"H-hi," bati ni Bebe kay Luis sa naiilang na boses. Itinaas niya pa ang isang kamay at pasimpleng kinawayan ito.
Gusto na niyang hawakan ang puso niya para pigilan na huwag magwala dahil sa kabang nararamdaman ngayong nakaharap na niya ulit si Luis. It's been three years, at inaamin niyang na miss niya ito. At kahit tatlong taon na ang nakalilipas ay pinipilit niya pa ring kalimutan ang nangyari sa kanilang dalawa.
Kunot ang noo na nakatunghay ito sa kaniya, tila ba pilit nitong binabasa ang nilalaman ng isipan niya. Napansin niya rin ang pag-igting ng panga nito habang matamang nakatitig sa kaniya.
"Bakit naglalakad ka?" tanong nito sa baritonong boses. Wala man lang ngiting sumilay sa labi nito.
Ibang Luis ang nakikita niya ngayon kaysa sa dating Luis na nakilala niya. He's serious and aloof. Nakikita niya rin ang lungkot sa mga mata nito.
Hindi pa ba nito nakalimutan si Lolita? Tatlong taon na, he should move on. Ani ng isipan niya. Parang may naramdaman siyang kakaibang sakit sa puso sa isiping hanggang ngayon si Lolita pa rin ang laman ng puso nito.
Napakamot naman siya sa batok. "Nasiraan kasi ako sa daan, bibisitahin ko sana si Ninang Corazon." Napangiwi siya. Naiilang siya sa klase ng titig na ipinupukol nito sa kaniya.
When he leaped from his horse, her lips parted. Nakatuon lang ang tingin niya sa bulto ng katawan nito na ngayon ay nasa harapan na niya. Napatingala siya rito dahil aminin man niya o sa hindi ay mas matangkad pa ito kaysa sa kaniya. At kahit medyo makapal na ang balbas nito ay nakakaakit pa rin itong tingnan.
"L-Luis..." nauutal niyang sambit dito.
Sumilay lang ang munting ngiti nito sa labi at walang anu-ano'y bigla siya nitong binuhat. Napasinghap siya sa ginawa nito lalo na't wala itong kahirap-hirap na isampa siya sa malaking kabayo nito.
"Ihahatid na kita sa mansion," ani nito sa malamig na boses.
Baka nga namalikmata lang siya sa nakita niya kanina na nginitian siya nito, kasi bumalik na naman ang pagiging seryoso ng mukha nito ngayon.
Hindi na siya umimik pa nang sumampa na rin ito sa kabayo. Nasa harapan siya at nasa likuran niya ito. Napakislot pa siya nang hawiin nito ang sariling buhok na tumatakip sa kaniyang batok at inipon iyon sa kabilang balikat niya.
"Ilang taon ka ngang nawala? Three years?" narinig niyang tanong nito.
Malalim ang tono ng boses nito na siyang nagpapabilis sa t***k ng puso niya.
Nagtanggal muna siya ng bara sa lalamunan bago siya sumagot, "Hindi naman ako nawala, nagbakasyon lang."
Hindi na ito umimik pa. Napakislot na lang siya dahil naramdaman niya ang paggalaw ng kamay nito at paglapat ng katawan sa likod niya, saka banayad nitong pinatakbo ang kabayo na para bang ingat na ingat at baka mahulog siya o kaya matakot.
Pero paano ba siya mahuhulog kung nakayapos naman ito sa kaniya? Nararamdaman niya pa nga ang hininga nito sa kabilang side ng leeg niya.
Pinangarap niya noon na makasakay sa kabayo ni Juan, akala niya siya ang unang babaeng isasakay nito pero ibang babae pala. Hanggang tingin lang din siya noon habang ipinapasyal ni Luis si Lolita sakay sa kabayo nito.
Bumuntonghininga siya, pakiramdam niya tuloy parang naging useless ang pagsu-soul searching niya sa loob ng tatlong taon. Dahil nagmumuni-muni pa rin siya ngayon sa nakaraan.
"What happened, Bebe? Parang naging tuod ang katawan mo ngayon?" puna ni Luis sa kaniya. His voice sounds sexy, lalo na kapag binabanggit nito ang palayaw niya.
Marahan siyang napatawa para hindi ipahalata rito ang pagkailang. "Ang dami mo namang napupuna, Luis! Tigilan mo nga ako riyan!" kunwari'y galit niyang turan dito.
"Pansin ko rin ang gaan mo na, kumakain ka pa ba?" Seryoso ang boses nito.
Umikot naman ang mga mata niya sa ere. Marahas niyang ibinaling ang mukha rito para bigyan ito ng isang nakaktakot na irap pero pinagsisihan niya dahil gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Nakakunot ang noo nitong napatitig sa kaniya. Siya naman ay napaawang ang bibig.
"Pansin ko rin palagi na lang nakabuka ang bibig mo, gutom ka ba?" Nahihimigan niya ang pagbibiro nito kahit naka-poker face.
Nagawa niya pa itong irapan bago niya ibinalik ang mukha sa harapan ng daan.
"Siguro nga gutom ako," mahina niyang usal.
Bakit ba hindi na niya alam kung paano kumilos sa harapan nito ngayon? Tingin niya pa mas lalong lumakas ang s*x appeal nito kahit ang suplado na nitong tingnan,
Hindi na ito umimik pa at binilisann na lang nito ang pagpapatakbo sa kabayo. Naisip niya na baka ayaw na rin siya nitong makasama pa ng matagal. She felt a pang in her heart.
Ang ginawa niya ay nag-focus na lang siya sa tanawin ng hacienda. Na miss niya rin ang lugar, na miss niya ang simoy ng hangin at ang mga puno, pati na ang kulay berding mga damo. Ang malawak at malaking hacienda ng Buenavista ay nagpapatunay lang ng kasaganahan.
Hindi madamot ang pamilya Buenavista lalo na pagdating sa mga tauhan sa hacienda. Maganda ang pamamalakad ni Juan kaya mataas ang respeto ng mga tauhan dito.
Pagdating nila sa mansion ay kaagad siyang tinulungan ni Luis na makababa. Hindi na niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito dahil sa pagiging seryoso.
"Ako na ang bahala sa kotse mo," saad nito bago ito nagmamadaling umalis na para bang may sakit siyang nakakahawa.
Kahit wala na ito sa harapan niya ay nagsa-summersault pa rin ang puso niya. Parang nanghinayang siya na nawala ito sa harapan niya. Parang gusto niya pa itong makausap at kumustahin. Nanghihinang pumasok siya sa loob ng mansion.
"Bebe?" Si Juan na halatang hindi makapaniwalang nakita siya.
"Juan? My gosh! I miss you!" bulalas niya saka nagtatakbo palapit dito.
Akma niya itong yayakapin pero natigilan siya nang lumabas si Venus mula sa recieviing room ng mansion. Nahiya siya dahil baka isipin nito na pinagtatangkaan niya pa ring agawin si Juan hanggang ngayon.
Matamis naman itong ngumiti nang makita siya. Katulad ng dati ay insecure pa rin siya sa ganda nito. Maputi, makinis at balingkinitan ang katawan nito. Kumpara naman sa kaniya na average lang ang height at hindi pa ganoon kaputi. She sighed. Hindi niya masisi kung bakit baliw na baliw si Juan dito.
"Bebe, I'm glad you're here," ani ni Venus saka lumapit sa kaniya at niyakap siya. "Kailan ka dumating? Salamat naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin ni Juan."
She genuinely smile at her. Kung anuman ang naging alitan o asaran nilang dalawa ni Venus noon ay matagal na nilang kinalimutan. Masaya siya para sa dalawa.
"Ako pa ba? Eh, mahal ko si Juan." Ngumisi siya sabay kindat kay Juan. Natawa naman si Venus.
Masuyong hinapit ni Juan si Venus sa beywang sabay halik sa gilid ng leeg nito. Parang gusto niya na lang maging invincible dahil sa inggit na nararamdam. Nakikita niya talaga ang labis na pagmamahal ni Juan dito.
Si Luis kaya?
