"Baka may mga single pa riyan..." Bumuntonghininga siya nang marinig ulit ang announcement ng emcee. Para namang gusto nitong sumali ang lahat ng mga lalaking single. Nakasimangot siya habang hinihintay na simulan na ni Juan na ihagis ang garter ni Venus para matapos na. "Wala na ba talaga? Sure na ba?" pangungulit pa ng emcee na ikinairap ng mga mata niya sa kawalan. Nakatuon lang ang atensyon niya sa mga paa na tila ba nag-e-enjoy siyang bilangin kung lima ba talaga ang mga daliri sa paa niya. Hindi naman siya nai-excite dahil hindi naman kasali si Luis. Napaka-snob ng loko! Inis niyang usal sa sarili. Naisip niya na isa-walang bahala na lang kung sinuman ang makakasalo sa garter ng bride para isuot sa legs niya. Wala na siyang pakialam, basta ang gusto niya matapos na ang even