Chapter 9

1097 Words

Mag-iisang oras siguro bago siya nakababa sa sala. Hiyang-hiyang pa rin siya sa nangyari. Halos ayaw niyang salubungin ang tingin ng Ninang niya. May ibang tao pang katabi ang Ninang niya sa upuan maliban sa nanay ni Luis. Syempre kilala niya kung sino ang katabi nito, ang Mayor ng bayan. "Maupo ka sa tabi ni Luis, hija." Malumanay ang boses na saad ng Ninang niya. Kahit nag-aatubiling umupo sa tabi ni Luis ay wala siyang nagawa kundi tumabi rito. Napatingin siya sa nanay ni Luis, tipid naman itong ngumiti sa kaniya kaya napayuko siya dahil sa hiya. Ano ba ang pinasok niyang gulo? Tanong niya sa isipan. Pasimple niyang tiningnan si Luis na hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang mukha. Nakatingin lang ito ng deretso sa kawalan. "Hija, gusto kong kay Mayor na kayo ikasal. Civil na lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD