Episode 8

1135 Words

"Sir Allen, bukod po sa ulo niyo, wala na po ba ibang masakit sa inyo? Hindi po ba masakit ang braso niyo, balakang niyo at saka 'yang hita niyo?" Tinaasan niya ng kilay ang driver niya. Halata sa mukha nito na may binabalak itong masama sa kaniya. May sakit siya ngayon dahil naulanan siya kahapon. Hindi kaagad kasi siya nakaligo dahil pag-uwi nila kahapon ay may emergency pa siyang pinuntahan sa ospital. "Ulo lang ang masakit sa akin at iyon ay dahil sa iyo, Angela." Kanina pa siya nito pinupunasan ng basang bimpo sa mukha niya. "Kaya ako nagkasakit dahil sa stress sa iyo at hindi dahil sa naulanan ako." Kanina niya pa ito inuutusan na tumigil na sa kapupunas sa kaniya pero parang wala itong naririnig. "Bakit ako? Inaalagaan nga kita tapos ganiyan pa ang sasabihin mo," wika nito at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD