"Is this the meal that Riley brought you?" Lois asked when he was already near me.
Tinignan ni Lois ang dinalang pagkain ni Riley para sa'kin. Halos pareho lang sila ng dalang pagakin. Siguro ay dahil galing mismo sa hotel ang pagkain. Ang pinagkaiba lang ay may soup ang dala ni Riley kanina, habang kay Lois naman ay wala. It's all dry food.
"Uh... Oo," sagot ko na lang.
"Kumain ka na, Nat," bigla namang sabi ni Tita Edith na hanggang ngayo ay nag-aalala pa rin. "Para makainom ka na agad ng gamot at hindi na lumala pa ang sakit mo."
Binalik ko naman ang tingin ko kay Lois na nakatingin pa rin sa pagkaing dala ni Riley habang tangan-tangan ang hawak na tray. I don't want his effort to be wasted. Alam kong nagmadali pa siya para ipagkuha ako ng pagkain.
"Uhm, Tita, sa'yo na po itong pagkain na 'to," sabi ko kay Tita Edith na bahagya niyang ikinagulat. "Iyong dala po ni Lois ang kakainin ko."
Napalingon naman si Tita Edith kay Lois na dahilan kung bakit muli akong napatingin sa kanya. He was trying to surpress his smile by pursing his lips, while looking at me. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti na lang din.
"Parehas lang naman sila ng dalang pagkain, ano bang pinagkaiba?" pinagtatakang tanong ni Tita Edith.
"Baka po siguro bagong luto lang 'yung akin kaya mas gusto ni Nathen kasi mainit pa, Tita," inunahan pa ako ni Lois sa pagsagot at nagbiro na lamang.
Marahan namang tumawa si Tita Edith. "Palabiro ka pala, Attorney," komento niya.
Kinagat ko naman ang aking pang-ibabang labi upang mapigilan ang sarili sa pagtawa.
"Sige na nga't ako na ang kakain nito," sabi na lang ni Tita Edith at kinuha na ang dala-dalang pagkain ni Riley.
Nilipat niya ito sa kabilang lamesa upang malapag ni Lois ang kanyang dala-dalang pagkain.
"Ay! Itong sabaw ay kay Nathen na lamang para mainitan ang kanyang sikmura," pahabol ni Tita at saka binalik ang mangkok sa lamesa na katapat ko.
Nag-angat naman ako ng tingin kay Lois dahil nahihiya talaga ako sa kanya. I don't want him to think that I'm favoring Riley, when he's the one who saved me.
"That's okay," sabi naman ni Lois at siya na mismo ang naglapit ng soup sa akin. "You need this. I forgot to ask them for some soup. It's a good thing that Riley gave you this."
Simula pa lang ay ramdam ko na ang pagiging maalaga ni Lois. When I first met him, the day he went t our house and discussed about my family's debts, he had that kind of solicitude aura. He wasn't rough, but very considerate. He knew how to balance his attitude. Alam niya kung kailan dapat magseryoso at maging mapaglaro. But I think I kinda like this new side of him—the caring one.
Hinatak naman Lois ang isang upuan patungo sa gilid ng kamang aking hinihigaan.
"Tita, sana po ay okay lang kung pakainin ko si Nathen," pagpapaalam ni Lois kay Tita Edith na ikinalaglag ng aking panga.
Bahagya namang humalakhak si Tita Edith. "Wala naman problema sa'kin 'yon. Basta ba ay ayos lang din kay Nathen," sabi ni Tita Edith.
Lois beamed at me before he got the bowl of soup. Hinalo na ito ng ilang beses bago sumalok sa kutsara at itinapat sa akin.
"It's not that hot anymore. Hindi na nakakapaso 'yong sabaw. Tamang-tama lang," sabi niya sa'kin bago mas inilapit pa ang kutsara sa aking bibig.
"Kaya ko namang kumain mag-isa, Lois. You don't need to feed me," pagtanggi ko naman.
"But I want to feed you," he said. "I've never experienced feeding someone else. I just want to try."
