"Luis!" tawag niya rito nang maabutan niya ito sa labas ng bahay. Nagmamadali itong sumakay sa owner type jeep. "Saan ka pupunta?" Kumunot ang noo nito sa tanong niya. "Ikaw na muna ang bahala rito, babalik din ako kaagad." "Teka lang! Anong oras ka babalik?" Hindi na siya nito sinagot dahil mabilis nitong pinausad ang sasakyan. Mas lalong hindi maipinta ang mukha niya. Mabigat ang loob na bumalik siya sa kwarto at tinawagan si Mirabella. "Oh my gosh!" tili nito sa kabilang linya. Nailayo niya ang cellphone sa tainga dahil sa matinis nitong boses. Sinabi niya rito na biglaan silang ikinasal ni Luis, parang pareho silang dalawang napikot ng Ninang niya. "Best, are you telling the truth?" ulit pa nito sa kaniya. "Oo nga, bruha ka! Kasalanan mo talaga ito!" Napasimangot siya. "Bak