Parang may pumiga sa puso niya nang maisip si Luis. Nakita niya rin naman noon kung gaano nito kamahal si Lolita. Kaya siguro imposibleng makalimutan ito ni Luis.
"Bebe?" untag sa kaniya ni Venus.
"Ha?" maang niyang usal.
"Ang sabi ko kumain muna tayo, tamang-tama ang dating mo, nagluto ako ng nilaga." Nakangiting saad nito.
Napatingin siya kay Juan, napakamot naman ito sa batok at umiwas ng tingin sa kaniya. Napangiwi siya. Sa totoo lang ayaw niya talaga sa lutong nilaga ni Venus. Hindi niya ma-identify ang lasa kung nilaga ba o sinigang.
Napilitan siyang ngumiti kay Venus, hindi pinapahalata na ayaw niya. Kaya nga napatingin siya kay Juan, nagbabaka sakaling tulungan siya nitong gumawa ng alibi. Pero mukhang wala itong balak.
"Great!" palatak na lang ni Juan na ikinalaki ng mga mata niya. "Alam mo bang gustong-gusto ni Bebe ang nilaga mo, baby? Hinahanap-hanap niya no'ng nasa abroad pa siya."
Kulang na lang ay irapan niya ito. Nilapitan siya ni Juan at inakbayan. Nakangisi pa ito habang iginigiya siya papunta sa kusina.
"Si Ninang, nasaan?" tanong niya rito.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Juan, napalitan ng pag-aalala. Hindi ito umimik kaya tumingin siya kay Venus, ganoon din ang hitsura nito, nakikita niya ang labis na pag-aalala sa mukha nito.
"She's sleeping, Bebe. Kanina kasi bigla siyang hinapo kaya nahirapang huminga." Paliwanag ni Venus.
"Kanina ay tiningnan na siya ng personal doctor ng pamilya, humihina ang katawan ni Mama," ani naman ni Juan, halata sa boses ang lungkot. "Masyado niyang dinamdam ang pagkamatay nina Vince at Lolita."
Maski siya ay nakaramdam ng pag-aalala. "Can I see her? Sisilipin ko lang siya saglit," aniya.
Marahan namang tumango sina Juan at Venus. Nagmadali na rin siyang umakyat sa taas.
Her Ninang Corazon was like a second mother to her. Matalik itong kaibigan ng Mommy niya, at nang magtungo sa Amerika ang ina at ama para doon na permanenting manirahan ay ang Ninang Corazon niya ang naging sandalan niya noon maliban sa Lola niya na siyang kasama niya sa bahay.
Hindi siya sumama sa mga magulang dahil ayaw niya, gusto niyang magtapos ng pag-aaral dito sa probinsyang kinalakihan niya, lalo na't nandito ang mga kaibigan. Kaya naiwan siya sa pangangalaga ng abuela.
Maingat niyang binuksan ang pinto ng silid ng Ninang Corazon niya. Kaagad niya itong nakita na komportableng nakahiga sa kama. Walang ingay siyang pumasok at isinara ang pinto dahil baka magising ito, saka siya lumapit at masuyong hinawakan ang isang palad nito.
Namumutla ang balat nito at halata nga na may dinaramdam na sakit. Kahit tatlong taon na ang nakalilipas magmula ng mamatay sina Lolita at Vince ay hindi pa rin ito naka-recover. Nanghihina siyang napaupo sa tabi ng kama at masuyong hinahaplos ang palad nito. Nakatitig siya sa maganda nitong kamay kahit kulubot na dahil sa katandaan.
Malapit din ito kay Lolita dahil parang anak na rin ang turing nito sa dalaga, lalo na kay Vince na itinuring nitong tunay na apo. No'ng nasa abroad siya at nagliliwaliw ay panay ang tawag nito sa kaniya at pangungumusta. Hindi niya akalain na malungkot pala ito. Hindi niya rin naman alam kung ano ang dahilan kung bakit namatay sina Vince at Lolita. Dahil mas pinili ng pamilya na ilihim sa lahat. Isang aksidente raw ang nangyari.
"Belinda..."
Nag-angat siya ng tingin. Kaagad niyang nabungaran ang nakangiti niyang Ninang. Matamis din siyang ngumiti rito.
"Ninang," usal niya.
Akma itong babangon pero pinigilan niya. "You need to rest, Ninang. Huwag muna kayong bumangon." Masuyo niyang saad dito.
"Sasandal lang ako sa headboard ng kama, hija. Masyadong masakit ang likod ko."
Mabilis niya itong inalalayan para makaupo at maisandal ng maayos ang likod nito. Pagkatapos ay malapad na itong nakangiti sa kaniya.
"Buti naman at bumalik ka na rito sa Cordova, bigla ka na lang pumunta sa Amerika na hindi nagpapaalam sa akin." May himig pagtatampo ang boses nito.
"Pasensya na po, Ninang, hindi na po mauulit." Ngumiti siya.
"Dito ka muna mamalagi sa mansion, hija. Saka ka na umalis pagkatapos ng kasal nina Venus at Juan."
Napaisip siya. Three days from now, ikakasal na sina Venus at Juan. Sa malawak na harden ng mansion gaganapin ang kasal. Hindi niya mahindian ang Ninang, lalo na ngayon na masama ang pakiramdam nito.
"Sige po," aniya.
Umaliwalas ang mukha nito. "Nakaayos na ang guestroom. Kadarating mo lang ba?" Marahan siyang tumangon. Bumuka ang bibig nito saka muling nagsalita, "Magpahinga ka na muna dahil mamaya ay pakikiusapan ko si Luis na ipasyal ka. Wala iyong pasok sa trabaho dahil holiday ngayon."
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito. Marami pa silang napag-usapan. Gusto pa nitong makipagkwentuhan pero siya na ang umawat dahil mukhang pagod na ito.
Bumaba siya sa sala at sakto namang dumating si Luis na siyang nagmamaneho sa kotse niya kaya lumabas siya. Wala man lang itong kangiti-ngiti nang lumabas sa kotse.
"Salamat," aniya rito.
"Naayos ko na ang kotse mo, sa susunod i-check mo ang makina bago ka bumiyahe sa malayo." Pangaral nito sa kaniya na para bang estudyante siya nito.
"Yes, Sir." Nakangiti niyang sagot.
He looked her in the eyes, sending chills down her spine. Napakagat labi siya saka umiwas ng tingin dito. Hindi niya kayang salubungin ang malalagkit nitong titig.
Matagal siya nitong tinitigan na para bang may gusto itong sabihin pero ayaw lang lumabas sa bibig nito. Hanggang sa umalis na lang ito na hindi man lang umiimik.
"He's too broken, Bebe."
Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Juan mula sa likuran niya. Napatingin siya rito, saka mapait na ngumiti.
"Halata naman, hindi na siya ang dating Luis na nakilala ko. Pero tatlong taon na ang nakalipas, Juan, hindi pa ba siya naka-move on?" malungkot ang boses na tanong niya.
Umiling naman ito. "Mahirap kasing kalimutan ang lahat." Napatiim-bagang ito at naikuyom din ang kamao.
Bumuntonghininga siya at pinagsalikop na lang ang dalawang braso. "Sana nga maging okay na siya."
Naramdaman niya ang pag-akbay ni Juan sa kaniya. "Hali ka na sa loob, kumain na lang tayo ng luto ni Venus." Marahas siyang napatingin dito, ngumisi lang ito sa kaniya.
"Hindi ako gutom, Juan." Pagdadahilan niya pero biglang tumunog ang tiyan niya. Gusto na niyang murahin ang tiyan dahil hindi man lang nakikiayon sa kaniya.
Mas lalo lang lumapad ang pagkakangisi ni Juan kaya inirapan niya ito. Hindi naman ito ganito dati na panay ang ngiti, masyado nga itong suplado noon pero ngayon sa nakikita niya ay parang ang saya nito.
Ganoon ba talaga kapag malapit ng ikasal? Siguro nga masaya ka kung ang taong pakakasalan mo ay mahal mo. Napailing na lang siya. Sana siya rin, dumating ang panahon na ikasal siya sa taong mahal niya.
Sumagi na naman si Luis sa isipan niya. Napangiwi siya, saka naisip na hindi naman siya nito mahal. May kasabihan pa naman na mas masakit daw kapag one sided love ang nararamdaman.
