She fluttered her eyelashes many times. Na para bang sa pamamagitan ng ginagawa niya ay matanggal ang mga mutang nakadikit sa mga mata niya. Bumaling siya sa kabilang side ng kama, ni hindi man lang nagusot ang unan at higaan. Ibig sabihin hindi talaga nahigaan. Hindi ba ito umuwi kagabi? Nakatulog na lang siya sa kahihintay kay Luis. Humikab muna siya bago bumangon at dumeretso sa bathroom. Pagkatapos mag-shower ay nagbihis na siya. Tiningnan niya ang oras sa wall clock, alas otso na ng umaga. Palabas na sana siya ng kwarto nang tumunog ang cellphone niya. Si Mirabella na naman. "Morning," bati niya sa kabilang linya. Walang gana ang boses niya. "Best, ano na? Naitanong mo na ba kay Luis sino si Mary? Kabit niya ba?" Sunod-sunod nitong tanong. "Teka nga, bakit ba ang aga mon