Maganda ang aking gising kinabukasan pagkagaling sa isang napakahimbing na tulog. Ang kauna-unahan kong ginawa bago bumangon ay ang paghipo sa aking noo at leeg upang makapikramdaman ang aking temperatura.
The heat that I felt on my skin is only normal as we, humans, are warm blooded beings. We can regulate our internal body temperature. Ang pagiging warm blood natin ang dahilan kung bakit tayo pinagpapawisan. Kapag malamig naman, kahit papaano'y tumutulong ito para uminit ang ating pakiramdam.
I smiled knowing that I'm already fine. I didn't want to be sick anymore because it hinders me from doing something productive.
Nilingon ko ang orasan at nakitang mayroon pa akong natitirang dalawang oras upang makaabot sa tapos ng lunch break. Puwede pa akong pumasok ngayong hapon hanggang gabi dahil ayos naman na ako.
Napatigil naman ako sa pagbangon nang maisip ko si Riley... He told me not to work today and just rest at home. Pero ayos naman na ako kaya sana ay huwag na niyang masamain ang pagpasok ko ngayong hapon. Ang gusto niya lang naman ay huwag akong pumasok kung may sakit pa ako at masama pa ang pakiramdam ko.
Eh, ano naman sa'kin ngayon kung ayaw niyang pumasok ako? Ano naman kung suwayin ko ang utos niyang huwag akong pumasok ngayon?
This is my life. I will stand by my own choices and decisions. I will not let anyone else choose or decide for me. I am the ruler of my own life. The queen of my own little world.
Still... he's my boss and I should obey him, but it doesn't mean that he'll have the last say on what I want to do.
Napakunot na lang ang aking noo habang nakikipagtalo ako sa sarili ko.
Sa huli ay pumanig ako sa sarili kong desisyon. Bumangon na ako mula sa kama at naligo bago nagsimulang gumayak. I will go to work and no one can stop me from doing so.
Bago bumaba ay tinignan ko ang akinh cellphone. I got one message from Lois. Kaninang alas- siyete pa ito ipinadala.
From: Atty. Rojas
We'll by flying now to Cebu. See you in 3 days!
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. I almost forgot that he will go to Cebu with Sabeena today.
Ngumuso naman ako bago nagtipa ng mensahe pabalik sa kanya.
To: Atty. Rojas
Take care!
Itinabi ko ang aking cellphone sa loob ng bag bago tuluyang lumabas ng aking kuwarto at bumaba.
"Papasok ka?" tanong sa akin ni Tita Edith nang naabutan ko siya sa kusina.
Nakangiting tumango naman ako at nagmano sa kanya bilang pag-galang. Inilipat ko naman ang aking tingin sa mga bagong luto na putahe sa aming hapag-kainan. Just in time for lunch. Kakain muna ako bago pumasok.
"Maayos na ba talaga ang nararamdaman mo?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Kung dumito ka nalang kaya ngayon sa bahay. Bukas ka nalang pumasok para tiyak na maayos na talaga ang pakiramdam mo."
"Tita, okay na po ako," muli ko siyang nginitian. "Ilang oras na rin po ang itinulog ko. Kalahating araw na nga po yata. Baka dapuan lang po ako ulit ng sakit kapag nanatili akong walang ginagawa."
"Mukhang wala na akong magagawa sa katigasan ng ulo mo," napailing na lang si Tita at saka ako inabutan ng malinis na pinggan. "Kumain ka na riyan at uminom ka pa rin ng gamot bago pumasok para mas mapanatag ang loob ko."
Maligalig naman akong tumango bago kumuha ng kanin at ilang piraso ng laman sa Adobong baboy na niluto ni Tita. Sumandok din ako ng Pinakbet para may makain akong gulay.
"Hindi pa po kayo kakain, Tita?" muli naman akong nag-angat ng tingin kay Tita. "Sabayan niyo na po ako."
Umiling naman si Tita. "Hihintayin ko pa ang Tito mo. Sabay na kaming kakain."
"Hmm... Sige po," sabi ko na lang at saka nagpatuloy na sa pagkain.
"Nga pala! Huwag mong kalimutan ang magpasalat kay Riley. Sabihin mo ay sabi ko," paalala naman ni Tita sa akin.
Bahagya akong napatigil sa pagkain bago tumango na lamang. Sana lang ay makasalubong ko siya ngayon.
Pagkatapos kumain ay agad akong tumungo sa The Seacoast, sakay-sakay ang aking bisikleta. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang dinadama ang sariwang hangin na tumatama sa akin dahil sa pagtakbo ng bisikleta, baway pagpadyak ko sa pedal nito. Sabayan pa ng tunog ng mga alon sa dagat at ang munting huni ng mga ibon na lumilipad sa himpapawid, talagang nakakagaan sa pakiramdam.
Nature really has its way of calming our chaotic minds and, somehow, fixing our fragmented hearts. When you're immersed into tha beauty of nature, you'll find yourself getting lost in it that you don't even want to escape and just get trapped inside that serene and tranquil world forever.
Sino ba naman ang gustong kumawala sa isang tahimik na mundo kahit na gawa lang ng ating imahinasyon para lamang sa isang magulong reyalidad?
If I were to choose, I would rather live inside my own imagination where there is no pain, misery and heartbreak. It would be a world filled with only felicity.
"Nathen!"
Gulat akong napatingin kay Lean na papalapit sa akin. Siguro'y break niya ngayon kaya wala siya sa Balsa.
"Magaling ka na?" tanong niya sa akin nang makalapit.
Tumango naman ako at ngumuti. "Ayos na ako."
"Mabuti naman kung ganoon!" untag niya bago nawala ang ngiti sa kanyang labi at mas lumapit sa'kin. "Alam mo ba ang nangyari kagabi sa Balsa?"
Napakunot naman ang aking noo. Kung tungkol ito sa paghila sa'kin ni Riley papaalis sa trabaho ay syempre, alam ko.
"Ano 'yon?" kuryoso kong tanong.
"Hindi ba't hinila ka papaalis ni Sir Riley kagabi? Medyo natagalan siya sa pagbalik no'n dahil hinatid ka pa," kwento niya. "Iyong kausap niyang lalaki kagabi ay importanteng businesman. Balak ata no'ng magtayo ng inflatable island dito sa The Seacoast pero nabastusan sa pag-alis ni Sir Riley kagabi sa gitna ng kanilang importanteng pag-uusap."
Bahagya namang napaawang ang aking bibig. He lost a deal with a businessman that can raise the digits of The Seacoast just to take me home.
My conscience started to begin its work, trying to make me feel guilty.
"Narinig kong sinabi no'ng lalaki kay Ma'am Glenie na sabihin kay Sir Riley na maghahanap na lang siya ng ibang resort para sa proyekto na kanyang gustong simulan na dapat ay sa The Seacoast," pagpapatuloy ni Lean. "Mukhang pinagbagsakan ng langit si Sir Riley kagabi, pagkabalik niya ng Balsa lalo na at napagsabihan pa siya ni Ma'am Palermo. Mukhang disappointed si Ma'am kay Sir Riley."
Pakiramdam ko'y pasan-pasan ko ang problema ni Riley. Hindi ko lubos maisip kung ano ang pakiramdam ni Riley nang pagsabihan siya ni Tita Norma.
Riley can alwasy make his parents proud because of his wise decisions and achievements. And now, he just had his big failure when it comes to business because of me that made Tita Norma disappointed in him.
I can't help but to blame myself for it. I'm the one who's at fault. Dapat ay hindi na lang pumasok kabagi o sana'y hindi ko na siya hinayaan pang ihatid ako pauwi at baka naabutan niya pa ang importanteng businessman na 'yon.
"Ano ba ang mayroon sa inyo ni Sir Riley at mukhang alalang-alala siya sa'yo?"
Muli akong nag-angat ng tingin kay Lean na mukhang sobrang kuryoso sa kung ano mang namamagitan sa amin ni Riley.
"Basta ka-eskwela ko lang siya noon at medyo malapit kami sa isa't isa kaya ganoon..." sabi ko nalang.
Ayokong malaman niya o ng kahit na sino ang kung anong mayroon kami ni Riley noon. Ayos na ang malaman nilang malapit kami sa isa't isa noon. Tama na iyon.
"Sige na't papasok na ako. Kita na lang tayo mamaya sa dutu ko sa Balsa," nakangiting pagpapaalam ko kay Lean bago lumihis ng daan patungo sa hotel.
Kaysa dumiresto sa housekeeping quarters pagkapasok ay hindi iyon ang ginawa ko. Lumiko ako papunta sa elevator upang maka-akyat sa second floor. May kasama akong pamilya na naghihintay na mukhang kakacheck-in pa lamang dahil dala-dala pa nila ang kanilang mga gamit.
Nang bumukas ang elevator ay oinauna ko sila sa pagpasok. Agad kong pinindot ang second floor bago nilingon ang pamilyang kasabay ko.
"Anong floor po kayo?" tanong ko sa kanila.
"Eight floor," sagot ng nakakatandang lalaki.