"Sige na Nat. Susubuan ka lang naman, eh," bigla namang pagsingit ni Tita.
Nilingon ko naman siya na ngayo'y ngiting-ngiti habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko'y may iniisip siyang iba sa kabila ng kanyang ngiti.
"Nakakahiya, Lois..." sabi ko naman.
"Oh, Nathen, please don't be,"he said and chuckled. "So... Please, open your mouth na po."
Hindi ko naman mapigilan ang bahagyang matawa dahil sa biglang paglambing ng boses ni Lois na parang bata.
Wala naman akong nagawa kundi ibuka ang aking bibig. Ngiting-ngiti naman niyang isinubo sa akin ang sabaw na tamang-tama nga lang ang init. Agad kong naramdaman ang pagdaan ng init nito sa aking lalamunan hanggang sa kumalat ito sa aking sikmura.
Pinagpatuloy niya ang pagsusubo sa'kin ng sabaw at kahit naiilang ako sa pagbuka ng bibig ay mukhang hindi niya naman napapansin. Masyado siyang focus sa pagpapakain sa'kin.
"Should I also feed you the main—"
"Ako na lang," sabi ko at inunahan ko na siya.
Inilapit ko na sa'kin ang pagkain na dala niya nang maubos ko na ang soup. I won't let him feed me this one. Nahihirapan ako sa sobrang pagkailang habang ibinubuka ko ang bibig ko. Gusto kong makakin ng maayos lalo na't may sakit akom I need to gain strength. Gusto ko pang ipagpatuloy ang shift ko mamayang gabi sa Balsa.
"Anyway, I will fly to Cebu tomorrow with Sabeena," bigla namang sabi ni Lois habang pinapanood niya akong kumain. "We're gonna check our ancestor's land there. We'll be back after three days, I think."
Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sa'kin pero tumango-tango na lamang ako.
"Ingat kayo kung ganoon," sabi ko at ngumiti.
Lois grinned at me before he rested his fist om his cheek to eye on me. I was about to say something when he startled me by reaching my forehead to feel my temperature. Bahagyang nawala ang kanyang ngiti nang maramdaman ang aking init. He exhale a deep sigh before he brought his hand down.
"Dapag pagbalik ko, magaling ka na," sabi namam niya sa akin.
"Oo namam," natatawa kong sabi. "Baka nga mamaya lang o bukas ay wala na akong lagnat."
"Don't be so sure, Nathen. We don't know how life plays with us like we're some kind of game," sabi naman niya sa'kin, seryoso sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Mamaya ay baka mas lumala pa 'yan."
"Pahinga lang ang kailangan ko, Lois. Nang dahil lang naman 'to sa pagod," sabi ko na lang sa kanya.
"Then rest..." he said. "Pagkatapos mong kumain at uminom ng gamot ay magpahinga ka na."
Kung ano ang sinabi niya ay ganoon nga ang ginawa ko. Matapos kong kumain, kahit hindi ko naubos ang pagkain dahil bigla akong nawalan ng gana ay uminom na ako ng gamot bago himiga sa kama ng maayos.
Natapos na rin namang kumain si Tita Edith kaya inasikaso niya na ako. She asked the nurse for a cold compress. Iyon ang nilagay niya sa aking noo upang bumaba ang aking temperatura.
Dahil sa init na dumadaloy sa aking katawan ay nararamdaman ko na ang pagluha ng aking mga mata kaya naman ipinikit ko na ito. Hindi rin sapat ang kumot na nakabalot sa'kin upang maibsan ang lamig na nararamdaman dahil sa centralized room ng infirmary. Nakailang pagpapalit na ako ng posisyon sa kama ngunit hindi ko mahanap ang init na hinahanap ng katawan ko.
"Nilalamig siya..." rinig kong sabi ni Tita.
"Kukuha lang po ako ng comforter sa houseekeeping quarters," sabi naman ni Lois at narinig ko ang pag-usog ng upuan.
Gusto ko man idilat ang aking mga mata upang makita ang kanyang pag-alis ngunit nanghihina ako na kahit pagdilat ng mga mata ay hindi ko magawa.
Narinig ko na lamang muli ang pagbukas-sara ng pintuan hanggang sa makaramdam ako ng init na nagpaayos sa nararamdaman ko. Naging komportable na ako sa aking puwesto hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Nagising na lamang ako dahil sa init. Tinaggal ko ang nakabalot na comforter sa akin at itinira na lang ang manipis na kumot upang malamigan ang aking katawan. Ramdam kong basa na ang aking likuran ng pawis kaya naman idinilat ko na ang aking mata.
Ang ilaw sa infirmary ay naka-dim na. Tanging ang pag-ugong lamang ng aircon ang maririrnig mong tunog sa loob.
Nang makaramdam ako ng kaunting pagkaluskos sa aking gilid ay mabilis ko iyong nilingon.
My lips parted in surprise when I saw that Lois still here with me. Nakaupo pa rin siya sa upuang inuupuan kanina habang nakaulo sa aking kama. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kuwarto, ngunit hindi ko na nakita si Tita Edith rito.
Halos masilaw naman ako nang biglang umilaw ang cellphone ni Lois dahil sa pagtawag ng kanyang pinsan na si Sabeena. His phone's on silent mode kaya kahit niya alam na may tumatawag sa kanya.
"Lois... Lois..."
Inalog-alog ko pa siya upang magising at hindi naman ako nahirapan dahil mukhang mababaw lang ang kanyang pagtulog. Kunting pagyugyog ko lang sa kanya ay agad na siyang nagising.
He slowly opened his eyes, and it immediately found mine. Agad niya namang pinadapo ang kanyang palad sa aking noo nang mamataan ako. He smiled at me. Siguro'y naramdaman niyang hindi na ako masiyadong mainit dahil pinagpawisan na ako.
"Bumama na ang lagnat mo," anunsiyo niya. "Hindi ka na gaanong kainit katulad kanina."
"Uh... Hindi ka pa umaalis magmula kanina?" tanong ko naman sa kanya.
Umayos siya ng pagkakaupo at saka umiling. Ginugulo niya ang kanyang buhok dahil iyon ata ang paraan niya ng pag-aayos ng kanyaang buhok.
"I want to take care of you," he said. "And your Auntie needed to at the port earlier. Tinawagan siya ng Tito mo. Walang maiiwan sa'yo."
Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso nang dahil sa pagiging maalaga ni Lois. I bet his future girlfriend will be so lucky to have him as her boyfriend.
Tumango-tango na lamang ako bago tinuro ang kanyang cellphone. Napataas siya ng kilay sa akin. Siguro'y hindi alam kung ano ang tinutukoy ko.
"Sabeena's calling you earlier..." I told him.
"I know..." sabi naman niya. "Kanina pa siya tumatawag. Noong una'y muntik ka pang magising mula sa pagtulog kaya sinilent ko."
"Sagutin mo na ang tawag niya. Baka kailangan ka ng pinsan mo," sabi ko sa kanya.
"I'm pretty sure that she can take care of herself. And besides, she has Riley with her," he shrugged his shoulder. "You need me more right now that you're sick."
"But I'm fine now," giit ko sa kanya.
His brows shut up. One corner of his lips suddenly lifted as he crossed his arms.
"Really?" paghamon niya sa akin.
"Nahipo mo naman na kanina 'diba?" sabi ko pa rin sa kanya.
Bahagyang nalaglag ang kanyang panga sa aking sinabi bago humalakhak.
"I'm sorry..." he apologized while he was still laughing. "Uhmm... Iba lang ang naisip ko sa sinabi mo. Pero..." he laughed again.
I was about to say something, but his phone lit up again. Naagaw nito ang atensyon ko at nakitang tumatawag ulit sa kanay si Sabeena.
"Sagutin mo na," pagpilit ko sa kanya.
Hindi pa humuhupa ang kanyang pagtawa nang abutin niya ang kanyang cellphone upang sagutin ang tawag ng pinsan.
