Episode 9

1637 Words

"Ano'ng nangyari?" takang tanong ni Allen nang makita niyang dumudugo ang noo ni Angela. Hindi lang 'yon dahil pati ang labi nito ay dumudugo rin. Nagpaalam ang lola niya kanina na may pupuntahan daw ito kaya ipinagpaalam nito si Angela sa kaniya na agad naman niyang pinayagan ang huli. "Lola, ano po ang nangyari?" Hindi kasi sumasagot ang driver niya kaya ang abuela na lang niya ang tinanong niya. "Mamaya ka na magtanong, Allen. Kung puwede sana, gamutin mo muna si Angela." "Ayos lang po ako, Doña Lorenza," wika ni Angela habang pinupunasan ang noo nito ng suot nitong damit. "Malayo po ito sa bituka." "Ay, ano ka ba! Kahit malayo 'yan sa bituka ay kailangan mo pa ring magpagamot kay Allen! Aatakehin ako sa iyo sa puso, eh!" "'Wag na po kayong atakehin, Doña Lorenza. Magbibihis lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD