Pakiramdam ni Bebe ay parang dinaganan siya ng isang toneladang lupa dahil sa bigat ng katawan niya. Halos hirap siyang gumalaw. Mabibigat din ang talukap ng mga mata niya nang dumilat siya. "Ano ba ang nangyari? Shit..." bulong niya sa sarili, saka pinilit niyang bumangon mula sa pagkakahiga. Lantang gulay siya nang isandal ang likod sa headboard ng kama. Nanginginig pa ang dalawang binti niya nang sinubukan niyang igalaw. Napangiwi siya dahil sa nararamdamang sakit sa gitnang bahagi ng katawan niya. Pakiramdam niya ay na virginan siya ulit. Napasinghap siya at nanlaki ang mga mata nang sumagi sa isipan niya ang nangyari kagabi at kaninang madaling araw. Kaagad siyang napatingin sa kabilang side ng kama. And there, she saw Luis sleeping peacefully. Her eyes travelled to his naked bod