"Hello," he answered the call. "I'm sorry, cuz, I'm still in the infirmary—Okay... I will. Just wait for me there. Okay. Bye."
Isang malalim na paghinga ang pinakawala ni Lois matapos niyang sagutin ang tawag ng pinsan.
"I'm sorry, Nathen, I have to go now," paghingi ng paumanhin ni Lois at tumayo na. "Sabeena's parents suddenly came home and they're looking for me. Sasama ata sila sa'min bukas at doon muna mag-stay sa Cebu. Kanina pa raw ako hinahanap."
"Okay lang, Lois," sabi ko naman at nahihiya dahil mukhang naabala ko siya. "Masyado na kitang naabala ngayong araw. Baka may mga importanteng bagay ka pala na kailangang gawin."
"You can bother me anytime you want, Nathen. I won't mind," he smiled at me before looking at his wrist watch. "It's almost six in the evening. You should go home now. Doon ka na magpahinga. Ihatid na kaya muna kita?"
Maagap naman akong umiling upang tumanggi sa kanya.
"Ayos lang ako rito. Uuwi na rin ako maya-maya," nakangiting sabi ko sa kanya. "Thank you for today, Lois. Salamat sa pag-aalala."
Kahit mukhang nag-aalangan pa siya sa pag-alis ay muli siyang ngumiti sa'kin bago siya nagpasyang tuluyang umalis.
Hinipo ko naman ang aking noo at leeg upang pakidamdaman ang temperatura ko. Ayos naman na ang pakiramdam ko at hindi na rin ako masyadong mainit. Makakahabol pa ako sa shift ko sa The Balsa. Sayajg din ang kikitain ko kung saka-sakali.
Agad akong bumangon at nagpasalamat sa nurse ng informary bago tumungo sa housekeeping quarters upang maghilamos ng mukha ata ayusin ang aking buhok. Kinuha ko na rin ang gamit ko sa locker bago pumunta sa The Balsa upang makapagtrabaho.
"Oh, Nathen! Akala ko 'di ka papasok!" gulat na sabi ni Lean nang makita akong pumasok sa locker rooom.
Nakabihis na siya ng uniporme at tinatali na lang ang apron sa kanyang baywang.
"Saan naman nanggaling 'yan?" tanong ko sa kanya at kinuha na ang uniporme ko sa loob ng locker upang makapagpalit na rin.
"Sabi ni Ma'am Glenie kanina. Wala ka raw at pati na rin si Laiza. Kulang daw sa tao ngayon kaya kailangan naming mag-adjust," paliwanag niya sa akin.
Bahagya namang napakunot ang
aking noo. Siguro ay nasabihan ni Lois si Ma'am Glenie na baka hindi ako pumasok dahil sa sakit ko.
"Nagkalagnat lang ako kanina pero ayos na ako ngayon," nakangiting sabi ko kay Lean.
Napataas naman ang kanyang kila sa akin. Halos mapaatras ako ng humakbang siya patungo sa akin upang pakiramdaman ang noo ko.
"Medyo mainit ka pa," puna niya. "Kaya mo ba talagang magtrabaho ngayon?"
"Oo naman!" sabi ko.
"Oh, sige. Wala naman akong magagawa kung 'yan ang gusto mo," sabi na lang niya at nagkibit-balikat.
Mabilis akong nagbihis at itinali na rin ang apron sa aking baywang bago lumabas ng locker room. Medyo nagulat pa si Ma'am Glenie nang makita ako ngunit hinayaan na rin akong magtrabaho ngayong gabi.
"Nathen, sa table fifteen ka," utos ni Ma'am Glenie.
"Okay po, Ma'am," agad kong pagsunod sa utos.
I went out of the kitchen, wearing my best smile to serve the customers. But when my eyes darted to the man who's just sitting at the table in front of me, my smiled vanished.
Napaangat naman ng tingin sa akin si Riley mula sa lalaking kausap at agad na dumilim ang kanyang paningin nang makita ako. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at akmang maglalakad na patungo sa naka-asign sa aking table nang biglang may humigit sa aking braso.
