Chapter 3

1087 Words
Three Years Later Pinatay ni Bebe ang aircon ng kotse at ibinaba ang magkabilaang bintana. Napangiti siya nang malanghap ang sariwang hangin. Nasa boundary na siya sa probinsya ng Cordova. Grabe ang init sa Manila, kahit naka-todo na ang aircon ng kotse niya, pakiramdam niya ay pumapasok pa rin sa loob ang init ng panahon. This is what she likes in her hometown, sariwa ang hangin na malalanghap mo. Tatlong taon na rin ang lumipas simula nang lisanin niya ang lugar na ito. After what happened between her and her childhood friend, Luis. She decided to travel around the world to find herself, again. She was already 26 years old at that time, pero parang isip bata pa rin siyang mag-isip. Sobra ang pagka-humaling niya sa bestfriend ni Luis na si Juan Buenavista. Napapailing siya at mas lalong napangiti nang maisip si Juan. Ang baliw niya pala noon. Pero sino ba ang babaeng hindi mababaliw sa isang Juan Buenavista? Ito ang tipo ng lalaki na tall, dark and handsome. Muli siyang napailing, buti natauhan siya dahil admiration lang pala ang nararamdaman niya para rito. Akala niya ikamamatay niya ang mapunta sa iba si Juan. Bumuntonghininga siya dahil naalala niya ang isang lalaking hindi niya makalimutan at palaging gumugulo sa isipan niya sa loob ng tatlong taon. Nag-resign siya sa trabaho at sumunod sa mga magulang na nasa ibang bansa. Nag-iisang anak lang siya kaya halos maiyak ang mga ito nang makita siya at makasama. They thought she will stay for good, pero nagliwaliw lang siya. Kung saan-saan na bansa siya napunta, just to find herself and fix it. Dahil magmula nang may mangyari sa kanila ni Luis tatlong taon na ang nakalipas, pakiramdam niya ay may parte ng pagkatao niya ang nawala. It was not about losing her virginity to him. It is about her feelings for him, ang nararamdaman niya rito na kahit ipagpilitan niya ang sarili ay alam niyang walang patutunguhan dahil nakita niya kung gaano kalalim ang pagmamahal nito para kay Lolita na halos sambahin na nito. What happened between them was just a mistake. But she doesn't regret it. Kaya habang maaga pa ay inagapan na niya ang nararamdaman para rito. Baka mas maging baliw pa siya kaysa sa best friend niyang si Mirabella. Speaking of her... Nag-ring ang cellphone niya at ang bestfriend niya ang tumatawag. Ang bruha! Tumawag pa talaga para lang maki-tsismis. Naka-connect na ang cellphone niya sa bluetooth ng kotse kaya in-on niya na lang ito. "Best friend!" tili ni Mirabella sa kabilang linya. "Kumusta ka na? I miss you." She rolled her eyes. Bago siya lumipad pauwi rito sa Pilipinas ay halos araw-araw niya itong kausap sa cellphone. Masaya siya para rito dahil nahanap na nito ang lalaking makakasama habang buhay at iyon ay si Travis. "I miss you, too." Masiglang sagot niya rito. "Nasa Cordova ka na ba?" Halata sa boses ang curiousity nito. "Oo, I'm on my way to the farm." "Are you sure tapos na ang soul searching mo, best?" tanong pa nito. Bahagya siyang natawa, alam niya kung ano ang pinupunto nito. "Best, sa daming bansa na napuntahan ko, sa tingin mo ba hindi ko pa nahanap ang kaluluwa ko?" biro niya rito. "Aba! Malay ko sa'yo. Baka nasa hacienda Buenavista lang ang kaluluwa mo." Tinawanan niya ito. "Bruha ka! Tapos na ako kay Juan. Diyos ko naman, huwag na nating guluhin." Minsan ay bumabalik pa rin talaga kami sa pagiging isip bata pero iba na talaga ngayon. Masasabi niyang nag-matured na siya pero kapag si Mirabella ang kausap niya na loka-loka ay tiyak na mas nagiging lokaret siya. "Hindi naman si Juan baby mo ang tinutukoy ko. Si Professor," ani nito. Halatang may panunukso sa boses nito sa huling sinabi. Napataas ang isang kilay niya, si Luis ang tinutukoy nito. "Best, nagluluksa pa iyong tao huwag na muna nating guluhin." "Tatlong taon na ang nakakalipas, best. I'm sure naman naka-move on na siya, ano!" asik pa nito, saka tumawa. "Akitin mo na, gaya nang ginawa ko kay Travis." Malakas siyang napatawa. Bilib talaga siya sa fighting spirit ng babaeng 'to! "Best, hindi ako bumalik rito para mang-akit ng lalaki. Nadala na ako kay Juan dati, kita mo naman kung ano ang nangyari, hindi ba?" turan niya rito sa nababagot na boses. "Dahil sa gusto kong akitin si Juan, iba ang na-akit." Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa ni Mirabella. Isang malalim na buntonghininga ang narinig niya bago ito muling nagsalita. "Best, nasarapan ka naman, 'di ba?" "Bruha ka talaga!" bulyaw niya rito, pigil ang tawa na gustong kumawala sa bibig niya. Akala niya pa naman seryoso na ang sasabihin nito. Magsasalita pa sana ulit ito pero inunahan niya na. "Mamaya ka na tumawag, nasa loob na ako ng hacienda Buenavista." "Okay, fine. Love you!" "Love you, too." Paalam niya rito. In-off na niya ang cellphone. Madadaanan ang hacienda Buenavista bago makarating sa farm nila kaya naisipan niyang dalawin ang Ninang Corazon niya, pati na sina Venus at Juan. Matagal na siyang pinapa-bisita ng Ninang Corazon niya at saka tinawagan din siya ni Venus bago siya umuwi rito sa Pilipinas na siya raw ang magiging maid of honor sa kasal nila ni Juan. Masaya siya para kay Juan at Venus. Nasa kalagitnaan na siya ng daan nang biglang tumirik ang kotse niya. "Oh, s**t!" bulalas niya, sabay tutop sa noo. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya o maiinis dahil ang tanga niya. Hindi niya man lang napansin na naubusan na siya ng gasolina. Bumaba siya sa kotse para maglakad, baka sakaling makita siya ng mga tauhan sa hacienda at pasakayin siya sa sasakyan ng mga ito. At saka hindi na mainit dahil alas singko na ng hapon. Hindi naman siya mahihirapang maglakad dahil naka- white converse shoes siya, at saka simpleng T-shirt at pantalon. Malayo-layo na rin ang na lakad niya nang may marinig siyang yabag ng kabayo mula sa likuran niya. Napahinto siya sa paglalakad, husto namang huminto ang malaking kabayo sa harapan niya. Tumingala pa siya para tingnan kung sino ang sakay, saglit niyang napigilan ang paghinga nang masilayan ang lalaking sakay sa kabayo. Oh my God! Kahit nakakunot ang noo nito na nakatunghay sa kaniya at wala man lang kangiti-ngiti sa labi, he is still drop-dead gorgeous. Her heart race when she met his gaze. "Bebe." His deep voice sent shivers down her spine. "L-Luis..." sambit niya sa pangalan nito sa nauutal na boses. It's been three years and her feelings for him is still the same. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD