"Bruha ka! Sinasabi ko sa'yo pikutin mo na siya!" litanya ni Mirabella sa kaniya sa kabilang linya. Kausap niya ito ngayon sa cellphone. Ewan niya ba kung bakit araw-araw na lang itong tumatawag sa kaniya para lang maki-tsismis. "Tigilan mo nga ako riyan, best. Alam mong brokenhearted pa iyong tao." Sumimangot siya. "Iyon na nga, grab the opportunity, best. Mahina raw kapag brokenhearted. Hindi nalalabanan ang tukso." Tumawa ito. "Kung ano-ano talaga ang pinagsasabi mo sa akin. Huwag mo nga akong sulsulan riyan!" Umirap siya sa kawalan. "Pero tingin mo, oobra kaya kapag pinikot ko siya?" "Go, best! Alam kong kayang-kaya mo iyan. Isipin mo na lang ang nararamdaman mo sa kaniya. Isipin mo, tatlong taon kang tigang pagkatapos ka niyang ma-virginan kaya pagkakataon muna ito. Ano iyon?