Gulat kong nilingon si Riley na ngayo'y hinila ako pabalik sa kitchen.
Narinig ko ang munting pagsinghap ng mga kasamahan ko, lalong-lalo na si Ma'am Glenie na hindi inaasahan ang pangyayari.
"Sir Palermo—"
Hindi pinansin ni Riley si Ma'am Glenie at dire-diretso akong dinala patungo sa locker room. Nang makapasok ay agad niya akong binitawan.
"Get your things and go home," he sternly said.
"May trabaho pa po ako—"
"Putanginang trabaho, Nathen, may sakit ha!"
Halos mapapikit ako sa pagsigaw ni Riley.
"Gusto mo ba talagang sagarin ang sarili mo, huh?" nanggigigil niyang tanong sa akin.
"Ayos na ako!" halos sigawan ko na rin siya pabalik. Wala na akong pakialam kung boss ko man siya.
"Oh, really, huh?" ang tinig niya ay punong-puno ng paghamon.
Nilamon ng kanyang malalaking hakbang ang aming distansya. Napaatras na lamang ako sa mga locker at wala ng nagawa nang nakalapit na siya ng todo sa'kin.
Halos kilabutan ako ng dumampi ang kanyang magaspang na kamay upang damahin ang aking leeg.
"Damn..." he cursed before moving away from me.
Bumuntong hininga siya bago hinilamos ang kanyang palad at pinasahan din ang kanyang buhok. Kinagat niya ang kanyang mapupulang labi habang malalim ang tingin sa akin.
"You're not allowed to work tonight and tomorrow," he stated. "At kapag may sakit ka pa sa makalawa ay hindi ka pa rin papasok, naiintindihan mo ba ako?"
I opened my mouth to object but he raised his finger to stop me.
"I won't hear any objection, Nathen, so just get your things. You'll leave with me," dire-diretso niyang sabi bago humalukipkip upang tignan ako.
Wala naman akong nagawa kundi kunin ang aking gamit. Nauna siyang lumabas at halos padabog naman akong nakasunod sa kanya.
Sobrang tahimik nang makapasok kami sa kanyang sasakyan at kahit nong pinaandar niya ito.
No one dared to talk or start a conversation, but I think it's better that way. I can't help but to be thankful for the presence of silence when I can't think of what to say.
Halos wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa bahay. Agad ko namang sinukbit ang bag ko bago siya nilingon.
"Salamat sa paghatid," nag-aalangan kong sabi. "At sana hindi na 'to makarating pa kay Sabeena dahil baka kung ano ang isipin niya."
His jaw clenched before he turned to me. "I don't keep secrets from her," he told me. "Sinasabi ko sa kanya ang lahat . I don't want her to misunderstand things. I will make her understand."
Bahagya namang napaawang ang aking labi bago tumango-tango sa kaniya.
"Sige... Salamat ulit," sabi ko na lang at tuluyan nang lumabas nang kanyang sasakyan.
Nang masarado ko ang pintuan ng sasakyan ay agad niya na itong pinaharurot pabalik ng resort. I just watched his car vanished as he went farther and farther away.
"Nathen."
Napalingon naman ako sa gate at nakitang naroon si Tita Edith. Lumapit naman ako sa kanya upang magmano.
"Si Riley ba 'yon?" tanong niya sa akin.
Unti-unti naman akong tumango.
Sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi. "Siya ang nagpasundo sa'kin para puntahan ka sa hotel dahil nilalagnat ka raw," sabi ni Tita Edith na aking ikinagulat.
Ang buong akala ko ay si Lois ang nagpatawag kay Tita kanina dahil sabay silang pumasok sa infirmary.
"Nakalimutan kong magpasalamat sa kanya kanina dahil agad siyang umalis pagkadating ko," sabi niya. "Sana ay mapasalamatan mo siya para sa'kin."
I absentmindedly nodded, while my mind travelled to Riley.
She smiled at me before tapping my shoulder. "Pumasok ka na at magpahinga."