Kaya mas mabuti pang tigilan na niya kung ano ang nararamdaman niya ngayon para kay Luis. Natampal niya ang noo. Nakita niya lang si Luis ay nawala na ang tatlong taong binuo niya para lang makalimutan niya ang nararamdaman niya rito.
Akala niya naman ay infatuation lang. Akala niya ay gusto niya lang ito dahil sa nangyari sa kanila noon pero habang tumatagal ay napapansin niyang iba na talaga ang nararamdaman niya para rito.
Hindi kaya mali ang desisyon niya na bumalik sa probinsyang ito?
"Ang lalim ng iniisip mo, hali ka na nga..." untag sa kaniya ni Juan, sabay kaladkad sa kaniya papasok sa loob ng mansion.
Sumimangot siya dahil wala siyang nagawa kung hindi ay hayaan itong kaladkarin siya papunta sa kusina.
Heto na naman sila sa nilagang sinigang ni Venus!
__
Talagang hindi maipinta ang mukha niya habang kausap ang bestfriend niyang si Mirabella. Nag-aayos na siya sa higaan dahil naghahanda na siyang matulog para makapagpahinga na.
"Nagkita na kayo? Ano ang naramdaman mo?" Pangungulit sa kaniya ni Mirabella.
"Wala naman," aniya sa kabilang linya. Nagkibit-balikat pa siya.
"Anong wala naman? Hoy, bruha! Sumagot ka ng maayos!" pagtatalak nito sa kaniya.
She sighed and rolled her eyeballs. "Alam mo, best, wala naman... As in wala! Wala akong maramdaman ng makita si Luis." Napangiwi siya dahil sa pagiging denial niya.
"Talaga lang, huh!" Halatang hindi ito naniniwala.
"Teka nga, bakit ba ang marites mo ngayon sa akin? Tumawag ka lang para maki-tsismis! Magpapahinga na ako." Kunwari'y naiinis siya.
"Hoy, bruha! Sa loob ng tatlong taon talaga bang nawala na ang feelings mo kay Luis? Eh, siya ang naka-virgin sa'yo. Kung ako sa'yo, gawin mo ang ginawa mo rati kay Juan." Para itong demonyo sa kabilang bahagi ng katawan niya.
"Nagbago na ako, bruha ka! Nag-matured na ako, no! Hindi na ako katulad dati na parang bata kung mag-isip." Mataray niyang turan dito.
"Wow naman!" palatak nito, sinabayan pa nito ng tawa. "Huwag nga ako, Bebe, hindi ako naniniwala sa'yo. Baka nga pikutin mo pa si Luis kapag hindi mo kinaya."
"Hoy! Grabe ka naman! Si Juan nga noon kahit baliw na baliw ako sa kaniya, hindi ko pinikot!" palatak niya rito. Gusto na niya itong pandilatan ng mga mata.
"Kasi nga hindi mo pa alam kung paano mamikot noon, bruha ka!"
Gusto na niyang ilayo ang cellphone sa tainga niya dahil sa tinis ng boses ni Mirabella.
"Oo na! Hindi ko pa nga alam noon pero ngayon alam ko na. Kaya pipikutin ko na si Luis," inis niyang biro rito.
Humalakhak naman ito ng tawa kaya napailing siya.
"Baby, I'm ready." Boses iyon ni Travis, ang asawa ni Mirabella, narinig niya sa kabilang linya.
"Oh, bye muna best. Tatawagan na lang kita ulit." Sabik na turan nito sa kaniya saka mabilis itong nawala sa kabilang linya.
Mirabella sounds excited. Napaisip tuloy siya kung ano ba ang ginagawa ng dalawa ngayon. Pinamulahan siya ng mukha sa isiping gumagawa ng milagro ang dalawa. Pero ano naman ngayon? Mag-asawa na naman ang mga ito.
Natampal niya ang noo. Kung ano-ano na ang naiisip niya. Lumapit siya sa pinto nang mapansin niya na bukas pala. Isinara niya bago siya humiga sa kama para magpahinga.
***