Napabalikwas siya nang bangon dahil may narinig siyang malakas na sigaw. Hindi pa ma-process ng utak niya kung kanino ang boses na iyon pero alam niyang kilala niya. Napatingin siya sa labas ng bintana na hindi na niya nagawa pang isarado kagabi. Hindi pa masyadong halata ang sikat ng araw kaya napatingin siya sa wall clock. Alas singko pa lang pala ng madaling araw. And then, she heard another screams. Ngayon ay kilala na niya kung sino ang sumisigaw, si Venus. Tumayo siya sa kinahihigaan at mabilis na lumabas sa kwarto. Iniisip niya na baka may masamang nangyari rito at wala si Juan. Kinakabahan siya habang papalapit sa silid nito. Nang makalapit ay saka naman dumating si Juan, mukhang galing ito sa labas. Nagkatitigan silang dalawa, mukhang halata ang pag-aalala sa mukha nito. "Ni