Habang binabaybay nila ang daan patungo sa bahay ni Luis ay hindi niya maiwasan na igala ang paningin sa labas. Pansin niya na sa loob ng tatlong taon ay maraming nagbago sa hacienda Buenavista. Ang dating malawak at masukal na kagubatan noon na tinawag nilang wild forest ay wala na, sadyang pinasunog ni Juan at pinatambakan ng lupa at pinabakuran dahil may malaking sapa ang nakapagitan sa kagubatan ng hacienda at sa kabilang dako ng bundok. "Sayang naman, wala na ang wild forest ng hacienda Buenavista. Maganda sana iyon kapag hunting season." Napansin niyang humigpit ang hawak ni Luis sa manibela dahil sa sinabi niya. Nagtagis din ang mga bagang nito. Parang wala na naman ito sa mood kaya nanahimik na lang siya. Alam niyang patungo sila sa plantasyon ng manggahan. May naalala siya d