Tumango naman ako at pinindot 'yon. Sakto namang bumukas ang elevator nang agad itong makaakyat sa ikalawang palapag.
"Enjoy your stay at The Seacoast po," nakangiting sabi ko sa kanila bago tuluyang lumabas ng elevator.
Dire-diretso ang aking paglakad sa hallway hanggang sa matunton ko ang office ni Riley at ang sumalubong sa akin ay ang kanyang sekretarya.
"May kausap ba si Sir Palermo sa loob?" pagtatanong ko.
Umiling naman siya at ngumiti sa akin. "Kung kailangan mo siyang makausap ay maaari ka nang pumasok."
"Hindi kaya ay maistorbo ko siya?" nag-aalangang tanong ko.
Muli naman siyang umiling. "Sinasabi naman niya kung ayaw niyang magpa-istorbo. Pero dahil wala siyang sinabi, ibig sabihin ay ayos lang," pagpapaliwanag niya.
Napangiti naman ako. "Salamat."
Agad akong pumihit paharap sa pintuan ng kanyang opisina. Kumatok ako ng tatlong beses upang pangunahan ang aking pagpasok.
Nang buksan ko an pintuan ng kanyang opisina ay kita kong nakaabang na agad siya ng tingin sa aking pagpasok.
He brought his fountain pen down while his jaw clenched as he looked at me.
Bahagya naman akong napalunok nang tumama ang aking mga mata sa kanya. Bagay na bagay talag sa kanya ang magmukhang masungit lalo na habang suot-suot ang kanyang damit pang-opisina.
Napailing na lamang ako sa aking pag-iisip at isinantabi muna ang puri para sa kanya. Hindi naman 'yon ang pinunta ko rito.
"What are you doing here?" he sternly asked me. Punong-puno ng panganib ang kanyang boses. "I clearly told you last night not to work today."
Kahit na bugahan niya ako ng apoy sa pagkainis sa akin dahil sa hindi pagsunod sa kanya ay nakuha ko pang maglakad papalapit sa kanyang lamesa.
"Ayos na ako ngayon," sabi ko naman sa kanya.
Muli namang umigting ang kanyang panga. "Don't give me that damn reason again, Nathen," sabi niya. "Just go home and rest."
"Gusto kong magpasalamat at pati na rin si Tita Edith dahil sa pagpapasundo mo sa kanya kahapon dahil may sakit ako," pasasalamat ko sa kanya at saka ngumiti.
His hard and rough expression suddenly softened while looking at me. The dark aura that he was showing when I got here earlier became clear, as his aura slightly gleamed.
"And also I want to say sorry..." I added.
Mas lalong lumambot ang kanyang ekspresyon at may bakas din ng pagkagulat nang dahil sa aking biglang paghingi ng paumanhin.
"I've heard what happened last night..." I started, and his expression suddenly hardened again.
"It's not your fault," he simply said before looking away from me.
Maagap naman akong umiling. 'Hindi mo na dapat ako hinatid. Hindi mo na dapat iniwan 'yong kausap mo. Importante pala 'yon," sabi ko. "Narinig ko ring napagsabihan ka ni Tita Norma. Pasensya na talaga. Kung gusto mo, kakausapin ko si Tita at pati na rin 'yong businessman... kung nandito pa siya sa Cagayan Valley."
"There's no need to do that," he said. "I can handle that myself. It's my mistake, my responsibility."
"But I'm also responsible for it!" giit ko sa kanya at mas lumapit sa kanyang lamesa.
"Leaving Mr. Zobel and driving you home was my decision. Hindi mo naman ako pinakiusapan o pinilit na ihatid ka pauwi. You're not at fault," paliwanag niya sa akin.
"Still... I want to help, Riley! Pease, just let me help," I tried to plead with him.
Muli naman siyang nag-angat ng tingin sa akin.
"Let's talk to him. Set a meeting today or tomorrow," I told him. "I will be with you."
His lips slightly parted as he stared deeply into my eyes.
For a second, I felt like I was staring into a world that I had been to before, while staring at his melancholic eyes that were looking at me. It was one of the worlds that I've visited where I was happy, contented and loved.
Napabuntong hininga naman siya bago ginulo ang kanyang buhok. He looked away from me before he licked his lower lips. Mas lalo lamang pumula ang kanyang labi nang dahil doon.
"I already set a meeting with him later," he said before turning his eyes back at me again. "You may come with me," he added.
A smile immediately formed on my lips. I will help him close that deal. After all, I was at fault, too. Hindi kayang dalhin ng konsensya ko ang gano'ng nangyari at kailangan mayroon akong dapat gawin