ito sa cellar sa bahay. Okay na kaya 'to? Tingin mo magugustuhan ng Daddy mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Riley at pinakita ang mamahaling brand ng wine na naka-box pa.
Katatapos lang ng aming klase para sa buong araw at patungo na kami ngayon sa aming bahay gamit ang kanilang sasakyan.
"Hindi mo naman na kailangan pang mafmg-abala pero paniguradong magugustuhan 'yan ni Daddy," nakangiting sabi ko sa kanya. "Mahilig mag-inuman si Daddy at ang mga kumpare niya sa dalampasigan. Maiinom nila 'yan panigurado."
Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag sa aking sinabi. "That's good thing then."
Nagpakwento siya sa aking kung anu-ano ang madalas gawin ni Daddy at kung ano ang naging trabaho nito sa Qatar. Natutuwa ako dahil gusto niya talagang makilala si Daddy.
Dinig na dinig ang isang baritonong tawa sa labas ng bahay dahil sa pagtawa ni Daddy. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. I missed him.
Agad na napatingin si Mommy sa amin ni Riley nang buksan ako ang pintuan ng bahay. Malaking ngiti agad ang kanyang iginawad.
"Oh nandito na pala ang dalawa!" anunsyo ni Mommy at napapalakpak pa sa sobrang tuwa. "Sandali at aayusin ko na ang mga pagkain sa lamesa."
Nakakunot ang noo ni Daddy nang lingunin kaming dalawa ni Riley bago napataas ang kanyang kilay. Naramdaman ko naman ang pagtayo ng maayos ni Riley sa aking gilid.
"Magandang hapon po!" Buo ang boses ni Riley nang batiin si Daddy.
"Daddy!" masaya kong sabi bago tumakbo papalapit kay Daddy upang yakapin siya at halikan sa pisngi.
Nagulat ako nang nakalapit na rin pala si Riley at nagmano kay Daddy nang bumitaw ako sa aming yakap.
"Aba't sino itong kasama mo Nathen?" mapanghinalang tanong ni Daddy pagkatapos magmano ni Riley.
Magsasalita na sana ako nang hawakan ni Riley ang aking braso upang pigilan sa pagsasalita. Taas-noo niyang tinignan si Daddy. Biglang lumabas ang kanyang pagiging Palermo.
He suddenly looked so powerful that it scared me a little.
"I'm Riley James Palermo," pakilala niya sa kanyang sarili. "Nililigawan ko po ang anak niyo."
Kita ko ang pagkamangha ni Daddy nang magpakilala si Riley sa kanya.
It is because of he courage he showed or because of the surname he said?
"Magulang mo sina Norma at Ronald Palermo" tanong sa kanya ni Daddy at mukhang alam ko na kung ano ang dahilan ng pagkamangha ni Daddy kay Riley.
Kumirot ang aking puso. I didn't want my parents to like him because of his surname or his family.
"Yes, po," sagot naman ni Riley.
Bahagyang napatawa si Daddy at tinapik ang balikat ni Riley.
"Kung gayon ay sino ako para hadlangan ang panliligaw mo sa anak ko," natatawang sabi ni Daddy. "Basta huwag mo lang siyang sasaktan ay ayos na ako."
Gusto kong makilala siya ng pamilya ko bilang Riley James na simpleng lalaking nakilala ko at mahal ko. Hindi iyong bilang anak ng mga Palermo.
Dahil sa pinapakita ng mga magulang kong pagtanggap sa kanya, kaysa matuwa ako ay natatakot pa ako para sa aming dalawa.
Can he not be a Palermo even just for a day?